Aaliyah ( Brittany mother )
*
*
" Nakataas ang kilay ko pinipigilan ko ang huwag matawa Inakala ni Betty na ang number 28 na hinahangaan niya ay si Franco Damion. Malilintikan talaga si Skyler pagnalaman na siya ang mystery race driver ng number 28, Na matagal nang tinitingala ni Brittany.
Sasabihin ko ba? Hindi naman ganon kayaman si Franco racer din sya pero bagay silang dalawa. Nasisiguro ko na balang araw mamahalin din nila ang isat-isa."
" Mommy! Daddy please. Kailangan ko ng parental consent. pakiusap ngayon lang ako naging sigurado. Mommy diba may nagtangka sa buhay ko last game ko. Ngayon gusto ko malaman kung sino ang pumapatay sa mga nagtatangka sa buhay ng lumalaban sa National race na gaganapin sa USA. " Pakiusap ng bunso ko
" Magpapakasal ka sa comatose? Paano kami magkakaroon ng Apo." Naiinis na Tugon ko
" Mommy! Oh my gosh! I'm a virgin! Bakit apo agad? Kuya Vaughn ikaw panganay mag-asawa kana." Patili na tugon nito
Natawa ako mabuti nalang hindi niya nakita kundi baka sinigawan na ako.
" What? Bata pa ako 28 palang! At isa pa 17 palang ang gusto ko asawahin. Child abuse pa ako pagkakataon. " Natatawa na tugon ng panganay ko
" Pag nag-asawa kana! Hindi kana pwede hinihingi saakin? Ibibigay ko lang sayo ang mana mo pag nagkaroon ka ng anak. Sa madaling salita kailangan mo tumayo sa sarili mong paa. Mapanganib ang gusto mong tahakin. Baka ikamatay mo pa." Seryoso na tugon ko
" Mommy! Hindi aksidente ang pagkakadukot saakin. Sinadya ni Nicolas na dukutin ako para maipahayag sa lahat na Asawa niya ang isa sa tagapagnama Shoun para sa investment ng kanyang negosyo. Ang pagkakamali lang niya wala parental consent 18 palang ako kaya kailangan ko pa ang magulang ko kung gusto ko magpakasal." Paliwanag ni Brittany
Pagsisisi niya ang Padalos-dalos na desisyon. Oh God! Ilang beses na ba siya napahamak sa kanyang Padalos-dalos na pasya.
" Mabuti nga mag-asawa kana. Ilang beses kana pinukot. Diyos ko anak baka mamaya magahasa kana. " Nag-aalala na wika ko
" Oh God! Gusto ko binigay ang sarili ko sa taong gusto ko makasama habang buhay. Pwede ko naman e divorce si Franco Paggising nya o kaya paggumaling na siya. Sa ngayon gusto ko sana tulongan nyo ako mommy na mauwi si Franco sa bahay ko. Doctor naman si Daddy baka may kaibigan siyang pwede mag-alaga kay Franco. Ako nalang mag-aalaga sakanya paglabas ko ng school babawasan ko nalang ang gimik ko." Pakiusap ng dalaga ko
Inabot ko ang hinihingi ng anak ko nagtatalon siya sa tuwa niyakap ako at pinaghahalikan.
" Tara na boy's sa city hall tayo tawagan nyo si attorney kailangan ko makuha ang marriage certificate ko ngayon din." Nakangiti na aya ni Betty sa apat na bodyguard niya
" Pang-ilan na yan si Franco?" Tanong ko
" Una si Blazh noon bata pa siya hanggang sa naging apat sila. Lahat yan apat gusto nya dati maging future husband ending naging personal bodyguard. Naku Nag-iisang babae pero matigas ang ulo." Naiiling na wika ng Asawa ko
" Iba ngayon Tito! Legal ang kasal na gusto ni Betty kaya nasisiguro ko na Seryoso siya. Hindi pa niya naranasan ma-inlove kaya hayaan lang natin sya. Naglilibang lang siya." Sabat ni Skyler pangalawa sa anak ko Anak ko sa pinsan ni Brandon
" Sa tingin ko naawa lang si Betty kay Franco. Pero Mom Dad malaking tao ang sa likod ng may kagagawan kay Franco. " Saad ni storm pangatlo sa anak ko panganay namin ni Brandon
" Hayaan nyo ang Kapatid nyo! Saka na tayo kumilos pag napalabas na ni Betty ang boss ng syndicate na gustong pumasok sa deadly Field. Baka may kinalaman ito sa nakaraan ng mommy nyo." Sagot ni Brandon
" Mommy ano iniisip mo bakit tahimik ka?" Tanong ni Vaughn
" Paano kaya ako magkaroon ng Apo? Comatose si Franco? Tumayo pa ang TT ng comatose? Paano ako magkakaroon ng Apo kung tulog ang Asawa ni Betty paano sila mag honeymoon?" Nag-aalala na tugon ko
" What? Mas inaalala mo pa ang pagkakaroon ng apo kaysa sa kaligtasan ng anak mo?" Inis na tanong ng Asawa ko
" Huh? Nag-aalala ako pero nakalimutan nyo ata na sainyong magkakapatid si Betty ang pinakamagaling makipag laban. Mautak at hindi basta-basta nagpapatalo. Excited na ako magkaroon ng Apo. Naku Magshoping ako gamit ng mga babies." Excited na Paliwanag ko
Nagmamadali ako tumayo ihahanda ko na ang nursery room ng apo ko dalawang nursery room isa pangbabae isa pang lalaki.
" Diyos ko si mommy may sapi na naman! Paano magkakaroon ng anak si Betty eh tomboy yon! Kita mo mas lalaki pa nga manamit saamin." Wika ni Storm
" Hubby! Magpadala ka ng nurse at doctor at kasambahay sa bahay ng anak mo. " Nakangiti na utos ko pumasok ako sa kwarto namin para magbihis
*
*
Brittany
*
*
" Pasensya na po talaga ma'am! " Paghingi ko ng paumanhin sa guro ko
" Hindi ako naniniwala sa medical certificate mo miss Shoun. " Pagalit na Tugon ni Mrs Abad
Binigay ko ang nakuha ko na CCTV footage ang pagdukot saakin at sapilitan pinakasalan.
" Sige tatanggapin ko to pero ito na ang huling pagkakataon mo. Kailangan mo mag-aral mabuti kung hindi ibabagsak kita " Mataray na tugon ni Mrs Abad
Nagpasalamat ako late kasi ako ng 5 minutes Bachelor of Science in Criminology, First year's college ako. Naupo agad ako huminga ako ng malalim.
Kailangan ko mag-aral mabuti para sa kinabukasan ko to. Pagbumagsak ako pati ang apat ko na bodyguard mawawalam ng gana mag-aral gusto ko ko sila makapag tapos ng pag-aaral para sa kinabukasan nila. Hindi kasi habang buhay kasama ko sila. Hindi habang buhay lagi ako nandito para suportahan sila. Aaminin ko kahit na bodyguard ko sila pamilya ang turin ko sakanila. Kahit na mahirap sila mabuti naman ang kanilang puso. Kaya karapat-dapat silang bigyan ng pagkakataon makapag tapos ng pag-aaral. Kahit na hindi ko naman talaga kailangan ng bodyguard. Gusto ko lang makatulong sakanila. Nakikita ko kung paano Magsumikap magtrabaho ang kanilang mga magulang para mabigyan sila ng magandang kinabukasan. Kaya ko to!
" Salamat po Mrs Abad! pasensya na po ulit salamat po sa pag-unawa nyo." naiiyak na pasalamat ko
" Sige na iha! Naintindihan naman kita. . " Nakangiti na tugon ng Ginang
Lumipas ang oras ng klase naghintay ako sa kotse
Nakasandal lang ako sa pinto ng kotse natanaw ko ang apat nakasimangot
" Boss! Paano kun---
" Tara na! Pwede naman kayo umilit sa next year." Natatawa na putol ko sa sasabihin ni Blazh
Graduating na silang apat. Nakakalongkot pero kailangan ko na silang palayain bilang bodyguard ko.
" Sa pagtatapos nyo. Gusto ko magtrabaho kayo sa ibang bansa. Bigyan nyo ng magandang buhay ang mga magulang nyo. " Nakangiti na wika ko
" Pwede naman kami magtrabaho sayo Malaki naman pasahod nyo saamin." Tugon ni Caleb
" Sayang ang pinaghirapan mo sa pag-aaral kung magpapatuloy kayo sa pagtrabaho saakin. 18 na ako! May Asawa na nga kaya hindi na ako bata. Kaya ko naman ang sarili ko. " Nakangiti na tugon ko
Ako ang nagmaniho nagtataka si Blazh kung bakit pauwi sakanila ang daan na tinatahak namin.
" Nakita mo Papa mo? Matanda na Nagtrabaho parin bilang security guard. Panggabi pa. Puyat at pagod. Kaya ko kayo sapilitan ginawang bodyguard dahil sa gusto ko mabago ang buhay nyo. Oo mas matanda kayo saakin pero lumaki kasi ako sa mayaman angkan hindi ko naranasan maghirap. Kaya kung mababago ko ang buhay nyo ito na ang pinaka masayang gantimpala na matatanggap ko. Naalala ko bawat isa sainyo hindi nga nakabili ng tsinilas at bagong damit. Magtrabaho kayo malayo saakin. Baguhin nyo ang buhay nyo! Bigyan nyo ng magandang buhay ang mga magulang nyo. " Nakangiti na Paliwanag ko habang nakatanaw sa gusali
Naging tahimik ang apat! Hanggang sa makarating kami sa bahay
" Salamat." Magkakasabay na sambit ng apat Ngumiti ako bago tuloyan pumasok sa silid namin ni Franco
" Kumusta Franco! Muntikan na ako hindi papasukin ng teacher ko . " Nakangiti na kausap ko sa natutulog parin na si Franco
Hinubad ko ang lahat ng saplot ko pumasok ako sa banyo paglabas ko nakabihis na ako ng oversized shirt at dolphin shorts
" Pasok." Utos ko
" Ma'am! Hindi pa po nabihisan ang Asawa nyo. Kayo nalang po ang magbihis nakakahiya naman kung ako pa. Alam nyo nakikita ko yong Ano nya. Sige po ihahanda ko ang dinner nyo." Wika ng kasambahay napanganga nalang ako hindi ako nakapag salita
Napatingin ako sa natutulog na si Franco naglakad ako palapit kanina lang siya nauwi dito ngayon ko lang napansin na gwapo pala siya.
" Haha Akalain mo kinasal ako kay Nicolas pero naging legal na naging Asawa ko itong lalaki na hindi ko alam kung magigising pa. Kompleto naman dito lahat ng aparato para kay Franco nandito na. may dalawang nurse at isang doctor dito kaya nasisiguro ko ang kaligtasan ng binata
" Alam mo! Hindi ko alam kung bakit pinakasalan kita. Comatose ka! Alam ko hindi mo rin ako kilala pero hindi ko lang talaga kaya makakita ng taong inaapi at nakakaawa. Sabihin nalang natin na siraulo ako. Pero napaka lambot ng puso ko para sa kapwa ko na lumalaban ng patas. " Nakangiti na wika ko
" Nang bata ako may kalaro ako na namatay dahil sa gutom. kaya pala hindi ko na nakikita sa labas ng school dahil wala na pala. Kaya nga kahit na bata pa ako nagawa ko suportahan ang apat ko na kaibigan. Ginawa ko sila personal bodyguard ko para may sahod sila at makapag aral. Pinasok ko ang racing dahil sa malaking pera ang kikitain ko para hindi na ako hihingi sa mga magulang ko. Inakala nilang spoiled brats ako dahil may apat akong bodyguard pero wala talagang nakakaalam sa nilalaman ng puso ko.
" Boy's bihisan nyo nga si Frank. Bilisan nyo para makapag dinner na tayo kailangan natin magpahinga ng maaga. " Utos ko paglabas ko ng silid
" Doc kumusta ang lagay ng Asawa ko?" Tanong ko
" Nagising sya kanina! pero ilang minuto lang. Basahin mo to iha. Dinala ko pa yan kanina sa hospital ng daddy mo para sa pagsusuri napag-alaman ko na hindi comatose si Franco sinadya na patulogin para magmukhang comatose. Sabi ng daddy mo pa-imbitagahan daw niya ang nangyari. Sige uuwi na ako bukas ng hapon ako babalik nandito naman ang dalawang nurse bukod sa matatagalan makapag lakad ang Asawa mo wala na siyang ibang sakit. " nakangiti na Paliwanag ni Doc Leon kaibigan ni Daddy
" Thanks tito. Ahemmm! Tito Leon pwede magsagawa ka n- ah ano kasi." Nahihiya na wika ko
Lumapit ako at binulong ko ang gusto ko mangyari
" Sperm cells po ni Franco gusto ko mag pa freeze ng sperm cells ng Asawa ko. para paghanda na ako magkaroon ng anak sasailalim nalang ako sa IVF. Please ilihim nyo po ang gagawin nyo." Bulong ko
" Hahaha! manang-mana ka talaga kay violet pero Sige. " Natatawa na tugon ni doc Leon
" Malay ko ba kung hindi ako magkaroon ng Asawa. Alam ko naman na may kasintahan si Franco Paggising nya sigurado babalikan niya ang mahal niya. Hindi ko naman maintindihan about sa love hindi pa ako nakaramdam ng pag-ibig maliban sa pagmamahal ko sa mga magulang at Kapatid ko at sa apat na kaibigan ko. Sisiguradohin ko na Pagdating ng araw hindi ako tatanda mag-isa. maganda na ang advance mag-isip." Piping sambit ko
" Boss ayaw mo ba makita kung malaki ang alam mo na." nakangisi na tanong ni JJ pagpasok sa kwarto
Pinanlisikan ko siya ng mata nagtawanan silang apat lumabas ako ng silid naririnig ko parin ang pang-aasar ng apat.