TBTL 5 ?
[DRAKE'S]
He's smiling widely while looking at Annieca na ngayon ay papalayo na sa kaniya.
Papunta ito sa cafeteria ng school nila dahil hinahanap na daw ito ng mga kaibigan nito.
He smile at napailing na lamang siya and started walking.
Papunta sya ngayong library. He spent his time there reading different books. Doon siya lagi sa library tuwing vacant niya. Kanina lamang siya hindi tumambay doon during his vacant hours dahil kay Annie.
Nakita niya kasi itong palakad lakad around the campus kaya napagdesisyonan niyang sundan ito.
Mag-isa lang ito that time, wala yung lalaking lagi nitong kasama. Ulap ata ang pangalan ng lalaking yun.
Yung lalaking masama ang tingin sa kaniya nung time na kinausap niya si Annie. First day of school.
Well, back to Annie. He decided to follow her at ilang minuto din silang naglakad lakad. Siguro napagod ang babae kaya umupo ito sa isa sa mga bench na pakalat kalat sa campus.
Pinagmasdan niya ito from afar. She looks so bored dahil nakasimangot ang maganda nitong mukha. So, he decided to sat beside her na ikinagulat naman ng babae.
Natawa pa siya sa reaksiyon nito ng makita siya nito. Hahahaha funny but cute.
And he started to make a conversation with her dahil ramdam niya ang pagkailang nito sa kaniya.
Annieca is so fun to be with. Nakaaliw itong kausap. Plus the fact na, sobrang nagagandahan siya dito. Alam mo yun. She's not like any other women na trying hard magpaganda. Annieca's beauty is so natural. Hindi ito pala-ayos, pero litaw na litaw ang kagandahan nito.
The first time they accidentally met inside the bookstore, napatulala na siya sa kagandahan nito. And started that day, he can't take off in his mind her beautiful face.
He's so glad when he knew that Annieca will be his classmate on all his subject this semester and they even have the same course. Destiny. Hahaha
While they are talking to rach other, he can't stop his self from staring at her. Bawat ngiti nito, tawa ay sobrang nakakabighani.
And that time, he remembered something, rather than someone. Someone special to him.
They have the same personality. The jolly one. Pareho silang masayahin, makulit at nakakaaliw kasama.
Bakit ganon? Bakit kailangan niya pang maalala ito? Bakit kailangan pang may magpaalala pa ng tungkol dito sa kaniya?
He sighs.
The true reason why is he here in the Philippines is he wanted to move on and begin a new life here.
He's a broken hearted person. He fell in love with her bestfriend. But unfortunately, she doesn't love him back. Hanggang kaibigan lang daw ang kayang ibigay nito sa kaniya.
His first heartbreak and it's so painful. He acrossed between the lines and because of that nasira ang friendship na pinakainingatan niya, nila. Lumayo sa kaniya ang pinaka importanteng babae sa buhay niya next to his mother.
So, he decided to go here, to visit his parents' grave and the same time to heal his broken heart.
But how can he move on kung may nagpapaala sa kaniya ng babaeng kaniyang minamahal??
++
(ANNIECA'S)
"Annie! Bat ngayon ka lang? Kanina ka pa namin tinatawagan. We're already starving! You know?!"
Maarteng salubong sa kaniya ni Kiona pag-upo niya sa tapat ng mga ito.
She frown. Grabe. Ilang minuto lang naman siyang late.
"Sorry naman Princess Kiona. Aba! Ilang minuto lang naman akong late babaita ka!"
She said na ikinatawa nilang lahat.
Kumpleto silang magbabarkada. Andito ang kambal ng tadhana, si Zeke at si Cloud.
Oo andito ang Ulap na to. Nagulat pa nga siya nang makita niya itong naka-upo sa tapat nila Kiona.
Expected niya kasi na mamaya pa ito babalik ng school, saktong ala-una.
"Where have you've been?"
Tanong sa kaniya ni Cloud na katabi niya.
Tumingin siya rito.
"Diyan lang."
Sagot niya.
"Tss. Saang diyan lang? "
Inis na tanong nito sa kaniya.
Aba. Ano bang pake ng mokong na to?
"Ano bang pake mo? Diyan nga lang."
She answered.
Sinamaan siya ng tingin ni Cloud.
"Tss. Sa susunod ngang vacant natin, sasama ka na sakin."
Saad nito.
Di na lamang siya umimik pa. She just frown. What ever! Ano kayang problema ng mokong na to at mukhang bugnot na naman?! Pinaglihi ata sa sama ng loob tong isang to eh. Laging bugnot.
"So, guys, let's order na. I'm hungry na talaga."
Maarteng sabe ni Kiona.
Kaya umorder na sila. Aba, iba kaya magalit tong si Kiona kapag gutom. Nagiging dragon. Hahaha kidding!
While they are happily eating, nagulat sila ng bigla na lamang nagsitilian ang mga babaeng estudyante na nasa loob ng cafeteria.
"Siya si Drake Monterial diba? Yung transferee sa BA?"
"Ang gwapo niya grabe!"
"Ngayon ko lang siya nakitang napadpad dito sa cafeteria. Madalas ko kasi siyang makitang nakatambay sa library eh."
"Grabe. Ang ganda ng mga mata niya. Sobrang gwapo niya. Ayyy!"
Iilang naririnig niyang tili ng mga kababaihan.
She frown.
Wow! Grabe! Parang ngayon lang nakakita ng gwapo ang mga babaeng to kung makatili.
Haler! Tatlong araw na o mahigit simula nung pumasok yang si Drake tas ganiyan pa rin sila makatili hanggang ngayon.
But on the second thought, she can't blame this girls that are drooling over Drake.
Drake is such a handsome man. No doubt. Ang lakas ng dating nito na talaga namang matatangay ka.
"Siya pala yung Drake, ngayon ko lang siya nakita. Gwapo nga."
Komento ni Kiona habang nakatingin sa pinagkakaguluhan na lalaki.
Ngayon lang talaga nakita ni Kiona ang lalaki dahil sa layo ng building ng BA sa building ng nursing. Atsaka katulad nga ng mga naririnig nila kanina, madalas itong tumambay sa library at hindi masyadong nag-iikot ang lalaki kaya madalang mo lang talaga makikita si Drake sa school. Unless ka-blockmate mo siya o parehas kayo ng course.
"Yeah. Gwapo nga. No doubt, in just three days or what, isa agad sa mga heartrob ng school."
Sabat naman ni Kyoko at napakibit balikat ito.
Nakita naman niya ang pagsimangot ni Zeke. Malamang nagselos ang loko.
"Edi siya na gwapo."
Bulong nito na narinig naman niya. Nakasimangot pa ito habang bumubulong.
She smile secretly. Haha maypagka seloso pala tong si Zeke.
Gwapo naman si Zeke. Chinito nga ito dahil kahawig nito ang ama nitong si Trake. Pero mas gwapo ng konti si Drake.
Kunot noong binalingan naman ni Kyoko ang lalaki.
"What?"
"Wala. Sabe ko, mas gwapo ako!"
Saad ni Zeke at nakasimangot itong bumalik sa pagkain.
Habang si Kyoko naman ay kunot noong nakatitig lamang sa lalaki.
"Sus! Nagseselos yan kambal!"
Natatawang sabe ni Kiona sa kakambal.
Nagkatawanan tuloy silang mga babae at lalong napasimangot si Zeke.
"Hahahaha Zeke naman. Eh sa gwapo naman talaga si Drake eh."
Natatawang sabe ni Kyoko kay Zeke na sobrang simangot na ang mukha.
"Diba Annie?"
Baling sa kaniya ni Kyoko.
Napamaang naman siya.
"Ha?? Oo naman. Gwapo talaga si Drake."
She said and she smile.
Then nagitla siya ng biglang binagsak ni Cloud ang kutsara nito sa mesa.
Napatingin din ang tatlo sa lalaki.
Takang binalingan naman niya ito at nakita niya ang nakapoker face na mukha nito.
"Problema mo?"
Tanong niya rito.
"Tss. Nothing."
Simpleng sagot nito at inirapan siya.
Aba! Makairap talaga tong Ulap na to daig pang babae!
"Weh? Bat nagdadabog ka?"
Pangungulit niya rito.
Inis na binalingan naman siya ng lalaki.
"Wala nga. Tss. I'm already full. Mauuna na ko sa klase."
At padabog itong tumayo.
Napakunot noo naman siya sa inasta ng lalaki.
Bigla ring tumayo si Zeke.
"Mauna na din ako. Tss. Tara na Pre."
At magkasabay na naglakad ang magkaibigan palabas ng cafeteria.
Naiwan silang tatlong babae at nagkatinginan.
Then napatingin sila sa dalawang lalaki na nakalabas na ng cafeteria.
Anong problema ng dalawang yun???
Kay Zeke, alam niyang nagselos ito sa sinabe ni Kyoko na gwapo si Drake.
Pero si Cloud?
Ano na naman kayang topak ng isang yun at bigla biglang nagdabog at umalis?
Tss. Topak talaga ang Ulap na yun!
++
Nasa klase na sila at kanina pa siya nakasimangot sa kaniyang kinauupuan dahil sa lalaking katabi niya.
Edi sino pa ba ang araw araw na nagpapasimangot sa kaniya? Edi ang Ulap na yun!
Kaasar lang.
Kanina pa niya ito kinakausap pero ni hindi man lang siya sinasagot ng lalaki.
Nabubuwisit na talaga siya.
Ang lakas na naman ng topak ng lalaking to!
"Hoy Ulap ano bang problema mo ha! Bat di mo ko kinakausap!"
Inis na bulong niya sa lalaki habang nakaharap siya sa board at kunwari nakikinig.
Pero ang lalaki deadma lang. Busy-busyhan ito sa pakikinig sa professor na naglelecture ngayon sa harapan nila.
"Hoy Ulap!"
Bulong niya ulit. Pero deadma as usual.
"Ulap!"
"Ulap!"
"Huy! Ano ba!"
"Pansinin mo nga ako!"
Nakakailang na bulong na siya pero di pa rin siya pinapansin ng Ulap na to.
Aish! Talagang nabubuwisit na siya.
Bat ang lakas ba ng topak ng isang to?! Ang lakas ng mood swing grabe! Tinalo pa siya. Grr!
Hindi na siya nakatiis pa at humarap na siya dito habang ang lalaki ay siryoso lamang na nakatingin sa board.
"Hoy! Ano ba Ulap! Ano bang problema mo at di mo ko kinakausap! Kanina pa kita kinakausap at kanina mo pa din ako dinedeadma!"
Naiinis na sabe niya at iniharap niya ang mukha ng lalaki sa kaniya.
Nakita niya ang siryosong mukha nito.
Napasimangot siya.
Bat ba ang gwapo gwapo ng nilalang na to?! Siryoso na nga ang mukha nito pero gwapo pa din. Kaasar.
Pero hindi eh! Hindi talaga siya nito kinakausap kanina pa!
"What's your problem?"
Bored na tanong nito sa kaniya.
Bigla ay nag-init ang ulo niya sa tanong nito.
Talagang ito pa talaga ang may ganang magtanong ng bagay na yun ah? Grabe!
"At talagang ako pa tinanong mo niyan ah! Dapat nga ikaw ang tanungin ko eh! Anong problema mong Ulap ka?! Kanina ka pa di namamansin! Tinopak ka na naman! Kanina sa cafeteria, bigla kang umalis. May padabog dabog ka pang nalalaman! Lakas ng topak mo tol! Anong problema mo?!"
Inis na sabe niya dito at nanlalaki pa ang butas ng ilong niya sa inis. Hinihingal din siya dahil tuloy tuloy at mabilis ang kaniyang pagkakasabe.
Lakas mambuwisit ng isang to grabe!
Ilang segundo siyang tinitigan ni Cloud hanggang sa bigla itong tumawa.
Mas lalo siyang napasimangot. Tigna mo na! Baliw ata tong Ulap na to! Kanina lamang ay siryoso ito tapos ngayon ay tumatawa na ito.
Urg!!!
"Anong tinatawa tawa mo diyan?!"
Inis na sabe niya rito.
"Hahahahaha! Look at your face!! You look like a gorilla because of your nose. Nanlalaki yung butas ng ilong mo kanina sa inis! Hahahahaha you should have seen your face! It's so funny!"
Natatawang sagot nito sa kaniya.
Naiinis na hinampas naman niya sa balikat ang lalaki dahil sa sinabe nito.
Siya mukhang gorilla?! Wow! Ang ganda naman niyang gorilla! Grr!!
"Kapal mo! Eh mas mukha ka pang Gorilla kesa sakin!"
At muli ay hinampas niya ito.
Tumawa naman si Cloud tila hindi ininda ang paghampas na ginawa niya.
"Hahahaha hey! I'm so handsome para maging gorilla! Tanggapin mo na ang katotohanang mukha kang gorilla."
Pang-aasar nito.
Di na siya nakatiis pa sa pang-aasar nito at inis na sinabutan niya ito.
"Grr! Kapal mo talagang Ulap ka! Baliw ka! Baliw! Kanina siryoso ka tas ngayon tatawa tawa ka! Baliw! Psychopath!"
Inis na sabe niya habang sinasabunutan ito.
"Hahahahaha ouch! Sino ba namang hindi matatawa sa mukha mo eh mukha kang gorilla! Hahahaha ouch! Hey my hair gori. Hahahaha!"
Natatawang sabe nito habang iniinda nito ang pagsabunot na ginagawa niya dito.
Grr! Aba't talagang pinupush pa nito na mukha siyang gorilla ha?! Sa dinami rami na hayop na pwedeng maging kamukha niya, bat sa gorilla pa?! Pwede namang sa bibe na lang! Kaasar lang talaga tong Ulap na to.
Sa sobrang pagkukulitan nung dalawa ay nakalimutan na ng mga ito na nasa loob sila ng klase at may professor na naglelecture sa unahan kaya.....
"Seems like Ms. De Guzman and Mr. Santos having a sweet momentum at the back."
Saad ng kanilang Professor na nagpatigil sa kanilang dalawa.
Napabitaw si Annie sa buhok ni Cloud at napatingin sa unahan.
Ganon na lamang ang hiyang naramdaman niya ng mapansin masama ang tingin sa kaniya ng kanilang Professor at nakatingin lahat ng kaklase nila sa kanila.
Yung ibang babae naman na kaklase nila ay nagbubulungan.
She wonder kung ano ang pinagbubulungan ng mga ito.
Nakita pa niya si Drake na nakatingin din sa kaniya. Nasa bandang unahan kasi ito nakaupo.
Waaaaahhh nakakahiya!
Napatingin siya kay Cloud na cool na cool lang na inaayos ang nagulo nitong buhok.
Huhu tignan mo tong Ulap na to! Di man lang nahiya! Napagalitan na nga kami tas pa-cool cool pa tong isang to! Huhu!
"Kung gusto niyong maglambingan doon kayo sa labas. Wag dito mismo sa loob ng klase ko. You two, get out! Get out of my class!"
Galit na sigaw ng kanilang Professor kaya wala siyang nagawa kungdi iligpit ang mga gamit niya at kinuha niya ang bag niya atsaka lumabas. Ganon din si Cloud.
Ramdam niya ang mga tingin ng mga kablockmates nila sa kanila at talaga nga namang nakakahiya!
This is the first time na pinalabas siya sa klase! Huhu! At dahil ito sa Ulap na to!
"Waaahhh nakakainis ka talagang Ulap ka! Tignan mo! Dahil sa kaabnormalan mo napalabas tayo!"
Naiinis na sabe niya rito habang naglalakad sila sa corridor.
"Tss. Sino kaya yung nanabunot at nangulit?"
Saad nito at nginisihan siya.
Naiinis na hinampas naman niya ito.
Talagang sinisi pa siya ng mokong na to!
"Waaahh! Ewan sayo! Abnormal!"
Singhal niya rito.
"Gorilla!"
Natatawang sabe nito sa kaniya.
Napasimangot naman siya.
Waahhh nakakainis talaga!
"Ewan sayo!"
At binilisan niya ang paglalakad.
Natatawang hinabol naman siya ni Cloud at inakbayan siya.
Well, wala namang malisya itong pangaakbay ng lalaki sa kaniya. Sanay na siya dito. Lagi naman siyang inaakbayan nito lalo na kapag nananalo ito o tuwang tuwa ito sa pang-aasar na ginagawa nito sa kaniya.
"Let's just go home. Wala na rin naman tayong klase pa na aattendan so, uwi na lang tayo." Aya nito sa kaniya.
Nakasimangot na tumango na lang siya at di na umapela pa.
Ano pa bang magagawa niya? Eh sa wala na naman talaga silang klase na aattendan pa. Wala na silang gagawin pa kaya umuwi na lang.
Atsaka makakatanggi pa ba siya?eh nakaakbay sa kaniya tong Ulap na to at baka sakalin pa siya nito once na tumanggi siya.
Knowing this man, nananakal ito kapag nakaakbay ito tas bigla kang tatanggi sa sinabe niya. Tss. Abnormal eh.
Pero napalabas talaga sila sa klase eh! Huhu nakakahiya!!!!!
Buwisit na Gorilla yaaaannn!!! Grr!!!!