CHAPTER 4

3944 Words
TBTL 4 ? [Cloud Henry] Tahimik siyang nakaupo sa sofa habang abala sa pagtitig sa screen ng kaniyang Iphone 6+. Tinititigan niya ang message na nanggaling kay Annie. Hinahanap siya nito at nakailang text na ito sa kaniya pero wala siyang balak reply'an ito. Nagtext din ito sa kaniya na sabay silang uuwi kaya malamang dadaanan niya ito pauwi. Andito siya ngayon sa bahay nila Zeke. He ditch his afternoon classes at sumama pauwi kay Zeke. Half day lang kasi ang pasok nito. How lucky his bestfriend is. Sila kasi ay may afternoon class pa which is their major subjects. Tss. Anyway, hindi niya alam sa sarili niya kung bakit unang araw nang klase eh naisipan niya agad magcutting classes. Tiyak na sermon na naman mula kay Annie ang aabutin niya. Pinagagalitan kasi siya nito kapag gumagawa siya nang kalokohan lalo na kapag sa school. Ewan ba niya sa sarili. Bigla siyang nawala sa mood nang malaman niyang classmate nila ang lalaking nakabungguan ni Annie sa bookstore which is Drake. Nakakabuwisit kasi. Parang nagpapacute ang mokong na yun kay Annie! At yung freak duck naman na yun, gwapong gwapo dito. Tss. He's more handsome than that basstard! "What's with your face dude?! Simangot na simangot ka diyan ah!" Natatawang puna sa kaniya ni Zeke nang lumabas ito mula sa kusina at may dalang tray ng PineApple Juice. He shot him a glare. "Shut up Zeke!" He said, annoyed. Zeke chuckled at inilapag nito ang tray sa coffee table atsaka umupo sa kabilang couch. "Bakit ka ba nakasimangot diyan? And hey! What's in your mind at naisipan mong mag-ditch nang class? First day of class dude and yet you ditch agad." Natatawang sabe nito. He poker face. "Tss. You don't care!" He hissed. "Ofcourse I care! Hahaha lagot ka na naman kay Annie!" Pang-aasar nito sa kaniya. Napairap siya at napainom sa juice niya. "I don't care! Magalit siya hangga't gusto niya." He hissed again. Napatawa si Zeke at naiiling na napainom sa juice nito. "Bat ka ba kasi nagditch? Malamang hinahanap ka nun kanina pa. And hoy! 5:40 na! Wala ka bang balak sunduin si Annie?" Zeke asked him. "Maya maya." Siryoso niyang saad. Tinatamad pa siya actually. Atsaka baka kasama pa non yung kambal nang tadhana. And One more thing! Naiinis pa din siya dito hanggang ngayon. Ewan ba niya. Naiinis siya sa kadahilanang may ibang lalaki na kumakausap kay Annie. Nakakainis lang talagang isipin. Tapos kung mag-usap pa ang dalawa ay para bang close na ang mga ito. Tss. "You're spacing out dude!" Bigla siyang nabalik sa realidad nang tapikin ni Zeke ang kaniyang balikat. Napakunot noo siya at napatingin dito. "What?" Iritadong tanong niya dito. Napailing naman ito at kinuha ang phone niyang nasa coffee table. "Kanina pa nailaw ang phone mo. And I think kanina pa din nagtetext si Annie." Saad nito at inabot sa kaniya ang kaniyang cellphone. He irritatedly grab his phone at oo nga. 10 messages from Annie. From: Annie TheFreakingDuck Hoy Ulap asan ka na? Nandito na ko sa parking lot ng school. Where are you na ba? Hoy nilalamok na kong mokong ka! Asan ka na ba?! Huhuhu putek ka Ulap. Magreply ka naman. Kinakain na ko nang mga lamok dito! Kapag ako nagkadengue, sinasabe ko sayong Ulap ka! Papakulam kita ng bonggabells! Asan ka na?! Uy! Uwing uwi na ko! Buwisit ka! Magreply ka! ULAPPPPP!!! WHERE ARE YOU! DITO NA ME!!! HUHU ULAP NATATAE NA KO! ASAN KA NA BA?! HUHUHU ULAP NAMAN!!! TAENG TAE NA KO, PINAPAPAK NA KO NG MGA LAMOK, AT HIGIT SA LAHAT UWING UWI NA KO. HUHU! Upon reading those messages from Annie. He can't stop his self from smiling. Sino ba namang tangang babae ang magtetext nang 'natatae na ko' sa isang lalaki diba? Hahahaha this freaking duck is so unbelievable. "Anong nginingiti ngiti mo diyan dude? Para kang kinikilig sa mga nabasa mo ah." Pang-aasar ni Zeke sa kaniya. Nawala ang ngiti sa kaniyang mga labe at sinamaan niya nang tingin ang nakangising kaibigan. "Can you shut up your fvcking mouth or I'll punch you right now, right here ha?" Pagbabanta niya dito. Napatawa naman ito at napataas ang dalawang kamay na para bang sumusuko. "Ok ok! I'll shut up na." Natatawang sabe nito. Napailing na lamang siya. Tarantado talaga. After several seconds ay tumayo na siya. Susunduin na niya ang freak girl na yun at baka di na makatiis yun at magkalat pa sa parking lot. Hahaha kidding! "Aalis ka na dude?" Tanong sa kaniya ni Zeke na abalang nagtetext sa phone nito. Malamang katext nito ngayon si Kiona. Inlove na inlove talaga ang gago sa anghelitang yun. "Yeah." Tipid niyang sagot habang kinukuha niya ang car key niya sa bulsa nang kaniyang pants. "Osige. Ingat pre." Di pa rin nakatingin na sabe nito. Napailing na lamang siya sa inasta ng kaibigan. Kapag talaga si Kiona na ang kausap nito, mapa-text man, chat o personal talagang di na to makausap ng matino. Tsk. Nagpaalam lang siya sa mga ni Zeke at lumabas na siya ng bahay ng mga ito. Sumakay siya sa kaniyang sasakyan at bago niya buhayin ang makina ay tinext muna niya si Annie. To: Annie The Freaking Duck Hey, I'm on my way. Sent At binuhay na niya ang makina at nagsimula nang bumiyahe. Ilang minuto ang lumipas ay nasa school na siya. Nakikita na niya mula sa malayo si Annie na nakaupo sa sahig ng parking lot habang nakayuko at ang mga kamay nito ay nakayakap sa tiyan nito. Mukhang masakit nga ang tiyan ang freaking duck na ito. Inihinto niya ang kaniyang sasakyan sa tapat nang babae at agad siyang bumaba. "Hoy!" Pukaw niya sa atensyon nito at kinulbit ito. Nag-angat ito ng mukha at nakita niya ang nakangiwing mukha nito at maluha luhang mga mata. "What happened to you?" Nakakunot noo at may bahid nang pag-aalalang tanong niya rito. Sumimangot ito at sinamaan siya nang tingin. "Huhu magtatanong ka pa diyan!! Ang sakit sakit na kaya ng tiyan ko kanina pa tas ang tagal tagal mo dumating! Huhu animal ka talagang Ulap ka!!!" Naiiyak na sagot nito sa kaniya. Napapoker face naman sita sinabe nito. Ano na naman bang kinain ng babaeng to at nagkakaganito ito ngayon? "What did you eat freak?" He ask. "Fishball na binili ko kanina habang iniintay ka. Tas pritong isaw. Tas uminom ako ng gulaman." Sagot nito at napailing na lamang siya. Tss. Kahit kailan talaga tong freaking duck na ito! Ang hilig kasi nitong kumain ng kung anu-anong streetfood. Ni hindi nga nito alam kung malinis ba iyon o hindi. Basta kain lang ito ng kain. Pinaka-favorite nito ay ang Fishball at Kikiam pati inihaw na isaw. "Tss." He hissed. "Halika na nga. Tumayo ka na diyan. Uuwi na tayo." He said at inalalayan niya itong tumayo. Napansin rin niya ang iilang pantal sa braso nito. "What's this?" Tukoy niya sa mga pantal nito. "Bugok ka talaga! Malamang pantal yan! Ikaw ba naman papakin ng mga lamok di ka kaya papantalin ha?!" Singhal nito sa kaniya. Hindi na lamang siya sumagot at napapoker faced na lang siya. Masakit na nga ang tiyan nito pero nakukuha pa rin nitong magtaray. Unbelievable. Inalalayan niya itong sumakay sa passenger seat ng sasakyan atsaka siya umikot papuntang driver's seat. He started the engine at nagsimula na silang bumiyahe pauwi. Buong biyahe ay tahimik sila. Hindi nagsasalita si Annie at ganon din siya. Napapansin niyang tagaktak ang pawis nito at nanayo ang mga balahibo kahit nakatodo na ang aircon sa loob ng sasakyan. Lihim siyang napapatawa sa kaniyang isipan. 'Talaga ngang natatae na ito. Hahahaha' Pagkadating nila sa kanilang bahay ay dali dali itong bumaba at nagtatatakbo papasok sa loob ng bahay. Natatawang sinundan naman niya ito pagkapark niya ng sasakyan sa kanilang garahe. "Oh anak anyare kay Annie? Bat nagmamadali ata iyon sa pag-akyat?" Tanong ng kaniyang ina sa kaniya pagpasok niya. Nakasalubong niya dahil pababa pa lamang ito ng hagdan at siya naman ay paakyat. Nasa mukha ng ina ang labis na pagtataka. He laugh. "Don't mind her ma. Natatae lang yun." Natatawang sabe niya at nilagpasan na niya ang ina niyang napatulala at napa-HUH na lamang. Pumasok siya sa kaniyang kwarto at pabagsak na hiniga ang kaniyang sarili sa malambot niyang kama. Bigla niyang naalala ang mukha ni Annie kanina sa parking lot. Parang hirap na hirap na ito sa sitwasyon nito kanina. Dahil don ay di niya maiwasang mapatawa. Malamang mahirap magpigil. Hahahahaha napailing na lamang siya. Annie is such a different girl. She's so unbelievable. She's so blunt. Sasabihin niya kung anong nararamdaman niya. Napangiti siyang muli. Annie is his childhood friend/enemy. Madalas man silan mag-angilan, pero di niya maikakailang napaka-importante sa kaniya si Annie. [Annieca Shiela] She's sitting infront of her study table habang busy siya sa paggawa ng kaniyang assignment nang biglang walang sabe sabeng pumasok sa kaniyang silid si Cloud. Napatingin siya rito at napakunot noo. "What are you doing here?" She ask. He shrugged his shoulders at prenteng humiga sa kaniyang kama. Lalo siyang napakunot noo habang pinagmamasdan ito. Ano na naman bang trip ng isang to at andito to?! Tss. "Hoy Ulap anong ginagawa mo rito?! Lumabas ka nga may ginagawa ako oh!" Saad niya rito. Bumangon naman si Cloud at umupo sa kaniyang kama. Tinignan siya nito. "Hoy babae! Pwede ba? Di kita pinakekeelaman kaya wag mo din akong pakielaman." He hissed. Aba't! Itong mokong na to talaga! Haler kwarto niya kaya ito. "Hoy mokong ka! Ang kapal mo, kwarto ko to noh! Tsupe ka nga! Layas!" Naiinis na sigaw niya rito. Pero ang lalaki ay nginisihan lamang siya at walang pasabe na humiga ulit sa kaniyang kama. Aba't talaga nga naman! Nakakainis talaga tong lalaking to! Basta basta na nga lang pumasok sa kaniyang kwarto eh tapos prenteng humiga pa sa kaniyang kama. Kapal nga naman! Imbes na buwisitin pa niya ang sarili niya lalaking yun ay ibinalik na lamang niya ang atensyon niya sa paggawa ng kaniyang assignments. Di naman siya mananalo sa Ulap na yun eh. Sa ilang taon nilang pagsasama ng lalaking to, halos sabay na silang lumaki ay kilalang kilala na niya ang ugali ng mokong na to. Cloud Henry is a super makulit na lalaki! The biggest jerk alive! What he wants he gets. Suplado pero ubod ng kulit. Ewan ba niya. Sa iba naman ay suplado ito pero sa kaniya ang kulit kulit nito. Epal ba! Kaurat! Gwapo nga saksakan naman ng sama ng ugali. Tss. But Cloud can be nice sometimes, yun nga lang yung pagiging nice nito panandalian lamang. Hindi tatagal ng limang oras. Tss. But sa kabila nun si Cloud ang tinuturing niyang guy bestfriend. Yes, they always fight. Lagi niyang tinatarayan ito, pero there's a part of her na tinuturing itong matalik na kaibigan. Nang matapos niya ang kaniyang assignment ay inayos na niya ang mga gamit na ginamit niya. Sa wakas natapos din. Lintek naman kasi yung prof nila! Unang araw nang klase nila ay nagbigay agad ng sandamakmak na assignment. Sarap lang kotongan eh. Tss. Napainat siya at napahikab. Gosh! Inaantok na siya. Nakakaantok kayang gumawa ng assignment. Really. Tss Lumapit siya kaniyang kama at akmang sisigawan na niya si Cloud na bumangon na ito dahil matutulog na siya nang mapansin niya nakatulog na pala ito. Napakunot noo siya at pagkatapos ay napailing na lamang. Kaya pala di na nangulit ang mokong kasi nakatulog na. Tsk. Kahit mabigat ay inayos niya ang pagkakahiga ni Cloud. Isinampa niya ang mga mabibigat na binti nito sa kama dahil nakalaylay ito. Kinumutan niya din ito. Ang problema saan siya ngayon matutulog? Aish! Sa couch na nga lang siya. Inaantok na talaga siya eh. Buti na lang at may couch dito sa kaniyang kwarto. Kumuha siya ng unan at kumot na para sa kaniya at pagkatapos ay inayos na niya ang couch na hihigaan niya. Then after that she switch off the lights at lampshade na lamang ang kaniyang binuksan. Nahiga na siya sa couch at nagkumot na. She closed her eyes and before she doze her self to sleep. She whispered... "Goodnight Ulap. Sweetdreams." Then a sweet smile formed in her lips. +++ Naglalakad lakad si Annie sa loob ng school nila dahil vacant nila. Di niya alam kung saan siya pupunta dahil wala naman siyang kasama. Nagkataon kasi na may klase pa ang kambal ng tadhana. Sila Kiona at Kyoko. Ewan ba niya kung bakit kambal ng tadhana ang nakasanayan niyang itawag sa kambal na yun. Iyon kasi ang ang tawag din ni Cloud sa mga ito. Well speaking of Cloud, nowhere to be found ang loko. Pagka-dismiss na pagkadismiss kanina sa kanila ng prof nila ay agad itong lumabas. Nagsabe naman ito kung saan ito pupunta. Tatambay daw muna ito at magpapalipas ng oras habang vacant. Kaso di nito sinabe kung saan ang exact place na tatambayan nito. Kainis nga eh. Di pa siya sinama ng mokong na yun! Wala tuloy siyang kasama ngayon. Mungtanga tuloy siyang nag-iikot sa school nila na halos kabisado na niya dahil mula elementary hanggang highschool hanggang ngayong College na sila ay dito sila nag-aral nila Cloud, Zeke, at ang kambal ng tadhana. Grabe lang diba? Mahal na mahal nila ang school na to kaya di sila lumipat. *insert sarcarsm* Hahahaha Well, may kabugan naman kasi ang school na to. Prestigious school kumbaga. Complete package. May elementary, highschool at college. May exchange student din sila kaya maraming foreignoy ang nag-aaral dito. Kabog diba? Atsaka san ka nakakita ng school na may Starbucks sa loob? May Mcdo at may KFC? Kabog diba? In terms of education naman, Very high quality naman ang turo ng mga professors dito. Kumbaga, ibang level kung magturo. In fact, ang hirap makakuha ng higher grades dito. Kailangan magsikap ka talaga para makakuha ng higher grade or makasama ka sa dean's list. Kaya nga laking pasalamat niya kay Tita Ganda at Tito Gwapo dahil pinag-aral siya dito. Kaya pinagbubuti din niya ang pag-aaral niya para naman di nakakahiya diba? Pero ang problema talaga niya. Saan siya tatambay? Ayaw naman niya library, ayaw din niya sa Mcdo, KFC at Starbucks. Duh! Anong gagawin niya dun? Tutunganga? Wala naman siyang pera pambili ng mga pagkain dun. In fairness ah! Nakakapagod maglakad. Di na niya natiis ang pagod kaya umupo siya sa isa sa mga bench na pakalat kalat dito sa loob ng school. "Hays inet naman. Aga aga pa eh pero pinagpapawisan agad ako." Saad niya at pinahiran niya ang mga pawis sa kaniyang mukha gamit ang kaniyang panyo na may tatak na BIBE! Hays. Ano nang gagawin niya? Ano tutunganga siya dito ng ilang oras? Huhuhu my God! Di niya ata keri iyon. Pero anong gagawin niya? Text niya kaya si Cloud tapos tanungin niya kung nasaan ito para mapuntahan niya diba? Oo tama. Ganon nga. Kaso putek! Wala pala siyang load. Hehehe Hays! Ano ba yan Annie! Masasayang ang oras mo kung uupo ka lang dito. Be frugal Annie! Napasimangot na lamang siya. Hays. Wala talaga siyang maisip na gawin. Bat kasi nauso pa ang vacant eh! Huhu Maya maya ay nagulat na lamang siya nang may biglang umupo sa kaniyang tabi. Napatingin siya sa lalaking umupo sa kaniyang tabi at ganon na lang ang panglalaki ng mga mata niya nang mapagtanto kung sino ito. Si Drake! "Hi!" Nakangiting baling sa kaniya ni Drake. Bumilis ang t***k ng puso niya as she saw his sweet smile. JuicekoLord! Bat ba ganito kagwapo ang nilalang na ito? "H-hello." Nauutal na bati niya dito. At nahihiya siyang nag-iwas nang tingin. Bakit ganito yung nararamdaman niya? Ang lakas lakas nang t***k ng puso niya. Para bang kinakabahan siya. Bigla din siyang pinagpawisan ng malapot. Huhu what's happening to her? "Hey. You look so nervous. Why?" Natatawang puna sa kaniya ni Drake. Napamaang naman siya at napatingin dito. "Ha?" Lalong napatawa ang lalaki sa naging reaksyon niya. Ano ba naman. Bat ba tumatawa ito? Naman eh. "Hahahaha don't be nervous. Wala akong gagawing masama sayo. Do I look like that?" Natatawang tanong nito sa kaniya. Ay! Ganon pala yun. Kaya pala natawa ito ay akala nito kaya siya kinakabahan ay dahil pakiramdam niya may gagawin itong masama sa kaniya. Ano ba yan. Teka nagtagalog ito? Waaahhh ang cute naman nito magtagalog. Halatang di sanay dahil may accent. Hahaha "Ay hindi noh. Hehehe." Naiilang na sagot niya dito. Drake smile at her. Diyos ko talaga! Nakakalaglag panty talaga ang ngiti nito. Huhu! "You're so cute." Puna nito sa kaniya. Bigla naman siyang namula sa sinabe nito. "Ha?" Maang niya "Sabe ko, You're so cute. Hahaha you made me remember someone." Saad nito at nakita niya pagdaan ng lungkot sa mga mata nito na agad din namang nawala. "Hahaha anyway, kamusta? Nagawa mo na ba yung assignment mo?" Tanong nito sa kaniya. Napamaang ulit siya. "Ha? Ay oo. Thank you nga pala." She said. Ngumiti ito sa kaniya. Diba ito napapagod kakangiti? "You're welcome." Saad nito at kiming ngiti lamang ang isinukli niya rito at nagiwas na siya nang tingin. Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan nila. Ewan ba niya. Pero naiilang siya dito. Gusto na nga niyang umalis kanina pa eh, kaso ang rude naman kung ganon. Hays. Huhu! "You feel awkward right? C'mon don't be. Hahaha" Nagulat siya sa sinabe nito Nakakahiya naman huhu! Nararamdaman pala nitong naiilang siya dito. "Hehehe sorry." Ngiting aso na tumingin siya dito at nagpeace sign. "Hahaha cute! It's ok." He said at ngumiti ito sa kaniya. Pinagmasdan niyang maigi ang mukha nitong nakangit sa kaniya. Mukha namang mabait at harmless itong si Drake. Para bang wala itong gagawing masama sa kaniya kaya bakit ba siya naiilang dito? Hays Annie. Naaabnormal ka na naman ba? Eh kasi naman. Di pa naman sila ganon magkakilala eh. Huhu "You know what para di ka na mailang sakin, magpapakilala ako nang maayos sayo." Saad nito sa medyo slang na tagalog. Palibhasa di sanay eh. Hahahaha pero ang cute naman pakinggan. Di siya sumagot. Nakatitig lamang siya dito. "I'm Drake Sebastian Monterial. 18 y.o from States. Hahaha hmm, what more? I'm an orphan." Nakangiting pakilala nito sa kaniya. Nagulat siya sa sinabe nito. He's an orphan? It means ulila na ito? Wala ng mga magulang? Oh My Gosh. "You're an orphan?" Di niya makapaniwalang tanong dito. Umiwas ito ng tingin at ngumiti. "Yes Am I. I'm a pure filipino but laki ako sa States. My biological parents are pure filipino. Paanong lumaki ako sa ampunan? Kwento sakin ng mga madre dun sa ampunan, iniwan daw ako ng mga parents ko sa labas ng gate ng ampunan." Kwento nito. Mataman naman siyang nakikinig sa kwento nito. Sa kabila pala ng mga ngiti nito ay may lungkot pala itong nararamdaman. Di niya alam kung maaawa ba siya dito o ano. Ngayon lang naka-encounter ng tao na lumaki sa orphanage. "I've been in an orphanage for 10 years. Then may umampon sakin na mayamang mag-asawa. Yun ang tumatayong magulang ko ngayon. They are kind. And I'm so very thankful to them dahil inampon nila ako." Sabe nito at ngumiti ito sa kaniya. Napatitig naman siya dito. Halatang napalaki ng ayos si Drake sa ampunan at nang mga tumayong mga magulang nito. "Hmm, do you know where's your true parents?" She ask. Umiwas ito ng tingin at ngumiti ng malungkot. "They are now in heaven. Guiding me. Dahil sadyang mabait ang mga umampon sakin, ipinahanap nila ang mga totoong magulang ko. After of how many days nang paghahanap, We found out that my biological parents are already dead. Namatay sila sa isang accident. I don't know what kind of accident. Pero sabe nung kapatid ng true mom ko, iniwan ako ng mga magulang ko sa ampunan for my own sake." Malungkot na sabe nito. Di niya maiwasang makaramdam din ng lungkot. Di man lang nito nakasama at nakita ang mga magulang nito. Maswerte pa rin pala siyang dahil kasama niya ang kaniyang ina. Kahit wala siyang ama. "Eh bat ka nandito ngayon?" Tanong niya rito. "Nothing. Trip ko lang." Natatawang sabe nito. Napangiti naman siya sa sinagot nito. Drake is a strong man. Nararamdaman niya. Nagagawa pa rin nitong ngumiti sa kabila ng mga pinagdaanan nito. "You? How about you? Tell me something about you." Saad nito sa kaniya. Napangiti naman siya. Nawala ang pagka-ilang niya dito. "I'm Annieca Shiela De Guzman. 17 years old and I love ducks!" Natatawang sabe niya rito. Natawa naman ito. "Hahahaha really?" Napatango tango siya. "Yeph! In fact, I have a collection of ducks stuffs. Hahaha" Natatawang saad niya. Tumawa ulit ito. "You're unbelievable." "Hahaha yes Am I." Proud pa niyang sabe. "So, anyway, actually, di naman ako mayaman. Kaya lang ako nakapasok sa school na to dahil sa paaral ako ng mga amo ni Nanay." Saad niya. Nakikinig naman ito ng mabuti sa kaniya. Umiwas siya ng tingin. "My Mom is a maid sa pamilyang Santos. Sa pamilyang Santos na din ako lumaki. They are the nice and the best. Parang pamilya na din ang turing nila samin ni Nanay." Proud niyang kwento. Never niyang kinahiya ang estado nang buhay nila na mag-ina. Na isang katulong ang kaniyang ina. Bat naman niya ikahihiya? Wala naman dapat ikahiya dun. "Nanay ko lang ang tumatayong magulang ko. Wala akong ama na kinalakihan." Saad niya. Kumunot noo naman si Drake. "Really? Where's your father?" He ask. Napatingin siya dito. "I don't know. Hahaha walang nababanggit ang nanay ko about my father." She said. Well, kahit ganon, still she wanted to see and to meet her father. "Oh. Ganon pala." "Oo. Masaya pa din naman ako kahit ganon. Napalaki naman ako nang ayos ng nanay ko." She said and she smile. Ngumiti naman ito sa kaniya. "Yeah. Halata nga. You're a nice girl. I know and I can feel it." He said. Napatawa naman siya sa sinabe nito. "Hahahaha mukha lang ako mabait pero hindi talaga." Natatawa niyang sabe. Nagkatawanan naman silang dalawa. Sa ilang minuto nilang pagkekwentuhan ay tuluyan nang nawala ang ilang sa kanilang sa kanilang dalawa. Lalo na kay Annie. Tuluyan nang nawala ang pagkailang na naramdaman niya sa lalaki. Nagkekwentuhan pa sila tungkol sa maraming bagay. They have a lot in common kaya mabilis silang nagkasundo. Tawa siya nang tawa habang kausap ito dahil palabiro ang lalaki. Hanggang sa maglunch break na at nagtext na sa kaniya ang kambal ng tadhana at hinahanap na siya. "Uy Drake. Sa susunod na lang ulit ah? Hinahanap na ko ng mga kaibigan ko eh." Paalam niya dito at tumayo na siya. Tumayo na rin naman ito. Ngumiti ito sa kaniya. "Ok. I'll go ahead na din. Pupunta pa kong library eh." Saad nito. Ngumiti siya rito. "Sige. See you mamaya sa room." May klase kasi sila mamaya after lunch. Tiyak na magkikita sila. "Thank you for spending your time with me. I had fun chit chatting with you." Nakangiting sabe nito sa kaniya. Natawa naman siya. "Nako wala yun. Salamat din sa oras mo." Saad niya. They smiled to each other at nagpaalam na sa isa't isa. Lalakad na sana siya palayo nang pigilan siya ni Drake. "Wait Annie. Hmmm, tutal ikaw pa lang ang kakilala ko dito, can we be friends?" Tanong nito sa kaniya. Napangiti naman siya sa tinanong nito sa kaniya. "Hahahaha sure!" Sagot niya dito. Inilahad nito ang kaliwang kamay at tinanggap naman niya ito. Sabay silang nagsabe nang... "Friends." And they both smile to each other. ?? *** Daily updates starting tonight. Thank you and always stay safe guys! -CK ❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD