Chapter 2: Ruth

1009 Words
"I don't do nude paintings," she flatly told me. Kumalembang ang mga warning bells sa tuktok ng ulo ko dahil sa sinabi niya. No! Hindi pwede! Kailangan niya akong maipinta ng hubad, bulong ng demonyita sa isip ko. "This time you will," puno ng kumpiyansa kong sabi rito. Ako yata si Ruth Antonette Chusk at walang sinuman ang pwedeng tumanggi sa akin. Walang sinuman. "Portrait ang napag-usapan namin ni Conrad. 'Yun ang pinirmahan ko sa kontrata." Binalewala ko ang sinabi niya. "I'm your client kaya kayang-kaya kong ipabago ang nilalaman ng kontrata ng ayon sa gusto ko. At kapag sinabi kong nude painting ang gusto ko, then nude painting it is." Humalukipkip ako sa harap niya at itinaas ko ang noo ko. "Tell me, magkano ba ang talent fee mo para sa portrait na gagawin mo? Dodoblehin ko iyon para sa nude painting na gusto ko." Lihim kong pinagkrus ang mga daliri ko dahil tila kulang ang over confidence ko hoping na pumayag siya sa gusto ko. "Two million pesos." Two million lang pala. WHAT THE EFF?! TWO MILLION PESOS?! Bumagsak ang confidence ko sa sahig at nagkandadurog-durog ito. "Seriously?!" ‘Di makapaniwalang sabi ko nang makabawi ako. Nagkibit-balikat lang ito. Damn! Four million pesos para sa nude painting ko?! Huhuhuhu. "Uumpisahan na ba natin ang portrait mo? You see, may klase pa ako. Ayokong mag-aksaya ng oras," Pasupladang sabi nito sa akin nang matagal-tagal din akong nanahimik habang nagbibilang ng tig-iisang libo sa isip ko para mabuo ang apat na milyong pambayad ko sa nude painting ko. "Ahrmp!" I cleared my throat. Confidence ko, magbalik ka! "I said nude painting. And it is final," bawi-confidence na wika ko rito. Bye, four million pesos. Ilang taon din kitang pinag-ipunan. ‘Di bale, the painting sessions will be worth it, I'll make sure of that. Susulitin ko ang four million pesos na ibabayad ko sa kanya. Kahit isang taon pa akong hubad na nakabuyangyang sa harap niya ay ayos lang sa akin basta makasama ko siya nang matagal. "Anong background ba ang gusto mo?" sumusukong sabi niya. Napangisi ako na umabot pa ata sa batok ko. Success! "How about in your bedroom?" Nang-aakit akong tumingin dito. Damn! Nasasaniban yata ako ng espiritu ng mga burlesque queens at inaakit ko na ang kapwa ko babae! "My bedroom is exclusively for me only. No strangers are allowed to be there." Natameme ako sa kasupladahan nito. "Okay then! Sa bedroom ko na lang. Welcome na welcome ka roon." Humagikgik pa ako sa naramdaman kong kilig habang ini-imagine si Clem na nasa loob ng kuwarto ko. Sorry na. ‘Di ko talaga mapigilan ang hindi kiligin sa kanya, eh. "Sige. Kailan?" malamig niyang tugon na hindi ko na pinansin sa sobrang excitement na nararamdaman ko. "Ngayon na tutal naka-schedule naman na ngayon ang painting session natin, ‘di ba?" hindi mababaling sabi ko sa kanya. Mukhang sunud-sunod ang suwerte ko ngayong araw na ito kaya sasamantalahin ko na. "Okay. Let me just make some calls," sumusukong sabi niya bago niya ako tinalikuran. "Take your time, sweetie." Oops! The endearment just slipped out of my tongue, ha. Promise hindi ko sadya 'yun. Hihihi. Lumingon siya sa akin at sumimangot bago muling tumalikod. Pinanuod ko ito habang nakikipag-usap gamit ang telepono. Kitang-kita ko ang pag-aliwalas ng mukha at pagngiti niya dahil sa sinasabi ng kausap niya. Hmp! Hindi naman nito kita ang kausap pero ang ganda ng ngiti nito samantalang ‘di man lang ito makangiti sa akin ng ganun. Kainis! Wait a minute. Am I some sort of getting jealous? Nagseselos ako sa kausap ni Clem? Oh, no! Ano ba ang nangyayari sa akin?! Una, naaakit ako rito at ngayon ay nagseselos ako?! What the eff! Am I... gay?! A lesbian? Nangilabot ako sa salitang umiilaw sa tuktok ng ulo ko. Tomboy ako?! As in Charice? As in Aiza? No!!! Nasampal ko ang sarili kong mukha. Masakit, ha. What the eff! Hindi pwede! Sikat ako! Magaling akong modelo at artista. Ano na lang ang sasabihin ng mga fans ko sa buong mundo kapag nalaman ng mga itong tomboy ako?! "Oh, napapano ka?" Nangingilabot akong napatulala kay Clem na nakatayo na sa harap ko. Hindi! Hindi maaari!!! "Ah, I changed my mind! Hindi na pala ako magpapagawa ng nude painting ko! O kahit na anong painting pa iyan! Ah, basta ayoko na. HINDI AKO TOMBOY!" Wala sa loob na sigaw ko sa kanya. Saglit siyang natigilan sa ginawa kong pagsigaw bago ko nakita ang pagkawala ng ngiti niya at napalitan ito ng sobrang kaseryosohan niyang mukha. "Thank you for sharing pero what do you mean hindi ka na magpapagawa ng painting?" nagsalubong ang mga kilay nitong tanong sa akin. "Umm!" Damn! Ano ba 'yung nasabi ko?! "Ah, eh... What I meant was... hindi ko na kailangan na..." "After excusing myself from the tremendous works here in school para sa kapritso mo ay saka mo sasabihin na hindi ka na magpapagawa ng painting?!" hindi makapaniwalang tanong nito. 'Yung seryoso niyang mukha ay naging madilim na mukha na. "Ano... kasi... ah... eh." Damn it! Parang sinaksak ang puso ko sa pagdaanan ng disappointment sa mukha niya. "You know, whatever. Pare-pareho naman kayong artista, eh. Mga fickle-minded. Binabalewala n'yo ang ginagawang effort para sa inyo ng ibang tao para lang sa mga kapritso n'yo. You just wasted my time. Get out and don't come back here anymore. To tell you the truth, kung hindi lang pinsan ng mommy ko si Tito Conrad, hindi naman ako papayag na mag-paint para sa ibang tao." Puno ng galit ang boses nito na nagpatayo sa mga balahibo ko. Tinalikuran na niya ako, naglakad na walang lingon patungo sa pintuan ng silid at pabagsak na isinara ang pintuang kanyang nilabasan. Nanikip ang dibdib ko. Naguguluhan ang utak ko. Oh, s**t. What the eff have I done?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD