"Nagseselos lang."
---
"Are you sure, you'll be okay here?"
Huminga ako nang malalim at tiningala si Perseus na nasa harapan ko. His eyebrows are both plucked and his eyes are curious. His whole red lips is little bit pouting. The face of his shape emphasized how strong he is, with that angled- jaw and pointy chin. He's close to the word perfect.
"Yes..." nahihirapan kong sabi at umiwas na ng tingin.
He sighed. "All right. I'll just text you, then."
Tumango ako at tumalikod na para pumasok sa loob. Hindi ko maitatago ang mga nararamdaman ko. Gulong gulo ako pero alam ko kung ano ang pinupunto nito. Nagugustuhan ko rin si Perseus. Mabilis? Alam ko. Sobra. Pero wala, naramdaman ko ang koneksyon na sakanya ko lang naramdaman. At masaya kahit nakakakaba.
Ang kabang nararamdaman ko kapag nandiyan siya. Ang saya kapag ngumingiti siya. Ang hindi maipaliwanag na pait kapag may kasama siyang iba. Basta, bahala na.
Kinabukasan ay maaga akong lumuwas pa- Bulacan dahil family day ngayon. Magsisimba kami at kakain sa labas. It's a habit noon pa man. Binagsak ko ang tingin ko sa cellphone na hawak ko habang kumakain ng oats sa kusina.
Don Perseus:
Good Morning, Ma'am!
Tumunganga ako sa natanggap kong text galing kay Perseus. Kumislot nanaman ang puso ko.
To Perseus:
Good Morning, Don Perseus!
"Selene, anak. Tapos ka na ba kumain?" nilingon ko si Mama na palapit saakin. Tinago ko agad ang cellphone sa kandungan ko at ngumiti sakanila.
"Patapos na Ma." sagot ko at sinubo na ang natitirang oats at uminom ng tubig.
"Anak, may nanliligaw ba saiyo?" Halos nasamid ako sa tanong ni Mama.
Strikto si Mama at Papa dahil nag iisa nila akong anak na babae. Gusto rin nilang, career muna ang unahin ko at naiintindihan ko iyon. Parents wants the best for their children. Isa pa, wala pa naman sa utak ko iyon. Oh well, not until Perseus came into the picture. Nagdadalawang isip tuloy ako.
"Wala po..." sagot ko, pagkalunok ko sa tubig na ininom ko.
"Sigurado ka? Eh ano iyong McDo delivery na dumating dito?" Lumaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Mama. Sunod nito ay ang pagpasok din ni Papa na may hawak nang dalawang plastic bag na puno ng pagkain galing sa McDo.
Tangina?! Seryoso? Umiling kaagad ako. "Hindi ko po alam Ma. Wala po talaga!"
Hindi ko pinahalata ang kaba sa boses ko. Alam ko kung kanino galing iyon. Perseus is one of the McDo ambasadors. Ang lalaki talagang iyon! Akala ko ba he will take it slow. Hahampasin ko talaga iyon!
"Wow. Ito ba ang breakfast natin Ma?" sumulpot na rin si Clark na bunsong kapatid ko. Agad niyang kinuha ang plastic bags na dala ni Papa.
Nagdasal na lamang ako ng taimtim na hindi na sana magtanong pa sila Mama. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko. Hindi rin nila kilala si Perseys. Ipapakilala ko pa lang.
Bilang bagong katrabaho sa TZ.
"Nako, anak ha. Siguraduhin mo lang." nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi ni Papa. Pumunta na rin sila sa lamesa at dinamayan si Clark sa pagkain. Sumunod na rin ako doon para kumuha ng isang iced coffee.
Nagpaalam ako at umakyat na sa kwarto ko. Nilock ko ang pinto at hinarap kaagad ang cellphone.
To Don Perseus:
Hindi ko alam na ikaw na pala si Jollibee ngayon.
Don Perseus:
Anong Jollibee? McDonalds ang pinadala ko sa bahay ninyo.
Confirmed! Siya nga.
To Don Perseus:
Huli ka boy! Muntik na akong mapagalitan dahil sa pakulo mo pero salamat.
Don Perseus:
You're welcome Ma'am!
Ngumisi ako. Masaya pala kapag hindi pinipigilan. Im also glad that Perseus is trying his best to take this slow. Feeling ko tuloy napaka- espesyal ko. Feeling ko lang naman but if it's not the case, then, I'm not feeling well.
"When the time is right, the Lord will make it happen."
Pumikit ako nang marinig ko iyon na sinabi ni Father. I silently prayed that Perseus will understand why time is important to me. Matagal din akong naghintay para maabot ko kung nasaan ako ngayon, pati siya. Saksi ang oras sa bawat paghabol ko sakanya, quota na nga ang oras eh. Mahalaga ang bawat segundo saakin dahil sa loob ng maikling segundo marami na ang pwedeng mangyari.
Time plays a vital role in my life. Kaya lahat ng worries and blessings dinadasal ko talaga dahil hindi ko alam kung ano ang mangyayari. At sa bagong desisyon kong ito na kasama na ang puso, ipapasa- Diyos ko ang para saamin ni Perseus. Hindi iyon madali pero alam kong, worth it.
"Lord, sana po, hindi nga magbago iyon." bulong ko sa hangin.
Mabilis natapos ang Linggo at pasukan nanaman. Humikab ako bago umupo sa tabi ni Anikka na busy sa paggamit ng cellphone niya.
"Beshie..." tawag ko. Hindi siya sumagot kaya pinagpatuloy ko na lang. "... OED na tayo next week. Naayos mo na ba sched mo?"
"Hindi pa. Aayusin pa lang." sagot niya. Naramdaman ko ang pagka- irita sa boses niya kaya umahon ako mula sa pagkakasandal sa balikat niya.
"May problema ba?" Tanong ko na nakakunot ang noo.
She sighed in a miserable way. "Si Barron kasi eh! Pinipilit ko na huwag magpost sa IG ng pictures namin eh! At hanggang ngayon hindi pa siya nagrereply!"
Nanlamig ang sistema ko dahil sa sinabi niya. Barron is very vocal about his feelings for Anikka. Noon pa lang ay talagang maloko na siya at pinagsisigawan na crush niya si Anikka. Hindi sineryoso iyon noon dahil lahat kami ay nasa murang edad pa. Pero dahil college students na kami at expose pa ang mga pangalan namin ay talagang nag iingat kami sa mga posts at galaw namin, sa personal man o sa publiko.
Sumagi naman sa isip ko ang pinagg-gagagawa ni Perseus. He's not that vocal pero sa kilos niya ay talagang mahahalata kung ano ang gusto niyang iparating. In a short span of time with him, mabilis kong napansin iyon na pag- uugali niya.
"Baka inaasar ka lang..." pagkumbinsi ko sa beshie kong pasan ang mundo.
"Kinakabahan ako Selene, hindi ba't mayroon silang tambalan ni Fio? Ayokong masira ang image nila." natataranta na ang boses ni Anikka.
Oo, mayroong tambalan sila Fiona at Barron sa internet dahil parehas silang kumakanta at nakita ang chemistry nilang dalawa.
"Mayroon din naman kayo ah! Sa LUV U dati!" sabi ko.
"Hindi. Kasi itong picture na ito ang ipopost niya." inabot saakin ni Miles ang cellphone niya at nanlaki ang mata ko nang makita ko ang litrato doon.
Silang dalawa ni Barron. Magkaholding hands at halatang hindi si Fiona dahil maikli anh buhok ni Anikka at mahaba naman ang sakaniya, kaya halata iyon kahit na malayo ang kuha nito. Delikado nga ang gagawin ni Barron.
Kinuha ko ang cellphone na nasa bulsa ko at tinawagan si Noah.
"Noah!"
"Aray! Sakit sa tainga ng boses mo! Ano ba iyon?!" gusto kong tumawa dahil nainis ko nanaman siya pero wala akong time.
"Kasama mo ba si Barron? Itago mo cellphone niya kung maari!" utos ko.
"What? Bakit? Ano nanaman itong pakulo mo?" nahimigan ko ang iritasyon sa boses niya na mas lalo kong ikinatuwa.
"Sigeeee na please?" Pakiusap ko at sinubukang lambingan ang boses ko. Narinig ko ang paghinga niya ng malalim sa kabilang linya. Yes, I won.
"Thanks Noaj. Lab talaga kita brother!" sabi ko bago pinatay ang tawag.
Hinarap ko na si Anikka na hindi mapakali sa upuan niya. "Ayos na. Tsaka di naman siguro gagawin ni Barron iyon."
"Hindi mo kasi naiintindihan, beshie. Pinag- awayan na namin iyon last time hindi ba? He recklessly posted a photo of us. Tapos syempre inaway ako ng mga fans nila. Ay, ayoko nang mangyari ulit iyon!" maktol niya.
"Magtiwala ka kay Barron, Anikka. Hindi niya gagawin iyon." sagot ko.
Mahirap talaga ang sitwasyon naming mga nasa showbusiness. Hindi kami pwedeng basta basta gumawa ng bagay na gusto namin. At ito rin ang kinakatakutan ko, nag- uumpisa pa lang si Perseus sa industriyang ito. May tiwala ako sakanya pero kasi hindi maiiwasang kabahan ako sa tuwing magkasama kami. Marami na siyang fans at halos lahat ng fans niya ay gusto siya bilang boyfriend nila.
"Seeeeeeeel!" natigil ako sa pag- iisip nang dumating na si Perseus na malaki ang ngisi sa labi. Kasama niya na rin ang mga boys.
"What's up Anikka?! Why are you sad?" Inosente niyang tanong bago tumabi saakin. Agad niyang nilagay ang kamay niya sa likod ng upuan ko.
"Anikka...." tawag ni Barron. Agad namang tumayo si Anikka at nag- walk out. Naging cue na rin iyon ni Barron para sundan siya.
Naiwan na lang tuloy kami ni, Noah, Gilbert, Perseys at ako. Wala si Fiona dahil sa mga appointments niya na sa labas ng school ginanap. Siya ang nag- umpisa saaming mag OED.
"Nag- aaway nanaman ba sila?" tanong Gilbert.
Nagkibit- balikat ako. "Hindi ko alam. Masiyado naman kasing mapang- asar si Barron. Kaya nga pinapakuha sakanya cellphone niya dahil magpopost nanaman daw ng picture nilang dalawa."
"Ang baliw na talaga iyon." iling- iling ni Noah.
"Why? What happened?" nilingon ko si Perseus na nagtanong at tinaasan siya ng kilay.
"Binash na kasi si Anikka dati ng mga fans nila ni Fiona. Nag post kasi itong si Barron ng sweet picture nilang dalawa. Bawal kasi iyon, utos ng management. Nagbo-bloom na kasi ang tambalan nilang dalawa ni Fiona at Barron dahil sa chemistry nila. Kaya ayon natrauma na si Anikka. Grabe rin ang nangyari sakanya. Isang linggo siyang di lumabas ng bahay dahil sa takot." kwento ni Gilbert.
"Haynako sasapakin ko iyon eh." komento ko.
"Is Anikka doesn't want to be shown off? I mean, I understand Barron why did he do that. He loves Anikka so much." Natahimik kami dahil sa sinabi ni Perseus. "I mean, he does not want them to be a secret."
"Hindi kasi ganoon kadali iyon Perseus. Mga artista tayo. Hindi tayo pwedeng gumawa ng mga bagay na dahil gusto lang natin. Isipin mo, lalo na ikaw, marami ka na agad fans." sabi ni Noah.
"I understand that bro, pero kung talagang fan sila at mahal nila tayo. They should understand that the world will not always revolve around our public figure."
Hindi ako makapagsalita. May point siya. Tama nga naman, kung mahal talaga nila kami, they will understand pero sa edad naming ito. Hindi iyon madali. Sa edad naming ito, career muna dapat and everything will follow. Hindi naman kasi pwedeng maulit ito. Pwedeng sumunod na lang ang pagmamahal.
"Pero tama na yan. Kumain na tayo. Libre nyo ako!" I diverted their serious talk. "Ako ang nag iisang babae dito oh!"
Tumingin saakin si Noah na nakataas ng kilay. "Babae ka ba?"
Sumunod doon ang tawanan nila ni Gilbert. Tumayo ako aambahan ko sana siya ng suntok pero hinila kaagad ni Perseus ang baywang ko at pinaupo ako ulit. Uminit ang pisngi ko dahil sa ginawa niya.
"Dito ka lang. Bibilihan na kita. Ano gusto mo?" Seryoso niyang tanong pagkatapos niyang gawin iyon.
"Ah- ano. Kung ano na lang din order mo." sagot ko. Wala na kasi akong maisip. Lutang ako sa ginawa niya at nahihiya dahil baka nahawakan niya ang mga baby fats ko.
Tumango siya at tumayo.
"Tara na Bro. Iwan muna natin si Selene dito." sabi ni Perseus.
"Kahit huwag na nating balikan iyan para naman malapitan na ng mga manliligaw niya." biro ni Gilbert pero hindi iyon nagustuhan na biro ni Perseus dahil kumunot ang noo niya.
"He have suitors?" Tumawa sila Gilbert at Noah sa tanong ni Donny.
"Oo Bro. Last valentines event ang daming natanggap niyan. Mula sa non- showbiz at nasa showbiz personalities." Kwento ni Noah. Yumuko ako dahil sa kahihiyan. Bwisit talaga ang isang ito.
"Really? Do you know them?" Hindi na iyon pinansin nila Noah at Gilbert at hinatak na lang si Perseus palayo sa lamesa namin.
Ang iyong mga iyon talaga! Oo mayroong mga gustong manligaw pero hindi ko sila pinayagan. Panahon kasi noon ng loveteam namin ni Eric at dahil may namamagitan na saamin noon kaya hindi ko na rin sila hinayaan. Besides, strikto sila Mama at Papa kaya hanggang bigay lang sila ng mga gifts.
Pero mas lalo lang akong kinabahan dahil may Perseus na nasa tabi ko. Ayoko namang isipin niya na hinayaan ko ang mga iyon na magbigay ng mga regalo pero siya hindi ko mapayagan. As much as possible, I want to be fair to others. Pero syempre, ibang usapan na itong saamin. We will take this slow because we want to weigh things. Mahirap na magmadali, mahirap nang madapa at baka mamaya parehong hindi kami makaahon.
Dumating sila Perseus na maraming dalang pagkain. Tig dalawang tray ang hawak nung tatlo. Nangningning ang mga mata ko dahil sobrang dami ng fries.
"Grabe, guys. Ang sweet ninyo! Thankssss!" Sabi ko nang mailapag nila iyon sa table.
"Si Perseus lahat gumastos niyan. Ito lang ang amin oh." Tinuro ni John ang dalawang Iced Tea at sandwich.
"Tsss." sabi ni Perseus at padabog na umupo sa tabi ko. Pinalo ko nang mahina ang braso niya.
"Thanks, sungit." sabi ko bago magdasal para sa pagkain namin.
Nilantakan ko kaagad ang iced tea bago kumuha ng fries.
"Mabuti na lang ikaw Gilbert hindi ka na nagkaroon ng loveteam." umpisa ni Noah ng usapan.
"Syempre hindi naman kasi Showbiz ang priority ko. Iba pa rin yung personal dream ko. Besides, Erika is cool about it." sabi niya.
"Si Ellie rin naman, kaso minsan di maiwasang magselos." sabi ni Noah.
"Sus. Baka ayaw niya saakin Noah, sabihin mo lang." sabi ko kay Noah.
"Saiyo lang kumportable iyon." natatawang sabi niya.
"Binibigyan din kayo ng mga loveteams?" Tanong ni Perseus.
"Oo. Ganoon kasi ang mabenta dito sa Pilipinas." sabi ko bago kumagat sa burger.
"Pwede bang ikaw ang magrequest kung sino ang makaka loveteam mo?"
"Depende pero ang alam ko hindi. Kasi diba kung kanino kikiligin ang masa doon ang management. Just like KathNiel, JaDine and Lizquen. Pinakamalaking loveteams dito sa Pilipinas." sagot naman ni Noah.
"Pero ang maganda doon. Kakilig kilig naman sila talaga. Tapos biruin mo nauuwi na sa totohanan. Fan na fan ako ng mga iyon!" Kinikilig na sabi ko.
Yup. Im a fan of those three loveteams. Iba't iba kasi ang ino- offer nilang kilig. Lalo na yung mga titig nila Kuya Daniel, James, at Enrique sa mga girls nila. Grabe! Na- witness ko ang sa KathNiel dahil nakasama ako sa isang movie nila together. And I must admit. They are inlove.
"Really? So ikaw, Selene. Kino- consider mo iyong ganong oppurtunity?" tanong ni Donny saakin.
"Oo naman. Mayroon naman akong ka- loveteam. Nameet mo na, si Eric." kwento ko sakanya.
"Oh." nilingon ko siya at nakita kong nakakunot ang noo niya dahil sa mga sinabi ko.
Hindi ko na lamang pinansin iyon. Pero mas napansin ko, bakit hindi niya alam iyon? Sabi niya he watched my shows or baka hindi niya lang pinansin iyon? Nagsisinungaling lang ba siya?
Natapos kaming kumain na hindi ako nakisabat sakanila dahil ginugulo ako no'ng naisip ko. I am always like this.
"Tahimik ka." Puna ni Perseus.
"Bloated lang. Ikaw bakit kanina ka pa iritado?" tanong ko.
Nilapit niya ang mukha niya saakin at tinapat iyon sa tainga ko. "Nagseselos lang."
Natigil ako sa pag- iisip at iyon ang natira. Nagseselos? Saan? Kumunot ang noo ko at nilingon din siya. Malapit pa rin ang mukha niya saakin kaya ako ang lumayo ng bahagya. He looked straight into my eyes. Ganooon din ang ginawa ko.
"Bakit ka nagseselos? Kanino? Saan?" matapang na tanong ko.
"Do you want me to answer that?" natawa siya at humiwalay sa titigan namin.
Huli na nang marealize ko na nakabantay pala sila Noah at Gilbert saamin. Nakakunot ang noo nilang dalawa. Nilingon ko si Perseus na prenteng nakaupo sa tabi ko at nakangising sumimsim sa Iced Tea niya.
Did he freaking plan this?!