"Clem, wait!" I tried to catch up with her long strides.
Tumigil naman siya sa paglalakad na labis kong ipinagpapasalamat. Sa haba ng mga biyas niya, talagang hihingalin ang hahabol sa kanya. Her slender body and long legs made me somewhat stunned as I stared at her. Ano ba 'yan?! Pati likod niya, umaapaw sa s*x appeal sa totoo lang.
"What?" Ang talim sa tinig niya ang nagpabalik sa katinuan ko.
Alam kong magkadikit na ang mga kilay niya nang marinig niya ang boses ko. Well, what an encouragement, 'di ba? Note the sarcasm, please. I have to swallow my pride and apologize. It's now or never kaya naman nilakasan ko ang loob ko at nagmamadaling pumunta sa harap niya. Pero nang nagkasalubong naman ang mga tingin namin ay para naman akong nakalunok ng tinik. Hindi ako makapagsalita. Paano naman kasi ay nakakalunod ang kanyang light brown na mga mata. Haaay. Nakakawala sa tamang pag-iisip, ha?
"Look, I'm a busy person and you are definitely wasting my time right now. Kung tititigan mo lang pala ako, sana nagdala ka na lang ng camera at kinuhanan ako ng picture," mataray na sabi niya at wala akong nagawa kundi ang mapakurap.
"A-ah, ano k-kasi... um, I have to tell you some--something." I stammered dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko.
Hiyang-hiya ako sa inaasal ko ngayon sa harap niya. Nawala ang isang libo't isang beses na pagpapraktis ko ng apology sa kanya.
"What? Magpapagawa ka na naman ng nude painting?" Nakataas ang isang kilay na tanong niya kaya ‘di ko maiwasan ang mapalunok ulit.
"A-ano… h-hindi! Um, g--gusto ko s--sanang a--no, eh. Um, ah, mag-apologize s-sa nangyari."
Whew! Sa wakas ay nasabi ko rin ang gusto kong sabihin sa kanya kahit na sa haba ng speech na minemorize ko, 'yung salitang apologize lang ang talagang nasabi ko.
"Oh! Ang isang sikat na artista, singer at modelo na si Ruth Antonette Chusk ay humihingi ngayon ng paumanhin sa isang hamak at ‘di sikat na pintor." Tumango ako nang ilang ulit sa kanya.
Bumangon ang pag-asa sa puso ko dahil sa paglambing ng tono niya ngunit ang sumunod na ginawa at sinabi niya ay sumampal sa akin.
"Wow! You really deserve the award of best actress which you've got a couple of months ago," pumapalakpak na sabi niya.
Napatingin ako sa paligid. Mabuti na lang at exclusive ang parking lot para sa mga artista at VIP's ng istasyon. At mabuti na lang ay kami lang ang tao rito ngayon.
"So nasaan 'yung camera? Palabasin mo na 'yung may hawak." Nanlamig ako sa mga tingin niyang nagsasabing hindi niya pinaniniwalaan ang sinabi ko.
"Look, Clem. Sincere ako sa pagso-sorry. Patawarin mo na ako sa mga sinabi at nagawa ko. Hindi ko naman sinasadya ang mga ‘yun. May a--no lang k--kas--" nabitin ang sasabihin ko nang marinig ko siyang tumawa.
"Alam mo, Miss Chusk, lahat ng may kasalanan kapag humihingi ng tawad ay 'yan ang sinasabi. Kesyo hindi sinasadya. Kesyo hindi gustong mangyari 'yung nagawa. Pero noong ginawa 'yung bagay na ihinihingi ng paumanhin eh ‘di naman nagdalawang-isip. Hah! The power of words, 'di ba?" Napailing na lang ako sa mga insultong nakapaloob sa kanyang mga salita. It really did hit home.
"Why don't you just believe me?! I admit, nagkamali ako. Nalito kita at naabala of some sort. Pero talagang hindi ko naman sinasadyang mainsulto o masaktan ka. Nalito lang din kasi ako. Please, accept my apology!" I desperately told her.
Bakit ba ang hirap namang mag-sorry sa kanya?
"To tell you the truth, Miss Chusk, I don't accept explanations, elaborations, or apologies from some people who have wronged me especially from someone like you," she flatly told me na lalong nagpasikip sa dibdib ko.
"W-what do you mean from someone like me?" mahina kong tanong.
I have to ask. May nakapaloob kasing mensahe sa tono ng kanyang boses nang banggitin niya ang mga salitang iyon. Gusto ko man ang mag-walk out na lang dahil sa katigasan ng loob niya at sa mga pang-iinsulto niya sa akin ay ‘di ko naman magawa. At isa pa, nakaka-curious talaga 'yung huling sinabi niya.
"People like you would never be true and would never be sincere. People like you who love the limelight and their adoring fans. Hindi ba at ang mga taong katulad mo ay pangalan, katawan, at kasikatan lang ang pinapahalagahan? So paano ko paniniwalaan ang apology mo kung isa kang magaling na artista? I would never be deceived by someone like you." Her words stung right into my face, into my mind, and into my heart.
Hindi ko tuloy maiwasan ang mapaluha. Gano'n ba talaga kagrabe ang nagawa ko para husgahan niya ang buong pagkatao ko?
"And now the tears. Tsk." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at pinunasan ang aking basang mga pisngi.
Hinayaan ko munang kumalma ang loob ko bago ko siya muling harapin. Call me a masochist but I will not give up in letting her believe how sincere I am of saying sorry. Dahan-dahan akong lumuhod sa harap niya habang diretso na nakatingin sa kanyang mga mata.
"I'm really sorry, Clem. Please, I'm telling you the truth. I really am sorry," I sincerely told her.
"Do you really believe that kneeling in front of me would make me believe and accept your apology? You're wrong." Literal na bumagsak ang mundo sa akin dahil sa pambabalewala niya sa ginawa ko.
How can a person who has an angelic aura could be so unforgiving?
Napayuko na lang ako at hinintay na umalis siya sa harap ko but she stayed to watch me humiliate my self in front of her. Some moments passed pero wala pa ring gumagalaw sa aming dalawa. I know I should be worried dahil kapag may nakakita sa itsura ko ngayon, my face would grace the front page of tabloids, broadsheets and showbiz magazines. Pero sa nararamdaman ko ngayon, wala na akong pakialam.
"Do you really want me to believe that you are sincere in your apologies?" Napaangat ako ng mukha sa kanya nang marinig ko ang boses niya.
"Y-yes," namamaos kong sagot.
Muling bumangon ang pag-asa sa dibdib ko at alam kong kitang-kita niya iyon dahil sa pagkislap ng aking mga mata.
"Stand up," utos niya sa akin na agad kong sinunod.
"You know in our school, when someone has wronged someone intentionally or unintentionally, he doesn't apologize," napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"A-anong ginagawa?" nagtanong na ako dahil hindi na niya dinugtungan pa ang sinasabi niya.
"He waits for his punishment." Nanlaki ang mga mata ko sa tinuran niyang iyon.
"Pa--parusahan mo a--ako?" kinakabahan kong tanong ulit.
"Tell me, Miss Chusk, bakit ka ba napunta sa sitwasyon mo ngayon? Bakit ka ba nagkaroon ng kasalanan sa akin?" May nakakalokong ngisi sa labi ni Clem na biglang nagpabilis sa daloy ng dugo sa buong katawan ko.
"N-n-nu-de... p-p-painting?" ninenerbyos kong sagot sa mga katanungan niya.
Nahigit ko ang hininga ko nang maglakad siya papalapit sa akin. Yumuko siya at inilapit ang kanyang mukha sa tenga ko. Her warm and fresh breath was fanning my neck when she spoke.
"Tonight, I want you on top of my bed. Naked." Nanigas ako nang tuluyan sa ibinulong niya. My knees started to tremble.
The next thing I realized, naglalakad na siya palayo sa akin. Saka ko lang naibuga ang hininga kong naipon nang marinig ko ang pag-andar ng kotse niya palabas ng parking lot.
Oh my God!