Chapter 1 I found my future husband

1996 Words
Brittany * * " Hey-hey! Blazh, bilisan mo haraging mo ang Marriage contact ko." Kinakabahan na bungad ko " Hmmmm! Hey dude! Gising si boss nasa phone." Inaantok na wika ni Blazh sa mga kasamahan " Tangna nyo! Buksan nyo ang TV dinukot na ako. at sapilitan pinakasalan. Bumangon kayong apat. Harangin nyo ang marriage contract ko. Bilisan nyo ayaw ko pa mag-asawa." Galit na Bulyaw ko sa apat. " Bilisan nyo, Sundin ang utos ni boss good night..." Sabat ni Jayson Jacob. Pinatay nila ang tawag ko tinawagan ko si Caleb hindi sumasagot sinunod ko tawagan si River hindi rin sumasagot. Apat silang personal bodyguard ko hindi lang sila bodyguard ko, Ako ang nagpapa-aral at lahat ng gastusin nila sagot ko. Hindi naman kasi sila mayaman lahat sila galing sa mahirap na pamilya. Kaya nga natuto ako sa gawain ng mahihirap. Pati pagkain ng nakakamay at pananamit ng semple. Kinalma ko ang sarili ko sinipat ko ang sarili ko sa salamin. Nakasuot ako ng white dress lumabas ng Kwarto Paglabas ko ang sigawan ang mga tao napangiwi ako. " " Ano nga pala pangalan mo?" tanong ni Nicolas " Brittany, Huwag mo nang alamin surname ko. Baka magulat ka. " Nakangiti na wika ko " Nic--- " Nicolas White. Sinabi mo na kanina sa Simbahan. Pwede bang taposin na natin ang ano ba ang tawag dito? Kailangan ko talaga umalis, Ang apat ko kasi na alaga baka nagkalat na naman sa bahay. " Putol ko sa sasabihin ni Nicolas Akmang magsasalita si Nicolas ng tumunog ang phone nito " Sige-sige pupuntahan kita ngayon din. " Narinig ko na tugon niya " Pasensya kana, Pupuntahan ko lang ang girlfriend ko Umiiyak eh." Nag-aalala na wika niya " Sorry guys may emergency akong pupunt---- " Sandali! Mag-usap tayo ng maayos. " Nagpipigil sa galit na wika ko sinadya ko putulin ang sasabihin niya. " Mag-uusap lang kami mag-asawa. Sandali lang ipagpatuloy nyo na ang pagsasaya." Nakangiti na wika ko hinila ko Papunta sa sulok si Nicolas " Kanina ko pa gusto itanong kung bakit mo ako pinadukot? I am only 18 first year college lang ako. Alam mo bang tinakwil ako ng mga magulang ko dahil sa ginawa mo! Tapos ngayon iiwan mo ako dahil sa umiiyak ang putanginang Ex-girlfriend mo. Gawin ko ang lahat para hindi ma rehistro ang kasal natin. Dahil sa oras na maging legal mo ako na Asawa asahan mo! Hinding-hindi kana pwede lumapit sa Ex-girlfriend mo. Ang lahat ng pag-aari ko saakin lang. " Mahabang pahayag ko " Don't worry! Maghihiwalay tayo pagkatapos ng isang taon. " Baliwala na tugon niya Iniwan na ako mag-isa sa sulok pinagtitinginan ako ng mga bisita. Halos pagsakluban ako ng langit at lupa dahil sa kahihiyan. Namumula ang mukha ko sa kahihiyan at galit. " Hinding-hindi ako papayag na gawin mo akong tanga. " Galit na sambit ko Nagmamadali ako tumakbo sumampa ako sa motor na nakaparada nakasusi pa dahil ka baba lang ng driver " Pahiram ako." Sambit ko Natanaw ko ang sasakyan ni Nicolas mabilis ang pagmamaniho. Sinundan ko si Nicolas ngayon palang gusto ko na makilala kung sino ang Ex-girlfriend ni Nicolas bakit baliw na baliw ang lalaking yon. sa putanginang babaeng yon. Umabot ng 20 minutes bago ko natanaw na huminto sa tabing kalsada ang sasakyan huminto din ako may nasipat ako na babae. Agad ba nagyakapan ang dalawa wala naman akong naramdaman na kahit na selos kundi galit. " Hindi ako nagpakasal ikaw parin ang mahal ko. " Umiiyak na wika ng babae Naglakad ako palapit sa dalawa pinag untog ko ang ulo ng dalawa nagulat sila napalingon saakin " Who are you?" galit na tanong ng babae Hinawakan ko sa kamay si Nicolas hinila ko palapit saakin " Asawa ako ng lalaki to! Kaya kung ayaw mo naging kabit layuan mo ang Asawa ko. " Mataray na wika ko " Si--- " Oops! Wala kang karapatan magsalita Nicolas! Unang-una nanahimik ako dinukot mo ako para mapakasalan, Dapat kasi kanilala mo muna ang babaeng pinakasalan mo. Bukas na bukas may legal na akong Asawa at Hindi ikaw yon." Pagalit na wika ko kay Nicolas Akmang sasampalin ako ng babae mabilis ko siya sinuntok sa panga bumagsak ang babae. " Sa oras na hindi ka umuwi at harapin ang mga bisita mo bukas na bukas may Asawa na akong ibang lalaki. Huwag mo ako subukan Nicolas. Ginusto mo to diba? pagsisihan mo ang kapangahasan na ginawa mo. " Walang Emosyon banta ko " Are you okay?" Nag-aalala na tanong ni Nicolas sa babae inalalayan patayo " Sumampa ako sa motor pinaharorot ko pabalik sa bahay ni Nicolas wala nang mga bisita mga kasambahay nalang maglilinis ng kalat " Ma'am gusto nyo po ba ipahanda ko kayo ng makakain?" Tanong ng may edad na babae " Yes please! " Tugon ko sumunod ako sa kusina kumakain ako ng tumonog ang phone ko " Okay na boss! Naharang ko na ang marriage contract mo. Wala kang mapapala sa lalaking yan. Inlove siya sa girlfriend niya kaya masasaktan ka lang ng paulit-ulit. Hanggang kilan ka makikipag laro sakanila? Alalahin mo may klase ka bukas. Sunduin ka ni Caleb bukas." Mahabang turan ni Blazh " Thanks B." Tugon ko Pinagpatuloy ko ang pagkain " Hey! Maupo kayo sa samahan nyo ako Kumain. " Utos ko sa mga kasambahay " Eh kasi ma'am bawal po kami kumain ng pagkain nyo. Isa lamang po kami kasambahay magagalit po si ma'am Abigail." Nahihiya na tugon ng kasambahay " Abigail? Ang Ex-girlfriend ni Nicolas? maupo kayo simula ngayon sa tuwing kakain ako sasabayan nyo ako. Alam mo kasi lumaki ako na kasabay namin kumain ang mga kasambahay namin. Pamilya namin sila hindi alipin. Maupo kayo ako ang bahala sainyo. Ako na ang Asawa ni Nicolas kaya ako na ang mamahala sa bahay." Nakangiti na tugon ko Nagsiupo ang mga kasambahay. Habang kumakain napag-alaman ko na nagsasama na pala si Abigail at Nicolas ng biglang nakipag hiwalay si Abigail dahil sa isang mayaman na lalaki ngayon ikakasal na sana si Abigail nang maaksidenti ang mayaman lalaki napag-alaman ni Abigail na nag back out lahat ng investment ng mayaman na lalaki dahilan ng unti-unting pagkalugi at dahil sa aksidente ang natitirang pera sasapat lang sa mga bayarin sa hospital. " Ssssshh! Bilisan nyo nand'yan na sila. " wika ko agad na kumilos ang tatlo " Dito na ulit maninirahan si Abigail. Ikaw kunin mo ang bayad ko sayo tapos Lumayas kana sa pamamahay ko." Matapang na wika ni Nicolas " Hahaha! Ulol! Sabi ko sayo diba? gagawin kong impyerno ang buhay mo. Dahil sayo kaya nawala ang pinaghirapan ko ng ilan taon." Galit na bulyaw ko " Ikaw kasi! Tumawag ka kaya ng pulis." Wika ni Abigail " Gigi! Matulog na kayo pagtapos nyo maglinis. Gusto ko pala sa almusal black coffee 5 : 30. May pupunta na matangkad na lalaki dito papasukin mo sa kwarto ko. Caleb ang pangalan niya." Nakangiti na wika ko " I'm Here." Napalingon ako sa nagsalita " Tara! Road racing." Nakangiti na aya ni Caleb Nagliwanag ang mukha ko " Oh God! Thanks. Kahit Anong racing basta may primyo. Let's go... Ang tatlo nasaan?" excited na tugon ko para akong bata na tuwang-tuwa " Hey baby boss." bati ng tatlo sa labas ng gate " What the heck?" bulalas ni Nicolas " Oh sya! umpisahan nyo na gumawa ng bata. Hanggang sa mapudpod yan TT mo. Total wala akong pakialam sainyo. Bye-bye mga tanga. Sya nga pala 18 lang ako kailangan ko ng affidavit of parental consent to marriage, Tanga-tanga mo naman. Fake ang kasal natin. " Nakangiti na paalam ko " Hahaha! Boss tara na baka mahuli tayo sa registration. Sayang naman ang primyo. " Aya ni River Tumakbo na ako palabas pumasok ako sa Back seat ng sasakyan " Saan ang racing?" Excited na tanong ko " Haha wala! Nag-imbistiga kami. Sa mga nangyari sayo ngayon araw, Makakabuti kung huwag kang makikialam sa problema ng fake mong Asawa. " Wika ni Jayson Jacob " JJ sabi mo nag-imbistiga kayo? Ipaliwanag mo nga?" Tanong ko " Pera lang ang habol ng babae, Si Franco Damion naalala mo ba siya? Number 28 ang lagi mong kalaban. " paliwanag ni JJ " Siya pala ang driver ng 28 bakit tinago niya ang pagkakilanlan niya?" Tanong ko " Tulad mo! Gusto din nya ng tahimik na buhay. Ngayon nag-aagaw buhay sa hospital walang kamag-anak walang pera. Inubos ng babae kanina ng fake mong Asawa. " Turan naman ni Blazh " Blazh ang bango mo ngayon ah! Sino ang nililigawan mo ngayon?" Tanong ko inaamoy-amoy ko ang balikat ni Blazh " Simula ng bata pa tayo yan ang lagi mong sinasabi saamin apat. Pupuntahan natin si Franco mabait siyang tao. Siya ang dahilan kaya ka naging racer diba? " Naiiling na wika ni Blazh Number 28 ang number ng idol ko pero kahit kilan hindi ko pa nakilala ng personal tinatago niya ang kanyang mukha sa public gusto lang niya magkarera pero ayaw niya maging sikat at pagkagulohan. " Bilhin mo Blazh ang lahat ng property ni Franco Damion, Pati ang company tawagan mo si attorney. Caleb tulongan mo si Blazh mabili ang lahat ng sasakyan ni Franco ibabalik natin si Franco. Ako ang gagamit pansamantala ng number 28. last na laban ko may nagtangka buhay ko. Malalaman natin kung sino ang gustong pumatay sa mga sikat na car racing. Bukas kakausapin ko si mommy babalik ako sa karera. Pero ilalantad ko ang mukha ko. Magapagupit ako gusto ko ang tomboy looks ni mommy.." Mahabang wika ko " Ayeeeh! Labanan na." Sigawan ng apat napailing nalang ako Pagkalipas ng ilang sandali nakatayo ako sa hospital bed ni Franco marami ang tubo na nakakabit sakanya. " Iha! Ikaw ba ang kaibigan ng anak ko? Pasensya kana ilan linggo nang comatose si Franco. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa alaga ko bigla nalang siya iniwan ng kasintahan niya. Diyos ko ang alaga ko. " Umiiyak na wika ng matandang babae " Kailangan nyo na po bayaran kahit kalahati ng bill's." Wika ng nurse " Bayaran ko ang lahat ng bill's nya pwede ko na ba siya ilapat ng hospital?" tanong ko " Kailangan po kamag-anak ng patient ang mag request. Asawa ka po ba niya?" Magalang na tugon ng nurse " Sige bukas na bukas dadalhin ko ang marriage certificate namin. Manang ito po ang card ko bayaran nyo po ang lahat ng bayaran dito. Babalik po kami bukas." Magalang na wika ko Umiiyak na nagpasalamat ang matanda Yaya pala siya ni Franco " Ang Nicolas na yon! Malalaman ko kung ano ang motibo mo sa pagpapakasal saakin. Sa nangyari pagpapakasal ko kaya nawala ako sa lineup ng national championship na dapat kasama kami ni Franco sa susunod na buwan gaganapin sa USA. Ang mananalo makakapasok sa deadly race. Pero may susunod na taon pa naman. kahit na hindi ako manalo sa USA makakapasok ako sa deadly race dahil sa anak ako ng may-ari ng deadly race. Binalik kay mommy ang deadly race. Talagang Deadly ang racing na yon, legal ang gumamit ng nakakamatay na kagamitan para lang manalo sa laro. Billiones ang primyo ng mananalo. " Balang araw! Malalagpasan ko ang narating ni mommy. Makakapasok ako sa deadly race. At mananalo. Ngayon kailangan ko tulongan mabuhay ang idol ko. " Piping sambit ko " Boss ano ang iniisip mo?" tanong ni River habang naglalakad kami palabas ng hospital " Sa mansion ni mommy." utos ko " Gusto ko pakasalan si Franco. Sasabihin ko nalang Paggising nya biktima kami ng Wrong Bride." Piping sambit ko " I need parental consent for my marriage. " Wika ko " Bakit nakangisi kayo? 100% sure ba kayo na si Franco ang driver ng 28?" Tanong ko May pinakita na picture si Blazh picture ni Franco Damion habang palabas ng sports car na may number 28 kaya nakombinsi ako na si Franco nga ang mystery car racer driver na matagal ko na hinahangaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD