CHAPTER 3

1894 Words
CHAPTER 3 TBTL 3   [Annieca Shiela]   Shocks.   Totoo ba ito? Talaga bang kaklase niya si Drake? It means iisang course lang ang kinukuha nila? Pareho silang Business Ad student?   Oh My God. Parang gusto niyang kiligin na ewan. Gosh.   "Ok Mr. Montereal, thank you for introducing yourself to us. You can now seat behind Ms. De Guzman. Over there." Saad nang kanilang professor at nagulat siya ng tinuro nito ang bakanteng upuan sa likod niya.   Kumabog ng malakas ang kaniyang puso ng napatingin si Drake sa gawi niya at nagkatinginan sila.   Shemssss ang pogi talaga. Bat ganern?!   Nagsimula na itong maglakad papalapit sa kanilang pwesto. Palakas nang palakas ang kabog ng puso niya sa di malaman na dahilan.   'Hey heart Calm down!'   Mas lalong kumabog ng malakas ang kaniyang puso ng umupo na ito sa kaniyang likuran. Parang bigla siyang nanigas at nanlamig ang kaniyang buong katawan.   What the?! What's happening to you Annieca Shiela? Bakit ganiyan ka makapagreact sa Drake na yan? Damn. Compose yourself, Annie.   She closed her eyes and inhaled exhaled.   "You ok?" Napamulat siya ng mga mata at napatingin kay Cloud ng magsalita ito.   Nakita niya itong nakakunot noong nakatingin sa kaniya.   She forced a smile.   "Yeah." She said.   "You look nervous, freak." Saad pa nito.   Inirapan niya ito at sinimangutan dahil sa sinabi nito.   "Tss… okay nga lang ako Ulap. Kulit mo." Asar na sabi niya dito.   Nagkibit balikat na lamang ito sa kaniya at tumingin na sa unahan. Nagstart na pala magdiscuss ang kanilang prof. di man lang niya namalayan dahil nawala siya sa katinuan ng dahil sa lalaking nakaupo sa kaniyang likuran.   ++   "Gosh bess! True ba na may bagong transferee sa BA department?" Exciting na tanong sa kaniya ni Kiona habang kumakain sila dito sa cafeteria ng school nila.   Lunch break na kaya magkakasama na silang tatlo. Di naman kasi sila pare-parehas ng course. Nursing ang kinukuha ni Kiona at HRM naman si Kyoko. Siya naman ay BA. Nagkakasama lang sila pag may mga vacant sila na magkakaparehas at paglunch break and dismissal.   "Oo nga." Sagot niya rito.   Ang bilis nga naman ng balita. Akalain mo yun, alam agad ng mga taga-ibang department ang tungkol kay Drake. Palibhasa gwapo yung bagong transferee kaya mabilis kumalat ang tungkol dito.   "Gwapo daw?" Tanong pa ulit nito pagkatapos nitong sumubo ng carbonara.   Hindi kasi mahilig sa kanin itong si Kiona kaya madalas mga pasta lang ang kinakain nito tuwing lunch dito sa school.   Nilunok naman muna niya ang kinakain niyang paella bago ito sagutin.   "Yes. Actually siya yung kinukwento ko sa inyo." Saad niya.   "What?! Really?" Sabay na sabi ng kambal sa kaniya.   She nods her head.   "Yeah. Nagulat din ako at di makapaniwala." She said.   "Gosh. Destiny bess." Kinikilig na sabi ni Kiona sa kaniya at ngumiti ito ng pagkalapad lapad.   "Destiny agad kambal? Malay mo naman coincidence lang talaga." Sabat naman ni Kyoko.   Tinignan naman ni Kiona ang kakambal.   "Destiny it is Twinnie. They met in a most unexpected way and now who would have thought na magkikita ulit sila? Destiny right? Oh my gosh!" Kiona said dreamingly.   Napailing na lang siya.   Destiny? Sila ni Drake? Ewan niya. Maybe no, maybe yes. Atsaka bakit ba nag-iisip sila ng destiny sila ni Drake? Agad agad? Baka nga tama pa to si Kyoko eh, coincidence lang lahat.   "Tigilan niyo na nga yang destiny destiny na yan. Walang ganon ok?" Saad niya at kumain na ulit siya.   Tumawa naman yung kambal.   Di na lamang niya ito pinansin pa at nagfocus na lang sa kinakain niya.   Maya maya ay dunating sila Cloud at Zeke.   "Hi guys." Bati ni Zeke sa kanila.   "Hello." Bati naman nila dito.   "Patabe kami ah?" Saad nito at since pang animan ang table nila ay nagkasya sila.   Magkatabe sila Kyoko, Kiona at Zeke at sila naman ni Cloud ang magkatabe.   "Kamusta klase mo Kyoko?" Pangangamusta ni Zeke dito.   Tumingin naman ito kaya Zeke.   "Ok naman. Ikaw?" Kyoko answered at tipid na ngumiti ito kay Zeke.   Zeke smiled at Kyoko sweetly.   "Ok naman. Mas okay na ngayon kasi nakita na kita." And he winks na ikinapula ng mga pisngi ni Kyoko.   Nagkatawanan sila dahil sa dalawang naglalandian sa harapan nila.   Zeke was madly in love with Kyoko. Since their highschool days. Nung una crush lang dahil sa gandang taglay ni Kyoko at sa kabaitan nito pero habang tumatagal ay nahulog itong si Zeke. Si Kyoko naman ay indenial. Ayaw pang aminin na mahal din nito si Zeke eh halata naman sa mga kilos nito kapag kasama na nila ang lalaki.   They are so cute together. Kyoko is such an innocent while Zeke is such a happy go lucky guy. Bagay na bagay sila. Too bad, indenial pa si Kyoko at ayaw pang magpaligaw. Pero handa naman daw maghintay itong si Zeke.   "Hay nako! Tumigil nga kayong dalawang mahaharot diyan." Bitter na sabi ni Kiona at umirap ito.   "Umandar na naman pagka-Bitterella mo Kiona." Nang-aasar na sabi ni Zeke dito.   Nagtawanan naman sila. Dakilang Bitterella kasi itong si Kiona. Bitter na bitter sa mga lovers. Palibhasa walang love life. Paano? Hinihintay nito si Cloud. Patay na patay ang babaeng ito kay Cloud eh. Pero itong si Cloud walang paki. Di niya alam pero di ito magustuhan ni Cloud.   "Che! Shut up Zeke! Anyway, hi babe!" Bati ni Kiona kay Cloud.   Pero mukhang may sumpong ang Ulap na to dahil di man lang nito pinansin si Kiona.   "Ouch. Why are you like that Babe? Is there any problem?" Nagaalalang tanong nito.   Cloud hissed at sinamaan ng tingin si Kiona. May sumpong nga.   "Tss stop playing with me right now, Kiona. I'm not in the mood to play with you." Yun lang at tumayo na ito.   Nagkatinginan silang apat at pagkatapos ay sabay sabay silang napatingin sa papalayong si Cloud.   Ano na naman bang problema ng Ulap na yun? Tinotopak na naman ang isang yun.   "Anong problema non Zeke?" Tanong niya kay Zeke.   Takang napatingin naman ito sa kaniya.   "Ewan ko nga eh. Kanina pa yan ganiyan. Nakasimangot na yan pagkasundo niya sakin sa room ko. Oo talagang sinundo niya na ko. Nagulat nga ako eh." Saad nito.   Nyek. Kaya pala ang bilis nitong mawala kanina pagkatapos na pagkatapos ng klase nila kanina. Pinuntahan pala agad nito si Zeke. Engineering kasi ang course nito kaya nasa kabilang department pa ito.   Pero bakit nga kaya tinotopak ang isang yun? Okay naman ito kanina habang nagkaklase sila. Pero pansin nga niyang habang tumatagal ay unti unting nagbabago ang mood nito lalo na nang kinausap siya ni Drake kanina.   Yes kinausap siya nito. Nagulat na nga lamang siya eh.   FLASHBACK   Busy siyang nakikinig sa prof nila ng biglang may kumulbit sa kaniya sa likuran niya.   Napatingin siya at kumabog ng malakas ang kaniyang puso ng makita niyang nakangiti sa kaniya si Drake.   Gosh! Ang pogi talaga. Pero anong kailangan nito sa kaniya? Bakit siya nito kinulbit?   "Hi." Bati nito sa kaniya.   "Ahm hello." Nauutal na bati niya rito.   "Hahaha sabi ko na nga ba eh. Ikaw yung girl sa bookstore." Nakangiting sabi nito sa kaniya.   Bigla naman siyang namula. Gosh. Naaalala pa pala siya nito. Akala niya hindi na.   At nagtatagalog pala ito? Hala! Ang cute nitong magtagalog. May accent. Hahahaha di siguro sanay.   "Ha? Ah yeah. Natatandaan mo pa pala ako." She said at ngumiti siya rito.   "Ofcourse. How can i forget your beautiful face? Anyway, Nice meeting you again"   Namula siya sa sinabi nito.   Beautiful face daw? Hihihi meleet ne begey.   Gad! Kinikilig siya right now. As in!   "Ah thank you. Nice meeting you too."   They smile to each other at tumingin na siya sa unahan.   Di niya mapigilang mapangiti. Natatandaan pa siya ni Drake. She don't know what to feel. Kikiligin ba siya or what? Hahahaha Annieca Shiela stop that! Lumalandi ka na dahil sa lalaki na to.   Pero agad ding napawi ang ngiti niya ng makita niyang masama ang tingin ni Cloud habang nakakuyom ang mga kamao nito.   Hala. Anong nangyare naman sa isang to? Tsk tsk.   Now, she's really wondering kung ano ba talagang problema ng Ulap na yun ngayon?   Sinumpong na naman ng pagka-moody ang mokong. Tss.   ++   Dismissal na at diretso agad siya dito sa library pagkatapos na pagkatapos ng klase nila.   May hihiramin kasi siyang libro na kailangan niya para sa isang subject nila bukas.   Pagpasok niya sa library ay diretso agad siya sa mga shelves ng libro para hanapin yung librong kailangan niya.   Hays, habang naghahanap ay di niya maiwasang maisip si Cloud.   Hindi na kasi ito pumasok kanina sa lahat ng afteroon classes nila. Nag-ditch na naman ang mokong.   Talaga nga namang kapag sinumpong ito ng pagka-moody ay gagawa na naman ito ng kalokohan. At eto nga nag-ditch na.   Di niya alam kung nasan si Cloud ngayon. Tinext niya ito kanina pero di naman nagrereply. Kaya pinabayaan na lamang niya. Pero tinext niya ulit ito na intayin siyang umuwi. Lagi naman silang sabay umuwi. May mga pagkakataon na hindi pero mas lamang yung lagi.   Ok nga yun para tipid pamasahe. Harhar.   Pero nasan kaya yung mokong na yun?   Napasimangot siya ng di niya mahanap yung librong kailagan niya. Kaya napagdesisyunan niyang hanapin sa kabilang shelf yung libro.   Nagsimula siyang maghanap at after ilang minutes ay nahanap niya na din sa wakas.   "Sa wakas!"   "Got it!"   Akmang kukunin na niya ang libro ng biglang may nauna sa kaniya.   Nanlalaki ang mga matang napatingin sa kumuha ng librong kailangan niya at napasimangot siya ng makitang si Drake iyon.   "Oh! Hi!" Bati sa kaniya ni Drake.   Ngumiti pa ito sa kaniya. Lalo tuloy siyang napasimangot.   Imbes kasi na mainis siya lalo dahil inunahan siya nito sa pagkuha ng libro ay kinikilig pa siya dahil sa ngiti nitong makalaglag panty.   "Hahaha you're so cute. Why are you frowning?" Natatawang sabi nito.   "Yung libro kasi. Inunahan mo ko!" Sabi niya rito habang nakasimangot siya.   Lalo naman itong tumawa.   "Hahahaha so cute. You need this? You can take it. Here." At inabot nito sa kaniya ang libro.   Nagningning naman ang mga mata niya.   "Waaahhh talaga? Di mo ba to kailangan?" She said at inabot niya ang libro na binigay nito sa kaniya.   Ngumiti ito sa kaniya.   "I need that one for my assignment, but I think mas kailangan mo yan kaya ikaw na muna gumamit." Sabi nito sa kaniya.   She smile back at him. Ang bait naman nito. Gwapo na, mabait pa. San ka pa? Harhar.   "Thank you. I'll give this to you tomorrow promise." She said while smiling.   "Ok." He said.   She smile widely at him.   "Thank you dito ha? Sige alis na ko." Saad niya at tumalikod na siya.   Akmang lalakad na siya at hinawakan ni Drake ang kamay niya kaya napatigil siya at napalingon dito.   Bumilis naman ang t***k ng puso niya nang tumingin siya sa kamay ni Drake na nakahawak sa wrist niya.   Tapos ay napatingin siya sa gwapo nitong mukha.   "B-bakit?" Nauutal niyang tanong rito.   "I don't know what's your name. May i know?" He ask at binitiwan na nito ang wrist niya.   Inayos naman niya ang sarili niya.   "Ha? Ah eh, Annieca Shiela De Guzman. But you can call me Annie." She said.   Ngumiti naman sa kaniya si Drake.   "What a pretty name for a pretty girl like you. Nice name. It suits you." Puri nito sa kaniya.   Namula naman siya. Grabe naman to. Galing mangbola. Harhar.   "Ah salamat. Sige una na ko." Paalam niya dito at tuluyan na siyang tumalikod dito.   Palabas na sana siya ng marinig niyang sumigaw ito.   "Take care Annie."   Kasabay non ay ang pagsaway dito ng librarian nang wag maingay.   Di niya mapigilang mapangiti nang makalabas siya sa library.   Kinikilig siya na ewan kay Drake. May something kay Drake na naaattract siya dito.   Para bang napakamasayahin na tao nito. At mabait pa.   Napatingin tuloy siya sa librong hawak niya at mas lalong lumapad ang ngiti niya.   Hays Drake. Anong ginawa mo sakin at kinikilig ako sayo?   Crush na ata kita Drake.    Kinikilig na sambit niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD