BOOK 1 : That's My TomboyWARNING RATED SPG FOR ADULT ONLY R18. "
" Sampong million kabayaran sa pagpapakasal mo saakin. Certificate of marriage lang ang kailangan ko hindi ko kailangan ng bed warmer. Gawin mo ang kahit na anong gustohin mo. Shopping partying whatever you want. I don't fvcking Care basta huwag mo ako pakialaman, huwag mo ako aabalahin, Sa kabilang kwarto ka magkatabi ang kwarto natin. " Masungit na wika niya"
" Pwede ko gawin lahat ng naisin ko? Wala nang bawian yan ah." Nakangisi na wika ko
Shoun ata ako. Hindi alam ng gagong to na mas mayaman pa ako sakanya. Ang mommy at Daddy ko parehong billionaire, Daddy ko business man May-ari ng hospital at ibang pang business. Ang mommy mo may-ari ng deadly race. At isang secret agent din isa rin car racer, And me gorgeous and hot, young car racer din ako independent na ako sa edad na 18. Sisiguradohin ko na pagsisihan mo ang pagkidnap saakin at sa isang iglap pinakasalan mo ako. Tsk. Well mister sisiguradohin ko mapapanot ka sa konsomisyon. " Piping sambit ko.
" Yeah! " Tipid na tugon niya
" Love! Sabi mo pwede ko gawin lahat ng naisin ko, Pwede pala ako magdala ng lalaki sa kwarto ko. Wala nang bawian yan." Nakangisi na wika ko
" Don't you dare." Galit na bulyaw niya
" Hindi ko kailangan yan pera mo! Dahil sa mag-asawa tayo pagbibigyan kita sa kagustohan mo. Sisiguradohin ko na hihiwalayan mo ako agad. Hindi mo ako kilala nagkamali ka ng dinukot." Nakangisi na wika ko
" Alam ko! Ang putangina inutosan ko nagkamali ng dinukot, Ang kasintahan ko ang dapat nasa lugar mo ngayon. Tapos wala na tuloyan na siyang ikinasal sa putangina lalaking yon. " Galit na bulyaw niya
" Ah! Broken-hearted! Sorry ha hindi pa ako na-inlove kaya hindi ko pa maintindihan ang nararamdaman mo. Sige papasok na ako sa kwarto ko pagmay dumating pwede papasukin nyo nalang sa kwarto ko darating kasi ang mga personal na gamit ko. Sya nga pala paki lagay nalang sa side table ang mga susi nasasakyan at bigbike ko. May pasok kasi ako sa school mamayang hapon. Bukas ng Umaga na ako makakauwi may lakad pa ako pagkalabas ko ng school." Mahinahon na wika ko habang nahihirapan umakyat sa hagdan Hirap maglakad ng nakasuot ng wedding gown.
" Umuwi ka mamaya! May darating na mga bisita kailangan kita dito at isa pa bagong kasal lang tayo kailangan natin ng party mamaya. Tugon ni Nicolas
" Sige! Hindi nalang ako papasok sa school, Pero aalis parin ako pagsapit ng 11 pm. " Tugon ko
" Sya nga pala! Dapat magpapasalamat ka! Ikaw ang putangina first kiss ko." Naiinis na wika ko
" What? First kiss?" gulat na tanong ni Nicolas
Pabagsak na sinarado ko ang pinto ng kwarto ko.
" Aaaah! Papatayin talaga kita ate Gwen! Huhu 18 lang ako bakit kasi sumama ako uminum kagabi. " Inis na sigaw ko pagpasok ko sa Kwarto
Flashback.
Nakangiti ako habang naglalakad papasok kay ate alazne bigla ako kinabahan ng naglakad palapit saakin si Ate Gwen
" Brittany! Tara samahan mo ako sa shop mo magsusukat tayo ng wedding gown. Magpapakasal na ako hahanapin ko na ang future husband ko. " Inis na wika aya ni Ate Gwen
Hila-hila ni Ate Gwen ang kamay ko naglakad palabas ng mansion.
" Oh may Gosh! I'm don't believe in marriage. Ate sandali lang hindi ko pa nayayakap si Ate Ash." Maarti na wika ni ko kararating ko lang
" Designer ka diba? Pwes kailangan mo ako igawa ng black weeding gown." Seryoso na wika ni Ate Gwen
" Racer ako ate! Hindi ako designer My Gosh." Patili na tugon ko habang hila-hila parin niya ako sa kamay
" Tito Brandon! Tita Violet Hiramin ko muna si Brittany." Pasigaw na paalam ni Ate
" Sige! Basta ibalik mo yan ng buo." Baliwalang tugon ni mommy
" Oh My God! Bakit ako? Mommy ayaw ko sa gangster leader na to? " Pasigaw na wika ko
Sa club kami pumunta ni Ate wala akong nagawa, Hindi ako makapalag kay ate
" Gumawa kalang ng dahilan para makaiwas sa kamag-anakan natin." Naiiling na wika ko
" Hindi kasi pweding lapit ako ng lapit sakanila baka sila pa ang pag-initin ng mga kalaban ko. Bagamat walang nakakaalam na gangster leader ako hindi rin magtatagal makikilala din ako. " Seryoso na tugon ni Ate
" Basta ako happy sa buhay ko. Wala pa akong plano mag boyfriend gusto ko kusang dumating ang pag-ibig hindi ko kailangan hanapin. Never ako maghahabol sa lalaki at never ako magmamakaawa na mahalin. " Nakangiti na tugon ko
Sa condo ni Ate Gwen kami natulog kinabukasan maaga kami pumunta sa boutique bridal shop. Para magsukat ng wedding gown
" Oh my Gosh ate sandali bakit ako ang magsusukat?" Maarti na tanong ko
" Ako ang bibili magkasing katawan tayo kaya Ikaw nalang ang magsukat. Balak ko e display sa walk-in closet ko. " Tugon ni ate
Naiinis na nagsukat ako bigla nalang may kalalakihan na pumasok sa shop sapilitan nila ako binuhat.
Pagpasok sa sasakyan may pina-amoy sila saakin dahilan para nakatulog ako
Hindi ko alam kung ilan oras ako nakatulog nagising ako sa harapan ng simbahan may nakapaligid ng camera kinakasal na sa lalaking ngayon ko lang nakita.
End of flashback
" AAAAH! Kainis! Makikita mo Asawa ko pahihirapan kita." Galit na sigaw ko naalala ko kung paano ako nagkaroon ng asawa hindi ko kilala at Hindi pa ako nakaranas na ligawan May asawa na agad kakainis talaga.
" Bilisan mo magbihis nandito na ang mga bisita natin." Boses ng siraulong kidnaper
" Oo na! " Galit na sigaw ko
Makikita mo pahihirapan kita. Kung hindi lang ako naawa sakanya na mapahiya siya sa harapan ng maraming tao hindi ako sasagot ng I Do.