Chapter 18 -Pilipinas-

1442 Words
Archeina's POV Dumating ang araw ng pagbabalik namin ng Pilipinas. Lahat ay nakahanda na at ako ay parang sasabog ang puso dahil sa malakas na pagtibok nito. "Ready ka na ba munchkins?" wika sa akin ng aking kapatid. I heaved a deep sigh.. "Yeah I guess." Maikli kong tugon sa kaniya. "Where is Vince?" Tanong ng aking kapatid. "Nasa car na kasama si Donna, alam mo naman ang babaeng yon hindi na makapag antay at talaga namang atat na atat ng makabalik iyon ng Pilipinas." Wika kong tumatawa sa aking kapatid. "Kung ako lang talaga ang masusunod ay iiwanan ko talaga yang babaeng yan dito sa Italy." Wika nyang nakasalubong ang mga kilay. "Sus kunwari ka pa, alam ko namang may lihim kang pagtingin sa kaibigan kong yan." pang aasar ko naman sa aking kapatid. "Hoooy munchkins kahit siya na lang ang natitirang babae sa mundong ibabaw hinding hindi ko yan papatulan, baka mas nanaisin ko na lang na mag isa sa mundo noh o magpakamatay para siya na lang ang nag iisa sa mundo at unti unting mamatay sa lungkot." Inis na inis nyang tugon sa akin. "Hahaha ewan ko sayo kuya." Natatawa kong ani sa kaniya at napapailing na lamang ako sa dalawang ito. "Sasama ako sa paghahatid sa inyo sa airport para makapag paalam pa ako ng mas matagal sa aking apo. Matagal tagal din kayong mawawala kaya siguradong mamimiss ko ang batang yan." Litanya ng aking ama. "Okay dad, I'm sure naman na susunod ka agad ng Pilipinas, sus parang di ka namin kilala." wika ko na napapangiti. "Hindi kasi ako makatagal na hindi ko nakakasama ang aking apo." ani niya sabay tawa ng mahina. Hindi naman nagtagal ay umalis na rin kami at nagpunta na kami ng airport. Matapos ang ilang paalaman ay tuluyan na rin kaming sumakay ng eroplano. Gusto talaga ni kuya na sa private jet kami sumakay kaya nga hanggang sa huling sandali ay kinukulit niya ako kaya ayun at napapayag na rin niya ako. Tuwang-tuwa naman si Donna dahil magkakaroon siya ng sariling silid para daw makapagpahinga siya ng maayos kaya natatawa kami sa kanya. Habang nasa loob kami ng eroplano ay nakakaramdam ako ng kaba na hindi ko maipaliwanag. Pinilit kong pumikit upang makatulog ngunit samot saring katanungan ang gumugulo sa aking utak. 'Kamusta na kaya siya?' bulong ng isip ko. 'Naalala pa nya kaya ako?' muling tanong ng aking isip ngunit batid ko namang nakalimutan na niya ako. Aaminin ko na kinakabahan ako dahil matagal na rin na hindi kami nagkita. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko dahil sa lakas ng t***k nito. Ewan ko ba, alam ko naman sa sarili ko na naka move on na ako. Limang taon na rin naman ang nakaraan kaya sigurado ako sa aking sarili na nakalimutan na siya ng puso ko. Pero bakit ang lakas ng t***k nito ngayong papauwi kami ng Pilipinas? Umayos ako ng pagkakahiga sa kama. Hinalikan ko ang aking ana sa kanyang noo at niyakap ko siya. Napatingin ako kay kuya na nakaupo sa sofa at nakaharap sa kanyang laptop kaya natawa na ako. Hanggang dito ay trabaho pa rin talaga ang inuuna niya kaysa ang magpahinga. "Bakit hindi ka na lang matulog kuya para makapagpahinga ka. Sabi mo nga pag uwi natin ng Pilipinas ay trabaho agad ang naghihintay sa atin. Matulog ka muna para naman may energy ka pag dating natin ng Pilipinas." ani ko sa kanya. "Tatapusin ko lang muna ito, kailangan ko ito kaya need talagang tapusin." ani niya kaya tumayo ako at tinignan ko kung ano ang ginagawa niya. "Gustuhin ko man na tulungan ka pero baka lalo ka lang bumagal kaya hahayaan na lang kita na tapusin 'yan." ani ko at tumabi na lamang ako sa kanya sa pagkakaupo. Inalis niya ang salamin na suot niya sa kanyang mata at hinalikan ako sa ulo. Napangiti naman ako dahil ang swerte ko na may kapatid akong mapagmahal at maalaga. "Kamusta ka? I mean, kaya mo na ba talaga siyang harapin? Ano kaya magiging reaksyon niya kapag nalaman niya na isa ka sa may pinaka-malaking share sa kumpanya nila?" ani ni kuya pero nagkibit balikat lamang ako dahil hindi naman mahalaga sa akin kung sino ang mas may malaking share. Isa pa bakit ba ako magpapa apekto sa kanya eh may asawa na siya at paniguradong may mga anak na din siya. Hindi nga niya ako nagawang hanapin dahil hindi naman ako ang mahal niya. Bakit nga naman niya ako hahanapin kung may Katrina naman siya. Ang Katrina na mahal na mahal niya kaya nga niya ito pakakasalan. "Okay naman ako kuya. Kaya ko ng humarap sa kaniya. Sa totoo lang naka move on na naman ako kaya wala kayong aalalahanin sa akin. Hindi na ako maaapektuhan sa pagkikita naming dalawa." wika ko. Sigurado naman ako sa sarili ko na kaya ko ng makaharap siya basta huwag lang muna niyang malalaman ang tungkol sa aming anak. Hindi pa ako handa. "Mabuti naman kung ganoon. Tama lang 'yan dahil ang mga ganoong klase ng lalake ay hindi pinapahalagahan. Tandaan mo, kapag nagkita kayo huwag kang paaapekto sa kanya kahit na ano pa ang malaman mo tungkol sa kanya. Nagkakaintindihan ba tayo?" ani niya. Napakunot naman ang noo ko sa tinuran niya. Anong ibig niyang sabihin? "Anong ibig mong sabihin ha? May dapat ba akong malaman tungkol sa kanya?" ani ko. Natawa naman si kuya kaya sinibangutan ko talaga siya. "Hay naku! Sabi ko na nga ba at hindi ka pa totally nakaka move on." wika niya kaya nginusuan ko siya. "FYI! Sigurado ako sa sarili ko. Akala ko lang kasi na may ibig kang sabihin sa akin. Kalimutan na nga natin si Vaughn dahil ayokong siya ang pag-usapan natin." ani ko sabay tawa ko ng mahina. "Sige na matulog ka na duon at tatapusin ko lang ito at pagkatapos ay magpapahinga na rin ako. Dito na lang ako sa sofa matutulog dahil napakalapad naman nito." ani niya kaya ngumiti ako at bumalik na ako sa bed, sa tabi ng anak ko. Ipinikit ko ang aking mga mata. Tama si kuya na kailangan ko munang matulog upang kahit papaano ay makapagpahinga ako lalo pa at mahaba-haba din ang byahe namin. Hindi naman nagtagal ay unti-unti ko ng nararamdaman ang pamimigat ng talukap ng mga mata ko hanggang sa tuluyan na nga akong nakatulog. Isang yugyog sa aking balikat at mahihinang yugyog naman sa aking baywang ang gumising sa mahimbing kong pagkakatulog. "Munchkins, wake up! Bumangon ka na at umupo ka na sa upuan mo dahil lalapag na ang eroplano." ani ni kuya habang niyuyugyog ang aking balikat. "Mommy we are here na po. Palapag na po tayo." ani naman ng anak ko sa akin habang niyuyugyog ang baywang ko kaya napabangon akong bigla. Binuhat ko naman agad ang anak ko at inupo ko siya sa upuan niya at naupo naman ako sa upuan ko at kinabit na namin ang mga seatbelts namin. Hindi naman nagtagal ay tuluyan na ring lumapag ang eroplanong sinasakyan namin kaya tuwang-tuwa ang anak ko dahil ito ang kauna-unahang nakarating siya ng Pilipinas. Alam niya din kasi na dito naninirahan ang kaniyang ama kahit na ba katulad namin ay may dugong Italyano. Paglabas namin ng airport ay naramdaman ko ang mainit na haplos ng hangin sa aking balat. Sigh... hindi ako makapaniwala na after five years ay babalik ako dito sa lugar kung saan nawasak ang aking puso ng iisang taong minahal ko ng lubos. "Kung ako lang talaga ang masusunod, wala na talaga akong balak na bumalik pa dito kaya lang kailangan dahil may mga negosyo tayo dito." ani ko sa kuya ko. "OMG! Finally, naramdaman ko ulit ang simoy ng Pilipinas, maalinsangan," ani ng kaibigan ko nagkatawanan kami. Mainit nga ang panahon pero sanay ako sa ganitong klase ng panahon dahil dito ako isinilang at dito ako lumaki. "Kahit magtago ka pa ng matagal munchkins, kung talagang nakatadhana kayong magkita muli, wala kang magagawa upang hadlangan ito. Siguro ay ito na rin ang tamang oras upang muli kayong magkita. Dito natin malalaman kung totoo nga ba na naka move on ka na ng tuluyan." ani ni kuya kaya natawa ako. Bakit ba kasi hindi siya naniniwala na naka move on na talaga ako? Nakakaloka si kuya! Nilapitan naman agad kami ng driver at bodyguard ng aming ama upang ihatid na kami sa aming mansyon. Pagkasakay namin ng sasakyan ay nakikita ko ang katuwaan sa mukha ng aking anak. Hindi ko alam pero siguro ay iniisip niya na ipapakilala ko na siya sa kanyang ama. Hindi pa mangyayari 'yon dahil hindi pa ako handa na malaman ni Vaughn na may anak kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD