Chapter 3 Her Dream

1987 Words
Brittany * * " Salamat attorney! Maraming salamat dahil naibalik ko pa ang lahat ng ari-arian ni Franco. " Nakangiti na wika ko " Tawagan mo nalang ulit ako pag may kailangan ka iha. Sya nga pala mag-ingat ka. " Wika ni Attorney sa kabilang linya " Yaya! Manda gawin nyo po ang lahat para maibalik sa dati ang bahay ni Franco. Pakiusap lahat ng papasok dito itawag nyo saakin. Sabihin mo rin sa nagtatanong na buhay at nagpapalakas sa ibang bansa ang boss mo at lalaban sa national race sa USA." Seryoso na wika ko sa Yaya ni Franco Sumang-ayon ang matanda bakas ang kasiyahan sa kanyang mukha. Wala naman problema kung gumastos ako ng milliones pera lang yon Malaki ang nabawas sa ipon ko pero kaya ko naman itain yon. Ipon ko ang ginamit ko hindi ko pa nabawasan ang Pera na bigay ng mga magulang ko. Hanggat maaari kasi gusto ko sarili kung pera ang ginagastos ko. " Boy's tara sa club tayo gusto ko abangan si Nicolas. Alam ko ginamit niya ako para sa pansariling interes pero hindi naman siya masamang tao. Biktima siya at may kutob ako na si Abigail ay pakawala ng syndicate. " Wika ko sa back seat ako naupo sa gitna ni River at JJ " Boss! Si Abigail ba ang babaeng kasintahan na Nicolas at Franco? " tanong ni JJ " Para kasing biglang nalang sumulpot si Abigail. Sabi ni Yaya manda nang comatose si Franco saka lang nagpakilala si Abigail bilang kasintahan." paliwanag ko " Nag imbistaga ako. Napag-alaman ko na sinabi ni Abigail na pinagkasundo siya ipakasal kay Franco. Kaya naniwala naman si Nicolas. Sinadya ni Nicolas na dukutin ka hindi ko pa alam ang totoong dahilan. " paliwanag ni Blazh " Baka ikaw ang napili para sa malaking investment na makukuha ni Nicolas para bumalik sakanya si Abigail. Alam ni Nicolas na pera lang ang habol ng babae pero dahil sa mahal niya kaya gagawin niya ang lahat para lang bumalik sakanya ang kasintahan." Dugtong ni Caleb " Ayaw ko umibig! Ayaw ko maging tanga." bulalas ko " OLOL." Sabay-sabay na tugon ng apat nagtawanan sila natawa narin ako " Ayaw ko umibig. Simula ngayon hindi na ako magsusuot ng pangbabae. Magpapagupit ako ayaw ko masira ang kinabukasan ko dahil sa lalaki. Marami akong pangarap. " Kausap ko sa sarili ko " Hindi mo Kailangan baguhin ang sarili mo. Just be your self. Bakit kaba natatakot umibig? Hindi ka tumatanggap ng manliligaw kaya madalas na pagtangkaan ka dukutin." Seryoso na tanong ni JJ " Iwan hindi ko rin alam. Dahil sa tingin ko kasi hadlang sa magandang kinabukasan ang pag-ibig. Madalas nababaliw ang umiibig. Sa labis na pagmamahal kahit na alam nilang mali ginagawa parin nila. Kahit na nasasaktan at niloloko patuloy parin nila minamahal. Oh diba nakakatakot umibig. Hindi naman lahat katulad ng mga magulang ko na hanggang ngayon mahal nila ang isat-isa. " Paliwanag ko " Bakit ka natatakot sa bagay na hindi pa nangyayari. Alam mo boss natural lang na masaktan ganon talaga pagnagmahal nagiging bulag tayo. " Nakangiti na wika ni Blazh " Iwan! 10 pm alis tayo wala naman tayo pasok bukas. " Wika ko " Oy may pasok ako gago. Hindi ako sasama boss." Wika ni JJ " Ako rin! Hindi ako sasama maaga pasok ko bukas 5 am " Wika ni Blazh " Uuwi ako bukas sa bahay namiss ko na sila mama." Wika ni Caleb " Okay lang! ako nalang mag-isa. Magpapahinga muna ako." Tugon ko pumasok na ako sa bahay " May sarili pala silang buhay. Hindi talaga habang buhay kasama ko sila. " malungkot na sambit ko " Bababa nalang ako para kumain.." Wika ko sa kasambahay pumasok ako sa kwarto namin ni Franco Naupo ako sa tabi ng Asawa ko " Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay. Wala akong pangarap maliban sa makapasok sa deadly race ng walang tulong ng mga magulang ko. Sana Paggising mo! Lumaban ka ulit, Sana huwag kang magalit sa pakikialam ko sa buhay mo. Hindi ko talaga alam kung bakit kita tinulongan, Wala akong ibang gusto kundi ang makita kang sa racing field. Ikaw kasi ang isa sa pangarap ko makalaban sa deadly race. Iwan siraulo lang talaga ako. " Malungkot na kausap ko kay Franco Napatingin ako sa labi ng binata Hindi ko alam kung bakit parang gusto ko halikan ang kanyang labi. Umiling ako nagbihis ako ng oversize shirt at dolphin shorts nahiga ako sa sofabed nakatitig lang ako sa natutulog na si Franco Naiiling na sinagot ko ang tawag ni kuya Storm " Bakit kuya?" Bored na tanong ko " Ikaw na Mom! Nakakahiya eh." narinig ko na wika ni kuya " Sasabihin mo lang na subukan gumawa ng baby kahit comatose ang Asawa nya. Sige na anak! Gusto ko magkaroon ng Apo. Ang mga pinsan nyo may mga anak na. Si Alazne, si Gwen. Sige na anak." Pamimilit ni mommy kay Kuya " Mommmmmmm! Naririnig kita oh my gosh. Hindi pa ako makikipag lovemaking. Hindi ako magkakaroon ng anak. 18 lang ako! Mommy mga kuya ko hingan mo ng Apo. Huwag ako makahingi ka akala mo nabibili lang. " Pasigaw na Sagot ko napamura ako bigla ako nila pinatayan ng tawag " Oh God! kaya nga ako humiwalay sa mga magulang ko kasi stress ako sa kakulitan ni mommy. Diyos ko para silang batang paslit sa katigasan ng ulo. Napakunot noo ako ng may mabasa ang text message ni mommy " Subukan mo lang anak please. Matanda na ako gusto mo ba mamaya akong malungkot " " Oh God! " Sambit ko Bumangon ako narinig ko kasi umungol si Franco " Hmmm! " Ungol niya " Nurse! " Sigaw ko " Hey! naririnig mo ba ako? Thanks God gising kana." Masaya na sambit ko " Tito Doc! Kumusta ang lagay nya?" Masaya na tanong ko Hindi umimik si Doc Leon sinuri nya ang kalagayan ni Franco matagal ang ginawa nilang pagsusuri kay Franco " Saan ako " Halos pabulong na tanong ni Franco " He's safe now! " Tanging sambit ni Doc Leon Marami pa sinasabi ni Doc Leon pero hindi ko na naintindihan Hinawakan ko ang kamay ni Franco " Hi! Nandito ka sa bahay ko. Huwag kang mag-alala ligtas ka dito. pagaling ka. Gusto mo ba ng tubig o pagkain " Nakangiti na wika ko " Iha! Kagigising lang ng Asawa mo! Pahingahin mo muna. Sinusubukan niyang alalahin ang nangyari sakanya. at isa pa walang gana Kumain yan ilan araw tubig lang ang gusto niya inumin saka pakainin ng malalambot na pagkain. Hindi pwede biglain ang kanyang tummy. Maya-maya susuriin ko ulit siya." Mahabang paliwanag ni Tito Leon " A-asawa? Kilan ako nagkaroon ng Asawa?" Pautal-utal na tanong ni Franco Napangiwi ako nagmamadali ako pumasok sa walk-in closet " Ahemmm! may lakad pala ako. Sige Franco pagaling ka." Wika ko Tumakbo ako palabas ng Kwarto nagmamadali ako bumaba ng hagdan Nakasalubong ko si River sinabunutan ko siya. " Sabihin mo! paano ko sasabihin na pinikot ko siya? Para maligtas siya sa panganib? Paano ko sasabihin na ako ang Asawa niya at gamit ang finger print nya kaya ko sya naging Asawa. Sabihin mo ako ang sasabihin ko?" Taranta na tanong ko kay River habang sinasabunutan " Arayyyy! aray arayyyy! Boss sabihin mo ang katutuhanan. Sabihin mo na hihiwalayan mo din siya sa oras na makalakad na ulit sya." Inis na tugon nito Tumakbo ulit ako paakyat sa hagdan " Alam ko kagigising mo lang! Ganito ang nangyari! makinig ka." hingal na wika ko nag-umpisa ako magpaliwanag mula sa dinukot ako ni Nicolas hanggang sa sundan ko Nicolas.. " Ayon na nga! Ang nangyari! Hinarang ko ang marriage contract ni Nicolas kaya nakiusap ako sa mga magulang ko na bigyan nila ako ng parental consent para sa pagpapakasal ko sayo. Binalik ko ang lahat-lahat ng nawala mong ari-arian, Bahay, negosyo, Car's pati teammates mo binalik ko. Oops! Bayaran mo ako ng lahat ng ginastos ko hindi libre yon. Alam ko kaya mong nakabalik sa dati. Wala kang pananagutan saakin. Gusto lang kita tulongan yon lang. Pwede ka bumalik sa dati mong buhay. ipawalang bisa ko ang kasal natin sa oras na kaya mo na maglakad ulit.." Mahabang paliwanag ko " My Head! Ingay mo! Sino kaba?" Tanong ni Franco nag-umpisa na naman ako magpaliwanag simula sa umpisa sa haba ng paliwanag ko namalayan ko tulog na ulit si Franco " Good night dibali bukas ulit ako magpaliwanag." Nakangiti na sambit ko Pagod na nahiga ako sa sofabed Agad din ako nakatulog kinabukasan nagising ako wala si Franco sa kama natanaw ko siya sa garden nakaupo sa wheelchair kausap si Doc Leon " Nicolas." Sambit ko Pumasok ulit ako sa kwarto naligo at nagbihis nakasuot ako ng black t-shirt sweatpants, Nakasumbrero. Bitbit ko ang susi na lumabas ng bahay " Tito Doc kumusta Asawa ko?" Baliwala na tugon ko " Okay naman sya. pinapaarawan ko para lumakas, Kumain na siya kanina ng lugaw. Saan ka pupunta?" paliwanag ni Doc may kasama na tanong " Kay Nicolas. " Tipid na tugon ko Lumuhod ako sa harapan ni Franco walang Emosyon ang kanyang mga mata puno ng galit ang kanyang mga mata " Kay Nicolas yon dumukot sayo para pakasalan ka?" Tanong ni Tito Leon " Exactly Tito! Gusto ko makausap ang lalaking yon! Kinasal kami at sa harapan pa ng maraming tao. Mabuti nalang na deleted na ang lahat ng videos na kumalat online." Paliwanag ko habang nakatitig kay Franco " Sino ka para pakialaman ang buhay ko?" Pagalit na tanong ni Franco Ngumisi ako naalala ko tuwing galit na galit si Daddy kay mommy hinahalikan lang niya tapos naglalaho na ang galit ni Daddy Inilapit ko ang mukha ko sa mukha ni Franco dinampian ko siya ng halik sa labi nanlaki ang mga mata ni Franco " Ako ang Asawa mo! Sorry pero ayaw kong mawalan ng kalaban. Magpagaling ka. Tapos maglaban ulit tayo, Magpapanggap ako bilang ikaw sa nalalapit na National championship sa USA. Gagamitin ko ang mask na lagi mong suot. Ibabalik ko sa racing field. Maglalaban tayo hanggang sa makaabot tayo sa Deadly race. Gusto kita makalaban sa deadly race Franco. Hindi ako papayag na mamatay ka. Kung mamatay ka dapat sa loob ng racing field. Tandaan mo! Ako lang ang kalaban mo. " Mahabang paliwanag ko " Tinatanong ko kung sino ka?" Galit na tanong ni Franco Muli ko dinampian ng halik ang kanyang labi namumula na naman ang kanyang magkabilang pisngi " Brittany Dyer Shoun! Anak ng may-ari ng Deadly race, Anak ni Brandon Shoun. Ako ang Asawa mo. Don't worry pag nakalakad kana Ibibigay ko ang divorce papers natin. Pinahanda ko na ang divorce papers natin. Kaya Wala kang dapat alalahanin. " Nakangiti na Wika ko " Dahil sa mapera ka kaya mo pinakaalam ang buhay ko. Hindi ako laruan para isama mo sa collection mo. " Galit na wika ni Franco " Boss paglabas ko mamaya sa school sa bahay ako nila mama uuwi. Ingat ka. " Paalam ni Blazh tumango lang ako " Dalhin mo kotse ko na isa." Nakangiti na tugon ko " Bye-bye Number 28. pupuntahan ko ang karibal mo. " Nakangisi na wika ko " Gusto ko! Gusto ko makapasok sa deadly race. At makalaban ang anak mismo ng may-ari ng deadly race. Pangarap ko yon simula ng bata pa ako." Wika ni Franco Natigil ako sa akmang pagpasok sa kotse napangiti nalang ako. " Maglalaban tayo sa deadly race, Pagkatapos ng laban saka ko sya hihiwalayan. Sa ngayon Mananatili kang nakatali saakin. Hanggat hindi ko nalalaman kung sino ang gustong pumatay saakin. May taong ayaw gustong pumatay saakin. Dinaan lang sa kuwari syndicate at pinapatay ang lahat ng Race car driver. Pero ako talaga ang sadya. Malalaman ko din kung sino sya." Piping sambit ko Pumasok na ako sa kotse nagmaniho paalis. Kailangan ko makausap si Nicolas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD