Chapter 3: Ruth

1747 Words
Araw gabi bakit naaalala ka't ‘Di ko malimot-limot ang sa atin ay nagdaan? Hahayaan mo ba na maging ganon na lang? Dinggin ang dahilan at ako ay pagbigyan Kailangan ko Ang tunay na pag-ibig mo Dahil tanging ikaw lang ang pintig na puso ko. Nakasimangot kong tinignan ang lalaking kumakanta sa stage. Badtrip na nga ako, lalo pang namba-badtrip ang kanta ng singer na ito. What the eff?! Nakakabanas. Hindi ako nababanas sa boses nito kundi nababanas ako sa lyrics ng kanta. Hindi sa ayaw ko ng OPM, ha? Ang ayaw ko ay ang nakakaasar na pakiramdam as I was swallowed down by the lyrics of the song. Paano ba naman kasi, each lyrics reminds me of a nagging feeling I have been going through for the past two weeks. The song also reminds me of someone named Clem Gonzales. Sa totoo lang, nagi-guilty ako sa ginawa ko sa kanya. After ko siyang piliting ipinta ako in nude, bigla kong binawi ang desisyon ko. Hindi ko makalimutan ang asar at galit sa mga mata niya para sa akin dahil sa ginawa ko. Ang isa pang nakakainis, I found my self missing the girl which was crazy and utterly stupid which is freakin’ making me crazy and stupid as well. A week ago nga nang hindi ko na matiis ang pagka-miss dito, I tried researching about Clem in the social media. What's frustrating was that, napakakonti ng impormasyong nakuha ko roon which proves na guarded si Clem Gonzales. Unreachable. Kaya ang ginawa ko, nagtanong ako kay Tito Conrad kahit na nagtatampo rin ito sa akin dahil sa ginawa ko sa pamangkin nito. Nang matapos ang napakahabang panenermon nito, it was my turn to ask questions about the girl. Nalaman kong anak pala ito ng isang sikat na artista at isang international music director. No wonder nalinya ito sa art. 'Yun nga lang, ayaw nitong sumunod sa yapak ng mga sikat na magulang at nakontento na lang na gawing hobby ang galing ng mga kamay nito. Kinulit ko pa nang kinulit si Tiro Condrad para malaman ang mga bagay-bagay tungkol kay Clem telling him that I am planning to apologize to her. Kaya ang nangyari, Tito Condad pulled some strings and got Clem invited to be a guest judge in a talent search sa isang TV network kung saan isa akong regular judge. Thankfully, pumayag ito sa pangungulit ng tiyuhin nito telling him na isang episode lang ang pagbibigyan nito. Hindi na nakipagdebate si Tito Conrad doon. Sapat na ang mabigyan ako ng pagkakataon para muli itong makita at makapag-apologize na ako sa kanya. Sa alalahaning iyon ay bumilis ang pagtibok ng puso ko. Makikita ko na naman ang ganda nitong nakakaakit; ang mga mata nitong kahit galit ay may kakaibang kislap; ang may katangusan nitong ilong; at ang maninipis ngunit kissable nitong mga labi. Kung mag-aartista lang sana ito, marami itong patataubin. At masakit mang aminin, alam kong isa ako sa mga iyon. Hell, pati nga ako na sikat at magaling na artista (Hindi ako nagyayabang, ha? Nagsasabi lang ako nang totoo) ay na-starstruck sa kanya, ‘di ba? Paano pa kaya ang ibang tao? At take note, pinaghandaan ko ang pagkikita naming muli ni Clem. Nagpa-parlor ako. Nagpa-spa. I wanted to look my best sa muli naming pagkikita ni Clem. Pati damdamin ko ay ihinanda ko na. Nasasabik na akong maramdaman ulit ang pagbilis at pagbagal ng puso ko na kay Clem ko lang nadama, ang pananayo ng pinakamakapal hanggang pinakamanipis na balahibo ko, at ang pagkaubos ng hininga ko kapag nasa tabi ko na siya. Parang in love lang ang peg ko, ah? Nanindig ang mga balahibo sa batok ko nang biglang matahimik ang audience sa studio. Isa lang ang ibig sabihin niyon - narito na si Clem. Kahit gusto ko ang lumingon ay hindi ko iyon ginawa. Bagkus ay hinigpitan ko ang pagkakahawak sa ballpen na tangan ko para walang makapansin sa pangangatog ng kamay ko. "Hi. Sorry, I'm late." Nag-init ang katawan at mukha ko nang marinig ko na ang boses niya. "Okay lang po iyon, Ma’am Clem. Dito po kayo sa tabi ni Ma’am Ruth." That's my cue to look at them kaya nagkasalubong ang mga mata namin ni Clem. OMG! Clem's simple attire of checkered blouse and skinny jeans is absolutely stunning. Nakaka-nganga siya, oh my gosh! A shiver ran down my spine when I saw how amazing Clem looked with that simple dress up. No wonder, men and women alike are ogling at her right now. My breath hitched when I saw how Clem's smile faded when she saw me. I felt a pinching pain inside my chest when Clem looked at me with hatred and remorse. Nanhapdi ang mga mata ko. Nakaramdam ako ng urge na umiyak dahil sa ginawa nitong pagtingin sa akin as if she wanted me to disappear. "Clem! I'm so happy you made it." Naagaw ng isa pang judge ang atensyon namin. Rupert Pascual, isang sikat na concert artist at isa sa mga kasama naming hurado ang lumapit at bumeso kay Clem. I saw Clem gave him a warm smile. Hindi ko maiwasang makadama ng inggit at pagkaawa sa aking sarili. Bakit hindi ako nito mangitian ng ganun? Kasalanan mo rin naman kung bakit cold treatment ang ibinibigay niya sa'yo, sagot ng aking konsensiya. Nag-iwas na lang ako ng tingin sa mga ito at baka may makapansin pa sa facial expression kong tila nakaapak ng thumbtacks. I just listened to them talk kahit hindi ko naman halos maunawaan ang pinag-uusapan ng mga ito. Saka lang sila tumigil nang magsalita na ang host ng palabas telling the audience na magsisimula na ang talent search. I felt Clem sat on my left as Rupert went to my right. I struggled to have the courage to look at her and greet her. "Um, hi. G--glad you... c-came." Nakadagdag sa panginginig ng boses ko at pag-iinit ng mukha ko ang lamig mula sa aircon sa studio. "Yeah. Whatever." Hindi man lang niya ako nilingon nang sagutin niya ako. Nakagat ko ang loob ng aking labi. Ouch with a double ouch. "Mga madlang pipol, bago natin umpisahan ang ating talent search, kilalanin muna natin ang ating mga hurado." Pinilit ko ang ngumiti dahil alam kong nakatutok na sa kinalalagyan namin ang mga camera. Nakakahiyang makita on national telivision na ang sikat na artistang si Ruth Antonette Chusk ay magmumukhang basang pusa. It's so nakakahiya. Narinig kong ipinakilala na ng host si Rupert. Nang si Clem na ang ipinakilala ay napatutok dito ang atensyon ko. "Ang susunod po nating bisita ay anak ng dalawang sikat hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Isa siyang pintor, eskulptor at tattoo artist. Napakasuwerte natin at nabigyan niya tayo ng panahon ngayon. Madlang pipol, bigyan po natin ng mainit na pagtanggap si Bb. Clem de Vicente Gonzales!" Simpleng ngumiti lamang si Clem sabay kaway nang tumutok sa kanya ang camera. "Ano?! May ibinubulong ba kayo?!" tanong ng host sa audience. "Sample! Sample! Sample!" hiyaw naman ng audience bilang sagot. Nakita kong napangiti si Clem at napailing nang tumingin sa kanya ang host na may pakikiusap sa mga mata. "Sabi nila, ang mga tao raw ay sa isang bagay lang talaga magaling! Sumasang-ayon ka ba, Miss Clem?" Clem tilted her head sa tanong na iyon ng host. "Papayag ka bang magbigay ng sample, Miss Clem?" Nakakabingi ang hiyawan ng audience nang sumenyas si Clem ng ‘approve’. May staff naman na nag-abot sa kanya ng mikropono na tila takot na baka magbago pa ang isipan ni Clem. "Pwede bang gawin ko na lang na nakaupo? Tinatamad na kasi akong tumayo," she bluntly said. My jaw dropped. Hindi ba nito alam that the show is live not only in the Philippines, in some Asian countries but also in America? But the host and the audience didn't seem offended. Bagkus ay tila bawat sabihin at ikilos ni Clem ay blessing ang dating sa kanila. Ninerbyos ako nang simulan na nito ang pagkanta. BETTER IN TIME (Boyce Avenue Cover) It's been the longest winter without you I didn't know where to turn to See somehow I can't forget you After all that we have been through Nganga. Namamalikmata ba ako? Si Clem ba talaga ang kumakanta o isang anghel? Pati ang audience ay nakanganga habang nakikinig sa pagkanta niya. Pagkaraan ng ilang segundo ay isa sa mga audience ang nagpasimulang pumalakpak sa beat ng kinakanta niya tapos ay nagkasunud-sunod na hanggang ang sa lahat ay sinasabayan na ang pagkanta niya ng pag-clap na naging beat na ng kanta niya. At ako? Ako ay nawiwindang at lumulutang na sa kinauupuan ko. Tingin ko kay Clem ngayon ay isang diyosa at ako ay isang hamak na taga-sunod lang niya. Hindi ko na maalis ang tingin sa kanya sa takot ko na kapag pumikit ako ay maglalaho na lang si Clem nang basta. Wala na akong pakialam sa mundo dahil na kay Clem na lang ang buong atensyon ko. Going, coming Thought I heard a knock (Whose there, no one?) Thinking that (I deserve it) Now I've realized That I really didn't know If you didn't notice You mean everything (quickly I'm learning) To love again (all I know is) Imma be okay Kinilig ako nang sulyapan niya ako bigla. Feeling ko tuloy ay para sa akin ang kinakanta niya. Hindi ko pa napigilang mag-blush. What the eff?! Naiihi ako sa kilig. Pwede kayang sunggaban ko siya ng yakap at halik? Naging fanatic na ako ni Clem. Hay, sana hindi na matapos ang sandaling ito. Thought I couldn't live without you It's gonna hurt when it heals, too Oh yeah, it'll all get better in time Even though I really love you I'm gonna smile because I deserve to Oh, it'll all get better in time In time, oh, it'll all get better in time. Fudge! I can feel the flush on my face and the slow beating of my heart telling me that I am in love! I am in love! It's confirmed. I am in love with Clem!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD