"Is this a sin? Bakit pakiramdam ko sobrang mali? Are we wrong? Are we violating rules?"
---
"Ano iyon Selene? Kanino magseselos si Perseus?" Seryosong tanong ni Noah.
Nasapo ko ang ulo ko at inilingan siya. "Wala. Wala. "
"Hindi eh. Malinaw pagkakarinig namin. Yung totoo? May namamagitan ba sainyo?" Malisosyong tanong ni Gilbert.
Umusog ako nang kaunti palayo kay Perseus. "Oo mayroong namamagitan saamin. Ayan oh." Tinuro ko ang distansya sa pagitan namin ni Perseus. "Space."
Humalakhak si Perseus sa gilid ko. He shifted his seat. "C'mon Sel. Sila lang naman ang nandito. Besides, I don't want us to be a secret when it comes to our friends."
Hindi ako nakasagot at natameme. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, okay? It's just that, ayokong malaman nila agad. Hindi ko pa sinasabing pwede na siyang manligaw. At hindi ko rin alam kung hanggang kailan ito. Ayokong umasa at mas lalong ayoko silang paasahin. Despite their cocky attitudes, my friends are genuine. Kahit lalaki sila ramdam ko ang pagiging mahalaga ko sakanila. Syempre, kung masaktan man ako dito. Ayoko na silang masaktan din.
"Ano nga iyon, Perseus? Ikaw na magsabi." seryosong tanong ni Noah.
Kung kanina, ikinatutuwa ko pang naiinis siya. Ngayon, natatakot na ako. Panay man ang asaran namin ni Noah, protective rin siya pagdating saakin. The last time nga ay nag- away kami dahil sa hindi ako nagpaalam sakanya na may kikitain akong lalaki. Hindi iyon in a romantic way, para lang sa binili ko sa isang online shop. He's really fuming mad that time. Kaya simula noon nagpapaalam na ako. Kahit magkaiba kami ng schedule, he make sure that Im okay.
Binilin din kasi ako ni Mama sakanya.
"I have feelings for Selene." Halos malaglag ako sa kinuupuan ko nang deretsahang sabihin iyon ni Perseus.
Isa pa ito. Hindi niya ba alam kung paano magalit si Noah? Siguradong ako ang pagbubuntunan non.
"Whoaaaaw. Sandali lang, de Ayala. Ang bilis mo naman." Natatawang sabi ni Gilbert. Pero si Noah ay nakakunot na ang noo at nakatingin saakin nang masama.
Dumoble ang kaba ko nang umayos ng upo si Noah at tinignan si Perseus nang deretso. "Seryoso ka ba diyan, bro?"
"Yes, bro. Noon pa man." nakipagsukatan din ng tingin si Perseus.
Ako naman, hindi ako mapakali sa inuupuan ko. Nasaan na iyong, we will take it slow?
"Alam mo bang ayaw pa iyan paligawan ng mga magulan niya? Isa pa, hindi rin ako kumportable na may ibang umaaligid diyan." Oh that tone of voice of Noah!
Shit! Malala na ito. Kailangan ko nang pumagitna.
"Sandali lang naman, hindi naman siya nanliligaw, Nlah. Kakaamin niya pa lang." mahinang sabi ko. Nalipat tuloy saakin ang seryosong tingin ni Noah.
"So alam mo na pala? Bakit hindi mo agad sinabi saakin, Selene Agueda Cruz?" He's trying to compose himself. Galit na nga talaga ang isang ito.
"Bro, don't talk to her that way." pagtatanggol ni Perseus saakin.
"Huy. Huwang kayong mag- usap nang ganyan dito." saway ni Gilbert. Tumayo siya at hinihila si Noah. "Tara doon tayo sa mas pribado."
Hindi kami sumagot at tumayo na lamang sabay sabay. Ngumingisi si Noah pero halata sa mata niya ang pinipigilang galit. Nauna silang maglakad saamin. Sumunsunod lamang kami ni Perseus.
"Akala ko ba we will take this slow?" angil ko sakanya. Natawa siya pero sarcastic.
"Im taking it slow. Inuuna ko lang ang mga kaibigan natin but for Noah, I don't want the way he is protecting you. Masyadong protective like he owns you." He brushed up his hair and looked away.
Hindi ako sumagot. Hindi ko rin naman alam. Doon ko lang narealize sa sinabi niya na sobra nga ang inakto ni Noah, kanina.
"Bestfriend ko siya Perseus. Normal lang iyon. Para ko na rin siyang kuya." pagtatanggol ko sakanya.
"Really? I'm sorry but I'm not seeing it like the way you sees it. Lalaki ako Selenr, alam ko kung anong mayroon." Sabi niya at naunang maglakad saakin. Naiwan akong naglalakad mag- isa.
Hindi ako tanga para hindi magets iyon. He's emphasizing that Noah has also feelings for me. Imposible. Una, may girlfriend siya. Pangalawa, we have already cleared what is between us.
Sumasakit ulo ko! Never kong plinano na magkaroon ng problema sa buhay pag- ibig. Kailangan ko ng babaeng makakasama ngayon! Kaso wala naman si Anikka at Fiona. Oh my gosh!
Nakarating ako sa classroom. Nakaupo na silang tatlo doon.
"Kung tatanungin ninyo ako." Panimula ko. "Wala akong kaalam alam diyan. Si Perseys, kararating lang dito. Hindi ko pa siya masyadong kilala at oo. Umamin siya. Pero hindi ko agad iyon tinanggap, Noah. Sorry kung hindi ko agad nasabi iyon." paliwanag ko.
Hindi pinansin ni Noah ang sinabi ko at kay Perseus humarap. "Alam mo ba Perseus kung ano ang consequence nito?"
Gumanti din ng tingin si Perseus. "Oo. Alam ko. But Selene is worthy to fight for. Hindi ko siya minamadali. I just really wanted to be honest towards this. Matagal ko na ring kinikimkim ito."
"Matagal?" Si Gilbert naman. "You mean, noon pa lang kilala mo na siya?"
Tumango si Perseus. "SCQ days. My mom was a judge there."
"Naks naman Selene Cruz. Ganda ka?" Humalakhak si Gilbert. Tinignan ko siya ng masama. Tahimik pa rin si Nosh sa gilid.
"Oo ganda ako eh." Biro ko. Pero tahip tahip ang kaba na nararamdaman ko. Tahimik pa rin si Noah. I don't want him upset. Alam kong madadalian din siya. Hindi man niya sabihin.
"I know this revelation surprised you. But allow me to show that I am sincere. That these feelings for her are genuine." dagdag ni Perseus.
May kung anong likot ang naramdamdaman ko sa tiyan ko. Bwisit talaga ito. Bigla biglang bumabanat nang wala man lang pasabi. Umiwas ako nang tingin at tinuon ang atensyon ko sa bintana nang tumingin si Perseus sa gawi ko.
"Tangina. Ang weird pero kinikilig ako sainyo!" Sabi ni Gilbert. Natawa naman si Perseus at inapiran siya.
Lumipat ang tingin ko kay Noah. I saw him sighed at tinignan ako nang seryoso. "Fine. Wala naman akong karapatan na mag- inarte. Sorry din, Selene. Bago lang kasi ito saakin. Lahat nang nanligaw saiyo ay wala sa circle of friends natin."
Tumango lamang ako. May kasalanan din kasi ako dito. Lumapit siya kay Perseus.
"I'm sorry bro. Nabigla lang din ako." Tinapik niya ang balikat ni Perseus.
"I will take care of her, Noah. You don't have to worry." Seryosong sabi ni Perseus.
"Sabi mo eh. Mauna muna ako." Sabi ni Noah at naunang lumabas.
"Pasensya ka na bro sa inakto ni Noah, kanina. Importante kasi sakanya si Selene. Noon pa man." Sabi ni Perseus.
Napangiti naman ako. I'm lucky that I have these friends.
"Pero seryoso. Paano na iyan? Iba ang loveteam ni Selene. Ikaw, solo artist ka pa, but sooner or later bro magkakaroon ka rin." Hindi sumagot si Perseus sa sinabi ni Gilbert.
Hindi ko naisip iyon. Makakagulo ang kung ano man ang mayroon saamin kapag dumating ang panahon na magkakaroon din siya ng on-screen partner. With his looks, kahit sino pwedeng ipares sakanya. Kikiligin ang kahit na sino. Plus his family's background is not big as of mine.
Iniisip ko pa lang ay nakaka- intimidate na.
"Haynako! Okay lang iyon Gilbert. Wala pa naman tsaka I'm sure, kung sino man iyon. Magiging masaya ako para sakanila." Pinilit kong lagyan ng tuwa ang mga sinabi ko.
"So, you're accepting my feelings?" Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. s**t?
Tumawa ng malakas si Gilbert. "Sige Agueda. Pigilan mo pa. Tanginang iyan, tulak ng bibig kabig ng dibdib."
Uminit ang pisngi. Tumayo na ako para iwan na sila dito. "Bahala kayo diyan. Wala akong sinabi. Sige aayusin ko na OED ko. Bye."
Agad akong lumabas sa classroom ba iyon. Pero hindi nakatakas ang sinabi ni Perseus bago ako makalayo. "Seeeel. Ingat ka. Sasagutin mo pa ako." Sunod noon ay tawanan nila.
Yumuko ako dahil may mga naksalubong ako. Alam kong narinig din nila iyon. Buti na lang ay hindi chismosa ang mga schoolmate namin sa University na ito. Elite kasi sila kaya wala silang pakialam kahit artista kami. Which I'm thankful for.
Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung magiging okay iyon. Mas lalong nadagdagan ang doubts ko. Nakakatakot sumugal. Sa nararamdaman ko pa lang ma ganito ay hindi ko na kakayanin. Maraming magagandang teen stars sa network namin. Lahat sila pwedeng bumagay kay Perseus.
This is what I'm afraid of paano kung isang araw magbago na lamang iyon? Ako? Nasisigurado kong mahirap ako makalimot dahil una, babae ako, pangalawa, I take words seriously. Hindi man halata pero babasagin din ako.
"So, okay na ang subjects mo sa OED mo, Miss Cruz. Pero may kailangan ka ring palitan. Ano ba ang second choice mo na course after Multimedia Arts?" Tanong saakin ng clerk.
"Psychology po." Sagot ko. Yes. Gusto ko ang Psychology na course. After ko sa Multimedia arts ay isusunod ko itong kunin.
"Okay. Mamili ka na ng subjects. This will help you if you're planning to take Psycology in the future. Good luck." Nginitian ko ang clerk bago ako pumindot ng ilang subjects. Pinili ko ang mga subjects na may introduction sa Psychology. Naalis kasi ang Dance class, Art Class at Singing Class.
Pagkatapos kong ayusin ang subjects ko ay uuwi na ako ng condo ko para maglipat ng gamit. Sa Bulacan na rin kasi ako magsstay after kung maayos ang OED ko. Si Mama ang nagsuggest noon para din daw hindi ako mahirapan sa paghahanda kapag nagstart ma ulit ako sa trabaho ko.
Kinuha ko ang cellphone ko nang mag- vibrate ito.
Don Perseus:
Nasaan ka?
Baka mamaya ihahatid nanaman ako nito.
To Don Perseus:
Umuwi na ako. Sinundo na ako nila Mama.
"Try harder, Selene." Nakiliti ang tainga ko dahil sa bulong ni Perseus.
Umirap ako bago ko siya hinarap. "Bakit nanaman?"
He chuckled. "Wala. Tapos na ang pag aayos ng OED ko kaya free na rin ako. Labas tayo?"
"Nasa labas na tayo. Huwag mo nga akong niloloko." sabi ko at nauna nang maglakad sakanya.
Humabol naman siya sa tabi ko. "Sel sige na. Treat kita. Pambawi ko sa ginawa ko kanina. Please..."
"Huwag na. Okay na iyon." Sagot ko.
"Please. Kapag may taping na tayo sa TZ hindi na kita masosolo ulit. For sure, hindi tayo parehas ng schedule." Lumungkot ang boses niya.
I sighed because of defeat. "Fine. Basta mabilis lang. Uuwi pa akong Bulacan."
"Yes!" sabi niya at may kung anong sinalo sa hangin. Isip bata.
Pinagbuksan niya ako nang pintuan ng kotse. Nagugulat pa rin ako pero just like the first time. Pinili kong alisin iyon. Agad kong nilagay ang seatbelt dahil baka pati iyon ay gawin niya para saakin.
"Are you upset?" tanong niya pagkasakay niya.
"Hindi. Okay lang ako." sabi ko.
"Then why are you cold? May nagawa nanaman ba ako?" tanong niya.
Wala kang ginagawa Perseus. Yung isip ko ang mayroon. Natatakot ako.
Gusto kong sabihin iyon pero hindi ko na lamag isinatig iyon. "Just drive Perseus. Wala lang ako sa mood dumaldal."
Humigpit ang hawak niya sa manibela. Umigting din ang panga niya at deretsong tumingin lang sa daan. Bakit kahit naiinis siya ay ang gwapo niya pa rin? Umiwas na rin ako ng tingin at tinuon ang pansin sa daan. I scribbled my phone at tinext si Anikka.
To Anikka:
Beshie, nasaan ka na? Are you okay? Anong nangyari sainyo ni Barron?
Hindi ako nakatanggap ng reply sakanya. Kumunot ang noo ko nang may maalala.
"Kanino ka nagseselos Perseus?" tanong ko. Nilingon ko siya at nakita ko ang hilaw na ngisi sa labi niya.
"To your suitors. But it's now okay. I got Noah's permission." Preskong sabi niya.
"Kapal." Bulong ko. Hindi nga siya humarap kila Mama.
"Anyways. We're here." Tumingin ako sa labas at nakita ang maliit na shop. Coffee shop to be exact. Tago ito dahil na rin nasa likod ito nang mga naglalakihang building sa Manila. But what amazes me the most is it's ambiance.
Napapaligiran ito nang mga puno na katulad sa University namin. Agad kong nilabas ang phone ko para kuhanan ng picture. Nauna na akong bumaba kay Perseus. Kakaunti lang ang mga tao doon. Hindi kasi puno ang mga nakalagay ma upuan at lamesa.
"Madalas ka rito?" Tanong ko kay sakaniya nang nakasunod siya sa likod ko.
"Hindi naman pero kapag gusto ko mapag- isa. I bring myself here." Sagot niya. "Tara?"
Tumango ako at sumunod sakaniya. Pagkabukas pa lang niya nang glass door ay agad niyang naagaw ang atensyon ng mga kaunting tao doon. Sinalubong siya ng mga staffs ma may ngiti sa labi.
"Hello Sir de Ayala!" Lumipat saakin ang tingin nila. "Uy. Iba na ang kasama ninyo ah."
Napantig ang tainga ko sa sinabi ng isnag staff. Lumunok ako at umiwas ng tingin. Kanina, I feel special kasi feeling ko, ako ang una niyang dinala rito.
"Yes. Queenie is still busy with her studies in Brent. May space pa sa likod?" tanong niya sa staffs. Naghigikhikan ang mga ito at tumango. Ngumiti naman ako kahit papaano. Hindi na siguro nila ako makilala.
"And by the way. This is Selene." pakilala niya saakin.
"Cruz? Wow!" Tili ng isang staff. Namula tuloy ang pisngi ko.
"H-hello po!" Ngumiti ako. Agad silang dumukot ng cellphone.
"Pwede pong papicture?" Tumango ako. Naging photographer tuloy si Perseus. Tawa naman siya nang tawa dahil hindi mapakali ang limang staffs doon.
"Ate Cinds." Tawag ni perseus doon sa maikli ang buhok. "Huwag niyo pong sabihin na kasama ko si Selene dito. Alam nyo naman."
Tumango saamin si Ate Cinds at ngumiti saakin. "Naks. May chemistry!"
Natawa naman ako at nagpaalam na si Perseus para puntahan ang likod ng shop. Tinahak namin ang masikip na daan at may naghihintay saaming glass door. Doon pa lang ay kitang kita na ang ambiance na half nature, half industrial. May mga puno kasi doon at sa likod ng mga puno ay mga malalaking buildings ng Manila. The location of the coffee shop is like mini forest. Idagdag pa ang damuhan na kinalalgyan ng mga upuan at lamesa.
"Ang ganda naman dito, Perseus!" I said in awe.
He chuckled. "You deserve to see this. Ikaw pa lang dinadala ko dito bukod sa Mommy at kapatid kong si Queenie."
Uminit ang pisngi ko dahil akala ko ay ex- girlfriend niya ang tinutukoy nila kanina. Oh well...
"Talaga ba? Akala ko ay may dinala ka na rito na girlfriend mo. Wala pa pala." Natatawa kong tanong para maibsan ang pagpula ng pisngi ko. May dalawang couple din doon. Grabe, sobrang private ng coffee shop na ito. Na preserve nila ang nature ambiance. Hmm. Suggest ko kaya ito sa TZ Wer U At? Pero parang ayaw ko rin, special na para saakin ito.
"Yes. I didn't have girlfriends." Seryoso niyang tanong. Hinila niya ang upuan para saakin at iginaya niya ako doon.
"Thanks." Sabi ko at umupo doon. Iwinaksi ko muna ang takot dahil napaka relaxing nang ambiance. Hindi bagay dito ang takot at kaba.
I should just enjoy this. Baka bukas ay wala na o hindi na maulit pa.
Umalis muna si Perseus para mag- order ng pagkain namin. Nakatanggap na rin ako ng text galing kay Anikka.
Anikka:
Ayos na kami Beshie. Ayos na rin ako. Salamat sa concern. Pero may dapat kang sabihin saakin.
Hindi ko pa tapos replyan iyon ay agad na siyang nagtext.
Anikka:
Ayokong sabihin mo sa text. Overnight muna tayo sa condo mo bago ka umuwing Bulacan. Mauuna na ako doon. I'll wait for you.
Nagtipa lamang ako ng "okay."
Napepressure tuloy ako! Parang nauulit lang ang nangyari saamin ni Eric noon? Ang kaibahan lang. Nauna nang magsalita si Perseus.
"Hey..." Perseus called out. Bumalik ako sa realidad. Nginitian ko siya.
Dala niya na ang mga pagkain. Kahit isang tray lamang iyon ay punong puno ng pagkain. May nachos, chocolate shake at fries.
"Kanina ka pa tulala. Are you happy?" tanong niya.
"Oo naman. Okay lang ako." Sagot ko. Kumunot ang noo niya. Ngumiti rin siya ng pilit.
Ano kaya ang nasa isip niya. Hindi muna kami nag usap at kumain muna. Hinarap niya ang cellphone, nilabas ko rin. Kung first date ito. Sobrang awkward. Kumuha na lamang ako ng pictures. Patago ko ring kinuhanan si Donny. He looks so dashing with that black round neck shirt on and his gold chain on his neck.
Uminit ang pisngi ko nang nakita ang kinuhanan ko. Sobrang gwapo niya! Hindi niya napansin iyon. Ngumuso ako at kumuha na lamang ng nachos.
"Selene...." tawag niya matapos ang mahabang kahimikan. Tumingin ako sakanya at naabutan kong nakatitig siya. Naasiwa ako pero pinilit kong pantayan ang mabibigat niyang titig.
"Is this a sin? Bakit pakiramdam ko sobrang mali? Are we wrong? Are we violating rules?" tanong niya. His voice splitted with frustration.
Lalag ang panga ko sa tanong niya. Oh my gosh! Bakit niya naiisip iyon. Agad akong umiling.
"No, no, Perseus. Hindi ganoon! Hindi ito kasalanan." Sagot ko. Natataranta na ako sa kinauupuan ko.
Masyado ba akong naging distant?
"Then, why do i feel that you're scared? Am I scarying you? Tell me, Sel." He asked.