Chapter 1

2681 Words
"s**t naman! Napaka arte akala mo naman kung kagusto gusto siya." --- Hindi ako makasabay sa usapan nila dahil ewan! Hindi ko rin alam. Nakikitawa lang rin ako para hindi mahalata ang nararamdaman kong hindi ko rin alam. Nakikitawa naman na rin si Perseus at nakakasabay na rin sa kalokohan ng barkada. Ang dali niyang pakisamahan, ah? Buti na lang na kahit galing ng ibang bansa ay hindi presko at mayabang. "Really, you two are bestfriends?" sabi ni Perseus kay Noah. "Oo. Hindi ko nga alam kung bakit." sinamaan ko ng tingin si Noah. "Ikaw pa talaga napilitan ah!" sabi ko at inirapan siya. Ganito kami magbiruan and it's our bond, simula pa noon. "Eh ikaw Selene anong course mo?" si Perseus naman ang nakarap saakin. Ito nanaman! Tumawa na lang ako kunwari para hindi mahalatang kinakabahan ako. "Multimedia Arts. Nakikita mo iyong chubby na iyon doon" turo ko kay Anikka. "Bestfriend ko rin iyon." "Ah so matagal na kayo magkakilalang lahat?" tanong niya ulit. May accent pa ng kaunti ang pagsasalita niya. It's cute, though. Ay jusko! Bakit ako ba kinausap nito pwede namang sila Noah na lang. Busy rin kasi ang lahat sa kanya kanya nilang mga jowa. Ako lang ang walang boyfriend dito o ka-ibigan. "Ah, oo. Nagkasama kaming lahat sa isang child variety show tapos ayon nagtuloy tuloy na sa Star Circle." kwento ko. Tumangon tango siya. "So bakit ka lumipat dito sa Manila?" ako naman ang nagtanong. Buti na lang ay hindi ako nautal utal! "My Mom and Dad are here. Im also planning to enter showbiz here. But I took Business Management, Im also interested in Business." sabi niya at sumimsim sa iced coffee na iniinom niya. "Oh. Parehas pala tayo." sabi ko. Bumaling naman ako sa mga barkada ko. "Tuloy ba ang basketball mamaya? Dala ko na mga gamit ko." Ang sumagot ay si Gilbert. "Pass ako. May gagawin kami ni Erika." "Sus. Lalandi ka nanaman." pang aasar ko. "Eh, kayo?" tanong ko sa ibang mga boys. Lahat sila nagpass. "Mga talkshit kayo ah!" "Ako. I'm available later." tumingin lahat kay Perseus. Halos marinig ko na ang crickets dahil nakatingin lang sila saaming dalawa. "Why are you guys surprised?" tumawa si Perseus. "I am also playing basketball." Napa "Ah" sila. Halata naman sa height niya, imposibleng hindi narecruit ito sa school nila. Ako lang ang hindi kasi hindi ko alam kung maglalaro pa ako. Kakakilala lang namin tapos biglang ganoon? Teka nga, bakit ko ba bini-big deal eh part na rin naman siya sa barkada. I'm getting weird. Sure na. "Sige. G ako." sabi ko at tumayo na. "Tara na Anikka, malapit na ang dance subject natin." Nagpaalam na kami sa barkada at nauna na di ko na rin nilingon si Perseus na nakangiti saakin. Bakit ba ang weird ng nararamdaman ko? Siya lang naman iyon. "Ikaw girl ah. Parang close kayo non kaagad. Mga tingin sayo." pag iintriga saakin ni Anikka. "Ssh. Wala lang iyon." sabi ko at nagstretch ng mga kamat at binti. Nakasuot na kami ng leggings na black at white sleeveless. Ito ang required na isuot para maayos daw ang galaw namin. Which is true kahit naman minsan ay nakakaconscious lalo na kapag may mga bagong dating. Isa pa ay hindi ako ganoon ka confident sa katawan ko. "Gather up!" sabi ni Teacher Georgina. Siya ang teacher namin sa dance subject. Siya rin kasi ang may ari ng dance company ng Lé Dance na associate sa network namin. "Are you guys ready for today? But before we start. We have a new classmate. Mr. de Ayala." Halos malaglag ang panga ko dahil si Perseus ang pumasok! Agad akong siniko ni Anikka at bumulong. "Akala ko ba Business Management ang course niyan?" Nilingon ko rin siya. "Aba malay ko." Pero bakit siya nandito? Nagpakilala na siya. Hindi ko na pinansin iyon at nagstretching na lang dahil pamatay ang mga steps at exhibitions na pinapagawa saamin ni Teacher Georgina. Nagbulung bulungan na ang mga babae na kaklase namin. "Sel!" pumikit ako at napakagat ng pag ibabang labi. Naramdaman ko na ang paglapit niya saamin ni Anikka "Hi Anikka!" bati niya sa kaibigan ko. "Hi Perseus! Akala ko ba Business Management ka?" tanong ni Anikka. "Yup. But I took special subjects. Dance subject and Art subject." sabi niya. Hindi ko pa rin siya nililingon. Bakit pa siya kumuha? Pero sabagay kailangan nga iyon sa pag aartista. At ano ba ang pakialam ko, ako ba ang nagpapaaral sakaniya? Get a grip, Selene! "Uy Sel! Busy ka diyan ah." puna niya at siya na mismo ang pumunta sa harapan ko para mapansin ko siya. Naasiwa naman ako sa suot ko. Hindi naman ako mataba pero nakakailang dahil pinagpapawisan na ako. Naka sleeveless shirt lang ako. "Ah. Oo medyo mahirap kasi ginagawa dito." sagot ko na ayos lang pero grabe na ang t***k ng puso ko. Bakit ba ganito nararamdaman ko? Nakaka intimidate naman kasi siya! He's moreno and plus his built is breath taking. Gwapo nga. "Ganoon ba? All right then. I'll do stretching na rin." umupo na rin siya sa tapat ko at inabot ang dulo ng mga daliri ng paa niya. Iniwas ko ang tingin ko at nagfocus na lamang sa ginagawa. "Sus. Bakit parang close siya agad sayo. Taray." bulong ni Anikka. "Ssh." sabi ko. Isa pa ito na akala mo naman nagliligawan na kami nitong si Perseus.  Hindi ko na sila pinansin at nakinig na sa pagtuturo ng Teacher Georgina. Gumawa na kami ng dance steps at nakailang ulit ako na natumba dahil sa hindi ko mabalance ang pag ikot. Panay naman ang kumusta ni Perseus na hindi nakakasunod sa steps. "Ayos lang ako Perseus. Ayusin mo routines mo. Mabilis magalit si Teacher Georgina." saway ko sakanya. Tumawa lamang siya. Sinitsitan ako ni Anikka at nginuso si Perseus na mukhang tangang umiikot sa gilid ko. Tinaasan ko siya ng kilay at hindi na pinansin. Natapos ang dance class na lahat kami pagod. Ito ang last subject sa araw na ito kaya humiga muna kami sa sahig. Ramdam ko ang pagtulo ng pawis ko. "Hayyy grabe pamatay ang routines ngayon!" sigaw ko. Wala na kaming ibang kasama dahil ang iba ay nag shower na. Si Anikka ako at si Perseus na lang ang natira. "Grabe, feeling ko di na ako makakagraduate after nito!" histeryang sabi ni Anikka na nahiga naman sa tabi ko. Sabay pa kaming humihingal. Nilingon ko naman si Perseus na busy sa pagkalikot ng phone niya. Mukhang hindi naman siya napagod. Agad kong iniwas ang titig ko nang lumingon siya sa direksyon namin. "Sel..." tawag niya. "Hmm?" sagot ko. "Are we still going to play basketball? You look very tired." sabi niya at saka lumapit sa gilid ko. Pinikit ko ang mata ko para di ko siya makita. "Oo. Pahinga lang ako sandali. Kailangan ko rin magpractice." sabi ko. Nag "ehem" si Anikka at nagpaalam na mauuna na dahil naghihintay na raw si Barron sa labas. Tumango lang ako, samantalang si Perseus ay hyper pang nagpaalam. Seryoso? Napapagod ba ito? Tumayo na ako at nagshower na pagkatapos magpahinga ng ilang minuto. Sinabi ko na lamang na hintayin na lang ako ni Perseus sa gymnasium ng university dahil doon kami maglalaro. Nagsuot ako ng jersey shorts at gray tee shirt. Nagpalit na rin ako ng sapatos. Naabutan ko si Perseus na may katawagan sa phone. "Yes Ma. Yup, Im with a friend..... Yes it's a girl. Do you still remember Selene Cruz?..... Yes, she's my classmate. Wait Ma.... Im gonna hang up. She's here already. Yes Ma. I love you more." Kumaway siya saakin. Kumaway din ako pabalik. He loves her mom so much, huh? Nice. "Ready?" he asked. Nginitian ko siya. Hawak niya ang bola at lumapit ako sakanya. Nakangiti rin siya saakin. Nang mahuli ko ang mata niya ay agad kong inagaw ang bola at tumakbo papunta sa ring. "Damn, girl!" halakhak niya at humabol saakin. Drinible ko ang bola at pumwesto sa 3 points area at shinoot ito. "3 points!!!!" sigaw ko at nag dab! Tawa ng tawa si Perseus habang pumapalakpak. "Wow. You're pretty impressive. Akala ko napaka girly mo." Lumapit ako sakanya. "Hindi rin." "Anong hindi? Madalang lang akong makakita ng ganyang babae. Mostly kasi nagchecheer kasi sila." kwento niya. Hinarang ko ang kamay ko kahit mas matangkad siya saakin. "Ako kasi iyong chinicheer." Iniwas iwas niya ang bola at nang makahanap ng lusutan ay agad siyang lumusot at shinoot ang bola. "3 points!" sigaw din siya at nagdab! "Chamba!" sabi ko at kinuha ang bola. Hinabol niya ako para maagaw iyon. Sa kabilang side ng court ako pumunta  para malayo ang hahabulin niya. Naglay up ako at shinoot ang bola. "5 points, boy!" sabi ko at nag rock sign. "Grabe, ang halimaw mo naman sa court." sabi niya. Hinihingal. "Ayos ka lang?" tanong ko. Iba kasi iyong paghinga niya eh. "Yup. Napagod lang." sabi niya at naglakad sa bleachers para uminom ng tubig. "Hala. Sorry, nasobrahan ko nanaman pagka hyper ko." nilapitan ko siya at tinignan mabuti. Ang ganda talaga ng mga mata niya. "It's okay." sabi niya at bahagyang lumayo. Naasiwa tuloy ako. Sobrang lapit pala nang pagkakalapit ko. "Uwi na tayo." yaya ako at tumalikod na para kuhanin ang mga gamit ko. Medyo madilim na rin kasi. "Close ka ba talaga sa mga lalaki?" tanong ni Perseus nang makalabas kami sa gym. Tumango ako. "Nakita mo naman kanina puro lalaki ang mga barkada ko. Mas kumportable kasing tumawa na nakalabas ngalangala ko kapag sila kasama ko. Hindi sila judgmental." Tinignan ko siya na nakatitig saakin. "Huy!" I snapped. "Tulala ka!" "Ay s-sorry." sabi niya at umiwas ng tingin. Tinuon niya ang pansin niya sa sunset. Kaya't napatingin din ako. Sa football kasi kamu dumaan. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa para kuhanan ang magandang handog ng kalikasan. Sayang hindi ko nadala ang camera ko. "I love sunsets." biglang sabi ni Perseus. "Because just like sunsets, life is undeniably colorful and meaningful." mahinang sabi ko. Nilingon niya ako at ngumiti. Tapos sabay kaming tumawa. Naglakad na kami palabas ng University at naghiwalay din ng daanan. Kinagabihan, tinapos ko ang mga pending assignments ko bago magsurf sa social media accounts ko. Finollow ako ni Perseus sa twitter at i********:. Nag followback naman kaagad ako. Tinignan ko ang feed niya. Oh, its actually organized. Doon pa lang alam ko na may pagka-OC siya. Inisa isa ko ang mga pinost niya. He got pictures from US. Kasama ang mga barkada niya roon. Mostly, mga outfit niya ang pinopost niya. Hindi naman ako naumay pero may pagka vain ang lalaking ito. Oh well, laking States eh. But he also got a talent in photography huh? Ako rin eh mahilig kumuha ng pictures pero tamad akong mag organized at wala ring time. Mas hilig ko ang musika. Nag scroll pa ako sa nga posts niya. He's also sweet to his siblings. Napangiti na lamang ako sa isang post niya. It is his mom and him. Nakakiss siya sa cheeks ng Mom niya at binati ng Happy Mother's day. Napakunot na lamang ang noo ko nang mamukhaan ko ang babae. Teka, ito iyong naging judge sa isang variety show na sinalihan ko ah! Alam kong sobrang tagal na iyon pero tanda ko pa dahil may video ako noon. Naging first runner up lang ako noon. Clinick ko ang pangalan ng Mommy niya sa i********:. Beatrice Laxa- de Ayala. Sila nga iyon! Talagang family oriented sila. I smiled. I somehow thanked her Mom kasi hindi ako makakarating kung nasaan ako ngayon kung di siya nag- judge saakin noon. Dahil masyado akong grateful. I DMed Perseus  na saktong online naman. Ako: Hey. Mommy mo pala si Ma'am Beatrice Laxa. Pakisabi, thank you ulit. :) Wala pang minuto ay agad siyang nagreply. Perseus: You're welcome daw. Btw, ang cute ng mga baby pictures mo. Natawa ako dahil sinamahan pa niya ng selfie nila ng Mom niya iyon. Naka thumbs up silang dalawa. Her Mom never aged though. Ako: Cute rin kayo ng Mom mo. :) Nag offline na ako at hindi ko na hinintay ang reply niya dahil narakaramdam na ako ng antok. "Selene!!!!" iyan ang bungad saakin kinaumagahan. Alas nuwebe pa lang ay hyper na ang lalaking ito. Kasama niya na rin ang squad na nasa lamesa sa may mini park ng university. "Uyyyy!" bati ko nang makalapit ako at nakipag fist bump sa lahat. Nagtatawanan sila dahil sa waley na joke ni Barron. "Pucha ka, tol. Kagabi may video ka saakin." tawang tawa na sabi ni Gilbert kay Barron. "Burahin mo nga iyon! Nakakahiya!" awat ni Boom kay Gilbert na ready ng ipakita ang video. Tawa naman nang tawa si Anikka. At ako naman na kararating lang ay walang kaalam alam. Tumabi ako kay Perseus dahil iyon na lang ang space na available. "Huy, mahiya hiya naman kayo dito sa bagong salta." saway ko sakanila at inilabas ang laptop ko para ayusin ang arrangement ng piece kong ipprepresent mamaya sa Music Class namin. "Sus, Selene palibhasa di ka nakasama sa lakad kagabi dahil busy ka nanaman." pang aasar ni Noah. Sinamaan ko ng tingin si Noah. "Pakialam mo ba? Kita mong wala ako sa mood dahil may dalaw ako." "Ang sabihin mo busy ka kakastalk!" hirit ni Anikka. Agad kong naramdaman ang pagpula ng pisngi ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko naman sinabi sakanya na finollow na ako ni Perseus. Bakit ba ako kinakabahan?! At bakit si Perseus agad naisip ko? Napatingin tuloy ako sakanya na natatawa tawa pa. "Joke lang!" bawi niya nang hindi ako magsalita. Dahil sa pagkagulat ko, kumuha ako ng piraso ng chichirya sa plastic at pabirong binato si Anikka. "Leche...." sabi ko. "Bakit sino ba ang iniistalk mo Selene at parang guilty ka diyan." natuon na ang pansin nila kay Fiona. "Oo nga sino ba ang crush mo?" dinagdagan pa ni Barron. Nakikitawa na si Perseus at kinantyawan na rin ako. Kaya mas lalo akong nahiya. "Oo nga, Sel. Curious din ako eh. Kwinento kasi sakin nila Noah na you're not into boys." "Tigilan ninyo ako ah. Si Kuya John Lloyd lang ang crush ko!" maangas na sagot ko at binalik ang atensyon sa ginagawa ko. "Aysus. Deny pa Selene! Baka iyong Eric pa rin?" hiyaw ni Barron. "Oo nga. Porket binasted ka lang tapos nalaman mong may girlfriend pala!" gatong ni Noah na tinawanan naman ni Gilbert. Nag apir pa ang mga tukmol. "s**t naman! Napaka arte akala mo naman kung kagusto gusto siya." bulong ko nang maalala ko nanaman iyon. Crush ko kasi iyong Eric noong Junior High pero wala rin dahil iba ang crush niya non at kalaunay naging girlfriend niya rin. "Hindi maarte si Eric, di ka lang niya type!" Umirap na lamang ako dahil narinig din pala nila ang sinabi ko.Awkward naman na tumatawa si Perseus kahit hindi niya alam ang pinag uusapan. Jusko ang saya nito palagi. Nilagay ko ang earphones ko para sa finalization ng ginagawa kong piece. Hindi ko na pinansin ang asaran nila. Tumatango tango ako dahil maayos na ang pagkaka arrange ko. "What are you doing?" tanong ni Perseus at sumilip sa laptop ko. Tinanggal ko ang isang earphone sa tainga ko at inabot sakanya. "Nice!" sabi niya at nilagay kaagad ito sa isang tainga niya. Sinabayan ko ang pagkanta nang nag umpisa na ang tugtog. 'Love you like a brother Treat you like a friend Respect you like a lover Oh oh ohhh Oh oh ohhh' 'Hmm hmm' "Galing!" sabi ni Perseus. "Tsk. Hindi naman." sabi ko at kinalikot pa para maayos ang ilang sablay na note. "Mahilig ka rin sa music noh? I visited your feed last night tapos napansin ko na your captions are from your fave songs." kwento niya. Kumunot ang noo ko. "Paano mo alam ang mga favorite songs ko?" Tumawa siya. "I just assumed it." Napa "Ah" na lang ako kahit naweirduhan at hindi convincing ang sagot niya. Hindi na rin siya nagsalita at nakangiti na lamang siyang nakikinig sa ginagawa ko. Hindi ko na rin siya pinansin at pinag handaan na lamang ang presentation ko mamaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD