General, mag naghahanap sa iyo.” Wika nang isang sundalo na nakasalubong si Andrew habang papasok ito sa opisina niya. Sumaludo ito sa binata bago mag salita. Nakita naman niya ang pagtataka sa mukha nang binatang General. “Nasa main gate siya ngayon. Hindi muna naming pinapasok baka-----”
“Sino siya?” Tanong ni Andrew.
“Yung dalagang mapapangasawa niyo dapat.” Sagot nang binata.
“Send her in.” wika nang binata saka pumasok sa opisina niya.
“Yes Sir!” wika nito saka sumaludo at nag mamadaling nagtungo sa main gate upang sunduin si Anica.
Nang pumasok si ANica sa Opisina ni Andrew. Napatingin siya sa paligid. Pareho parin ang ayos nito simula nang huli siyang nagpunta dito. Nasa mesa niya siya Andrew at nagbabasa nang mga files. Iyon din ang unang beses na Nakita niya itong mag suot na spectacles.
Nang mapansin nang binata ang pagpasok niya. Agad nitong binitiwan ang binabasa saka nihubad ang suot na spectacles saka tumayo sa kinauupuan at naglakad patungo sa sofa.
“Maupo ka.” Wika ni Andrew kay Anica saka inilahad ang kamay patungo sa sofa. “Hindi ko inaasahan na pupunta ka. May gusto ka bang sabihin?” wika nang binata saka naupo sa sofa.
“Tungkol sa nangyari noon nakaraang araw.” Wika ni ANica saka naupo. Ang tinutukoy niya ay ang pagkikita nila nang Papa niya. Hindi siya noon nakasagot dahil sa pagiging emosyonal niya at hindi rin siya makapag desisyon.
“So have you decided to end this little charade?” anang binata.
“Gusto kong malaman. Bakit ka hindi tumatangi sa pagpapanggap ko? Hindi mo naman obligasyon na tulungan ako. Biglang isang military officer, iniisip mo bang isa lang ako sa mga taong nangangailangan nang proteksyon mo? Kaya hindi mo ako magawang tanggihan?”
“I guess you can call it that way. Yan lang ba ang pinunta mo dito?” tanong nang binata.
“You are as cold as ice as expected.” Bulalas nang dalaga.
“Hindi ka naman siguro nagpunta dito just to get my sympathy. I am this kind of person. What else do you expect?” biglang natigilan ang binata nang makita ang tumutulong luha nang dalaga. Pakiramdam niya biglang kumirot ang puso niya nang makita ang umiiyak na dalaga.
“Sorry.” Wika ni Anica saka pinahid ang luha. “I don’t have friends where I can run if I am troubled. You are the first person na naisip kung pwede kong matakbuhan. Kahit na you are treating me with your icy cold shoulders. I can only think of you. Minsan iniisip ko kung saan pa ako pwedeng magtago para matakasan ang mundong ginagalawan ko.”
“Hindi mo kailangang tumakas. You have to tell them what you feel. Sabihin mo sa harap nil ana ayaw mong dinidektahan. Mahiram bang gawin yun?” wika ni Andrew.
“Pwede ko bang gawin iyon nang hindi na sasaktan ang pamilya ko?”
“At sa palagay mo sa pagsalo mo sa mga responsibilidad iyon ang makabubuti? Tell me, what is it that you want?”
“I just want to live a normal life. Masyado bang Malaki ang hinihiling ko?”
“Tell me this. Bakit ayaw mong magpakasal sa kanang kamay nang lolo mo? He is a man with profession and achievements.”
“Buong buhay ko, nabuhay akong kailangang kalkulahin ang bawat kilos ko. I need to be a good daughter para tanggapin nang pamilya nang papa ko. Kahit na sinasaktan kami ni Tita Melissa I have to endure it for my Mom ang for them to accept us as their family. I have to pushed around by them and pull to every directions. But never they asked if I am okay or happy about it. For once, gusto ko namang mag desisyon nang para sa sarili ko.”
“And by doing this you think you will be-----”
“Sasabihin mo rin bang mali ang gagawin ko? O ang iniisip ko?”
“You are a stubborn girl. Do you know that?” wika ni Andrew saka tumayo at naglakad patungo sa mesa niya at may kinuha sa drawer. Sinundan naman nang tingin ni Anica ang binatang. Nakita niyang may dala-dala itong maliit na kahon. Saka lumapit sa kanya.
“This is the second time I am giving this to you.” Wika ni Andrew.
Naupo ang binata sa tabi nang dalaga saka inabot ang kamay niya at isinuot sa kanya ang singsing na dati nitong ibinigay noong pinagkasundo silang ikasal nang pamilya nila.
“Bakit mo naman ibinibigay sa’kin to?” tanong ni Anica saka napatingin sa binata.
“Let’s just say I am binding you to a contract and a debt of gratitude. Besides if you want the elders to believe we have a relationship they need to see proof.” Wika ni Andrew. “With this they will not question our relationship. At least.”
“And you are willing to-----”
“Silly girl. Hindi naman kita pwedeng pabayaan while you’re this pitiful.” Wika ni Andrew saka ipinatong ang kamay sa ulo nang dalaga. And again her heart is in Chaos with a simple gesture kumakabog na nang matindi ang puso niya.
“You are talking too much.” Wika nang dalaga saka hinawi ang kamay ni Andrew mula sa ulo niya.
Sa isang simpleng family Dinner kasama ang lolo ni Anica na si Antonio, Si Alice At Atty. Brambilla. Kinausap nila ang pamilya ni Andrew. Kasama si Edmund, Francis at Luke. Dumalo din si Alfredo sa dinner dahil siya ang ama ni ANica, hindi naman gusto nang dalaga na hindi nito malaman kung ano ang kanilang desisyon ni Andrew. Alam niyang masasaktan niya ang ama niya at ang At Daniella niya ngunit, gusto rin niyang maging makasarili kahit ngayon lang.
“I suppose, wala na tayong magagawa kundi ang pumayag sa gusto nila.” Wika ni Antonio na tumingin kay Anica at Andrew na magkatabing nakaupo. Una din nilang napansin ang Singsing na suot nang dalaga na sinabi ni Anica na ibinigay sa kanya ni Andrew bilang isang Engagement ring. “Sa totoo lang, ayokong mag-asawa nang military ang Anak o Apo ko. This profession comes with uncertainty. Pero ano pa bang magagawa ko mukhang nakuha na nang anak mo ang loob nang apo ko.” Wika ni Antonio saka tumingin kay Edmund.
“Andrew is a responsible young man. Siguro nga mapanganib ang kanyang propesiyon but there is one thing I can assure you. He will protect your grandchild with all his got.” Wika naman ni Edmund.
“That is bare minimum as his husband.” Wika nang matanda. “I will entrust my grand daughter to you. Young Man.” Wika nang matanda kay Andrew.
“Thank you sir. I will make sure to protect her and make her happy.” Wika nang binata saka tumingin kay Anica. Simple namang ngumiti si Anica.
Ang galing mo talagang umarte. Sinong magsasabi ikaw ang demon General na kilala nang lahat. Wika nang isip ni Anica.
Naging maayos ang pag-uusap nang pamilya nila at nagkasundong idaos ang kasal sa susunod na linggo dahil sa pagmamadali ni Antonio. Sabi nito gusto nitong makitang ikasal ang apo niya bago siya bumalik sa Italya.
***
Bakit hindi niyo sila pinigilan!” sigaw ni Daniella sa ama niya nang bumalik ito sa mansion at ibinalita ang nangyari sa dinner nang pamilya ni Anica at ani Andrew at sa naging kasunduan nang pamilya nang dalawa.
“Don’t act like a spoiled brat, Daniella.” Wika nang matandang si Menandro. “Hindi naman natin hawak ang pasya nila. Ano namang magagawa natin kung gusto nila ang isa’t-isa.” Wika pa nito.
“Pero lolo, I am to be wed to that family as well. Talagang gusto akong inisin nang babaeng yun.” Wika ni Daniella. “Ikakasal sila next week? Bakit naman sila nagmamadali.”
“SInabi ko na dahil babalik sa Italya ang ama ni Alice he wanted to attend the wedding of His granddaughter dahil hindi niya alam kung kailan siya ulit makakabalik dito.” Sagot ni Alfredo.
“Huwag ka nang masyadong magalit sa kapatid mo. Wala naman siyang ginagawa saiyo hindi ba. Maging masaya nalang tayo sa kanya.”
“Wala siyang ginagawa? Andrew should have been my husband pero dahil sa kanya hindi nangyari iyon. I would have accept when he said he won’t marry because he is scared his wife will be in so much trouble because of his Job. Pero Ano ‘to? Magpapakasal siya sa babaeng yun?” bulalas ni Daniella.
**
Sa isang cathedral idinaos ang kasal ni Andrew at Anica. Dumalo lahat nang miyembro nang pamilya ni Andrew, maging ang pamilya ni Alfredo ay nandoon din. Masayang naghihintay sa labas nang simbahan ang mantandang si Antonio at Edmund kasama si Atty. Brambilla. Sa labas nang simbahan ay may mga Naka suot nang service uniform. Dahil sa isang miyembro nang armed forces si Andrew isang military wedding ang magaganap.
Lahat ay namangha nang dumating si Andrew at Rafael kasama ang ilan pang miyembro nang task force na nakasout nang service Uniform. Lahat nakatingin sa binatang heneral. He looked so dignified and handsome wearing his uniform. Masaya naman siyang binati ni Edmund at Antonio.
“Papunta na daw dito si ANica at ang mama niya kasama si Alfredo.” Wika ni Edmund sa binata. Tumango naman ang binata. Maya-maya ay huminto sa labas nang Cathedral ang limousine na bridal car ni Anica. Naunang bumaba sa sasakyan si Alfredo kasunod si Alice saka pinagbuksan nang pinto si Anica.
Nang lumabas sa kotse ang dalaga. Matamang napatitig ang binata sa dalaga. He didn’t expect that she would look so beautiful wearing the white wedding gown.
“Your young wife if here, general.” Pabulong na wika ni Rafael. Simple namang siniko nang binata si Rafael upang patigilin ito.
Dahil sa pagdating nang bride, sinimulan na nila ang ceremonya. Naunang naglakad patungo sa altar si Andrew habang iyang malamyos na musika ang pumailanlang. Kasunod niya si Rafael na kanyang Best Man. Kasunod naman nang binata ang iba pang miyembro nang Entourage. Hanggang sa matanaw nila ang dalaga na nasa pinto nang simbahan katabi si Alfredo at Alice.
Hiniling ni Anica sa mama niya na silang dalawa ni Alfredo ang maghatid sa kanya sa altar. Habang nasa pinto napatingin si Anica sa binatang naghihintay sa kanya sa Altar. When she reach the altar she can’t go back it’s the point of no return. Pero sa halip na pagsisisi ang nararamdaman niya. Bakit kinakabahan siya at excited at the same time. Ayaw niyang isipin na isang kontrata ang kasal nil ani Andrew.
Napabuntong hininga si Anica bago sila maglakad patungo sa altar. Habang naglalakad siya ay may mga talulot nang rosas na bumabagsak. Habang nakatingin siya sa altar. Tila yata Nakita niya si Andrew na nakangiti. Kung totoo man ang Nakita niya, ito ang unang beses na Nakita niyang ngumiti ito. And he is handsome with his white service uniform.
Nang makalapit sila sa altar, naglakad patungo sa kanila si Andrew. Nang huminto sila napatingin si Anica sa mama at papa niya saka niyakap ang mga ito bago iaabot kay Andrew ang kamay niya. Nang abutin ni Andrew ang kamay niya ay agad ninilagay nang binata ang kamay niya sa braso nito saka inakay siya patungo sa altar kung saan nag hihintay ang pari.
Matapos ang final blessing nang pari ideneklara nito na si Andrew at Anica ay ganap nang nang mag-asawa.
“You may now kiss the bride.” Wika nang pari saka tumingin si Andrew sa dalaga. Bigla namang kinabahan si Anica. This will be her first kiss. Napahawak siya nang mahigpit sa bouquet niya nang biglang humakbang papalapit sa kanya si Andrew at dahan-dahang ini-angat ang belo niya.
Nabigla pa ang dalaga nang isang mabilis na halik sa labi ang ginawad nang binata sa kanya. Taka siyang napatingin sa binata na ngayon ay nakatingin sa mga tao sa loob na simbahan na nakatayo at nagpapalakpakan. Bago pa siya maka react ay tapos na ang halik na iyon.
“Don’t just stare at me.” wika ni Andrew saka hinapit ang bewang niya at kinabig siya papalapit sa binata. Nang kabigin siya nang binata saka siya napatingin sa mga bisita at ngumiti. She was timidly smiling and deep inside her she was a bit disappointed with her first kiss.
Nang malakad sila pababa ni Andrew sa altar biglang itinaas nang mga military sa aisle ang kanilang mga espada na para bang isang royalty na sinasalubong. Habang naglalakad sila sa ilalim nang mga nakataas na Espada malalakas na palakpakan din ang namamayani sa loob nang simbahan kasabay nang pagbagsag nang mga talulot nang rosas. Sa pinto sinalubong sila nang Task force ni Andrew sabay saludo sa kanila. At agad silang binati sa kanilang pag-iisang dibdib.
Matapos sumaludo ay biglang lumabas mula sa likod nina Trish at Charles sina Ramil, Tommy at Dalia. May dala pang bulaklak si Dalia at Tommy. Biglang natuptop ni Anica ang bibig niya nang makita ang tatlo saka napatingin kay Andrew habang nangingilid ang luha sa mata.
“Don’t tell me you’ll Cry. I just thought you would be happy to see them, And Ramil was discharged from the hospital yesterday.” Wika nang binata. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ni ANica at dahil sa labis na tuwa ay biglang niyang hinalikan ang pisngi ni Andrew dahilan upang mabigla ang binata. Nang makabawi siya sa pagkakabigla Nakita niyang nakalapit na si Anica sa tatlo at yakap sina Tommy at dalia.
“What a bold little wife you have there.” Pabirong wika ni Rafael na nasa tabi n ani Andrew. Ang mga tao naman sa likod nila ay masaya habang nakikita ang masayang bride.
Sa Kingdom Hotel ginanap ang reception nang kasal nina Andrew at Anica dahil na rin ang pakiusap ni Alfredo na kahit papaano ay mag magawa siya para sa anak niya. Naging matiwasay naman ang naging party sa kasal nina Andrew at Anica.
Nabigla pa sina Andrew at Anica nang bigyan sila nang regalo ni Don Menandro, Sinagot na nito ang kanilang Honeymoon sa St. Lucia. Sinagot nito ang 2 weeks stay nila doon. Kompleto mula sa flight Fare at sa tutuluyan nila doon. Sabi pa nang matanda, ito ang regalo niya kay Anica.
“Teka anong ginagawa mo?” biglang wika ni Anica na agad na napatayo sa kama nang makita si Andrew na nagsimulang hubarin ang suot na damit. Nasa Royal Suite sila nang Kingdom hotel. Doon sila mananatili sa gabing iyon bago sila bumihaye patungo sa St. Lucia kinaumagahan.
“Magbibihis ako bakit?” wika nang binata saka tinggal ang Uniporme niya naiwang suot nang binata ang isang puting sando. Agad naman tinakpan nang dalaga ang mata niya nang kamay niya saka tumalikod.
“Silly Girl.” Wika ni Andrew saka hinimas ang ulo ni Anica saka naglakad patungo sa loob nang banyo.
“Bakit naman kailangan dito ka maghubad no.” wika ni Anica saka sinundan nang tingin ang binatang pumasok sa banyo saka napaupo sa kama.
Sa dami nang nangyari nang araw na iyon. Mula sa seremonya nang kasal hanggang sa reception pakiramdam ni Anica naubos ang lakas niya.
Habang nasa loob nang banyo si Andrew ay naisip ni Anica na hubarin na ang wedding gown niya. Saka nagsout nag roba. Plano niyang maligo pagkalabas ni Andrew para makatulog na siya.
Habang naghihintay sa binata ay napahiga si Anica. Habang iniisip kong anon ang mangyayari sa kanya ngayon. Naiwasan nga niya ang kasal kay Atty. Brambilla ngayon naman hindi niya alam kung anong magiging buhay niya bilang asawa ni General Andrew Bryant. Sa kakaisip noon at sa labis na pagod hindi na namalayan ni Anica na nakatulog na siya.
“I’m Done you can---” wika ni Andrew na lumabas nang banyo habang kinukoskos ang buhok nang tuwalya, Nakasout din nang roba ang binata. Bigla siyang natigilan nang makitang nakahiga sa kama ang dalaga at tulog. Naglakad siya papalapit sa dalaga saka inayos ang pagkakahiga nito at nilagyan nang kumot. Marahan din niyang hinawi ang buhok na tumakip sa mukha nito.
“I guess you’re tired. Sleep well.” Wika ni Andrew saka naglakad patungo sa sofa. Ilang sandali ding nakatitig si Andrew sa dalaga hanggang sa dalawin siya nang antok. Sa sofa na rin siya natulog dahil alam niyang baka magulat si Anica kapag nagising ito at magkatabi sila.
**
Talaga bang hindi na kita pwedeng pigilan?” Tanong ni Anica sa mama niya nang nasa airport sila. Papunta sila ni Andrew sa St. Lucia habang ang kanyang mama naman ay kasama nang Lolo Antonio niya at Atty. Brambilla papunta sa Italy. Sabi nang mama niya gusto niyang magsimula kasama ang lolo niya. Gusto rin sana nilang isama si Anica kaya lang dahil sa trabaho ni Andrew ay hindi siya makakasama at bukod doon gusto rin niyang tapusin ang pag-aaral niya. Nangako naman siyang dadalaw kapag may panahon.
“Take care of yourself okay? Don’t cause so much trouble. Call me if anything happens.” Wika ni Alice saka hinaplos ang mukha nang anak niya. Ngayon lang sila magkakalayo nang ganito. Kung hindi lang para sa ama niya hindi niya gustong iwan si Anica. Kaya lang naisip niyang may mga bagay siyang dapat ayusin sa kanilang mag-ama. At sa sarili din niya. Naniniwala naman siyang aalagaan ni Andrew si Anica.
“Andrew, ikaw na sana ang bahala sa anak ko. Minsan may katigasan siya nang ulo at mahilig pumasok sa gulo. But she is a good child with a good heart.” Wika ni Alice kay Andrew.
“Huwag kayong mag-alala. Aalagaan ko siya.” Wika nang binata.
“Sabihin mo sa amin kapag pinabayaan ka niya.” Wika nang lolo niya.
Ngumiti naman si Aya saka tumango. Isang mahigpit na yakap ang ginawad niya sa mama. Saka inihatid nila nang tingin ang tatlo habang papasok sa departures area nang flights patungo sa Italy. Habang nakikita niyang papalyo ang mama niya. Hindi niya mapigilan na hindi tumulo ang mga luha.
“You’re crying again. Hindi naman kita pipigilan kung gusto mong sumama sa kanila.” Wika nang binata.
“Eh di parang sinabi ko na rin sa kanila na wala lang ang naging kasal natin.” Wika ni Anica saka pinahid ang mga luha saka humarap kay Andrew.
“Don’t act tough.” Wika nang binata saka inilagay ang kamay sa ulo niya saka kinusot ang buhok niya. Dahil sa ginawa nang binata biglang natigilan si Anica saka napasinok. Taka namang napatingin si Andrew sa dalaga at itinigil ang ginawa. Agad ding natuptop nang dalaga ang bibig niya.
“Are you okay?” Tanong nang binata na akmang aabutin ang mukha nang dalaga ngunit biglang umatras ang dalaga dahilan upang mapatingin si Andrew sa dalaga.
“General!” wika ni Rafael na dumating sa airport kasama ang ilan pang miyembro nang Task force. Sabay silang napatingin sa mga bagong dating.
“Anong ginagawa niyo dito?” tanong ni Andrew nang mapatingin sa mga kasama.
“Gusto lang naming makita kayo.” Wika ni Rafael saka bumaling kay Anica. “Anica, Ikaw na ang bahala sa General naming ha.” Ngumiting wika nito. Simple namang ngumiti ang dalaga.
“Wala ba kayong misyon? Tapos niyo nabang gawin ang mga training module? Hindi dahil aalis ako ibig sabihin noon ay----”
“Oo alam na namin yun. Huwag mo nang isipin ang training kami nang bahala doon si ANica ang bigyan mo nang pansin. Baka biglang magsisi yan at pinakasalan ka.” Wika ni Rafael na pinutol ang ipa pang sasabihin nang binata.