Isang nurse nagpunta sa Opisina ni Claire at sinabing may naghahanap sa kanya. Kahit nag tataka ay pinuntahan parin nang dalaga ang sinabi nang nurse na naghahanap sa kanya. Ganoon na lamang ang gulat niya nang si Rafael at Andrew ang makita niya sa labas nang Neurology Department.
“Rafael?” Anas na wika ni Claire nang makita ang binata at si Andrew na may nakabalot na tuwalya sa kamay. Ang puting tuwalya nito ay naging gulay pula dahil sa mga dugo mula sa kamay nang binata. Simpleng kumaway lang si Rafael sa dalagang doctor saka naglakad papalapit dito kasama si Andrew.
“You know him right?” Tanong ni Rafael kay Claire nang makalapit na sila sa dalaga. Napatingin naman si Claire sa binata. Paano naman niya hindi makikilala ang binata. Ito ang General na pinag-uusapan ngayon dahil sa arrange marriage nito sa pamilya niya at kanina lang ay napanood niya ito sa TV.
“I know him. Pero anong ginagawa niyo dito? Hindi ba dapat sa emergency room kayo pumunta, kailangang magamot ang sugat mo.” Wika Claire.
“It’s too crowded there.” Simpleng wika ni Andrew.
“Siguro naman nabalitaan mo na ang nangyari since it was broadcasted on a national television. Nasa emergency room ngayon ang pinsan mo. Mas magiging magulo kung pati si General Nandoon din. Kaya naman ikaw na ang pinuntahan namin.” Wika ni Rafael. “Ikaw lang ang kilala kung pwede naming malapitan. Can you tend to his wounds?” dagdag pa ni Rafael. Napatingin naman si Claire sa binatang Heneral at sa kamay nitong nakabalot sa tuwalya.
“Doon tayo sa loob.” Wika ni Claire saka napagtiuna papasok . Ngumiti naman si Rafael saka sumunod sa dalaga.
“You didn’t tell me kilala mo pala apo ni Menandro Earhardt.” Wika ni Andrew habang papasok sila.
“We went to the same college.” Simpleng wika nang binata.
“You didn’t tell me.” wika nang binata.
“It’s not that its something that I have to tell you. I was her senior during college. And You know that I am not the type of person to socialize with people. So even If we did go to same college. I might not be able to have memories about it.” Wika ni Rafael.
“What a boring excuse.” Mahinang wika nang binata.
**
Gaya nang sinabi ni Rafael. Marami ngang media at reporter sa Emergency room at nais na makausap si Anica upang malaman kung kilala nito ang dumukot sa kanya. Naroon naman ang task force Wolf at ilang mga pulis upang pigilan ang mga reporter na pumasok sa hospital.
Si Anica na in shock pa rin sa nangyari at dahil na rin sa pag-iwan sa kanya ni Andrew ay nasa isang hospital bed at nakahiga habang may IV na nakakakabit sa kanya. Paulit-ulit na nag rereplay sa utak niya ang nangyari. INiisip niya kung ano bang ugali meron ang binata. Minsan hindi mo akam kung mabait ito sa kanya tapos bigla na lamang na lalamig na parang yelo.
“Anica!” nag-aalalang wika ni Edmund nang pumasok sa emergency room kasama ni Menandro, Alfredo, Melissa , Daniella at Natasha. Nang marinig ni ANica ang boses nang matanda agad siyang bumangon mula sa kinahihigaan.
“Hija. Okay ka lang ba?” Tanong ni Edmund saka lumapit sa dalaga.
“Hindi ka ba nasaktan?” tanong naman ni Menandro.
“Okay lang po ako. Sabin ang doctor kailangan ko lang magpahinga.” Wika ni Anica.
“Pasensya kana Hija sa nangyari. Dahil sa anak ko kaya ka nagkaganyan. Maraming galit sa kanya dahil sa trabaho niya. Mukha ang papakasal niyo ay isang bagay na magdudulot sa iyo nang maraming hirap.” Wika ni Edmund.
“Are you saying we should stop this already?” Biglang wika ni Andrew na dumating kasama si Rafael at Claire. Nang mapatingin sila sa binata Nakita nila ang naka cast na kamay nito.
Selfish Icy General. Wika nang isip ni Anica nang makita ang binata.
“Nakita niyo naman siguro ang nangyari? On a national television gusto niyo bang matapos ang buhay nang anak niyo o apo iyo?” wika ni Andrew.
Bumaling ang tingin nito kay Alfredo at Menandro. “Hindi ko sinasabing huwag niyong tuparin ang kasunduan nang pamilya. Kaya lang, ang nangyari kanina, isa iyong patunay na manganganib ang mga tao sa paligid ko.” Wika nito saka bumaling kay Anica. “Humihingi ako nang despensa dahil sa nangyari. And saying sorry won’t be enough after I put your life and your mom’s life in danger.” Wika nang binata,
Wala namang may nakapagsalita sa kanila at nakatingin lang sa binata.
“Sir.” Wika nito at bumaling kay Edmund. “You were once a soldier. And putting an innocent’s life in danger is something that you wont allow. That goes the same for me. Ayokong maging pasanin ang buhay nang ibang tao dahil lang----”
“That’s enough.” Biglang wika ni Anica saka naupo sa kama na para bang handa nang tumayo.
“I get your point. I think everyone does. And personally, I don’t want to get envolve with your messy life. I was scared like I Was going to die earlier.” Wika nang dalaga habang tumutulo ang luha sa mata. “I didn’t wish for any of this. I just wanted to live with my mom.” Nang dalaga saka bumaling kay Edmund at Menandro.
“Lolo, Mr. Bryant. I’m sorry. I can’t marry a man who would one day be the reason of my death.” Wika ni Anica saka hinubad ang singsing na ibinigay ni Andrew sa engagement nila saka tumayo saka hinawakan ang mobile IV stand saka naglakad papalapit sa binata. Saka kinuha ang isang kamay nito at inilagay ang singsing sa palad ni Andrew bago lumingon sa dalawang matanda.
“Alam kung mahalaga sa inyo ang pangako niyo sa isa’t-isa bilang magkaibigan. I am sorry to fail your expectation.” Wika nito saka bow sa mga matanda habang pumapatak ang luha. Wala namang salitang lumabas sa bibig nang dalawang matanda dahil sa sinabi nang dalaga.
“I think kailangan nating mapag-usapan ito.” Wika ni Menandro kay Edmund. Sumangayon naman ang matanda sa sinabi nang kaibigan.
“For now, please rest.” Wika ni Edmund saka lumapit sa dalaga at hinawakan ang kamay nito. “Don’t think about it for the time being. Magpahinga kana muna.” Wika nang matanda saka inakay si Anica pabalik sa higaan nito.
Nakatingin lang si Andrew sa dalaga habang ikinuyom ang kamaong may singsing.
He is disappointed of what happen. Pero habang nakatingin siya sa dalaga. Hindi niya magawang patawarin ang sarili niya sa nangyari dito. Iniisip niya, kahit sinong makasama niya tiyak magiging pareho ang nangyari sa nangyari kay Anica. Marahil ito ang kapalit nang mga narating niya ngayon. Not that, he is disappointed about being alone. But he is disappointed being a person who would cause trouble to someone. What if it happens to the person he treasures. Anong mangyayari sa kanya?
**
I am sorry to disappoint you sir.” Wika ni Andrew saka inilapag sa mesa ni Edmund ang singsing na ibinigay nito noong engagement nila ni Anica. “I really wanted to fulfil your wishes. Kaya lang hindi kaya nang konsensya ko na makitang may masaktan dahil sa ‘kin. Lalo na ang mga inosenting tao. At sa palagay ko. I am not deserving for the honor to marry your best friends grand daughter.” Wika pa nang binata.
Napatingin naman ang matanda sa singsing saka napatingin sa binata.
“So why are you returning this to me?” tanong nito,
“This is your family’s heirloom sir. How could I----”
“I guess, you got it all wrong.” Wika nang matanda saka kinuha ang singsing. “This is not our family’s heirloom. This belongs to your mom.” Wika nito saka tumingin sa binata. “I mean your real mom.” Dagdag nang matanda saka inialagay muli sa mesa ang singsing saka itinulak patungo sa binata.
“Tinanggap ko ang misyon sa Japan dahil sa hiling nang isang kaibigan bago siya mamatay. And that ring is the only thing she have for her child.” Wika nang matanda.
“Kilala mo ang mga magulang ko?” tanong nang binata at kinuha ang singsing.
“I only knew your mom. She was a good person and that she loves you dearly. ” wika nang matanda.
“Keep that ring. In the future if you wanted to get married give that to the woman you will marry. Tungkol naman sa arrange marriage sa pamilya ni Menandro. Nag desisyon kami na ipakasal si Zane Louie at Daniella. And will also be consider as a merger for both our company’s” wika nang matanda.
“Simula pa lang nang una, hindi ko na dapat ipina pasan sa iyo ang pangakong iyon naming ni Menandro. Sa totoo lang nalulungkot ako dahil, nagustuhan ko na ang batang iyon.” Wika nito na ang tinutukoy ay si Anica.
“I was actually hoping you could marry her. But I think it was just my wishful thinking.” Wika nang matanda. Hindi naman umimik si Andrew. Matapos ang nangyari sa dalaga. Bakit pa niya iisiping magkakaroon nang kasal sa pagitan nilang dalawa. At bukod doon. Iniisip din niyang hindi naman siya parti nang pamilya nila. He was doing everything of out gratitude sa matanda. Ngunit matapos ang nangyari kay Anica. Naisip niyang sa ibang paraan nalang siya magbabayad nang utang na loob.
**
Nagising na si Alice matapos ang dalawang linggo pagkaka-coma. Ngayon ay nagpapahinga na lang ito. Si Anica naman ay umalis na sa mansion nang mga Bryant at bumalik sa condo nila nang kanyang mama. Naging malaking usap-usapan din nang i-anunsyo nina Menandro at Edmund na hindi na itutuloy ang kasal nina Andrew at Anica. Bagkus, sina Zane Louie at Danilla ang ikakasal. Ibinalita din nang mga ito na ito rin ang magiging daan nang merger nang Bryant and Earhardt kingdom.
Nang makalabas sa hospital si Alice saka idinaos ang Engagement nang dalawa na dinaluhan nang mga executive directors nang parehong kompanya at ilan sa mga malalapit na kaibigan nang pamilya. Isang malaking balita ito dahil dalawang maimpluwensyang pamilya ang pag-iisahin sa isang marriage merger. Pinag-uusapan din ito bilang isang Business world marriage of the millenia.
“Ano namang ginagawa mo dito?” asik ni Daniella kay Anica at sa Ina nitong nasa wheel chair habang itinutulak nang dalaga ang ina patungo sa convention hall nang hotel.
“Ang kapal ang mukha niyong magpunta dito.” Wika ni Natasha.
“Hindi naman naming gustong magpunta dito. Pero ----”
“Pero ano? Gusto mong makita na i-engage ako sa taong hindi ko gusto? Is this your way of taking your revenge on me?” asik ni Daniella.
“Of course not. Pina punta kami dito ni Papa.”
“Pinapunta ka dito? Hindi ka parte nang pamilya namin Bakit ko gugustuhing dumalo sa engagement ko ang isang bastarda.” Asik ni Daniell. Dahil sa sinabi nang dalaga biglang napakagat labi ang dalaga. Hindi namna niya gustong pumunta sa engagement na iyon kaya lang nakiusap ang ama niya na dumalo sila bilang isang pamilya.
“They’re with me.” wika ni Andrew na dumating kasama si Rafael at Claire. Sabay-sabay namang napatingin ang tatlong dalaga sa bagong dating.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Natasha.
“Kahit naman hindi na kami engage. We are still acquaintance.” Wika ni Andrew saka lumaipit sa dalaga at pasimple kinuha mula sa dalaga ang control sa wheelchair.
Taka namang napatingin si Anica sa binata. Noong nakaraang mga araw ni hindi siya kinakausap nang binata. Kahit noong ihatid siya nito pabalik sa Condo nang ina niya. Hindi siya nito kinibo kaya naman nagtataka siya sa ikinikilos nito ngayon.
“Claire. Kelan pa kayo naging malapit sa isa’t-isa?” Tanong ni Daniella.
“We are not close. We just happen to have a common friend.” Wika ni Claire saka napatingin sa binatang si Rafael.
“General, bakit naman pumayag ka na pamankin mo ang pumalit sa -----”
“I don’t have plans in marrying anyone. Siguro naman alam mo na ang dahilan.” Wika nito saka tumingin kay Anica.
“It’s a normal thing. bEing a general’s wife. Ang totoo niyan, I am----”
“Don’t say it that way. Kahit na isang marriange for family satisfaction lang ang kasal ninyo ni Zane. He is a good man. He deserve---”
“I know.” Agaw ni Daniella saka tumingin kay ANica. “Let’s go.” Wika ni Daniella matapos bumuntong hininga at hinawakan ang kamay ni Natasha saka inakay patungo sa loob nang bulwagan.
“I think we should enter as well.” Wika ni Claire. Tumango naman sina Rafael at Andrew.
“Mauna na kayo sa loob.” Wika nito saka ibinigay kay Rafael ang control sa Wheel chair nang ina ni Anica. Saka bumaling sa binata. “Let’s talk.” Anito.
“Huh, What’s there to talk. Ilang araw mo akong hindi pinansin ngayon ay gusto mong mag----” naputol ang sasabihin ni Anica nang hawakan ni Andrew ang kamay niya. “Hey. Let go.” Wika nang dalaga saka tinangkang iwaksi ang kamay nang binata.
“Andrew sa loob na kami mag hihintay.” Ngumiting wik ani Rafael. “Let’s go Ms. Sutherland. Hayaan nating mag-usap ang love birds.” Wika nito at itinulak ang wheelchair. Tumango naman si Alice at ngumiti.
“Hey! Anong love birds. Ma!” habol ni Anica ngunit hindi siya nakasunod dahil hawak pa rin ni Andrew ang kamay niya. Inis siyang napatingin sa binata.
“Talk!” wika nang dalaga saka padaskul na humarap sa binata.
“Not here.” Wika nang binata saka inakay si Anica papalabas nang hotel.
“Hey!” wika ni Anica habang papalabas sila nang Hotel. “Ano ba nasasaktan ako at isa pa magalan mo ang papalakad mo.” Reklamo nang dalaga.
“Just shut it. O baka naman gusto mong kargahin na kita?” asik nang binata saka huminto at lumingon sa dalaga.
“Tatahimik na.” wika nang dalaga saka napakagat labi. You really are living up to your name demon General. WIka nang isip nang dalaga.
**
Palabas na sana sila nang Hotel nang biglang tumunog ang celphone ni Andrew. Biglang napatigil ang binata saka kinuha ang celphone sa coat niya. Doon lang niya napansin nan aka suit ang binata. Noong naunang dinner sabi nito hindi bagay sa kanya ang suit pero ngayon ay nakasuot ito nang suit.
“Hey you can let go.” Mahinang wika ni Anica na pilit na kumawala sa pagkakahawak nang binata ngunit hindi ito natinag sinagot nito ang tawag habang hawak parin siya nito.
“Ngayon na?” Tanong nang binata saka tumingin sa dalaga. Napasingkit naman ang mata nang dalaga nang makitang nakatingin sa kanya ang binata. “Roger that.” Wika nang binata na nakatingin parin sa kanya saka pinatay ang celphone.
“M-mukhang importante ang tawag mo.” Alangang wika nang dalaga sa binata.
“It’s a mission.” Simpleng wika nang binata saka binitiwan ang kamay nang dalaga. Napatingin naman si ANica sa kamay niyang binitiwan nang binata. It was as she was disappointed. Was she looking forward na mag-usap sila ni Andrew?
“I guess you have to go?” Tanong nang dalaga sa binata. Bigla siyang natigilan nang mapansin na nakatitig ang binata sa kanya. Kakaibang titig kumpara sa malalamig na tingin nito. It was as he has something to say.
“General!” wika ni Rafael na lumabas mula sa bulwagan at nagmamadaling lumapit sa kanila. Mukhang nakatanggap din ito nang tawag.
“I have to go.” Wika ni Andrew sa dalaga. Simpleng tango naman ang sinagot nang dalaga sa kanya. Nabigla pa si Anica nang biglang ilagay ni Andrew ang kamay nito sa ulo niya.
“I’ll see you when I get back.” Wika nang binata sa kanya. Tango lang ang sinagot nang dalaga. Walang salitang lumalabas sa bibig niya. At tila ba nakalimutan niyang galit siya sa binata dahil sa hindi nito pagkausap sa kanya.
“Mauna na kami Anica.” Wika ni Rafael sa dalaga.
“Stay safe.” Wika ni Andrew sa dalaga saka sumunod sa binata.
Be careful. Wika nang isip ni Anica ngunit hindi niya iyon naisatinig. Napatingin na lamang siya sa binatang lumabas sa hotel. Napabuntong hininga ang dalaga saka naglakad pabalik sa convention hall nang hotel.
**
Ma!” wika ni Anica nang dumating sa flower shop nang mama niya. Nakita niyang inaayos nang mama niya ang mga bulaklak nito sa labas nang tindahan at nagbubuhat nang mabibigat na lalagyan nang Bulaklak. Dalawang buwan na simula nang mangyari ang insidente sa flower shop nang mama niya. Nagagawa na nitong kumilos mag-iwas Ngunit pinayo nang doctor na mag-ingat parin ito lalo na ang mag buhay nang mabibigat.
“Doon na kayo sa loob ako nang gagawa nito.” Wika ni Anica sa mama niya saka kinuha ang dala-dala nitong malaking vase na may lamang bulaklak.
“Anica.” Gulat na wika nito saka binitiwan ang dala. “Wala ka na bang pasok?”
“Tapos na po.” Wika nang dalaga sa ina niya. “Sabi ko naman sa inyo, huwag niyo munang buksa ang shop.” Wika nang dalaga.
“Ano ka ba naman. Kaya ko na. Isa pa kung wala akong gagawin baka mabagot lang ako sa bahay.” Wika nang mama niya.
“SIge na po doon na kayo sa loob. Ako nang mag-aayos nito.” Wika ni Anica saka inilapag ang vase saka inakay ang ina niya papasok sa loob nang shop. Napangiti lang si Alice habang marahang itinutulak nang anak niya papasok nang shop. Nang makapasok ang mama niya sa Shop. Inilagay lang ni Anica ang bag niya sa counter saka muling lumabas saka inayos ang mga display na bulaklak sa labas. Habang abala siya sa ginawa niya hindi niya napansin na may paris nang mga pa ana papalapit sa kanya.
Habang inaayos niya ang mga bulalak. Kinakausap din niya ang mga ito at sinasabing dapat mang-akit sila nang mga mamimili dahil kung hindi ay malalanta sila sa vase na iyon.
“Don’t you think these flowers will be sad because you’re threatening them.” Wika nang boses sa likod nang dalaga. Dahil sa biglang narinig nang dalaga at napaigtas ang dalaga sa gulat.
“Gosh, you startled me.” wika ni Anica na agad napatingin sa nagsalita dahil sa bigla niyang paglingon hini niya napansin na nakatayo sa tapat niya ang nag salita. Lalo pa siyang nagulat nang mukha ni Andrew ang Nakita niya.
Dahil sa biglang paglingon ni Anica hindi niya namalayan na nakadukwang sa kanya ang binata. Nang lumingon siya at halos magtama ang mukha nila.
Biglang napaatras sa gulat ang dalaga at sa pag-atras niya tumama siya sa vase at Nawala nang balance. Mabuti na lamang at naging maagap ang binatang nasa harap niya at agad na hinapit ang bewang niya upang hindi siya mabuwal saka kinabig papalapit sa dito.
Dahil sa ginawa nang binata, biglang dumantay ang kamay nang dalaga sa dibdib nang binata dahil na rin sa gulat nang dalaga sa ginawa ni Andrew. Taka naman siyang nakatingin sa mukha nang binata. Nakasuot pa ito nang Uniporme.
Ito ang unang beses na pagkikita nila matapos itong umalis para sa misyon nito. Isang linggo din siyang walang naging balita sa binata. Hindi niya akalaing makikita niya ito na nakasout nang uniporme at ano naman ang ginagawa nito sa shop nila.
“You should be careful. These flowers won’t like being crashed after you just talk to them.” Wika nang binata habang nakatingin sa mukha niya.
“Huwag kang parang kabute na susulpot bigla.” She said after clearing her throat saka pa simpleng itinulak ang binata. “Ano namang ginagawa mo dito?” Tanong nang dalaga saka bahagyang lumayo sa binata.
“I thought I said we will talk when I get back.” Wika ni Andrew sa dalaga. Taka namang napatingin si Anica sa binata.
Did he just came back from his mission? Kaya ba naka uniporme pa ito? Tanong nang isip nang dalaga habang nakatingin sa binata.
“Say, kakagaling mo lang ba sa misyon niyo?” Tanong ni Anica sa binata. “Wait!” wika nang dalaga at itinaas ang kamay sa tapat nang bibig ni Andrew. “You don’t have to answer. Kung may sasabihin ka sabihin mo na marami pa akong ginagawa.” Wika ni Anica saka muling bumaling sa mga bulaklak.
“Move.” Wika nang dalaga sa binata habang dala ang isang malaking Vase naililipat sa kabilang bahagi nang Shop. Ngunit hindi nakadaan ang dalaga dahil biglang inagaw nang binata ang dala niya.
Pinapanood lang ni Anica ang binata habang binubuhat nito ang mga vase patungo sa kabilang bahagi. Ang ilang mga dumadaan ay napapatingin din sa binatang naka uniporme na nagbubuhat nang Vase.
“Meron ka pa bang------”
“Why are you doing this?” tanong nang dalaga sa binata nang lumapit ito sa kanya upang tanungin kung may ipapabuhat pa ito. Biglang natigilan ang binata dahil sa tanong nang dalaga.
“Sa totoo lang, you are confusing me with your actions. You are suppose to be an Icy cold demon general. Doing these kind of thing is not likely you. Maraming tao ang nakatingin, baka sabihin nilang inaabuso ko ang isang officer. Paano kung may makakilala sa iyo?” wika nang dalaga.
“I told you. We need to talk. The faster you are done with your chores. The faster we can---”
“Just say it. ANo bang gusto mong pag-usapan natin. I don’t mean to be rude. General pero sapalagay ko wala na tayong dapat pag-usapan. Naayos na ang bagay sa pagitan nang pamilya natin. Na sa palagay ko ay tama lang. Ang totoo niyan. Ayoko talagang magpakasal. Hindi ko gusto ang tingin nang mga tao sa ‘kin at sa mama ko. Kahit anong gawin ko. I am always the mistress’ Daugther.” Wika nang dalaga. “Natatakot akong malagay sa panganib ang buhay ko at nang mama ko. Habang nakalambitin sa crane. I realize na kung makakasal ako saiyo. Mapapadali ang buhay ko. That’s why I was thankful na ikaw na mismo ang pumutol sa ugnayan na iyon.” Dagdag pa nang dalaga.
“I think we share the same sentiment. The reason why I wanted to talk to you is to personally apologize for all the troubles. Nalagay sa panganib ang buhay niyo dahil sa akin. I can’t find the words to express how sorry I was because of what happen.”
“Huwag mo nang isipin iyon. Ligtas na naman kami ni mama. At dahil wala na ang arrange marriage natin tiyak na babalik na sa dati ang buhay namin. I’m sure hindi na naman kami gagawing target nang mga kalaban mo diba?”
“Don’t worry, Hindi na mangyayari iyon.” Wika nang binata.
“Mabuti. So I guess this is the last time we will see each other. General.” Ngumiting wika nang dalaga saka inilahad ang kamay sa binata. Napatingin naman ang binata sa kamay nang dalaga. Saka tinanggap iyon. Naramdaman naman ni Anica ang marahang pagpisil ni Andrew sa kamay niya.
Why are you disappointed? Ito naman ang gusto mo. Wika ni Anica sa sarili. Hindi niya maintindihan. Naattach na ba siya sa binata at ganito ang reaskyon niya?