Prelude

1768 Words
If happy ever after did exist I would still be holding you like this All those fairy tales are full of shit One more stupid love song I'll be sick. Payphone by Maroon 5 --- "And our next song has been on top charts these past few weeks. And kakapasok kang nito sa ating top 10 at agad umakyat ito sa number 8. Huwag na nating patagalin pa. This is Sorry I Left by Daniella Sotto featuring Perseus de Ayala!" Natigil ako sa pagkain nang marinig ko iyon sa T.V. agad kong iniwan ang lamesa at tumakbo sa sala. Narinig kong una ang boses ng babae. Her voice is very soothing. Napako ang tingin ko sa mga polaroid pictures na nagfflash sa screen. It was them. I smiled bitterly. Ako sana iyan. Tumindig ang balahibo ko nang marinig ko na ang boses niya. Wala pa ring pinagbago. He's still make my heart race. He still look so good, he looks so happy. Those smiles were mine but that was year ago. Matagal na rin. Siguro kong hindi ako natakot. Kung sana pinakinggan ko na lang nararamdaman ko. Siguro, sana nandito siya sa tabi ko. But these thoughts are already useless. Sa sarili ko na lamang sinasabi ang napakaraming, "Paano Kung." Bumalik ako sa pagkain na mabigat nanaman ang nararamdaman. Is he still thinking of me? Is he still with me? Tanga ka ba Sel? Hindi na. Ang sakit sakit nang ginawa mo sakanya. I sighed heavily. Gosh, I am too messed up. Wala naman akong gagawin ngayong araw. Hindi rin ako makakapunta sa ToonZ studio dahil hindi pa ayos ang boses ko. I had fever and tonsilitis. Nagpaulan kasi kami nila Addie, Eric at Oliver sa last adventure ng ToonZ Squad. At ako ang natamaan ng sakit. Pagkatapos ko sa pagkain ay hinugasan ko ang pinagkainan ko at umakyat na sa kwarto ko. Mag isa ko lang sa bahay dahil umalis rin sila Mama para ayusin ang negosyo namin. I locked the door dahil itutulog ko na kang. "Aray!" inda ko nang may natamaan ang paa ko sa ilalim ng kama. "s**t naman!" mura ko dahil sobrang sakit! Tinignan ko kung ano iyon at bumungad saakin ang maliit na box na gawa sa kahoy. Dinampot ko iyon at pinagpagan dahil may kaunting alikabok. Umupo ako sa kama at tinignan ang mga laman nito. 9. 21. 16 Iyan ang date na nakalagay sa isang polaroid photo na kinuha ko. I felt euphoric while staring at the picture. Bumalik lahat ang alaala na kailanmay hindi ko nakalimutan. "Ano ba iyan Anikka!" sigaw ko dahil panay ang tulak niya saakin. "Napaka KJ mo naman Selene! Ambon lang iyan oh!" sabi niya at binasa ako ng kaunti. "Ambon? Nakikita mo ba ito?" turo ko sa gilid ng tee shirt kong nababasa na. Tumawa siya ng malakas. "Oops. Sorry!" Inirapan ko lang siya at lumayo sakanya ng kaunti. Nasa may pintuan kami ng gymnasium habang naghihintay tumila ang ulan. Kakatapos lang ng PE class namin nang bigla namang umulan. Kaka umpisa pa lang ng klase dito sa University. Kami ni Anikka ay 3rd year college na. We're taking up Multimedia Arts. Gusto kasi naming maging magaling na artista kahit na lumalabas labas na kami sa ilang TV shows. Hindi naman kami sikat slight lang. Halos sabay kami ni Anikka na lumaki dahil nakasama ko na siya sa isang children variety show at doon na nadevelop ang friendship namin. "Uyyyy Noah! Buti nakarating ka na!" nilingon ko si Noah na kararating lang. May dala na siyang payong para saamin ni Anikka. Kinunutan ko siya ng noo. "Ang tagal mo ah. Muntik na kami matuyuan dito ng laway." "Wow Selene. Salamat. You are welcome. Ikaw na nga nag utos ikaw pa may ganang magsungit." sarkastikong sabi niya. Ngumiti naman ako. "Oo ako boss mo eh bago kay Ellie." "Kapal ng mukha." asar niya bago inabot ang payong saakin. "Bakit ba kasi ang tagal mo? Akala ko ba breaktime nyo na?" tanong ko. Magkaiba kasi ang course namin nila Nash. Siya ay nasa Business Management. Magaling kasi humawak ng pera nito. "Hindi kasi kami pinalabas kaagad dahil may bago kaming kaklase na galing ibang bansa." pagdadahilan niya. "Leche. Pakialam niyo ba doon e estudyante lang naman siya." sabi ko at nauna nang maglakad sakanila dahil magpapalit pa ako ng damit. "Mayroon ba iyon? Bakit ang sungit?" narinig kong tanong ni Noah kay Anikka. "Oo fren. Pagpasensyahan mo na." natatawang sabi ni Anikka. Hindi ko na lamang sila pinansin dahil mahahalata na ang bra na suot ko dahil puti itong damit namin. Kung hindi ba naman kasi maharot ang beshie ko. "Alam mo ikaw, napaka hard mo kay Noah porket nagka crush kayo sa isat isa noong mga bata tayo." litanya ni Anikka pagkasunod sa tabi ko. "Aba. Noon iyon. Ngayon pinili niyang maging bestfriend ko siya, edi panindigan niya!" presko kong sabi. Nakarating kami sa locker room at agad kong kinuha ang spare shirt ko. "Pero rinig ko beshie, gwapo raw iyong bagong lipat." mahinang sabi ni Anikka. "And so?" tanong ko. "Sus. Sungit sungitan ka pa diyan eh curious ka rin naman." pang aasar niya at sinundot pa ang tagiliran ko. "Tigilan mo ako Anikka ah. Nagugutom ako." tumawa lamang siya sa sinabi ko. Pagkatapos naming mag ayos sa CR ay dumeretso kaagad kami ng canteen para kumain na ng lunch. Umaambon pa rin pero hindi na malakas katulad kanina. As usual medyo mahaba na ang pila. Our school is exclusive. Ang mga classroom dito ay gawa sa mga redbricks at kakaunti pa lang modern touch ng mga ito. Pati ang canteen namin ay ganoon rin. Marami ring puno na nakatanim sa paligid kung kaya't hindi masyadong nakakastress kapag marami kaming ginagawa. Malawak rin ang football field na nasa tabi lamang ng canteen. Magagaling rin ang mga professor dito. "Dapat pala nagluto na lang ako ng pagkain." sabi ni Anikka sa gilid ko. "Diyan ka lang hahanapin ko lang sila Noah." sabi ko kay sakaniya. Sabay kami laging nagla lunch na magbabarkada; SCC squad ang tawag saamin dahil kami ang unang batch ng Star Circle Quest Kids edition. Kahit ang nandito lang ay Ako, Anikka, Noah, Barron, Gilbert at Fiona, ang iba naman ay nasa ibang bansa na. Iba iba nga lang ang course dahil ang ilan saamin ay hindi na piniling ituloy ang pag aartista. "Dada!!" narinig ko na ang maingay na boses ni Barron sa hindi kalayuan. Nandoon na silang lahat. Kami na lamang ni Anikka ang wala. Lumapit ako table namin. Dalawang lamesa ang na- occupy namin. "Wow. Kumpleto tayo ngayon ah!" nakipag apir ako sa mga boys. Kumunot ang noo ko dahil may bagong mukha sa grupo namin. Katabi siya ni Noah. "Hi Selene!" masayang bati saakin ni Ellie na girlfriend ni Noah. "Uy sis!" sabi ko at nakipag apir din sakanya. Inirapan naman ako ni Noah. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Busy sa paggamit ng cellphone ang bagong dating saamin. Ito kaya iyong bagong estudyante na sinasabi nila Noah? In all fairness. May itsura nga. Moreno. Matangos ilong. Tama lang ang hulma ng katawan niya. Nakajacket siya ng itim at army green na tee shirt sa loob. Parehas kami ng kulay ng tee shirt. "Hoy Selene!" natigil ako sa pagsuri sakanya ng narinig ko na si Anikka. "Tulungan mo naman ako magbuhat!" Tumawa ako at lalapit na pero naunahan ako nung bagong dating na lalaki. Tinulungan niya si Anikka na buhatin iyong tray. Tama nga ang hinala ko, matangkad ito. Umabot lang ako hanggang sa balikat niya. "Thanks, kuya." tuwang tuwa na sabi ni Anikka at tumabi na kay Barron. Umirap naman ako at kinuha na lang ang pagkain na inorder para saakin ni Anikka. Dahil wala na akong uupuan napunta ako sa dulo. Katabi ko si Fiona at katapat ko naman iyong bagong dating. Tahimik akong naupo, dahil ramdam ko ang unti - unting pagbilis ng puso ko nang maramdaman ko ang mga titig niya saakin. Para iwaksi ito ay pumukit na lamang ako. Nagdasal muna ako bago lantakan ang pagkain. Pagkatapos kong magdasal ay minulat ko ang mga mata ko. Nakatingin, ay hindi, nakatitig pa rin saakin iyong bagong dating. Naramdaman ko ang pagpula ng pisngi ko at binagsak ang tingin sa pagkain na nasa harapan ko. Hindi ko tuloy narinig ang kulitan ng squad dahil na conscious ako bigla. Ang dali ko pa namang pamulahan ng mukha! "Ah nga pala guys." biglang sabi ni Noah. Doon ko na lang tinuon ang pansin ko at kunwaring ginagalaw ang pagkain ko dahil hindi pa rin ako maka get over sa nangyari. Ang expressive kasi ng mga mata! He's like a lion from that corner looking at his lioness. "Bago nga pa lang kaklase at kaibigan. He's Perseus." sabi niya at tinuro iyong lalaki. Ang isang ito. Kanina pa sila nandito hindi na pinakilala! Nag hello silang lahat at ako lang iyong hindi bumati. Bakit? Hindi ko alam! Alam naman nila na may ugali akong hindi talaga namamansin kapag hindi ko kilala, isa pa, sometimes I experience social anxiety. Nakuha ko ito nang pumasok na ako sa show business at dahil hindi rin maiwasan ang mga bashers. Kumain na lamang ako at napansin kong natahimik sila. Inangat ko ang tingin konat nakatingin silang lahat saakin. Tinaasaan ko sila ng kilay. Pinalaki ang boses. "Oh bakit?" "Mag Hello ka kay Perseus, Selene! Ay jusko naman girl. Napaka ano mo talaga!" sabi ni Fiona at tinampal ang braso ko. Masakit iyon ah! Tinignan ko muna siya ng masama bago ilipat ang tingin sa bagong dating. Tumingin ako kay Perseus na nasa harapan ko na naghihintay din nang gagawin ko. Binitawan ko ang kubyertos at nagpunas ng kamay. Mas dumoble ang kaba ko nang magtama ang tingin namin. His eyes are amused from what he is seeing. Oh gosh! Bakit ba siya ganiyan makatitig?! "Hello, Perseus. I'm Selene." sinarado ko ang kamay ko at tinapat sakanya. Ngumiti siya at sinuklian rin ako ng fist bump. "Hi Selene. I'm Perseus." ---- This story is a product of the author's imagination Characters, names, organizations, places, events and scenes are purely fictional and used in a fictitious manner. Any resemblance to the actual person, dead or alive, or any events happened in real life is coincidental. This is a fan fiction for Sharlene San Pedro and Donny Pangilinan, most of the scenes are inspired from real life happenings. This story should not be distributed nor be copied without the author's permission. Plagiarism is a crime and prohibited by the law. This story contains mature scenes and language. READ AT YOUR OWN RISK. Thank you. xx
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD