"Sa tingin mo I didn't reflect on this? God knows how I suppressed this for a long time!"
---
"Ay putek!" sigaw ko pagkababa ko sa basement ng condominium building na tinutuluyan ko. Perseus is standing in front of me. Halata na matagal na siya roon. Naalala ko ulit ang sinabi niya. Kumunot ang noo ko at lumapit lalo sakanya para sana sapakin siya. Ngunit napigilan niya ako dahil sinalubong niya ang kamao ko. At nagawa pa niyang ngumiti!
"Hoy Perseus Antonius! Nag drunk call ka ba kagabi?!" gigil na sabi ko. He chuckled.
"Hindi. I told you I'm serious about it!" Napansin ko na nakatingin saamin ang iilan. Nginitian ko naman sila dahil nawala ako sa sarili ko at nakalimutang nasa public place kami.
Hinila ko si Perseus. "Nasaan ang kotse mo?"
Huminto siya sandali at tinanggal ang kamay kong nakahawak sakanya tapos ako naman ang hinila. Kapal ng mukha hindi ba?! Pinatunog niya ang isang itim na kotse na hindi naman kalayuan sa entrance ng building. Akmang bubuksan ko na ang shot gun seat ay inunahan niya na ako at siya ang nagbukas nito para saakin. Natameme naman ako at agad na lamang pumasok na sa loob para hindi niya mahalata ang pagka- asiwa ko sa ginawa niya.
Never my enter life I have someone who will do this kind of move for me. Gaya nga nang sinabi ko, brusko ang galawan ko kung kaya't hindi ako tinuring na prinsesa ng mga barkada ko. Pumihit kaagad si Perseus para makapasok sa driver's seat. Nilakasan ko ang aircon bago magsalita dahil mainit sa pakiramdam
"So Perseus, ano iyong kalokohan mo kagabi? At hindi ba sinabi ko saiyo huwag mo na akong sunduin!" Hindi niya ako pinansin at ini-start na ang makina.
"Selene, seryoso nga ako roon!" sabi niya at nagsimula nang magdrive.
Umiling iling ako at sumandal sa upuan. "Hindi eh, imposible! Kakakilala pa lang natin!"
"Matagal na kitang kilala!" pagtatanggol niya sa sarili. "You know my Mom right? Si Beatrice Laxa- de Ayala? I already had a crush on you since we were a kid! See? I know you already for fourteen years!"
Nalaglag ang panga ko sa inamin ni Perseus. Pero imposible pa rin iyon!
"You're impossible!" Napa english tuloy ako!
"It is possible, Sel! Kaya nga I asked you last night if you do believe in love at first sight!" Humigpit ang hawak niya sa manibela ng sasakyan niya. "I don't know why. I just found myself after I watched you in SCQ, the following day I keep asking you to my Mom. Masaklap nga dahil hindi pa uso ang social media noon kaya around 2012, I tried to find you. Gladly, you had shows. Naging kuntento na ako roon."
Umiwas ako ng tingin. Iba't ibang bagay na ang pumapasok sa isip ko. How could he? I mean, we were so young back then, to feel what he is feeling right now is unbelievable.
"I know what you are thinking right now. Hindi ka naniniwala." Nilingon ko siya at pilit na magsalita pero wala akong mahanap na tamang salita para doon.
"N-nagulat lang ako. It's so sudden, Perseus." I tried to maintain my voice cool.
Huminga siya ng malalim. "I know. I just want to be straight- forward. Hindi naman kita minamadali."
Niliko niya ang sasakyan sa isang kanto. Hindi pamilyar saakin ang daan pero hindi na rin ako nagsalita dahil wala akong alam na sasabihin. My mind is still in awe and mess. Yup, fourteen years na ako sa showbiz at ganoon na rin daw katagal ang nararamdaman niyang pagkagusto pero imposible pa rin. He's a good- looking guy. For sure he will get girls and divert his attention. Idagdag pa na, nagpunta ito sa ibang bansa. For sure, maraming magaganda doon.
"Perseus....." I tried to speak. "Sa totoo lang, nagulat talaga ako sa pag- amin mo. Pero hindi ko alam ang sasabihin ko. Alam mo naman ang sitwasyon hindi ba? Kakakilala ko pa lang saiyo. Halos tatlong araw pa lang kita nakakasama---"
He cut me off. "As I've said last night. I will take this slow. I understand that you are scared and shocked. Don't worry I won't pressure you, Sel. I just really want to be honest with you. But if I do extra- special treatment to you, huwag ka nang magulat."
Tinignan ko siyang mabuti. Nakashades siya kaya hindi ko mabasa ang mga mata niya. Nakarating kami sa STAR Network building nang walang imikan. He parked his car sa medyo dulo para walang makakita. Hindi ko na hinintay na pagbuksan pa ulit niya ako at bumaba na. Bumaba rin siya.
"Uhm...." Ang awkard tuloy! "S-salamat, Don Perseus."
Sinubukan kong bumalik sa dati naming ayos. Natawa naman siya. Lumapit siya saakin. Kaunti lang naman. "Sel, huwag kang mapressure. Aalis na ako. Huwag mo masyadong isipin ang sinabi ko. Anytime soon, we will spend time together. Bye, Ma'am Selene!"
Hindi na niya ako hinintay magsalita at pumasok na sa loob ng kanyang sasakyan. Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan na siyang makaalis. Kanina ko pa gustong huminga! Imposible talaga iyon. Baka nga siguro nagbibiro o nant-trip lang iyong si Pangilinan. Hay naku! Bahala siya sa buhay niya.
Pumasok ako sa building at binati ako ng guard. Binati ko rin sila pabalik. Pumunta na ako aa ToonZ Studio at naabutan ko na doon ang TZ Squad.
"Helloooooo, Bebe Seleeene!" niyapos kaagad ako ng yakap ni VJ Addie. Niyakap ko rin siya.
"Wasssup, Addie! Halatang miss na miss ako ah!" pagtutukso ko. Bumitaw siya at ngumuso. Luh, ang cute talaga ng Koreanang ito!
"Oo. 3 days ka naming di nakasama!"
Tumawa ako ng malakas. "Ang OA mo naman, Addie. Andito na nga ako oh!"
Binati ko rin ang mga VJ na naroon. Kuya Silver, Ate Fae, Ate Cherry at si Eric.
"Wow naman, Selene. Mukhang busy tayo ah." pang- aalaska ni Kuya Silver.
"Syempre. Huwarang estudyante yata ito!" pagmamalaki ko at umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Eric na nangingiti saakin.
"Muntanga ka diyan, Eric!" bati ko at nag fist bump kami.
"Tagal ko ring di nakita pagmumukha mo eh." Sinamaan ko siya nang tingin.
Ayos na kami ni Eric. We're still casual to each other. Hindi rin naman namatay ang loveteam namin dahil sa mga fans naming taga- suporta. I always be thankful for that. Nasagip ko pa rin ang pagkakaibigan namin kahit papaano.
"Kapal. Parang akala mo naman natutuwa akong nakikita ka." asik ko.
"Syempre. Sa pogi kong ito?" Tinaas niya pa ang kilay niya at kinindatan ako.
"Oh, teka. May langgam yata dito." biglang tili Ate Cherry na, kanina pa pala nakamasid saamin.
"Hala, Eric. Maligo ka rin kasi. Nilalanggam ka tuloy!" pang- aasar ko. Nagtawanan silang lahat dahil sa sinabi ko.
After catching up with the VJs, inayusan na ako ng stylist ko sa dressing room. Habang tinitignan ko ang repleksyon ko sa salamin ay nakatanggap ako ng text galing kay Perseus.
Don Perseus:
Hey.
Bumalik nanaman tuloy ang eksena namin kanina at nakaramdam nanaman ako ng kaba at pagkalito. Nagtipa ako ng sagot dahil pipilitin kong maging normal ang pakikitungo ko sakanya.
To Don Perseus:
Uy. Yes?
Agad naman siyang nagreply.
Don Perseus:
What are you doing?
Halos magmura ako. Nagtext lang siya para dito? Lingid sa kaalaman ninyo. Hindi ako madalas magtext dahil bukod sa Globe wala na akong ibang nakakatext. Tinatawagan lang lagi ako nila Mama at iba pa. Hindi rin naman kami madalas magtext ni Eric noon dahil lagi kaming magkasama.
To Don Perseus:
Talagang nagtext ka dahil lang diyan ah. Inaayusan ako para sa taping.
Don Perseus:
Ayaw mo ba? You don't do texts?
Oh s**t! Nag type ako kaagad para hindi niya isiping ayaw ko.
To Don Perseus:
Hindi naman sa ganoon. Hindi lang siguro ako sanay.
Don Perseus:
Masanay ka na. 14 years din akong naghintay. Joke.
Pumikit ako nang mariin sa nabasa ko. Damn, why is he like this? Huminga ako ng malalim at nag isip ng maingat na sagot para doon. Nabibigla kasi ako sa mga kinikilos niya. He's a good guy.
To Don Donny:
Uhm. Perseus. Pwede bang maging magkaibigan muna tayo? Ang unfair kasi sa side mo eh. Tapos, hanggang ngayon nabibigla pa rin ako.
Hindi ko na nahintay ang reply niya dahil tinawag na ako para sa taping. Na divert ang atensyon ko sa masayang taping namin sa TZ.
"Seeeeel!" Lumingon ako kay Addie na galing sa labas at pumasok sa set namin na may malaking ngiti sa labi.
"Wow Addie. Ang high mo ngayon ah!" Mabuti na lang ay tapos na ang taping namin bago siya pumasok.
"May bisita ka kasi." malisosyang sabi niya. Pinaningkitan niya ako ng mata.
"Sino raw?" tanong ko at naglakad na palabas ng set. Inabot ko kay Ate Judei ang script ko at sumunod naman saakin si Addie.
"Hmm. Hindi ko siya kilala eh." sabi ni Addie. Hindi na ako sumagot at pumasok na lang ako ng dressing room ko.
"Hi Seeeel!" Literal na lumaki ang mata ko nang makita ko doon si Perseus na prenteng nakaupo kasama ang ibang VJs.
"Oh, hello, Perseus!" Lumapit ako sakanila. Tumabi ako sakanya dahil nandoon na lang ang libreng upuan para saakin.
Hinampas ko nang mahina ang binti niya. "Anong ginagawa mo dito?" Pabiro kong tanong.
"I'm visiting my new workplace!" masigla niyang sabi.
"Yes, Selene! Nakalimutan naming sabihin saiyo na may bago tayong makakasamang VJ. At si Perseus iyon!" Napanganga akonsa sinabi ni Kuya Silver. Tuwang tuwa silang lahat. Ako naman mas lalong kinabahan. Hindi sa ayaw ko siyang makasama, okay? Mukha kasing hindi siya nagbibiro sa mga sinasabi niya.
"Talaga? Naks naman Don Perseus! Congrats!" sabi ko at naki- fist bump sakanya. Sinalubong niya rin iyon ng isang matamis na ngiti. I'm happy for him.
Ngingiti- ngiti lang ako habang nagkwekwentuhan ang TZ VJs pero deep inside halos sumabog na ang puso ko. Idagdag pa ang kamay ni Perseus na nakaakbay sa monoblock chair na kinauupuan ko at mumunting nahahaplos ang maliit na bahagi ng likuran ko. Sa totoo lang ay kinikilig ako. Aaminin ko rin na crush ko siya. Nilingon ko siya at nakitang nakangisi habang nakatingin sa TZ Vjs na nandoon.
"Hoy!" sigaw ni Addie. Napatingin ako sa gawi niya at pati si Perseus ay natigil sa ginagawa niya. Nakatingin si Addie saamin gamit ang nanliliit na mga mata.
Kinabahan agad ako. Nakita niya ba? s**t!
"Bakit ang tahimik mo Sel? Nahihiya ka kay Perseus?" nakahinga ako nang maluwag nang iyon ang itanong niya.
"Pagod lang. Kanina pa ako dumaldal sa segment ko eh...." Palusot ko. Akala ko napansin niya ang pinagg-gagagawa ni Perseus.
"Ah. Akala ko nahihiya ka kay Perseus." Tumatango- tango pa siya. "Alam mo Perseue? Si Selene ang pinakamakulit saamin. Baby girl namin iyan dito."
"Sssh! Addie, nakakahiya!" Saway ko.
"Really? Halata naman na iyon. Actually, we're attending the same school and probably, online school, later on." Nagbigay siya ng tingin saakin. Umiwas naman ako ng tingin.
Ikakapahamak naming dalawa ito!
"Ohhh. So kilala mo na pala siya, Selene? Bakit di ka man lang nagsabi?" Si Ate Cherry iyon.
Nagkamot ako ng ulo. "Ah hindi ko naman po kasi alam na may bago tayong makakasama."
Natapos na ang topic na iyon dahil sa pagjojoke ni Kuya Silver at napunta ang usapan sa mga adventures na gagawin namin in the future. Pinilit kong maging normal ang kilos. Perseus' stare will be forever my kryptonite. Nanghihina kasi ako at natututop sa kinauupuan ko. Sa unang araw pa lang naman eh. Ganoon na ang naramdaman ko. He's just so intimidating. Kung hindi lang ako marunong makipag- socialize ay baka naging bato na ako.
"Selene!" Napatalon ako sa kinauupuan ko nang sumigaw si Addie. Lumingon ako sakanya. "Kanina ka pa tulala? Seriously, Sel. Okay ka lang?"
"Medyo sumakit lang ang ulo ko." Agad kong naramdaman ang maingat na hawak ni Perseus sa likuran ko at binigay na ang buong atensyon saakin.
"Tara na? Tapos na rin yata ang sched mo?" Maingat niyang tanong. Tinaas ko ang isang kamay ko para mai- alis bahagya ang hawak niya.
Tumango ako. "Oo. Uwi na ako. Maiwan ka na. Kilalanin po pa sila.
Why is he like this? s**t naman! Mapapapahamak kaming dalawa! Baka kung ano ang isipin nila saaming dalawa. Lalo na't hindi pa naman ako umaamin na crush ko rin siya. Baka magaya kami sa mga nahuhuli at marami ring bashers sa paligid.
"Aww, Sel. Akala ko makakatagal ka pa rito. I really miss you." Agad na dumalo si Addie at niyapos kaagad ako ng yakap. Mabuti naman iyon dahil inalis ni Perseus ang kamay niyang nakahawak saakin.
"Hayaan mo, Addie babawi na ako next week dahil OED naman na ako." Ngiti ko sakanya. Matapos kong sabihin iyon ay pinakawalan niya rin ako.
Matapos kong magpaalam ay agad na akong lumabas ng studio. Ngunit bago pa man ako makapihit ay agad na may humila sa braso ko nang mahina. Kilala ko na kung sino iyon.
"Perseus...." may pagbabantang tawag ko.
"Ihahatid na kita, please." Hindi na lang ako sumagot at hinayaan siyang akayin ako dahil nanghihina din ako.
Nanghihina ako sa hindi ko alam na dahilan, dahil ba malapit siya? O dahil ba sa takot? O pwedeng pareho iyon. Ang pagiging malapit sakanya ang ikinatatakot ko?
"Don't be silent please. Talk. Say what's on your mind." Pakiusap niya saakin. Tinignan ko siya nang deretso dahil doon.
"Ano bang gusto mong marinig? Sinabi ko na saiyo, naguguluhan ako Perseus!" I looked away after saying that.
To feel that someone treats you special is something that will tickle your expectations. Uusbong ang libo libong pakiramdam na hindi mo maramdaman sa iba. At sa kalagayan ko, kay Perseus ko naramdaman iyon na alam kong mali. Masyadong mabilis.
"I'm sorry, Sel." He said.
"Ang hirap naman kasing paniwalaan eh." Hirap kong sabi. "Ang bilis. Pinag- isipan mo ba iyan? Sigurado ka ba? Paano kapag wala na iyan bukas?"
"Sa tingin mo I didn't reflect on this? God knows how I suppressed this for a long time!" Tinignan niya ako. May dumaang sakit sa mga mata niya. "Give me a chance, Selene to know you more. Trust me, I won't ever, ever make you feel like this is fast for us. I will take it slow. Hayaan mo ako. Let me, work on this."
Nilapitan niya ako at hinawakan ang kamay ko. Wala na akong lakas pa, para labanan iyon. Posible ba na sa tatlong araw? Makadama ka ng koneksyon? Hindi ko alam, pero sa nararamdaman ko ngayon. Pwede naman naming subukan.