The Bride in Distress

4575 Words
How’s your fiancée?” tanong ni Rafael. Kasalukuyan silang nasa isang Video call. Napatingin si Andrew sa dalagang natutulog sa kama. Matapos itong makaligo ay agad na itong natulog dahil siguro sa pagod kaya agad itong nakatulog ngunit nakikita ni Andrew ang mga luha sa mata nang dalaga. “She just fall asleep. Any news?” tanong ni Andrew. “Tiningnan namin ang buong paligid to check some clue. But we find no traces of the assailant. Malinis ang lugar CCTV were destroyed. Mukhang pinag planohan nang maayos ang nangyari. If we look into what happen, we can say na pwedeng mga kalaban nang pamilya o mga taong galit kay Alice. She was an actress before right?” Ani Rafael. “I doubt that. Check the image I sent.” Wika ni Andrew na ang tinutukoy ay ang picture nang sulat na natanggap ni Anica. “You think this is related to you?” tanong ni Rafael matapos Mabasa ang laman nang sulat. “Reading the content of the letter. It is. Kung iisipin. Kung mga kalaban nang pamilya o taong galit ka Alice, bakit ngayon sila aatake?” “And because your image was publicize because of the marriage announcement. Ang mga taong nakalaban mo ang iniisip mong dahilan kung bakit inatake si Alice? Pero bakit siya?” Tanong nI Rafael. “The marriage is nothing that a family arrangement. If they want to destroy me. they will attack those that is more vulnerable and will highly likely to turn their back on me.” “And you think it’s Anica?” tanong ni Rafael. “Think about it. Kung malalaman ni Anica sa ako ang dahilan nang pakakapahamak nang mama niya. She will despise me and would probably cancel this wedding. As you have mentioned before. Exposing my identity to the public would mean danger.” Wika pa ni Andrew. “Anong gagawin mo ngayon?” Tanong ni Rafael. “You can’t cancel the wedding because this is your father’s honor that is on the line. But you can’t put an innocent life in danger.” “For now, let’s find the person responsible for this attack. I will send a footage. Ask the special unit to analyze it and look for that child.” Wika pa ni Andrew. Na ang tinutukoy ay ang footage sa hospital kung saan iniabot nang bata ang sulat kay “Copy that.” Wika pa ni Rafael. Nang i-off ni Andrew ang monitor nang laptop niya matapos ang video call nila Rafael. Napatingin si Andrew sa dalaga. Nang makita niya itong tila hindi mapakali. Agad siyang tumayo mula sa kinauupuan at lumapit sa dalaga. “You’re having nightmares huh.” Wika nang binata saka hinawi ang buhok nan aka tabon sa mukha nang dalaga. “Ma.” Mahinang usal nang dalaga. Nakita din ni Andrew ang luhang pumatak sa mata nang dalaga. “It’s okay now. I’m here.” He said as he pats her shoulders. Bigla pang nagulat ang binata nang biglang hawakan ni Anica ang braso niya saka niyakap ito. Dahil sa ginawa nang dalaga bilang nabuwal ang binata papalapit sa dalaga. “Don’t go.” Wika nang dalaga. “Silly girl. Just sleep.” Wika ni Andrew saka nahiga sa tabi nang dalaga. Hinayaan niyang yakapin ni Anica ang isang kamay niya while his other hand pats hers shoulders. Na para bang pinahihinahon ang dalaga. Ilang sandali din niyang tinapik ang balikat nang dalaga. Patuloy niyang Nakita ang pagtulo nang luha sa mga mata nito at balisa ang mukha. Minsan nga ay umungol itong parang binabangungot. “You should only be dreaming of nice things.” Wika nang binata saka hinawi ang buhok sa mukha nang dalaga upang malayang mapagmasdan ang ukha nito. “Try not to think about it that much. ” wika nang binata habang patuloy na tinatapik ang balikat nang dalaga. Maya-maya pa ay huminto na ang pagtulo nang mga luha sa mata nang dalaga at unti-unti ang balisang mukha nito ay nagiging panatag hanggang sa tuluyan nang naging payapa ang tulog nang dalaga, Nakatitig lang siya sa dalaga hanggang sa dalawin siya nang antok. Nagising si Anica nang maramdaman ang maka bisig na nakayapos sa kanya. Nang magmulat siya nang mata ang natutulog na mukha ni Andrew ang agad niyang nasilayan. Sa gulat nang dalaga ay agad niyang naitulak nang malakas ang binata dahilan upang mahulog ito sa kamay sabay bangon at pag-upo niya sa kama. Si Andrew naman na nahulog sa kama ay agad na nagising at gulat na napatingin sa dalaga. “You---- How could you take advantage of me while I was sleeping. Hindi ka lang pala Icy Demon General you are also a perv---” biglang naputol ang sasabihin ni Anica nang biglang tumayo si Andrew. “What a nice way to say thank you after I lend you my arms while you cry on your sleep.” “You didn’t do anything?” tanong nang dalaga. “I am not desperate to take advantage of a child.” He said coldly. “My arms are numb, you ungrateful child.” “Child?” di makapaniwalang wika ni Anica. “Did you just call me a child?” tanong nang dalaga. “It’s just us in this room. Who else would it be?” anang binata. “You….” Inis na wika Anica saka binato nang unan ang binata with his reflex agad namang sinalo nang binata ang unan na binato nang dalaga. “It’s good to see you are this energetic again. Are you feeling okay now?” Tanong nang binata nang saluhin ang unan sabay tingin sa dalaga. Bigla namang pinamulahan ang dalaga. He is talking on a cold voice but why is his word so warm? “I-I’m Okay.” Saka naupo nang maayos sa kama. “About that letter.” Wika ni Anica saka tumingin sa binata. “Just forget about it. I’ll take care of it.” Wika nang binata saka ibinalik sa kama ang unan saka naglakad patungo sa loob nang banyo. *** Dumating si Andrew sa kampo at doon sinabi ni Rafael sa kanya ang tungkol sa natuklasan nila tungkol sa bata sa footage. Sinabi din ni Rafael na miyembro ang batang iyon sa mga street kids nang isang sindikato na nakalaban na noon ni Andrew. “Mukhang tama ang sinabi mo.” Wika ni Rafael kay Andrew. “Red Skull is a very dangerous group. Natigil ang operasyon nila 3 years ago matapos masakuti ang mean head quarters nila. Which you lead the operation.” Wika ni Capt. Trish Fernandez. Isang bago miyembro nang Task force wolf at mula sa police forces. Isa ito sa magaling na kapitan nang police force at ipinadala upang sumali sa task force Wolf. “They are taking their revenge on you by attacking your soon to be wife.” Wika ni Rafael. Hindi naman lingid sa kaalaman nang pitong bagong miyembro ang tungkol sa pagpapakasal ni Andrew. Kung hindi dahil sa balita sa TV hindi nila malalaman kung sino ang sikat na demon General. Dati sa mga news lang nila naririnig ang mga ginagawa nito at achievements but never did he appear and show his identity until that engagement. It was not him as well na nag bunyag sa identity niya kundi ang mga magulang nila. “Sa ngayon, let’s observe on what they are up to. Captain Ramirez. Create a group for stakeout. And observe them 24/7. This will be your test for surveillance.” Wika ni Andrew. “Yes sir.”Sabay-sabay na wika nang pito. “Don’t do anything and just observe them.” Dagdag pa nang binata. “Roger that sir.” Matapos ayusin ni Andrew ang ilang paper works sa kampo ay muli siyang nagtungo sa hospital sinabi niya kay Anica na sasamahan niya ito sa pagbabantay sa mama niya. ** Nailipat na si Alice sa private room nito at malayo na rin sa piligro ang ang buhay niya bagay na ipinagpasalamat naman ni Alfredo. Nang dalhin si Alice sa silid nito. Halos araw-araw nandoon si Anica upang bantayan ang ina niya. Habang pinupunasan niya ang kamay nang mama niya isang tawag mula sa isang unknown number ang natanggap ni Anica. Nang sabutin ni Anica ang tawag isang lalaki ang nasa kabilang linya. “Kumusta ang mama mo Little demon’s Bride? Kasama mo pa rin ba ang demon general?” tanong nang lalaki sa kabilang linya. Biglang na hintakutan si Anica sa tawag na iyon. “Si-sino ka? Anong kailangan mo?” Matapang na wika nang dalaga. “Huwag kang mag-alala. Hindi naman kita sasaktan, iyon ay kung susundin mo ang sasabihin ko. Layuan mo ang demon general bago pa buhay mo o nang pamilya mo ang maging kapalit. Wala siyang mabuting maidudulot sa iyo. Hindi mo ba alam na siya ang dahilan kung bakit nasa hospital ang mama mo? Kung hindi ka pumayag na maging asawa niya hindi ka sana nasa panganib ngayon. Hindi magiging payapa ang buhay mo kapag kasama mo siya. Hindi lang ako, marami kaming susunod sa iyo just to get our revenge. Kung mahal mo ang buhay mo. Layuan mo ang Demon General.” Wika nang lalaki saka pinatay ang telepono. Ang tigalgal na mukha ni Anica ang inabutan ni Andrew. Nang pumasok si Andrew. Nakita niyang may kausap ni Anica sa telepono at namumutla ang mukha nang kunin niya ang telepono sa dalaga at sagutin ito agad namang pinatay nang tumawag ang kabilang linya. Sinubukan niyang mag return call, pero unattended na ito. Agad naman niyang ipinadala kay Rafael ang number upang I-trace. “Are you okay?” tanong ni Andrew at hinawakan ang braso ni Anica. Ngunit bigla siyang nagulat nang biglang umiwas sa kanya ang dalaga saka Nakita ang takot na mga mat anito. “Ang gumawa ba sa mama mo nito ang tumawag saiyo?” Tanong ni Andrew sa dalaga. Simple namang tumango ang dalaga. “He said, this will just be the beginning. He is angry towards you but he made another person suffer? That’s unfair. Wala namang ginagawa ang mama ko.” Wika ni Anica saka tumulo ang luha sa mata. Akmang aabutin nang binata ang dalaga upang pakalmahin ito ngunit pinigilan niya ang sarili niya. “He said, it’s because of you that my mom is like this. Anong kinalaman namin sa gulo niyo.” Galit na wika nang dalaga. “I don’t want any of this in the first place. I was forced to accept this marriage because they are hurting my mom. But nothing was resolve. Sa huli, it will be us who will suffer.” “I will make sure to rectify everything an put everything to where it was before. I am sorry na nadamay kayo nang mama mo. It was never my intension.” Wika ni Andrew saka inilagay ang kamay sa ulo nang dalaga. “I will keep my words. To protect you.” Wika nang binata saka tumalikod. Hindi paman nakakapagsalita si Anica ay tumalikod na ang binata saka umalis. Put everything to where they are before? Ano namang ibig niyang sabihin? Uurong siya sa kasal? Dahil sa mga nangyari? That’s not a likely move from a demon tactician. Wika nang isip nang dalaga. Ilang sandali din siyang nakatayo hanggang sa mapagtanto niya kung anong ibig sabihin ni Andrew. Agad siyang tumakbo sa may pinto upang sundan ang binata ngunit nang buksan niya ang pinto ay isang lalaki ang sumalubong sa kanya sabay Suntok sa sikmura niya dahilan upang mawalan siya nang malay. Bago siya lamunin nang kadiliman ay Nakita niyang nakahandusay sa sahig ang dalawang Sundalo na inutusan ni Andrew na magbantay sa silid nang mama niya. ** Nagkakagulo ang mga tao sa ibaba nang isang kino-construct na building nang makita ang isang dalaga na nakatayo gilid nito. Ang pumipigil sa dalaga upang hindi mahulog ay ang kadena nakakabit sa crane na nasa itaas nang dalaga. Ang sitwasyon na iyon ay naka live telecast din. Maraming mga reporter and dumating sa pinangyayarihan nang insidente at ilang mga pulis. Ngunit walang makalapit sa dalaga dahil sa monitor na katabi nang inaayos na building naka broadcast din ang isang lalaking naka maskara nang isang Dyablo. Habang ang boses ay binago nang voice changer. Mula malaking monitor, sinabi nang lalaking naka maskara na ang pwede lang umakyat sa kino-construct na building ay ang Demon General na si Brig. Gen. Andrew Bryant. Sinabi nitong kung may ibang magtatangka na iligtas ang dalaga. Hindi ito magdadalawang isip na ihulog ang dalaga sa building. Dahil san aka telecast ang mga nangyayari. Nalaman nang Pamilya Earhardt at Byrant na ang dalagang nasa bingit nang panganib ay si Anica. Si Alfredo na napanood ang nangyayari sa anak ay nagpunta sa lugar kung saan naroon ang anak niya kasama si Meynard. Lahat nang nakakapanood sa nangyayari nag-aabang sa susunod na mangyayari. Sinabi nang lalaki sa Monitor na kapag hindi dumating ang General sa loob nang 2 oras ihuhulog nito ang dalaga sa building. Isang grupo nang POLICE ang lumapit sa building at nagtanggkang pumasok ngunit nasa bukana pa lamang sila nang pinto ay pinagbabaril na sila nang isang Sniper na nakatago kung saan. Dahil san ang nangyari nagkagulo ang mga sibilyan na nakikiusyuso. Agad namang Rumesponde ang dumating na sundalo upang ilayo ang ilang sibilyan at mga reporter. Ang mga nasugatan naman na mga pulis ay agad na sinaklolohan nang ilang sundalo at isinakay sa ambulansya. Dahil sa nangyari. Muling nagbanta ang lalaki sa monitor na kung muli magtatangka ang mga ito na lapitan ang building na wala ang General ay Ang buong gusali mismo ang pasasabugin nang lalaki. Ipinakita din nito mula sa monitor ang ilang bahagi nang gusali na may nakakabit na bomba at ang kina tatayuan na kahoy nang dalaga maging ang Crane ay mag bomba din. “Demon General. Talaga bang wala kang pakiaalam sa magiging asawa mo? Your 2 hours is almost up.” Wika nang lalaki sa monitor nang hindi pa rin dumarating ang binatang Heneral na hinihintay nito. Ang mga reporter at mga sibilyan sa baba nang building ay nagtatanong na rin ang darating ba ang Heneral na hinihintay nila upang iligtas ang dalaga. Maging sina Edmund at Menandro na nanonood sa balita ay nagtataka na rin kung bakit hindi pa rin dumarating sa lugar ang binatang heneral. Maraming nagkokomento na walang pakialam ang heneral sa dalaga at ipinapakita nito ang pagiging isang Demon General sa pagbalewala sa dalagang nasa panganib dahil sa kanya. Biglang napatili si Anica at ang ilang mga sibilyan sa ibaba nang biglang naputol ang isa sa mga kadenang nakakabit sa dalaga. Mama. Hintakot na wika nang isip ni Anica nang makita ang taas nang kababagsakan niya. Sa ibaba nakikita niya ang mga pulis at mga siblyan at reporters. Narinig niya ang ilan na sinasabing tulungan siya. Nakita din niya ang nangyari sa mga pulis nang tangkain nang mga ito na pumasok. Nanghihina ang tuhod niya at gusto niyang maupo ngunit natatakot siya kumilos dahil baka bigla na malamang bumigay ang kinatatayuan niya. “Nandito na siya!” wika nang isang reporter nang huminto sa tapat nang building ang isang rider na sakay nang isang big bike. Gusto sanang tumingin sa ibaba ni Anica upang makita kung si Andrew na nga ang dumating ngunit natatakot siya at nanginginig ang tuhogd niya. Nang tanggalin nang binata ang helmet niya lahat nang mga naroon ay napaawang ang labi dahil sa nakitang kakisigan nang binata. Napatingin sa malaking monitor ang binata bago maglakad patungo sa pinto nang Building. Huminto ang binata sa harap nang pinto saka naman lumapit sa kanya ang dalawang armadong lalaki at kinapkapan ang binata at sinigurong wala itong dalang armas. “Masyado ka yatang natagalan General. Iniisip mo bang hindi ko itutuloy ang sinabi ko?” wika nang lalaki sa malaking monitor. Napatingin lang ang binata sa monitor saka walang imik na pumasok sa loob habang. Sinamahan nang lalak ang binatang heneral patungo sa roof toop nang ginagawang building kung saan Nakita niyang may ilan pang lalaki ang nag aabang sa binata. Habang nakatayo si Anica sa isang tila malaking kabli habang nakatali sa crane. Biglang sa monitor Nakita nang mga tao sa ibaba ang binata. Sa rooftop naghihintay ang isang lalaking may hawak na camera na siyang nagbo-broadcast kay Andrew. “Mag laro muna tayo General.” Wika nang lalaki sa monitor. Kasunod ang biglang pagsugod nang mga lalaki kay Andrew may dalang mga tubo ang mga ito. Nang atakehin nang lalaki si Andrew. Agad na lumaban ang binata sa mga ito. Kahit na may mga dalang sandata ang mga lalaki hindi parin sila umobra sa galing nang binata sa hand to hand combat. Isa-isang bumagsak sa semento ang mga lalaki. Nang naka handusay na sa sahig ang mga lalaki. Tinangkang lumapit ni Andrew sa dalagang nasa dulo nang building. Ngunit bigla siyan natigilan nang barilin nang kung sino ang paanan nang binata. “Not so fast General.” Wika nang lalaki sa monitor. “Masyado kang magaling alam naming yun. Hindi umobra sa galing mo ang mga tauhan ko. Kahit na wala kang sandata at nag-iisa. I really hate your guts.” Inis na wika nang lalaki. Napansin kaagad ni Andrew na muling tumayo ang mga lalaking pinatumba niya at bigla siyang pinalibutan. Maya-maya pa ay isang pagsabog ang narinig niya. “Shin!” bigla siyang napatingin kay Anica nang bigla ito sumigaw matapos ang pagsabog. Ganoon na lamang ang gulat nang binata nang makitang wala ang kinatatayuang kahoy nang dalaga. Naputol ito dahil sa pagsabog at bumagsak. Kung hindi pa nakatali si Anica sa crane at maaring na hulog na ito. Napakuyom nang kamao ang binata nang makita ang nangyari saka napatingin nang mabalasik sa malaking monitor. “Now, Now General. Huwag mo akong tingnan na para bang gusto mo akong kainin nang buhay. Wala ito kumpara sa ginawa mo sa akin. Kung gusto mong iligtas ang buhay nang babaeng yan. Hayaan mong makaganti.” Isa-isang sumugod ang mga lalaki sa binata at pinaghahataw nang tubo ang katawan nang binata dahil doon biglang napaluhod si Andrew ngunit hindi ito lumaban. Wala itong ginawa upang pigilan ang mga lalaki sa pag-atake sa kanya. Nakita ni Anica ang dugo mula sa labi at sentido nang binata dahil sa tama nang mga tubo sa katawan nito. Napakuyom nang kamao si Anica habang tumutulo ang luha sa mga mata niya. “Stupid General!” biglang bulalas na sigaw nang dalaga. Agad namang bumaling sa dalaga ang Camera. Napatingin naman si Andrew sa dalaga habang patuloy parin ang pag-atake sa kanya nang mga lalaki. “Yes, that’s right. He is a stupid General. You said it right missy.” Natatawang wika nang lalaki nang marinig ang sinabi ni Anica. “Don’t even think about yielding. Not because of me nor to this freak! You’re an Icy General. You are suppose to be cold and uninterested with anyone. I am scared. But, what I am scared about the most is being a burden to anyone. Please. Don’t allow him to treat you this way. And not because of me. I would rather fall than ------” biglang natigil ang dalaga nang biglang naputol ang isa pang kadenang nakakabit sa crane. Lalo naman siyang nahintakutan dahil sa nangyari. “You are talking non-sense missy.” Dahil sa ginawa nang lalaki lalo nagpuyos sa galit at inis ang binata. Isa sa mga lalaki ang humataw sa binata nang tubo ngunit bigla namang sinalo nang binata ang tubo saka tumayo. Ang ilan naman ay napaatras nang makita ang mabalasik na tingin mula sa Heneral. “General, baka nakakalimutan mong. Hawak ko ang buhay nang fiancée mo. Kapag patuloy kang nanlaban baka ang basag nabungo nang dalagang yan ang makita mo.” Wika nang lalaki nang makita ang ginawa nang binata. “I think you got everything all wrong.” Wika nang binata. “I don’t yield with anyone. And I don’t have plans in doing so.” Wika nang binata saka inatake ang mga lalaking sumugod sa kanya. That icy General. Masyadong nagpapaka cool. Napangiting wika ni Anica habang nakatingin sa binatang kinakalaban ang mga tauhan nang lalaki. Wala itong pakialam kahit panay ang banta nang lalaki na ihuhulog ang dalaga. Napapikit si Anica nang maramdaman ang biglang pagkaputol nang huling kadena na nakakabit sa Crane. Ma, I’m Sorry. Wika nang isip ni ANica as she prepares to get smash pababa nang mataas na building. “Hey, Don’t think about dying just yet.” Biglang napamulat ang mat ani Anica saka napatingala. “Shin.” Mahinang wika ni Anica nang makita ang binatang nakahawak sa kadena nang Crane habang ang isang kamay nito ay nakawak sa kamay niya. Habang nakikipaglaban si Andrew sa mga lalaki. “General. Everything is clear now. Nahuli na namin ang mga snipers. You can move freely.” Wika ni Rafael na nagsalita at nakikipagusap kay Andrew gamit ang isang maliit na aparatu na isiniksik nila sa buhok nang binata. Nang magbigay nang dalawang oras na ultimatum ang lalaki sa binatang General. Agad na gumawa nang plano si Andrew upang mailigtas ang dalaga. Sa loob nang dalawang oras maraming scenarios ang isinimulate niya sa mga Tauhan niya sa task force wolf. Huli na siyang dumating dahil kinailangan niyang masiguro na nakaset up ang mga tauhan niya. Lalo na at Nakita nila ang ginawa nang mga lalaki sa mga pulis nagtanggang pumasok. He had this scene in his mind. At alam niyang maraming naka deploy na sniper sa paligid lalo na at ang piniling lugar nang lalaki ay isang lugar na maraming building at pwedeng pagtaguan. Habang abala ang lalaki sa kanya. Maingat namang sinasalakay nang mga tauhan niya ang mga sniper nang lalaki. Nang sabihin sa kanya ni Rafael na maayos na ang lahat ay hindi na niya pinigilan ang sarili na sugurin ang mga lalaki. Kahit na panay ang bantay nang lalaki sa monitor na ihuhulog si ANica hindi siya tumigil. Hanggang sa naputol ang huling tali nang kadena nang dalaga. Nang makita iyon nang binata. Nag mamadali siyang tumakbo patungo sa dalaga at walang alinlangan na tumalon. Agad siyang humawak sa kadena at hinawakan ang kamay nang dalaga na noon ay nakalaya na mula sa kadena. Kinailangan din niyang ipulupot ang kamay nang Mabuti sa kadena upang suportahan silang dalawa ni Anica. Ang mga tao naman sa ibaba ay napaawang ang labi ang ilan ay natuptop ang bibig nila dahil sa labis na gulat. Agad namang kumilos ang mga sundalo at pulis upang maglagay nang rescue air cushion sa ibaba nila. Sina Trish at Joyril naman kasama ang ilang SWAT members ay pumasok sa loob nang building upang tulungan si Andrew. Maya-maya Nakita nila ang ilang tauhan ni Andrew lumabas sa ilang building habang sa unahan nila ay ang mg sniper na nakataas ang kamay. Agad namang lumapit ang mga sundalo upang hulihin ang mga ito. “General! Hindi pa tayo tapos.” Wika nang lalaki sa monitor saka naputol ang communication nila. Namatay din ang broadcasting sa nangyayari dahil sa pagkakadakip nang camera man sa rooftop. “General paparating na ang rescue team para maibaba kayo.” Wika ni Trish sa General. “You did good.” Wika nang nang binata. “D-dugo.” Wika ni Anica saka napatingin sa binata saka napansin niya ang dumudugong kamay nito kung saan nakapulupot ang kadena. Siguro dahil na rin sa bugbog na inabot nito sa kanya. “You can let go of me now.” Wika ni Anica. “W-why should I do that?” wika nang binata na napapikit dahil sa kirot na nararamdaman niya sa balikat at sa kamay. “Don’t act so mighty and tough. Pareho nating alam na hindi tayo kakayanin pareho nang kadenang yan. I would be fine. May Air cushion naman -----” “I won’t listen to you.” Wika nang binata. “Yah! Stubborn General.” “You are the first person to call me names, First, I was a Demon General, Then an Icy one. You called me stupid earlier and now Stubborn.” Wika nang binata. “Because you are.” Mahinang wika nang dalaga. You are the coolest Icy Demon General I have ever knew. Wika nang isip nang dalaga. “I will let it slide this time.” Wika nang binata. Ilang sandali pa dumating na ang mga rescue team. Isa sa rescue vehicle ay may Ladder. Huminto ito sa tapat nang Air cushion saka iniunat ang ladder tungo kay Anica at Andrew. Isa sa mga rescue officer ang umakyat sa ladder upang tulungan si Anica. “Be Careful.” Wika ni Andrew habang tinutulungan ito nang Rescue officer na bumaba sa ladder. Habang pababa ang dalaga. Nanginginig pa ang tuhod niya dahil sa pag-alog nang ladder. At habang nakatingin siya sa ibaba tila umiikot ang paningin niya. “Don’t look down. Just stay calm and take one step at a time.” Wika ni Andrew na nakalambitin pa rin sa Kadena. Hindi ito agad bumaba hanggang masigurong nasa lupa na ang dalaga. Nang makita nitong nilapitan nang isang medic ang dalaga at inalalayan na magtungo sa isang Ambulansya nan aka standby saka lang ito bumaba nang ladder. “Shin!” wika ni Anica nang makitang makababa ang binata sa ladder saka tumakabo papalapit dito. Nang makalalapit siya sa binata saka naman nagsilapitan sa kanila ang mga reporter. Agad namang kinabig nang binata si Anica patalikod sa mga reporter upang ilayo ito sa Camera. Kasunod noon ang biglang pahilira sa harap nila nang walong tauhan ni Andrew sa Task force wolf. Dahil sa nangyari napatingin ang dalaga sa binata na labis ang pagtataka sa mukha. “You seemed to be energetic again.” Wika nang binata saka hinawakan ang kamay na dumudugo na agad na pansin ni Anica. “We should get your---” anang dalaga saka tangkang hahawakan ang Kamay nang binata. Ngunit inialayo nang binata ang kamay niya sa dalaga. “I’m fine, Getting hurt in a mission is a normal thing. See you at home.” Wika nang binata saka tinalikuran ang dalaga at naglakad papalyo. Sumunod sa kanya si Rafael. Habang ang ilang miyembro nang Task force ay nakatayo parin sa harap ni Anica at pinipigilan ang mga reporter na kuhanan siya nang litrato. “Miss Anica.” Wika ni Trish na lumapit sa kanya. Hindi niya agad napansin ang dalaga dahil nakatitig siya sa binatang papalayo. “I am Capt. Trish Fernandez of task force wolf. Sasamahan ko na kayo sa hospital.” Wika nang babae saka inakay si ANica patungo sa ambulansya. Hindi naman umimik ang dalaga hinayaan lang niya akayin siya nang babae patungo sa ambulansya. Ang ilan sa mga Task force member ay patuloy naman ang pagprotekta sa dalaga hanggang sa makasakay sila ni Trish sa ambulansya at makaalis doon. “Sigurado ka bang hindi mo siya sasamahan sa hospital?” tanong ni Rafael kay Andrew habang sinusundan niya ito patungo sa kanilang sasakyan. “She’ll be fine without me.” wika nang binata. Napailing lang si Rafael dahil sa sagot nang kaibigan. Alam niyang hindi gaanong nakikipag interact ang kaibigan sa kahit kanino. He is cold and brutal gaya nang pagkaka describe nang iba dito. Pero alam ni Rafael na sa kabila nang malamig na pakikitungo at ipinapakita nang binata sa iba alam niyang mag itinatagong kabaitan ito. Gaya na lamang nang Nakita niya kanina. Kahit sabihin isang arrange marriage ang kasal nila ni Anica. Nakita niyang labis ang pag-aalala nito sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD