Chapter 5: Ruth

2339 Words
Pinatay ko ang makina ng aking Bentley at pinagsiklop ko ang nanlalamig, namamawis, at nanginginig kong mga kamay. For the first time in my life, nakadama ako ng sobrang nerbiyos at excitement. Ilang malalalim na hininga ang ginawa ko para pakalmahin ang dibdib kong tinatambol. Nang matiyak ko na okay na ako ay pinasadahan ko ng tingin ang katawan ko. Naka-dress ako ng satin na hanggang tuhod na hapit sa bandang dibdib to emphasize my twin peaks. At bawat paggalaw na gawin ko ay humahaplos ang malambot at makinis na tela sa magandang hubog ng aking mga hita. I am perfect. And I'm proud dahil nagawa ko ito sa apat na oras na ibinigay sa akin ni Clem bago ang aking kinaaabangang nude painting session. Bumaba ako sa aking magarang sasakyan at tumingin sa aking wristwatch. Alas sais i medya na ng hapon at nag-aagaw na ang dilim at liwanag sa kalangitan. Hmm. Magsusuot pa ba ako ng shades? Paano kung pagkaguluhan ako ng mga estudyante dahil talagang kaakit-akit ako ngayon? Hindi nila ako pinagkaguluhan noong unang pumunta ako rito dahil napakasimple ko lang noon. Pero ngayon? Paano kung maraming manghingi ng autograph at magpa-picture sa akin? Gosh! Baka mapagod ako o kaya madumihan o kaya malukot ang dress ko! Alam ko namang sikat ako at iniidolo ng mga kabataan sa buong Pilipinas at hindi malayong mangyari ang mga eksenang nasa utak ko. OMG! Ayokong ma-stress! Ayokong magmukhang pagod at pangit sa harap ni Clem! Ayoko, ayoko, ayo--- "Excuse me, Miss Ruth?" Napatingin ako sa binatang nasa harap ko. Eto na nga ba ang sinasabi ko, eh! For sure, magpapa-autograph ito o kaya ay magpapa-picture sa akin! Naman, eh! "Yes? Magpapa-autograph ka ba?" Hindi ko mabigyan ng ngiti ang binata knowing na siya ang magiging abala sa pagpunta ko kay Clem. Sabagay, hindi ko naman siya masisisi. Alam ko namang parang diyosa na bumaba mula sa langit ang itsura ko ngayon. Naks! Iba na talaga ang isang Ruth Antonette Chusk. "Ah hindi po, Miss Ruth." In fairness magalang ang pakikipag-usap nito na malayo sa gangster look nito. At kahit papano, charming ang itsura niya, ha? "Naku, magpapa-picture ka?! Paano ba ito?!" bulong ko, problemado dahil may istorbo. "Uhm, ano kasi, pwedeng next time ka na lang magpa-picture? Alam mo kasi may kailangan akong puntahan at nagmamadali ako, eh." Nginitian ko siya ng nakakaakit na ngiti at binigyan ng puppy dog eyes. Alam n'yo na, pang-uto. "Kasi, Miss Ruth..." Gah! Men can't really resist my beauty and body! It's so damn hard to be the actress of the century. "Hep! ‘Wag ka nang mangulit, ha? I have to go na talaga, eh. I don't wanna be late kasi sa appointment ko." Naglakad na ako palayo rito patungo sa 7 Demons building. "Miss Ruth, sandali lang po," habol ng estudyante sa akin. I rolled my eyes in annoyance pero nakangiti akong humarap sa kanya. Sanay na ako sa kakulitan ng mga libo-libo… I mean, milyong-milyong fans ko para hindi ma-handle ang isang tulad niya. Kailangan kong ayusin ito bago pa ako mapansin ng ibang estudyante at baka pagkaguluhan pa nila akong lahat. Paano na ang usapan namin ni Clem kapag nangyari iyon? "Please. I really, really need to go. Ayoko kasing ma-disappoint 'yung imi-meet ko, eh. So please, pretty please, let me go na, ha? Look oh, it's quite dark na. Baka kanina pa niya ako hinihintay, eh." Pinalambing ko pa ang boses ko sabay pa-sweet na ngiti sa kanya kahit gusto ko na talaga siyang takbuhan palayo. Tinalikuran ko na siya na nakanganga pa sa akin. Na-starstruck siya sa ganda ko, panigarudo. "Inutusan po ako ni Miss Clem na salubungin ka at ihatid sa work room niya!" malakas at exasperated na sabi ng estudyante na ikinalingon ko pabalik sa kanya. "What?! Bakit ngayon mo lang sinabi?!" Nawala na ang pa-tweetums ek-ek ko at lumabas na ang kasungitan ko. Napapadyak pa ang paa ko na ikinatawa niya. "Kung anu-ano pa po kasi ang sinasabi n'yo, eh," bulong niya na narinig ko naman. Grr! What a freak! "Tayo na po." Nagpatiuna na siyang naglakad at ako naman ay asar na asar na sumunod. Hindi na tuloy ako makangiti sa mga estudyanteng nakakasalubong ko sa hallway na napapatingin sa akin. Sinimangutan ko siya nang pumasok ako sa elevator kasunod niya. "’Wag na po kayong sumimangot, Miss Ruth. Ayaw na ayaw ni Miss Clem na makakita ng mukhang nakabusangot." Wow! Ang epal naman ng lalaking ito. "What's your name? Kung makapagsalita ka parang close tayo, ah?" iritadong tanong ko sa kanya. Kapag okay na kami ni Clem, isusumbong ko siya. "Sanders at your service, Miss Ruth." Nag-bow pa siya pagkatapos niyang magpakilala.. Tss. Antipatiko. Tinaasan ko na lang siya ng kilay. Nang tumigil na ang elevator, doon na nawala na parang bula ang pagkairita ko at napalitan iyon ng kaba. Ilang hakbang na lang at makikita ko na ulit si Clem. Ilang hakbang na lang at mararamdaman ko na naman ang kakaibang pagtibok ng puso ko, ang paghahabulan ng hininga ko, at ang pagtayo ng mga balahibo ko tuwing kaharap ko siya. Kaya naman sa bawat paghakbang ko patungo sa kinaroroonan niyang silid ay nagsisimula na ang pagbilis ng t***k ng puso ko, ang paghahabulan ng mga hininga ko, at ang pagtayo ng mga balahibo ko dahil sa antisipasyon para sa aming paghaharap. Gosh! Ilang sandali na lang, maghuhubad na ako sa harap ng babaeng kinakikiligan ko. Daaammn! Nagkakabuhol-buhol na talaga ang hininga ko nang tumigil 'yung estudyante sa harap ng pamilyar na silid - ang workroom ni Clem. Waah! Eto na. Hihimatayin na yata ako, Lord! Pinindot ni Sanders ang isang tila doorbell at ilang segundo lang ang nagdaan ay may babae mula sa loob ang nagbukas ng pinto. "Kanina pa naghihintay si Mas--Miss Clem." Sumulyap ito sa akin bago sumenyas na pumasok na kami. Pilit kong pinakalma ang hininga ko at sumunod na kay Sanders papasok ng silid. Muli akong sinalubong ng mga obra maestra ni Clem na naka-display sa paligid. "Dito po tayo, Miss Ruth." Sumunod ako ng paglalakad sa babaeng estudyante. Ihinatid niya ako sa isang parte ng silid kung saan ay nakita ko si Clem na nakaupo sa bar counter at umiinom ng red wine sa isang malaking wine glass. Nakasimpleng white polo shirt at cardigan shorts lang siya but as usual, she is breathtaking. She’s so sexy and so alluring. Binabaha ng s*x appeal ni Clem ang buong work room at aminado akong lunod ang kaseksihan ko sa kanya. "Miss Clem," tawag ni Sanders sa kanya ngunit hindi niya agad ito pinansin. Inubos niya muna ang alak sa wine glass. Pagkuwan ay kumuha siya ng isa pang wine glass at sinalinan ito ng alak pati na rin ang sa kanya. "Leave us," utos nito sa dalawa na agad namang tumalikod. Kinuha ni Clem ang mga wine glasses at lumapit sa akin. "Here." Inabot niya sa akin ang isa. "Drink," utos niya sa akin. Walang alinlangan akong sumunod sa sinabi niya. Kailangan ko nga ito dahil nagwawala na ang puso ko sa loob ng ribcage ko. "Let's go to the room," pag-iimbita niya sa akin. Nakangiti akong tumango sa kanya, thanking the wine for making me relax a bit. Magkasunod kaming naglakad papunta sa sinasabi niyang silid. Maluwang ito at may four poster bed na pang-prinsesa ang disenyo. Marami ring makabagong kagamitan sa silid. Nakapuwesto na rin ang mga kagamitan niya sa pagpipinta. At ang pinakabongga sa lahat? Sobrang bango ng silid. Gosh, I would love to live in this room! Promise, hinding-hindi ako lalabas kung may ganito akong kuwarto. What I’ve said may be exaggerated but it was true. "So, down to business." Pinutol na ni Clem ang pagkatulala ko sa ganda ng kuwartong pinasok namin kaya naman napatingin ako sa kanya mula sa pagpapakabusog ng mga mata ko sa palibot ng silid. Nilingon ko siya at muling umariba ang mga kabayo sa dibdib ko. "Are you ready?" may paghahamon sa mga mata at boses niyang tanong. I breathe hard and mustered all the courage I have and confidently answered. "If this is for your forgiveness, then yes I am ready." Muntik ko nang palakpakan ang sarili ko dahil hindi ako pumiyok. Tumaas ang kanyang magandang kilay. Oh, gosh! Bakit gano’n? Pati kilay niya ay maganda para sa akin. "Fine. So what are you waiting for? Hubad na." Napalunok ako sa pinag-utos niyang iyon. "D-dito na b-ba?" Nagsimula na akong nerbyusin. Goooosh, I’m gonna go naked in front of her! "Yeah. What's wrong? Pareho naman tayong babae, 'di ba?" she deadpanned. "Er, pwede bang sa CR na lang?" pakiusap ko sa kanya. "Dito man o sa CR, maghuhubad ka pa rin so why waste time and effort? Hindi ba at artista ka? Marami na ang nakakita sa katawan mo dahil modelo ka. I even saw one of your pictures in FHM na kakarampot na tela lang ang tumatakip sa kahubaran mo. Ano at nahihiya ka ngayon?" I've sensed the contempt in her voice. Does she really hate me that much kaya mababa ang tingin niya sa akin? "That's artistically done!" pilit kong pagtatanggol sa sarili ko trying to blink away my tears. "What we are about to do is something artistic, too. Damn, bakit ka pa ba nakikipagtalo? You are here that means you already agreed to pose naked for your painting. Tsk. Artista ka nga talaga. Ang arte mo, eh," masungit na sabi niya and again it hurt me. I wanted to fight back at ipagtanggol ang sarili ko but the insults she hurled at me were weakening me. "O--okay." Tumalikod ako sa kanya para hindi niya makita ang pagtulo ng mga luha ko. Pero dahil nasaktan talaga ako sa mga sinabi niya, lalong nagkasunod-sunod ang pagpatak ng mga ito until I found my self sobbing with my hands on my face. Ayokong mawalan ng composure sa harap ng mga tao lalo na sa harap ni Clem pero hindi na talaga kaya pa ng puso ko ang mga salitang nagmula sa kanya dahil kahapon niya pa ito sinasaksak ng mga salitang nakakainsulto, nakakababa ng pagkatao at nakakasakit. Kaya siguro ito, nag-give up na. Yumugyog ang mga balikat ko sa pag-iyak kahit anong pigil pa ang gawin ko kaya para na akong ngumunguyngoy na bata. What the eff?! This is so embarrassing. Baka sabihin na naman niyang nag-iinarte ako. Baka lalo siyang magalit sa akin. Lalo tuloy akong napaiyak. Hindi ko na alam kung gaano katagal ngunit saglit akong napatigil nang maramdaman kong may yumakap sa akin. "Hush! Tama na. I'm sorry. I shouldn't have said those stupid words. Stop crying," Clem whispered as she enveloped my body in her arms. I felt her hand going up and down my back while her other hand held my head in place at her neck. "Tama na. Sorry kung sa'yo ko naipapasa 'yung init ng ulo ko. Stop crying already," malambing na muling bulong niya sa akin. Tumango ako kahit nakasubsob pa rin ako sa may leeg niya. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Bahagya akong lumayo sa kanya para mapunasan ko ang mga luhang bumasa sa mukha ko at sa damit niya. "S-sorry, n-nabasa ko y-'yang damit m-mo." Sumisigok-sigok akong humingi ng paumanhin sa kanya. "Don't mind it. Okay ka na ba?" concerned na tanong niya sa akin. I blushed when her finger brushed away some stray hair on my face. "Oo. P-pasensiya ka na." Nahihiya akong nag-iwas ng tingin ngunit muli akong napatingin sa kanyang nang marinig ko siyang bumuntong-hininga. "Look. I'm really sorry I made you cry. Naiirita talaga ako sa'yo dahil sa nangyari noon but I got overboard when I said those awful words. Will you forgive me?" Nakangiti akong tumango sa kanya nang titigan niya ang mga mata kong alam kong namumula pa dala ng pag-iyak ko. Sino ba ang makakatanggi sa malambing na boses niya? Definitely not me. "Thanks." She genuinely smiled at me after saying that sweet word. Gusto kong magtatalon sa galak. I'm so happy dahil finally I saw it: the first happy smile she has given me. "Mind if I'll just call you 'Ruth'?" Nakangiti akong tumango sa kanya. Kahit “Baby” pa ang itawag mo sa aki, I wouldn’t mind. Bulong ng malandi kong kaluluwa. "We don't have to do this anymore. Hindi na kita ipipinta nang hubad. Sinabi ko lang naman 'yun to scare and punish you. Now that you've learned your lesson, quits na tayo." Gulat akong napatingin sa kanya na bukas ang aking bibig. Hindi na ako maghuhubad sa harap niya?! Hindi niya na makikita ang makinis kong kutis at ang magandang hubog ng aking katawan?! I mean, hindi niya na ako ipipinta ng hubad?! Ibig sabihin, hindi na kami magkikita at magkakasama?! Ngayon pa? Ngayon pang nginitian niya na ako? Ngayon pang okay na kaming dalawa? Oh, NO!!! "Hindi pwede." Ilang beses akong umiling sa kanya na naging dahilan ng pagdidikit ng mga kilay niya. "What do you mean hindi pwede?" nagtataka niyang tanong. "Clem, I have made up my mind. Please, please do my nude painting." Kulang na lang ay lumuhod ako sa harap niya sa sobrang pakikiusap ko. "Are you sure?" Napatingin siya sa mga kamay kong nakakapit nang mahigpit sa mga balikat niya. "Oo!" determinado kong sagot. She seductively smiled at me. Para sa akin, seductive na lahat ng ngiting ibinibigay niya sa akin especially now that her eyes seemed studying every part of my body na parang hinuhubaran na nila ako. Nagsimula akong makaramdam ng pagkaalinsangan nang magtagal ang tingin niya sa mga dibdib ko. Then she looked at me with some emotions in her eyes that made me gulp especially when she grinned at me. "Then, what are you waiting for? Hubad na."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD