"Anikka..." tawag niya. "Pwede bang papicture kami?"
---
Tumunganga muna ako bago sagutin si Perseus. s**t! Hindi ko naman gusto na umabot sa ganito ang iisipin niya. Masyado na ba akong nag- iingat? Sobra na ba?
"Hindi ako natatakot saiyo Perseus. Nabibigla, iyon yun. I'm sorry if I make you feel that. You're nice. Really nice, perseus." sagot ko at tinignan siya ng punong puno ng sensero.
Ano ba kasing nasa isip ko? Bakit umaakto ako na parang ayaw ko siya?
"Are you thinking that my feelings will change?" Lumandas doon ang lungkot.
Umiling ako para tulungan siyang hindi isipin iyon. Look what have you done, Selene!
"Hindi naman sa ganoon. To tell you honestly, kinakabahan ako unang kita ko pa lang saiyo. Hindi ko alam kung bakit. Alam mo iyon? Pinaghalong excitement at kaba?" I'm trying to open up to him para hindi ako maging unfair sakanya. "But I'm acting normal kasi ayokong mafeel mo iyong nararamdaman ko. Then, you confessed. I was really shocked but I'm trying to act normally."
Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siyang deretso saakin. Natutunaw nanaman ako sa kinauupuan ko kaya tinuloy ko na lamang ang pagpapaliwanang.
"Tapos ayun, I feel floating kapag gumagawa ka ng mga sweet moves. Boyish ako hindi ba? Hindi ako sanay. Naiilang ako pero ayaw kong tumigil ka. Gets mo? This is all new to me. You are new to me. Kaya humihingi ako ng oras para saakin at para na rin saiyo. Ayoko naman na ikaw lang ang mag- aadjust." Sabi ko.
Hindi pa rin siya sumagot pero umaangat na ang gilid ng labi niya. Lumunok ako dahil doon. He's freaking sexy!
"So....." sabi ko at tinaasan siya ng kilay. Naghihintay ng sasabihin niya. Umubo siya at umayos nang upo. He crossed his arms at tuluyan nang ngumiti. He smiled with amusement. Tapos he leaned back his head at huminga ng malalim.
"Selene.... Sel!" pigil ang sigaw niya. Natatawa naman na ako pero pinipigilan ko. He looked so cute!
"Damn, girl" he murmurred. "s**t! Is it normal to feel kilig? I feel so genuinely happy."
Tumawa na ako nang malakas at nilabas na ang cellphone ko para i-video siya. He's freaking shaking his shoulders and head. Hindi siya matigil sa ginagawa. Imagine? Perseus Antonious is is freaking stopping his kilig.
"Huy, mukha ka nang baliw!" saway ko at nakavideo pa rin siya. Inagaw niya ang cellphone ko at inilipat iyong video sa mukha niya.
"See this guys?" Tinuro niya ang mukha niya. "I look like a potato while blushing. Selene Agueda Cruz is making me like this. Only her."
"Huy tama na iyan!" saway ko. Kahit mag isa lang kami dito sa likod ng coffee shop ay ayaw ko pa rin siyamg maabutan nang ganyang lagay. Umalis na kasi iyong couple kanina. Ayaw niyang ibigay saakin ang phone ko at nagmake faces siya doon.
"Perseus!" sigaw ko habang natatawa. s**t! I sounded like a clingy girlfriend!
"What, Maam? You like me too? Don't worry, I like you even more." sagot niya kaya natigil ako at tinakpan ang mukha. Naramdaman ko ang paglapit saakin ni Perseus. Nasilip ko ang likod ng cellphone ko. "Look at my girl, guys. Kinikilig din siya."
Tumawa siya ng malakas at sinundot ang pisngi ko habang vinivideo niya ako. "C'mon Maam Selene! Show them your pretty face. I'm sure they will love it too."
Inagaw ko agad ng phone ko at itinigil ang pagrerecord. "Perseus! Mukha akong tanga doon!"
Tawa pa rin siya nang tawa. Kumuha siya ng nachos at nilapit iyon sa bibig ko. Pinalaki niya ang mata niya at binuka ang bibig. He's urging me to open my mouth too. "C'mon Selene. This nachos wants inside your mouth."
Umirap ako at tinutop ang bibig. Bwisit! Kinukulit niya na ako. Kanina lang ay busangot ang mukha niya.
"Tama na!" sabi ko at pinilit na maging maayos ang upo ko. Sumimsim ako sa inumin ko.
"Parang may kinikiliti sa loob ko. Ganoon pala kiligin? How can you do that to me, Sel? Hmm?" He said and make his face close to mine. Inilayo ko iyong mukha niya saakin. Pucha, ang kinis!
"Wala namang kakilig kilig doon! Corny mo, de Ayala." pambasag ko sakanya. Weh?
"Psh. Whatever basta I'm happy." Sabi niya at sumipsip din sa inumin niya while staring at me. Parang bata. His eyes are full of adoration.
Ganda ka Selene? Ganda ko teh.
Naging dalawang oras ang date 'kuno' namin dahil sa kakulitan ni Perseus. Hinatid niya ako sa condo ko.
"Thank you for today, Selene!" Ngiting ngiti siya. Umirap naman ako.
"Thank you sa supply ng pagkain. Pinapataba mo ako." Ngumuso ako. Tinignan ko naman siya dahil natahimik siya. He sighed.
"Next time. Don't pout in front of me. I might...." Hindi niya tinapos at ngumiti ulit. "Goodnight Selene. I'll text you."
"Geh. Goodnight!" Sabi ko at bumaba na ng kotse niya. Tinanggihan ko na ihatid niya na ako sa loob pa ng condo building dahil kilala na siyang artista. Naramdaman ko lang ang kaba ko nang maramdaman ko ang malamig na aircon sa lobby. Oo nga pala! Naghihintay si Anikka!
Tinakbo ko na ang distansya ng elevator at pumasok kaagad doon. Pagkarating ko ng floor kung saan ang unit ko ay tinakbo ko na rin iyon. I swiped my card. Bumungad saakin ang maingay na TV. Nakita ko na ang likod ni Anikka na nakaupo sa sofa. Nilapitan ko siya at bumeso.
"Beshie...." tawag ko. Nilingon niya ako at ngumiti. Nginitian ko rin siya pero bigla niyang hinila ang buhok ko. Mahina lang.
"Aray!" angil ko. Inalis niya rin kaagad ang pagkakahawak sa buhok ko at tumayo para harapin ako.
"Ano itong nababalitaan ko Selene na may something na kayo ni Perseus?" Sumingkit ang mga mata niya. Tinaas ko ang dalawang kamay ko at umaktong pinipigilan siya.
"Mag- eexplain ho ako Ma'am. Sandali. Uupo muna ako." sabi ko at umikot para maupo sa tabi niya. Umayos din siya ng upo at naghihintay ng sasabihin ko.
"Umamin siya noong Friday ng gabi." Panimula ko. Kwinento ko sakanya lahat nang nangyari. Panay ang tili niya.
"Shet, girl! Grabe langz! Sabi ko na e! May something sa pagtrato niya saiyo! At ikaw!" Tinuro niya ako. "May alam ka pang wala pero hinayaan mo rin. Nagugustuhan mo na?"
Tumango ako at nagpabebe na ngiti. Tumili siya nang pagkalakas lakas!
"Selene! Dalaga ka na! Biruin mo! de Ayala! Girl, DE-A-YA-LA!" Tili niya at nagpapaypay pa ng sarili niya.
"Ssh." Sabi ko... " Alam ko. Masaya sa feeling pero kasi. Nasa showbiz kaming dalawa at hindi pa kami nakikitang magkasama sa harap ng camera. Makakasama ko pa lang siya sa TZ. Magugustuhan kaya nila ako na nakadikit sakanya?" Nalulungkot na tanong ko. Buti na lang at kasama ko si Anikka.
"Ano ka ba! Huwag kang nega! Magugustuhan kayo ng madla for sure. Bago iyon eh. Boyish tapos si Perseus medyo mahinhin!" Natawa ako sa sinabi niya.
"Grabe ka naman Beshie. Ganoon na ba ako ka brusko?" Tanong ko.
"Oo. Kaya ipapamigay na kita kay Perseus." Sabi niya at sinundot ang tagiliran ko. "Ayieeeee. Bwisit kinikilig ako! Pinayagan mo na bang manligaw?"
Umiling ako. "Natatakot ako. Paano kung bukas hindi niya na ako gusto?"
"Aray naman!" Inda ko nang binatukan niya ako.
"Gaga ka? 14 years nag abang saiyo girl! Tapos kwekwestyunin mo? Ano ka ganda?" Sabi niya at inirapan ako. "Madalang ang ganyang lalaki. Kumbaga sa legendary pokémon na hinahanap mo diyan sa daan, katulad ni Perseus iyong pinaka legendary."
"s**t naman yan! Sa pokémon mo pa talaga siya kinumpara." Humalakhak ako.
"Oo. Sobrang rare kasi!" Sabi niya at tumili nanaman. Hinahampas niya ako ng mga throw pillow at ganoon din ang ginawa ko. Natigil lang kami dahil tumunog ang cellphone ko.
Lumapit kaagad sakin si Anikkaat nakitingin sa screen ng phone ko. Tumili siya nang makita niya kung sino iyon.
"OMG! OMG! Tumatawag na ang Don ng buhay mo!" Sinipat ko muna siya na tumigil bago ko sagutin ang tawag.
"Hello." Pinalalim ko ang boses ko dahil feeling ko mahahalata niya ang kaba ko.
"Selene." Sabi niya sa kabilang linya. Grabe feeling ko ang ganda ng pangalan ko kapag binabanggit niya. s**t!
Inagaw saakin ni Anikka ang phone at nilagay sa loud speaker. Pinatong niya sa ibabaw ng lamesa.
"Hmm?" Pinalakas ko ang boses ko dahil medyo malayo.
Kinalabit ako ni Anikka. "Hoy! Umayos ka ah!" She mouthed.
"Nasa condo ka pa? Kailan balik mo ng Bulacan?" Tamad ang boses ni Perseus.
"Bukas pa. Susunduin ako nila Mama." Sagot ko.
"Awwe. May taping na ako sa TZ bukas. I will not see you."
Hinampas ako ni Anikka sa gilid ko at tumitili nang walang tunog. Kinagat ko naman ang labi ko para hindi matawa.
"Okay lang iyan. Magsasawa ka na sa mukha ko noh." Biro ko.
"Hmm. I can't get enough these feelings that I got." He sang. He freaking sang!
"Aaaaaaaaaaah!" Tili ni Anikka. s**t! Ang lakas non! Tinutop ko ang bibig niya.
"Shar?! What the f**k is that?! Are you okay there?! What happened?!" Narinig ko si Perseus bago ko pinatay ang tawag.
"Beshie ang ingay mo!" Saway ko at hinampas ang binti niya.
"Tangina kasi. Kinikilig ako! Ganyan pala siya kapag may nagugustuhan. He's freaking transparent!" Komento ni Anikka at hinampas ang balikat ko.
Tumawag ulit si Perseus kaya sinagot ko ulit iyon. Nilagay ko na ang kamay ko sa bibig ni Miles.
"Ah. Perseus. Sorry kanina. Nandito kasi si Anikka sa condo ko. Nanonood siya ng nakakakilig mna movie."
"What? Selene, napabangon ako sa kama ko nang marinig ko iyon. I thought something happened to you. I almost ran there." Iritadong sabi niya.
Tinawanan ko naman iyon. "Sorry. Talagang ganoon kiligin ang Beshie ko."
Inirapan naman ako ni Anikka sa gilid at inalis ang kamay ko para tumayo. "de Ayala. Pakasalan mo na iyang Beshie ko. May blessing ka na saakin."
"Anong sabi ni Anikka?" Tanong ni Donny sa kabilang linya.
"Wala." Halakhak ko.
"Selene..." he sighed. Hindi ako sumagot at hinintay na lamang ang sasabihin niya. "Please don't scare me like that. I might lose my sanity."
"Hindi naman ako iyon." Sabi kong natatawa.
"Seriously. You're still laughing while I can't even calm my heartbeat." Masungit na sabi niya.
"Sorry na po Don Perseus. Opo sa susunod lalagyan ko na ng tape ang bibig ng beshie ko." Pinahaba ko ang leeg ko para silipin si Anikka sa kusina na may hinahanda. Napangiti ako.
"Okay. Just make sure to have a text kung nasaan ka. Mahirap na ang magkaiba ang schedule." Kinikiliti ng boses niya ang tainga. It's just so relaxing. His lazy voice and his accent while talking Filipino.
"Opoooo." Sabi ko.
After few talks. Binaba niya na rin ang tawag dahil maaga pa siya bukas para sa TZ. Makakasama niya siguro si Addie. Pagbalik ni Anikka ay may dala na siyang pop corn. Hindi pa siya nakakaupo ay kumuha na ako doon.
"Grabe pala iyang si Perseus. Ibig sabihin ganiyan siya sa mga nakalandian niya?" Napantig ang tainga ko sa sinabi ni Anikka. Tumigil ako sa pag-nguya at tinignan niya.
"Nakalandian?" ulit ko.
"Oo." Sagot niya. Hindi tumingin saakin. "Galing siya ng ibang bansa. Normal na, na mayroon siyang mga naka- flirt. With those porcelained skin and big boobs."
Napatingin tuloy ako sa dibdib ko. Sinaway ako ni Anikka nang mapansin niya ako.
"Huy! Huwag mo ngang balakin na magpalagay noon, Selene!" Pinanlakihan niya ako ng mata.
"Gaga. Tinignan ko lang." Inirapan ko siya at sumandal sa sofa. "Pakialam ko ba sa mga beabaeng malaki ang panghinaharap."
"Sus. As if naman na hindi mo iniisip ang mga posibleng babae na nakalandian ng future jowa mo."
Hindi ako sumagot sa sinabi ni Miles at nilantakan na lamang ang pop corn. Peste. Bakit ba big deal saakin iyon? USA. Maraming bars and clubs. Dating and making out are normal. Sinapo ko ang ulo ko nang maisip si Perseus na gumagawa noon. Lalaki pa rin siya kahit maka- Diyos iyon ay alam kong natetempt pa rin siya.
Nagflash ang mga babaeng nakabikini at siya na topless sa isip ko.
"s**t!" I exclaimed.
"Bakit? Okay ka lang?" Anikka asked.
"Beshie.... sumasakit ang ulo ko sa sinabi mo." Pag- amin ko. Never akong naging ganito kahit kay Eric dahil lagi kaming magkasama or kahit hindi naman ay okay lang saakin kapag may babaeng umaaligid sakanya. Kay Perseus lang.
Bwisit. Sakanya ko ba mararanasan ang lahat ng first time sa pagiging girlfriend? Magselos nang walang dahilan? Mag inarte nang walang dahilan? Thinking about it makes me vomit. I never dreamed being a psycho girlfriend!
"Nako Beshie. Joke lang iyon!" Tawa niya. Timignan ko naman siya ng masama.
"Sa tingin mo mababawi ng joke mo iyang nilagay mo sa utak ko?" Ikinatawa niya ang sinabi ko.
"Grabe ka Beshie. Halatang nahuhulog ka na kay de Ayala. Gwapo ba?" Mas lalo siyang tumawa ng malakas. Peste.
Kinaumagahan maaga kaming nagising ni Anikka para pumunta sa gym ng condominium building at pagkatapos noon ay balak naming magswimming. Nakasuot kami ng parehong gym attire. Nakashorts at sports bra kami.
"Lalo kang sumeseksi ah." Puna ni Anikka pagkalabas ko ng banyo.
"Psh. Tamang diet lang." Sagot ko at nilagpasan siya para kunin ang gym bag ko. "Pati ikaw naman."
"Thanks Beshie, at least pumapayat na." Sabi niya at nagpose pa. Umiling na lamang ako at tinawanan siya.
"Gusto ko iyong ganoon kay Kendall Jenner na katawan kaso maliit lang tayo." kwento ko kay Anikka. Tinawanan niya naman ako.
"Tiwala lang. Magiging ganoon tayo." Sabay kaming lumabas ng unit ko at hindi pa rin kami natigil sa pagtawa.
"Oh. Perseus!" Tawag ni Miles. Lumingon ako sa gawi niya at nakita si Perseus na naka long sleeve na itim. Nakasandal siya at mukhang kanina pa naghihintay. May dala siyang dalawang plastic na ang hula ko ay almusal iyon. Nagtext kasi siya saakin kanna na dadaanan muna ako.
"Oh ang aga mo naman." Bati ko sakanya nang makalapit. Kung kanina ay nakangiti pa siya. Ngayon ay mas nakangiti na tumititig saakin. He looks amused. Tinaasan ko siya ng kilay.
Huminga siya ng malalim at lumapit pa saakin. He leaned towards me at lumapit sa tainga ko. "Your clothes Selene, they suit you."
Namula ako sa sinabi niya. "Ah--- ano. Mag- gym kasi kami. May gym sa building na ito tapos mags- swimming kami after."
Pumikit siya ng mariin at huminga ng malalim. "Sayang hindi ako makakasama." he pouted.
"Okay ka lang Donny?" Tanong ni Miles na natatawa.
"Anikka..." tawag niya. "Pwede bang papicture kami?"
Halos mag- echo ang tawa namin ni Miles sa buong floor dahil sa sinabi ni Donny. Agad naman niyang inabot ang cellphone ni Perseus at pinagtabi niya kaming dalawa.
"Huwag ka nang mahiya Perseus, lapit ka pa sa idol mo... Minsan lang iyan.." Natatawang asar ni Anikka. Namula ang pisngi ko nang bahagyang yumuko si Perseus.
"Pwede ka bang akbayan?" he asked. Mas lalo akong namula pero tumango pa rin ako. Mahinang tumili si Anikka at sinabihang tumingin kami sakaniya. We posed for pictures. Bago kami pumasok sa gym ay nagnotify ang story ni Perseus sa i********:. Nakapublic iyon. Picture naming dalawa pero nakacropped ang katawan ko at natakpan ang mukha ko. Buti naman ay inedit niya, may caption iyong "met my long-time...today..".