Chapter 17 -Babalik na ng Pilipinas-

1501 Words
Archeina's POV "Mamma quando incontrerò mio padre?" na ang ibig sabihin ay 'When will I meet my father, Mom?' "Perché piccola? Papà Harold non è abbastanza per te?" ani ko naman sa aking anak na ang ibig sabihin ay hindi pa ba sapat ang kanyang Papa Harold? Alam ko naman na matagal ng gustong makilala ni Vince ang kaniyang tunay na ama pero hindi pa ngayon. Hindi pa ako handang makaharap ang lalaking 'yon. "Certo che lo è, ma voglio ancora incontrare il mio vero papà." wika n'ya pa sa akin na ang ibig sabihin ay opo na kuntento na siya kay Papa Harold niya pero gusto pa rin niyang makilala ang kaniyang tunay na ama. Here we go again dahil nangungulit na naman ang aking anak na makita at makilala ang kaniyang ama. Gustuhin ko man ngunit natatakot akong masaktan ang napakabata pa n'yang puso. Limang taon na ang lumipas at nasisiguro kong masaya na ngayon si Vaughn sa kanyang pamilya. Mahigit apat na taon na si Vince at habang lumalaki s'ya ay mas lalo lamang nya nakakamukha ang kaniyang ama, para nga silang pinag biyak na bunga. Ang unfair nga, ako ang nagdala sa kanya ng siyam na buwan sa sinapupunan ko pero ang ama pa nya ang naging kamukhang-kamukha nya, parang mini version ni Vaughn Vincent Lee Montreal at hindi maikakailang anak nga niya ito kahit saang anggulo mo pa s'ya pagmasdan. Maging ang pag smirk na laging ginagawa ni Vaughn ay kuhang-kuha ng aking anak. Habang nasa malalim akong pag iisip ay napukaw ako ng tinig ng aking ama. Alam ko naman kung ano ang sadya n'ya sa akin, nararamdaman ko na darating talaga ang panahong ito na magkakaharap kaming muli ni Vaughn. "Hija sa tingin ko ay ito na ang tamang panahon upang bumalik ka ng Pilipinas, kailangan ka ng negosyo natin duon. Huwag kang mag alala at makakasama mo duon ang kapatid mo, tutulungan ka nya upang matutunan mo ang pagpapalakad ng Oamil Corps. Kailangan mo na ring harapin si Mr. Montreal, alalahanin mong isa sa may pinaka malaking shares ang Oamil Corps sa kaniyang kumpanya. Kaya kahit anong gawin mong iwas sa kaniya ay magkikita at magkikita pa rin kayo." mahabang litanya ng aking ama kaya napabuntong hininga na lamang ako. Siguro nga ay ito na nga ang tamang panahon na dapat na kaming muling magkita. Ito na nga ba? Kaya ko na nga ba? I let out a long, deep sigh at pagkatapos ay saka ako muling sumagot sa aking ama. "Okay Papa, I will think about it," wika ko sa kaniya at agad naman niya akong niyakap. Napabuga naman ako ng hangin habang yakap ako ng aking ama kaya natawa siya ng mahina. Alam ko naman na pure business lang kung magkikita man kami pero hindi ko pa rin maiwasan ang mag-isip. Hindi ko alam kung paano ko nga ba kakayanin na makaharap siya at ang kaniyang asawa. Well sana, kapag nagkaharap kami ay hindi niya kasama ang kaniyang asawa. Ayokong maging awkward ang lahat sa amin. "The sooner, the better, hija. Our company in the Philippines needs you," he said and smiled at me. "Okay, Papa, I'll discuss the plans with Kuya Harold." wika ko naman sa kanya at nakita ko sa kaniyang mga mata ang sobrang kasiyahan. "Very good hija, natutuwa ako at nakikita kong nagiging matapang ka ng harapin ang lahat ng bagay at hindi ka na basta-basta sumusuko." ani nya pang muli na tila ba may paghanga sa akin. "Ako nagturo dyan kung paano maging matapang Papa." ani ni Kuya Harold na kararating lamang at narinig ang pag-uusap namin ng aming ama. "Hay naku pumpkin pie umandar na naman ang pagiging mahangin mo." natatawa kong wika sa kaniya. "Hey munchkins, kung wala ako sa tabi mo ng mga panahong baliw na baliw ka pa sa ama ng anak mo, baka ngayon sa mental hospital ka namin dinadalaw at kinakausap." pang aasar nya sa akin na agad naman akong napikon kaya't bigla ko siyang hinampas sa kaniyang braso. Makakainis talaga ang kapatid kong ito! Lagi na lang akong inaasar. "Baliw ka talaga! Papa si kuya pagsabihan mo nga po," ani ko habang napipikon ako at pagkatapos ay hinabol ko ang sira ulo kong kapatid na ngayon ay tinatakbuhan na ako. Grrr pag inabutan ko talaga s'ya kakalbuhin ko ang mahaba niyang buhok. "HAHAHAHA pikon ka pa rin hanggang ngayon munchkins!" ani nya sa akin habang tumatakbo at tumatawa ng malakas habang papalabas ng aming bahay. "Kapag naabutan talaga kita ay mata mo lang talaga ang walang latay at aahitin ko talaga 'yang long hair mo!" Inis kong wika sa kanya. Lumipas pa ang dalawang buwan at napag pasyahan na namin ng kapatid ko na si Kuya Harold na babalik na kami ng Pilipinas. "Nakapag pa booked na ako ng flight natin, next week na ang balik natin ng Pilipinas munchkins kaya maghanda ka na. Ready ka na bang makaharap ang taong matagal mo ng pinagtataguan?" ani sa akin ng aking kapatid ngunit hindi agad ako nakasagot. Handa na naman talaga ako na makaharap siyang muli, ang hindi ako handa ay ang malaman niya ang tungkol sa aming anak na si Vince. "I have moved on Pumpkin pie, and as far as I know masaya na rin siya sa kaniyang bagong pamilya, it's been five years kaya don't worry I am okay." nakangiti kong ani sa kaniya. "Okay, if you say so!" ani niya na tila ba hindi siya nainiwala sa aking sinabi. "Naikuha mo na rin ba ng ticket si Donna? You know naman na s'ya ang magbabantay kay Vince pagdating natin ng Pilipinas kuya." ani ko sa kanya. Hindi magkasundo ang aking kapatid at ang aking best friend. Lagi silang nag aaway at hindi magkasundo sa maraming bagay kaya madalas ay nauuwi sila sa pikunan. "Oo naman noh! Kahit naiinis ako sa best friend mo na 'yon ay ikinuha ko pa rin s'ya ng ticket. Sabay sabay ang flight nating apat next week kaya don't worry sis dahil ang lahat ay nakaayos na." he said kaya nagkibit balikat na lamang ako. "Sigurado ka ba na ayaw mong mag private jet tayo?" ani ni kuya. Umiling ako sa kanya kaya nagkibit balikat na lamang siya. Habang papalapit ang araw ng pagbabalik namin sa Pilipinas ay hindi ako mapakali, what if makita nya ang anak ko? What if kuhanin nya sa akin ang anak ko? What if mahulog akong muli sa kanya? Napakaraming gumugulo sa utak ko. Pero hindi, dahil I know to myself that I have moved on kaya alam ko sa sarili ko na wala na akong mararamdaman pang kahit na ano kapag nagkita na kaming muli. "Bff, excited much na akong umuwi ng Pinas OMG! Makakalanghap na naman ako ng hangin ng ating lupang sinilangan," excited na wika sa akin ni Donna. "Ay ang OA lang bff?" natatawa kong wika sa kaniya. "Bakit ba eh sa excited naman talaga ako?!" nakanguso nyang sagot sa akin. "Naku bff! Panigurado, kapag nakita ka ulit ng ama ng anak mo siguradong maglalaway 'yon sayo. Look at you na, grabe napakaganda mo lalo ngayon. Para kang isang anghel na bumaba sa lupa bff." maarte niyang ani sa akin habang kumekendeng kendeng pa. "Tumigil ka nga sa pang-uuto mo, siguro may kaylangan ka na naman noh?" Kabisado ko na ang kaibigan ko na ito, sa tuwing may kailangan kasi siya ay todo-todo ang pang-uuto niya sa akin. "Aaay grabe s'ya, ano akala mo sa akin ha? Hmp!" nakanguso nyang sambit sa akin kaya natawa ako sa kanya. "Pero bff may nakita akong bagong labas ng LV bag, sige na bff regalo mo na sa akin 'yun sa kaarawan ko." wika nya sa akin habang pinupungayan ako ng kanyang mga mata at yakap-yakap ako kaya natawa na talaga ako ng malakas. "Sabi ko na nga ba! Hoy katatapos lang ng birthday mo last month ah!" sita ko sa kanya habang siya naman ay panay lamang ang tawa. "Hahahaha salamat bff muaaaah!" sabay talikod at pakendeng-kendeng pa talaga itong umakyat sa itaas. Napapailing na lamang ako sa kakulitan ng best friend ko na 'yan, pero masaya ako dahil nakasama ko s'ya dito at isa din s'ya na tumulong sa akin para makalimutan ko si Vaughn. "Okay, fine! Sige na at ibibili kita ng gusto mong bag. Nakakaloka ka bff ha!" ani ko na ikinatuwa niya. Si Kuya Harold naman ay nilapitan si Papa, gusto ko kasi sanang isama sana si Papa para hindi na ako ang haharap kay Vaughn pero ayaw ni Papa dahil marami daw siyang mga inaasikaso dito sa Italy kaya hindi ko na siya kinulit pa. Pero ngayon ay susubukan ni kuya na baka mapapayag niya ito. "Harold, sabihin mo sa kapatid mo na hindi nga pwede. Huwag kayong makulit na magkapatid." ani ni Papa kahit hindi pa namang nagsisimulang magsalita si Kuya Harold. Pagtingin sa akin ni kuya ay napatulis ang nguso ko at napasibangot ako. "Okay Papa, noted po!" ani ko na ikinatawa na ng malakas ni Kuya Harold.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD