Bakit kaya kakaiba ang ngiti na ibinabato ni Clem sa akin? Kanina pa siya, ha? Mula noong madatnan ko siya sa kusina, may napansin na akong kakaiba sa aura niya. Anlapad ng ngiti niya tapos kumikislap 'yung mga mata niya. Omg! May nagawa ba akong kababalaghan sa kanya habang tulog ako? Nag-sleeptalk ba ako? Tumulo ang laway? What the eff?! Umutot ba ako?! Damn, no! O baka naman... May nahawakan ba ako sa uhm... katawan niya?! Damn! Nakaka... Inis! Kung may ginawa akong pangmomolestiya sa kanya, sana naman gising ako! Hay! Kumbakit kasi ang lambing ng boses niya habang kinakantahan ako tapos sinasaba'yan pa ng paghaplos niya sa buhok ko. Gosh! Kahit siguro sinong naka-shabu ay aantukin sa kanya. At hindi ako exemption doon. Actually, Clem is an addiction. Lahat ng meron sa kanya ay na