Chapter 3

2384 Words
"Oh talaga? sabi ni Perseus "Paano kung gusto kita?" --- Kung mayroon mang dalawang bagay na nakakagulat sa mundong ito. Ito ay ang; Una.) Mabibigla ka na lang kasi nangyayari iyong mga di mo inaashan. Pangalawa) Inaasahan mo pero hindi naman nangyayari. Nilingon ko lamang si Fiona noon at nginitian. Nakangiti rin naman siya. Pero hindi ko alam kung bakit ang weird sa feeling? Siya rin ang umiwas ng tingin nang tinawag siya ni Perseus para may sasabihin. Lumunok ako dahil may iba akong nararamdaman. Nagkaroon ng hangin sa tiyan ko. I feel bloated. Dalawang araw pa lang namin siyang kasama pero pinapadama niya na ako nang kung anu-ano. "Huy beshie!" tawag saakin ni Anikka. "Hmm?" sabi ko, hindi tumingin sakanya dahil for sure, I look pale. Tumabi siya saakin dahil nagsitayuan sila dahil nagkukulitan ang squad. Wala na kaming pasok dahil Friday na. Bukas naman ay taping ko buong araw sa ToonZ. "Akala ko ba ano?" tanong ni Anikka. Nilingon ko naman siya at binigyan ng nalilitong tingin. "Hindi ba? Ano. Si Perseus." Perseus nanaman! "Wala nga iyon. Trip niya lang siguro. And FYI. Hindi ako naapektuhan. Career muna ako." sagot ko at binaling na ang atensyon sa pagmememorize ng script. "Haynako, Selene! Fine." sabi niya at lumayo na saakin para sumama sa mga boys. Buti na lang, nakita ko na agad. Nakita ko na, na ganoon din siya sa ibang babae. Mabuti na lang maaga kong nakita. Mabuti na lang maaga niya ring pinakita. He is friendly dahil galing siya sa States. Besides, kung maging sila ni Fiona. I should be happy, deserve iyong ng kaibigan ko. "Anong gusto mo?" tanong saakin ni Fiona. Nasa isang coffee shop kami malapit sa University. Nauna na ang squad dahil Friday ngayon, may kanya kanya silang mga date sa mga partner nila. "Uh. Iced coffee tsaka donuts. Dating order ko." sagot ko. "Ikaw, Perseus?" tanong din ni Kristel. Oo, kasama namin si Perseus at hindi ko alam kung bakit? As usual, third wheel ako! "Frappe lang. Grande." sagot niya. Nagpatuloy na lang ako sa paglalaro sa cellphone ko. "So, anong balak mo kay Fiona?" deretsahang tanong ko nang maiwan kaming dalawa. Hindi ako tumitingin sakanya. "Chill. Sasamahan ko lang siya sa Acquaintance Party." natatawang sabi niya.  Humawak pa siya sa dibdib niya na parang nasasaktan. "Grabe ka Ma'am Selene, wala naman akong gagawing masama sa kaibigan mo." "Nako, de Ayala! Siguraduhin mong hindi mo sasaktan iyan kung sakali." sagot ko at maangas na tumingin sakanya. "Ipapaalala ko lang saiyo, si Fiona ang pinaka fragile saamin." "And you?" he asked. Looking intently into my eyes. Napaawang ako ng labi. I was caught off guard. "Uh. Wala! Bakit saakin napunta ang usapan?" depensa ko at binalik ang atensyon ko sa paglalaro. Bakit ba ganoon ang tanong niya? Eh ano naman ang mayroon saakin? Simple lang naman ang tanong Selene, pero bakit ang hirap sagutin? Narinig ko ang mahinang tawa galing sakanya. "You're unbelievable, Sel! You're selfless huh?" Tinaasan ko siya ng kilay. Ano ang ibig niyang sabihin doon? "Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin. Mahal ko ang barkada." plain kong sagot at binitiwan ang cellphone ng makarating na si Fiona. Napangiti siya dahil sa sinabi ko. Luh. Problema nito? "Grabe, bakit hindi kayo nag uusap?" tanong ni Fiona nang makaupo siya. Siya ang nasa gitna. "Kakatapos nga lang namin mag- usap ni Selene." sabi ni Perseus. "Sus. Natuyuan nga ako ng laway eh." pang aasar ko at kumagat sa donut. Natawa lamang si Perseus. "Talaga ba? Uhm... Perseus kumusta naman ang States?" tanong ni Fiona. Here comes the awkwardness for me! "Ayos lang. Pero noong una, culture, shock syempre. Wala pa ring tatalo sa Pilipinas kong mahal." sabi niya at tumawa ng malakas. "Corny mo Perseus.." hirit ko. Si Kristel naman ang sumunod na tumawa. "Bakit Sel? Wala namang corny doon?" Luh. Isa pa itong mababa ang kaligayahan. Umismid na lamang ako at nag twitter na lang. selenecruz: Weird. Tara #AskSelene Silang dalawa ang nag- uusap ako naman ay busy sa pag reply sa mga tanong ng mga fans ko. Aaminin kong lutang ako. Mabuti na lamang at hindi tungkol sa pag- ibig ang mga tanong nila. Naaaliw ako dahil ang iba ay puro kalokohan ang mga tanong. Natawa tuloy ako ng mahina. "Ikaw, Sel ano sa tingin mo?" natigil ako sa pagtingin ng tweets nang tawagin ako ni Fiona. "Ay, sorry! Ano ba iyon?" tanong ko. Natatawa pa rin. "Tinatanong kasi ni Perseus  kung ano ang kadalasang magustuhan ng mga babae." tinignan ako ni Fiona ng malisosyong tingin. Umayos ako ng upo at binitiwan ang cellphone ko. "Ganito kasi iyan, bilang babae. Syempre gusto yung sweet, mala prince charming. Pero kung ako ang tatanungin. Masabayan niya lang trip ko okay na saakin." confident kong sagot. Ganoon naman iyon diba? Pupunta tayo sa mga taong komportable tayo. Iyong okay lang kahit boyish ka. Hindi ka ijujudge. Hindi ka babaguhim dahil lang hindi ka pumantay sa standards ng mundong kinagagalawan niya. Once kasi na nahanap mo iyong taong iyon. Kayong dalawa ang gagawa ng mundong para sainyo lang. Hindi iisipin ang sasabihin ng iba. Hashtag, Selene's wisdom 101. "Oh talaga?" sabi ni Perseus. "Paano kung gusto kita?" Tumili si Fiona. "Anong sinabi mo?" ulit kong tanong. Nagulat din siya sa nasabi niya. Mas nagulat ako! Agad siyang tumawa dahil naramdaman niya na ang awkwardness. "What I mean is, halimbawa kung gusto kita tapos hindi ko nasabayan trip mo kasi busy or something." paliwanag niya. Ah. Ganoon naman pala. Kunwari lang. Okay. Okay. Kunwari lang. "Depende naman kasi iyon! Ah basta wala akong hilig diyan." sabi ko at pinuno na lang ang bibig ko ng pagkain para di na ako sumagot. Nakaramdam ako ng inis. Ano bang problema nito? Minsan mabait. Daig pa niya ang climate change ah! At ano naman ang problema mo doon Selene? Wala kang pakialam. Huwag mo na lang pansinin ang mga trip niya. Akala ko naman kung consistent ang isang ito. Akala lang pala buti hindi ako namatay. Mali pa naman. "Ah guys." tumingin kami ni Fiona kay Perseus. "Mauna na pala ako. Susunduin ko pa pala si Mommy." "Ah sige sige, Perseus. Ako na ang bahala kay Sharlene." tuwang tuwa si Fiona. Tinanguan ko siya. "Sige. Ingat sa pagdadrive. Ako na bahala kay Fiona." Natawa siya. "You guys, take care. Babawi na lang ako." Kumaway na lang ako nang palabas na siya ng coffee shop. Sinundot ako sa tagiliran ni Fiona at tumili. "Grabeee! Bakit siya ganoon sayo?" "Adik ka? Sayo siya ganoon, hindi saakin. Ikaw niyaya diba?" sabi ko. Siya nga itong niyaya eh, tapos niyayang lumabas. Tumawa ulit siya. "Sira. Nakita niya raw kasi akong umiyak kanina tapos siya na lang nagpresinta na date ko but it doesn't mean na he likes me!" Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya. "Fine. Basta sinasabi ko saiyo Fiona Gaille Cortez. Huwag ka lang niyang sasaktan dahil nako, sasapakin ko talaga iyon." "Sus. Wala lang iyon! Iba gusto non!" pagkukumbinsi niya saakin. Tumango tango na lang ako. Mukha namang harmless si Perseus pero kasi sa gwapo niyang yun imposibleng hindi mahulog si Fiona. Ah basta huwag lang sila magsakitan. Okay ako. Perseus is nice naman. Walang problema sakanya. At ang conyo ko sa part na iyon. Kinagabihan ay tumambay lang ako sa kwarto dahil wala naman na akong masyadong homeworks. Nag jamming na lamang akong mag isa dahil mag isa lang din naman ako sa condo na tinutuluyan ko. Ang pamilya ko ay nasa Bulacan. Gabi gabi naman kaming nagvi-video call at minsan ay dumadalaw sila. Malaki naman ang tiwala nila saakin kaya hindi sila ganoon kahigpit. Naputol ang pagja-jamming ko nang mag-ring ang cellphone ko. Tumambad ang pangalan ni Perseus sa screen. Kumunot ang noo ko bago ko sagutin iyon. "Problema mo?" umpisa ko. "Wow. What a nice "hello" from you, Ma'am Selene." natatawang sabi niya. "Perseus Antonius...." I said in a warning tone. Lumakas ang tawa niya. "De joke lang. Ano kasi...." pabitin naman ang isang ito. Hindi ako sumagot at hinintay na lamang ang sasabihin niya. "Still there?" umirap ako. "Oo. Nagsasayang ka ng load kung nangt-trip ka lang!" usal ko. Pero ang totoo nakangiti ako, rinig ko kasi ang malalim na paghinga niya sa kabilang linya. Parang kinakabahan. Tumawa muna siya ng malakas. "You're really cute. Anyways may lakad ka bukas?" "You're really cute nyenyenye~" panggagaya ko... "Oo may lakad ako bukas. May taping kami sa ToonZ." "Tara, hatid na kita!" masiglang sabi niya. Kumunot naman ang noo ko. Teka lang. Si Fiona ang niyaya niya sa party tapos ngayon, nagppresinta siya na ihahatid ako. "Tigilan mo ako Perseus Antonius ha. Hindi ako natutuwa sa pagiging friendly mo!" nakailang irap na ako. Hindi ko talaga alam kung ano ang pakay ng lalaking ito. Bakit sobrang bait niya? Tapos minsan masungit? Feeling naman kinagwapo niya iyon. Minsan talaga nauubusan ako ng pasensya sa mga ibang lalaking sobrang bilib sa sarili. Kampante na kaya nilang paluhudin ang mga tala sakanila. Thinking about it makes me vomit. But as for Perseus. Hindi naman siya ganoon but for the sake of us, girls, masyadong vulnerable ang feelings natin no matter how we try to be cool. Kung siguro natapat itong si Perseus sa babaeng mabilis ma-attach ay baka kinabukasan jowa na niya iyon. "Ano bang masama doon? Ayaw mo iyon? Makakatipid ka na sa pamasahe." sabi niya na parang nasa isang business talk kami. "Wala ka na bang mabulabog na iba? Try mo si Noah." suggest ko. "No. Definitely not. Im so sick of how head over heels he is to his girlfriend. Maiinggit lang ako!" "Oh. So ako na lang ang last resort mo? Try mo si Fiona para makilala mo pa siya. Yieeeee." udyok ko. Natawa naman siya. "Friends lang kami non. I have someone right now." naging seryoso ang tinig niya. Somehow, it made me feel uneasy. May kung anong sumundot sa loob ng tiyan ko. Sino naman kaya iyon? "Oh naman pala eh. Siya bulabugin mo. Huwag ako." Mayroon naman pala tapos ako ang tinatawagan. Nasobrahan ata sa katol ang ating kaibigang imported. "Sel...." "Hmm?" "I have something to tell you." Lumamig ang pakiramdam ko pati ang sistema ko sa lamig ng boses niya. Lalo pang dumoble ang t***k ng puso ko dahil sa lalim ng boses niya. Hindi ko rin alam kung saan nagmumula iyon. "A-ano iyon?" I tried to manage to still speak. Feeling ko ay maririnig niya ang tambol ng puso ko kapag di ako nakapagsalita. These weird feelings Im feeling since the day we met ay mas lalo pang lumala. At ni hindi ko nga alam kung ano ito. "Do you believe in love at first sight?" Halos mamura ko siya. "de Ayala, kung tumawag ka lang dahil diyan papatayin ko na ito." pagbabanta ko. He likes joking around at hindi na nakakatuwa! "Oh Selene! Im serious! Trust me, this conversation will head to something! Don't freaking give me a hard time. I'm taking this slow!" Naisatinig no'n ang frustration. Tignan mo ang isang ito siya ang nagbibiro tapos siya ang mapipikon. "Shet naman, Don Perseus! Ano ba naman iyang tanong mo tapos saakin pa talaga!" sagot ko. "Sa totoo lang hindi ko alam dahil hindi ko pa nararanasan iyan. Pero siguro, oo. Hindi naman malayong mangyari iyon." Sinubukan kong pag isipan iyong tanong niya pero I ended in concluding that it can be. Love can be felt at first time. Pero minsan, hindi napapansin dahil nga maaring bukas wala na ang taong nakita mo kaya the idea of it until now is still a question for many if it does happen. "Ah huh....." "Pero!" pahabol ko "Sa tingin ko mayroon naman. Hindi naman kasi magagawa ang kantang Isang Linggong Pag- Ibig ni Miss Imelda Papin kung walang love at first sight. But the saddest part of it, isang linggo lang ang itinigal!" Tumawa siya ng malakas. His chuckles tickled my inner turmoils. "Wow. Bentang benta saiyo ang joke ko, Don Perseus." "You're really funny!" saad niya. "Akala ko talaga noong una sobrang sungit mo. Mas siga ka pa saakin eh." "First impressions are not reliable, Don Perseus..." I smiled at the thought that he gave efforts to know me first. Madalas kasi ng mga nakikipag- kaibigan saakin ay agad akong nilalayuan kapag nalaman iyong brusko kong pag- uugali. I can't help to be it. Nasanay akong independent at madalas kasama ay mga lalaki. But for the record, hindi ako lesbian gaya ng nasasabi ng iba. To be yourself is a great and quite tough job. Hindi kasi lahat ng tao map-please mo. At sa lagay ko, pinasok ko ang mundo ng show business, 24/7 nakatutok ang mga mata ng mga tao saakin. Konting pagkakamali, they will judge you. That's the risk of having a face in public. You have to smile kahit pagod ka na. You have to be nice kahit sobrang demanding na ng trabaho. Why? Because this is my passion. This is my dream that's why I'm striving hard for me and for my family. Nagpapasalamat na kang ako dahil tanggap akobng family, friends at fans. "Sel..." tawag niya ulit. "Kanina ka pa Sel nang Sel, Perseus!" asik ko . "Go straight to the point!" Hindi nagsalita si Perseus sa kabilang linya. Naririnig ko lamang ang malalim na hininga nito. Siguro kung fan niya lang ako ay irerecord ko na ito tapos ibebenta ko. He do TV hosting sa ASAP. That is how my research goes noong tinignan ko ang IG at Twitter niya. He also do modelling. Kakasimula pa lang niya sa industriya ng show business. But with his looks, nabihag niya na ang mata ng mga tao. Famous ang kaibigan nating imported. "Perseus.... ibababa ko na ito." paalam ko dahil hindi na siya nagsalita. "Wait. Uhm. I like you Sel, noon pa." Natulala ako pagkarinig mula sakanya ang mga salitang iyon. He ended the conversation with a heavy sigh. Naputol na ang tawag at binaba ko ang cellphone para titigan ito. Tangina? Seryoso? Baka lasing lang iyon? Namuo ang matinding kaba saaking dibdib at kinikiliti ang tiyan ko. Kumurap kurap pa ako para kumpirmahin kung totoo nga ito. Baliw ba siya? Tatawagan ko pa sana siya but a text from him stopped me. Don Perseus: I really like you, Sel. Don't think it as a joke.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD