Chapter 2

2470 Words
"Niyaya ako ni Perseus bilang date niya." ---- "All the students please, proceed to the gymnasium for an announcement." Natigilan kami nang marinig namin iyon. "Isang oras ng pagsasayang nanaman!" sigaw ni Barron na agad naming sinaway. "Ingay mo, Barron ah! Kapag tayo sinumbong!" sinapak ko siya sa braso. Tumawa lamang siya at nag peace sign. Nag ayos na kaming lahat ng gamit at pumunta na sa gymnasium para sa annual announcement. "Akin na ang gitara mo..." inagaw saakin ni Perseus ang hawak kong gitara at siya ang nagbuhat nito. Hindi ko iyon inasahan kaya hindi na lang din ako sumagot. Nauna na ang iba kaya hindi nila iyon nakita. "Gentleman ka pala." iyon na lamang ang nasabi ko at simamahan ko pa nang ngisi. Ayoko kasi na maging speechless kahit kanino. Mabilis kasi akong mahalata ang mga tunay na nararamdaman ko. One time nga, napagalitan ako ni Mama dahil nagsinungaling ako para makalabas ng gabi na walang kinalaman sa pag aartista ko. Kaya bilang defense mechanism, ngumingisi ako o tumatawa to keep it all cool. "Naaawa lang ako sa height mo." sinamaan ko ng tingin si Perseus dahil sa sinabi niya. "Wow naman Perseus! Akin na nga lang iyang gitara ko." sabi ko at pilit na inaabot ang gitara. "De, joke lang. Di ka na mabiro." sabi niya at inunahan ako sa paglalakad. Umiling na lamang ako at hinayaan na siyang humabol sa squad. Nakinig na lamang ako sa kanta na kakantahin ko mamaya. Ayos naman na ang piece ko kaya madali na rin saakin iyon. Nahuli akong nakarating sa gym at nakapasok na silang lahat except for Perseus na prenteng nakatayo malapit sa pinto at nakakunot ang noo. "Tagal mo ah!" Inirapan ko siya "Sino ba may sabing hintayin ako? Kung di ka naman pala pabibo diyan." Tumawa lamang siya at pinauna na akong pinapasok sa loob. Kita mo ang isang ito. Magrereklamo tapos di rin makakasagot. Umiling na lamang ako at natatawa. Napuno ang gym dahil sa mga estudyante. Kinawayan kami ng squad na relax nang nakaupo sa mga bleachers. Nagkahiwalay na kami ni Perseus dahil sa tabi siya ni Noah umupo. Tumabi naman ako kay Anikka na kumukuha ng pictures. "Ito naman hanggang dito aliw na aliw sa pagseselfie." Binaba niya ang cellphone niya at tumingin saakin. "Ay sus. Naaaliw ka rin naman sa pagkikipag usap kay half - half!" "Half- half?" ulit ko sa sinabi niya. Umirap siya. "Duh! Sino pa edi iyong barkada natin na galing sa States!" natawa ako dahil sa sinabi niya. "Adik ka? Hindi naman half- half si Perseus" siraulo rin ang isang ito. "Gaga. Half cafe, half americano!" tumawa siya ng malakas at ako naman ay nakatingin lang sakanya. Hindi natutuwa. "Ocado, umayos ka ah. Kaya di kayo nagkakaintindihan ni Barron eh." kunwaring nalulungkot na sabi ko. Tinampal niya ang braso ko. "Napaka epal mo. Minsan na nga lang magjoke." "Kaya wag mo na ulitin kasi hindi nakakatuwa..." tinapik tapik ko pa ang braso niya. "Pero seryoso girl! Bakit may napapansin ako?" lumingon ako sa paligid. "Wala naman." sabi ko na nakakunot ang noo. "Iyan. Diyan ka magaling sa pagpapatay ng malisya! Kaya hindi umuunlad ang puso mo eh!" "Iyan. Diyan ka rin magaling sa pagpapaasa. Naalala mo ba yung nangyari saamin ni Eric kahit wala naman talaga?" mahinang sabi ko sakanya. Natahimik naman si Anikka. Natahimik din ako. Umiwas ako ng tingin at nagbilang na lang ng mga tao sa baba. Kumapit naman si Anikka sa braso ko. "Sorry na, beshie." sabi niya. I sighed. "Okay lang yun. Ini-enjoy ko lang ang mga moments okay? Walang ibig sabihin iyon. Nadala na rin ako." nilingon ko siya at ngumiti. Niyakap ko siya. Niyakap din siya ako pabalik. Tapos sabay kaming tumawa. "'Tamo 'tong mga 'to. Napaka drama ng buhay. Anong meron mga teh?" usisa ni Gilbert. Humiwalay ako kay Miles at hinarap si John. "Alam mo kahit kailan, napaka epal mo!" Tumawa siya. "Sssh. Guys, mag uumpisa na!" saway saamin ni Fiona. Umayos na lamang ako nang upo. "Good Morning students! This month, we will have an aquaintance party for our freshmen and also for the socialization of the transferees. The theme will be black and gold. It's a formal theme party, so the president will be expecting an extravagant and exquisite party. More details will be posted later. You may now go to your classes." Hindi muna kami agad bumaba sa bleachers dahil ang daming tao. Agad naman na nag usap ang mga boys kung sino ang idedate nila. "Basta ako kung hindi pwede si Erika that day, mag isa ko na lang." sabi ni Gilbert. "Basta si Anikka sakin." singit naman Barron na agad inakbayan si Anikka. "Tumigil ka Barron ah. Ang daming tao!" sinapak ni Anikka ang braso ni Barron. Si Noah naman ang sunod. "Ellie sakin." Tumingin ako kay Fiona. Tinaasan ko siya ng kilay dahil bigla siyang naging matamlay. I sighed. May gusto kasi ito kay Barron, matagal na. Hindi niya pinaalam sa iba, maging saakin din pero syempre nahalata ko iyon. Iyong pagiging tahimik niya simula noong may namamagitan na kay Anikka at Barron. Iyong pag iwas niya kapag usapang pag- ibig na. "Ikaw Perseus, sino aayain mo?" tanong ni Noah kay Perseus. "Hindi ko pa alam. Pero sana pumayag siya." naghiyawan ang mga boys. "Wow. Mayroon ka na agad gusto dito?" usisa ni Gilbert. Hindi ko na iyon pinansin at kinalikot ang phone ko para itext si Fiona. Ako: Usap tayo. Nang mabasa niya iyon ay tumingin siya saakin. Namumula na ang mata niya pati siya. Kung hindi lang dahil sa salamin niya ay mapapansin ng iba iyon. "Guys, CR lang kami ni Fiona. Anikma, mauna ka na sa klase." paalam ko at tumayo. Hinila ko patayo si Fiona. Nakipagsiksikan kami sa mga palabas na estudyante. Naririnig ko na ang mahinang hikbi ni Fiona sa gilid ko. Sakit, non. Nang makahanap ako ng tamang place na tahimik at wala masyadong tao ay doon na binuhos ni Fiona ang mga luha niya. Hindi ako nagsalita at niyakap na lamang siya. Bestfriend ko si Anikka pero kaibigan ko rin si Fiona. Lahat sila importante saakin. Ayoko silang nakikitang nasasaktan. "Sssh. Alam kong hindi ka okay." mahinang sabi ko. Mas lalo siyang umiyak. Naiiyak din ako! Ang hirap din kasi yung hindi maibalik iyong pagtingin saiyo. "Ang sakit lang kasi Selene. Hindi ko pa pala kaya." sabi niya. She tried to move on many times. "What happened here?!" Natigil sa paghikbi si Fiona. Pati ako napigilan ang luha. "Anong ginagawa mo dito?!" tanong ko kay Perseus. Humihingal pa siya dahil sa pagtakbo. Lumapit kaagad siya saamin at nag aalalang tumingin kay Fiona. "Are you okay?" "Sira ka ba? Umiiyak iyong tao tapos tatanungin mo kung okay? Adik ka, de Ayala?" litanya ko. Sinamaan niya ako ng tingin at binaling kay Fiona. Umirap naman ako. Bakit ba nangingialam ang isang ito? Dalawang araw pa lamang namin siyang nakakasama ah! "Ayos lang ako Perseus. Pwede ba kami muna ni Selene, mag usap?" pakiusap ni nito. "Okay. Just tell me what is the problem." pilit niya. "Girl talk ito Perseus, okay? Heart to heart!" tumingin siya saakin at pinandilatan ko siya ng mata. Tumango na lamang siya. "Huwag mong sasabihin sa squad ang nakita mo ha!" sabi ko bago siya umalis. "Fine." sagot niya at tumalikod na. Inirapan ko na lang siya bago hinarap si Fiona na nakangiti na. Wow ha! Parang kanina lang tumutulo pa mga sipon niya. "Huy! Alam mo girl, mukha kang sira na nakangiti mag isa riyan!" sabi ko. Tumawa siya na parang kinikilig. "Kayo ah! Bagay kayo ni Perseus!" Ay luh? Tinignan ko siya na parang nawe- weirduhan. "Ayos ka lang? Ano ganyan na ba epekto?" "Hindi eh. Iba kasi gurl!" ayaw patalo! "Baliw. Mamaya na nga lang tayo mag usap. Basta text me if kailangan mo ako. Puntahan kaagad kita." bilin ko at para maiwala na rin ang usapan namin kay Perseus. "Thank you, Selene! You're the best!" bubbly niyang sabi at niyakap ako. Niyakap ko rin siya pabalik. Alam ko ang feeling na iyan, Fiona. Pero syempre hindi ko sinabi iyon. Hindi naman talaga nila alam kung anong nangyari saamin between Eric and I. I kept that to myself kasi iyong nangyari na iyon. Ang alam lang nila magkaibigan lang talaga kami ni Eric which is true pero may namumuo na talaga. Alam naming dalawa aa isa't isa na iyon pero ako iyong nagpigil dahil aalis din naman siya at natakot ako. We are just rising star noon, at sobrang bata pa namin. How can we be sure na kami na talaga? Natakot di  ako na baka hindi pala totoo iyon. Na baka bukas wala na kaming nararamdaman sa isa't isa. Our friendship will sail pero syempre kapag nasira iyon lahat kami magkakawatak watak. I don't want that to happen to us. Prevention is better than cure. Besides, masaya na si Eric sa girlfriend niya ngayon. Pinagdasal ko rin talaga kasi iyon that he will find love from the right person. "Ang tagal mo ah!" salubong saakin ni Anikka. "Ah. May nakasalubong din akong kakilala." palusot ko at nilapag ang bag sa upuan. Music class na namin. Kumunot ang noo ko nang may maalala. s**t! Iyong gitara nakay Perseus!!!! "Anikka! May number ka ba ni Perseus!! Nasa kaniya iyong gitara ko!" nagpapanic na ako. May 10 minutes pa kaming natitira bago pumasok ang teacher namin. "s**t naman!" singhal ko at binuksan ang data para mag dm sa i********:. "Teka beshie, si Noah tatawagan ko!" nataranta na rin si Anikka. Hindi pa ako nakapagtype ay mayroon nang humablot ng cellphone ko. Tumingala ako para bigwasan siya pero si Perseus pala iyon. Napaka seryoso ng mukha niya. Nakasukbit sa balikat niya ang gitara. Matapos ang isang minutong titigan siya ang bumitaw at nagtype sa cellphone ko. Pagkatapos ay may tinawagan siya. Nag ring kaagad ang cellphone niya at pinatay niya rin naman. "You got my number and I got yours too. Ito oh, gitara mo." sabi niya at inabot saakin ang gitara. Umiwas ako ng tingin. "Uh.... Thanks." Hindi pa siya nakuntento. He lowered his back towards me. Nakaupo kasi ako sa upuan at sobrang tangkad niya kaya yumuko pa siya. "Im gonna call you later. May itatanong ako. Good luck sa presentation." mahinang sabi niya na nagpalipad ng utak ko. He stormed out the room leaving me speechless! Nagtitili si Anikma. "Omygosh, beshie! Bakit may ganoon?!" nakatanga pa rin ako kahit nag iingay na siya. Yumuko ako dahil nag init ang pisngi ko. Tangina!!!!! Para mawaksi iyon tinignan ko ang cellphone ko. Nakita ko ang pangalan niya sa contacts ko. Don Perseus Umiling iling ako at pilit na nag focus sa klase namin. Kinulit ako ni Anikka at panay na sabi ko ay wala lang iyon. Dahil totoo naman. Wala naman talaga iyon. Ang lalaki naman kasing iyon akala mo naman napakagwapo para gawin iyon. Pero gwapo naman talaga siya. Pero kahit na! Mamaya ay kung ano pa ang isipin ng mga estudyante dito. "Miss Cruz, you're next!" Umusbong ang kaba ko nang tinawag na ako ng Music Teacher namin. "Go girl!!!" sabi ni Anikka sa gilid ko. Kinuha ko ang gitara, laptop at speakers. Sinet up ko ang speakers at laptop. Pumwesto ako sa gitna at ngumiti bago pinindot ang hinanda kong piece. Tumugtog ang drums at piano na nirecord ko kagabi bilang intro. "Love you like a brother Treat you like a friend Respect you like a lover Oh oooh Oh oooh" Sumunod ang boses kong nirecord ko rin kagabi. Habang nagh-hymn ako ng live. "You could bet that Never gonna sweat that You could bet that Never gonna sweat that Naghiyawan ang mga kaklase ko dahil saktong sakto ang mga ginawa kong sounds sa live na performance ko. I even saw them recording me. Ngumiti ako at kinanta na ang first verse ng kanta. "If you could be the cash I'd be the rubber band You'd be the match I'ma be the fuse boom Painter baby You could be the muse I'm the reporter baby You could be the news" "Astig mo talaga Selene!!!" sigaw ng ilan kong mga kaklaseng lalaki. Umiling na lang ako at nagpatuloy. "Cause you're the cigarette And I'm the smoker We raise a bet Cause you're a joker truth told You are the chalk And I can be the blackboard You can be the talk And I can be the walk. Sumingit ang malambot na boses ko para sa pre-chorus na kanta na kagabi ko rin nirecord at sinabayan ng mababang boses ng live. It blended very well. "Even when the skies are falling Even when the sun don't shine I got a faith in you and I So put your pretty little hands in mine" Natapos ang kanta ko na nakangiti silang lahat saakin. Nag bow ako at inayos na ang gamit. "Wow Miss Cruz! Didn't know you have talent in such those things, huh." papuri ng Teacher namin. Nagbow ako sakanila at nag 'thank you' "Grabe girl, para kang nagcoconcert kanina ah!" sabi ni Anikka. Ngumisi lang ako. "Alam mo namang music ang first love ko." "Sus. Anong title nung kanta mo?" tanong ni Anikka. "Sure Thing by Miguel." sabi ko at umayos ng upo para pakinggan ang susunod na kakanta. Tapos na kasi si Anikka at maganda ang kinalabasan ng sakanya dahil may talent din naman ito sa pagkanta pero mas passion niya ang dancing. "Oh, nandito na pala si Miss Cruz na nagconcert lang kanina!" hiyaw ni Gilbert. "Concert ka diyan! Kinabahan nga ako kanina! Sup guys!" masiglang sabi ko at tumabi kay Fiona na katabi rin ni Perseus. Napagitnaan namin si Fiona. "Kinabahan daw. Ito, panoorin ninyo iyang video niya. Shet guys, pwede na itong mag-gig." sabi ni Anikma at nilagay ang cellphone sa gitna ng table. Hinayaan ko silang manood hanggang matapos ang video. "Grabe, para kanino iyong kanta?" tanong ni Noah. "W-wala! Ang ganda lang kasi nung lyrics." sabi ko at nagtali ng buhok. Mainit kasi. Pero sa totoo lanh kinakabahan ako sa tanong na iyon ni Noah. "Collab tayo minsan" sabi ni Fiona. "Sige ba. Gusto ko iyan. Lodi kita eh." sabi ko. Mabuti naman at ayos na si Fiona. Napansin ko naman na tahimik si Perseus sa gilid. Pansinin ko nga. "Don Perseus!" sabi ko. Nilingon naman niya ako. "Oh bakit Ma'am Sel?" ganti niya. "Salamat nga pala sa paghatid ng gitara." ngumiti naman siya. "Ehem..." si Anikka. "Perseus, sino pala ang date mo sa party?" Wala kaming narinig na sagot niya kung hindi ngiti lang. Bumalik na ulit ako sa phone ko para i upload ang video ko sa twitter at ig. Nagtext naman saakin si Fiona. Fiona: Labas tayo later. Saakin ka muna sumabay. Nagreply ako ng 'okay' tapos nakatanggap ulit ako ng text galing sakaniya. Fiona: Niyaya ako ni Perseus bilang date niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD