Chapter 16 -Naka move on na daw-

1410 Words
-AFTER FIVE YEARS- Archeina's POV Limang taon na ang lumipas at marami ng nagbago sa aking buhay. Nakilala ko ang aking ama nuong mga panahong umalis ako sa mansyon ni Vaughn. Nagpaliwanag ang aking ama kung bakit wala s'ya nuong panahong ipinagbubuntis ako ng aking ina. Humingi s'ya ng kapatawaran at nagpatawad naman ako lalo na at siya na lamang ang natitira kong magulang. Masaya akong naninirahan dito sa Italy kasama ang aking ama at ang aking bff na si Donna. Napakabait ng aking ama at dahil sa kanya nabago ng husto ang buhay ko at ang pamumuhay ko. Ngayon ay naiintindihan ko kung bakit hindi purong pinoy ang tingin sa akin ng mga kasamahan ko nuon sa trabaho. Dahil pala may dugo akong Italyano na nakuha ko sa aking ama. Purong Italyano ang aking ama pero magaling siyang magtagalog dahil sabi niya ay lumaki siya sa Pilipinas. Ako na ngayon si Archeina Villamonte Oamil. Inayos ng aking ama na mapalitan at magamit ko ang kanyang apelyido. Kaya bago pa man kami lumabas ng bansa ay gamit ko na ang pangalan ng aking ama. "Mamma sono a casa," wika ng aking anak na ang ibig sabihin ay mommy I'm home. "Oh, piccola mi manci, dov'e tuo nonno?" ani ko naman na ang ibig sabihin ay I miss him too at hinahanap ko kung nasaan ang kaniyang lolo. "È andato di sopra a riposare mamma." sagot naman niya sa akin na ang ibig sabihin ay umakyat na ang aking ama upang makapag-pahinga kaya naman napangiti na ako sa aking anak at niyakap ko siya ng mahigpit. I kissed his forehead and hugged him tightly. Yes, nagbunga ang gabing may nangyari sa amin ni Vaughn at biniyayaan ako ng isang anak na lalaki. Vince Archie Montreal. And yes, din na pinagamit ko sa kanya ang apelyido ng kaniyang ama. Kung dumating man ang araw na magkikita silang mag ama ay hindi ko ipagkakait na magkakilala sila. Pero hindi pa sa ngayon, hindi pa ako handang malaman nya ang tungkol sa aming anak. Kamusta na kaya s'ya? Masaya na siguro s'ya sa piling ng kanyang asawa, at ilan na kaya ang anak nila? Nang umalis ako sa bahay ng lalaking mahal ko at nakipag kita ako sa aking ama, pakiramdam ko ay 'yun na din ang araw na namatay ang puso ko. Wala akong ginawa kung hindi ang umiyak ng umiyak at may mga pagkakataon pa na gustong-gusto ko ng bumalik sa kanya pero pinipigilan lamang ako ng aking ama dahil ayaw niyang magulong muli ang buhay ko. Nang malaman ko na nag-dadalang tao ako ay may kakaibang saya ang pumalit sa puso ko, kaya ng kinausap ako ng aking ama na sumama na sa kanya sa Italy ay hindi na ako nagdalawang isip pa. Sa Italy ko ipinanganak si Vince. Halos ang kapatid ko sa ama na si Harold James Oamil ang tumayong ama n'ya. Papa Harold ang tawag nya sa aking kapatid, isang taon ang tanda sa akin ni Harold. Munchkin ang tawag nya sa akin at Pumpkin pie naman ang tawag ko sa kanya. Mahilig kasi syang kumain ng pumpkin pie kaya lagi ko syang tinutukso ng pumpkin pie hanggang nasanay na lamang ako na 'yun ang tawag sa kanya. Nuong una ay naiinis pa siya pero ngayon ay sanay na rin kami, five years ko ba naman syang tinatawag na pumpkin pie kaya imposibleng hindi siya masanay sa akin. "Hey munchkins! hai già parlato con il nonno dei nostri affari nelle Filippine?" He asked na ang ibig sabihin sa sinabi niya ay kung nakausap na daw ba si papa tungkol sa negosyo namin sa Pilipinas. "No. non ho ancora parlato con lui." sagot ko naman na ang ibig sabihin ay I haven't talked to him yet. "Okay, kumain ka na ba munchkins? Kanina pa ako nagugutom, gusto mo ba akong sabayang kumain?" ani niya sabay hawak pa sa kaniyang tiyan at may paawa pa ang mukha. "Nope! Tara sabay na tayo?" wika ko naman sa kanya at ngumisi pa siya na akala mo ay nakakaloko. Napaka kengkoy talaga ng kapatid kong ito. Masaya kaming nagsalo sa tanghalian at marami din kaming napag-usapan tungkol sa mga businesses na pag-aari ng aming pamilya. Pag dating ko kasi dito sa Italy ay pinag aral ako ng aking ama kahit na ipinagbubuntis ko nuon ang aking anak, si Harold ang tumulong sa akin at nagturo ng lahat ng gagawin ko. Nakatapos ako ng kursong Business Administration at ngayon ay tumutulong na ako sa pagpapalago ng aming mga negosyo at kumpanya na nakatayo sa iba't ibang panig ng mundo. Sobrang yaman ng aking ama. Kaibigan pa niyang matalik si Tito Desmond Hendrickson kaya talagang maimpluwensya si papa. Lahat din ng gusto ko at ni Donna ay naibibigay sa amin pero hindi naman ako materialistic na tao kaya nga madalas ay tinatanggihan ko ang mga ibinibigay nila lalo na kung hindi ko naman talaga kailangan ang mga ito. "Bakit masyado yatang malalim ang iniisip ng kapatid ko? Huwag mong sabihin na iniisip mo pa rin ang gagong Vaughn na 'yon?" ani ng aking kapatid kaya natawa na ako sa kanya. "Hindi noh! Iniisip ko 'yung tungkol sa negosyo natin sa Pilipinas. Ewan ko ba, pakiramdam ko hindi ko pa sila kayang harapin." ani ko at natawa naman si kuya. "Handa ka na! Nararamdaman ko, and besides, limang taon na ang lumipas munchkins. Huwag mong sabihing apektado ka pa rin ng Vaughn na 'yon?" ani ni kuya kaya ako naman ang natawa sa kanya. "Hindi, noh! Ano ba 'yang pinag-iisip mo diyan? Hindi na ako apektado sa kanya, ang gusto ko na lang ngayon ay mapalaki ko ng maayos si Vince. Sa kanya ko ibubuhos ang lahat ng pagmamahal ko. Tigilan mo 'yang mga walang kwenta mong iniisip, palibhasa loveless ka kaya pati ako dinadamay mo." pang-aasar ko sa kanya na ikinatawa naman niya. "Talagang pinag diinan mo pa ang loveless ha! Gusto mo yatang ipakasal kita kay Winston ha?" pang aasar sa akin ni kuya kaya bigla akong napatayo. "OMG! Isusumbong talaga kita kay lolo kapag hindi mo ako tinigilan sa pang-aasar mo." ani ko sa kanya. Sabi nya kasi ay may taong naghahanap sa akin at Winston ang pangalan. Gusto daw akong pakasalan at oo ko na lang ang hinihintay ng Winston na 'yon. Hindi ko naman 'yon kilala at ang sabi ni kuya at maliit na lalake daw ito na may malaking balak sa mukha, malalaki ang ngipin at halos dilat na dilat ang mga mata. Payatot daw ito at puro tagyawat. Hindi naman sa nag-iinarte ako pero hindi naman ako magpapakasal sa kung sino-sino lang. "Oh, huwag mong sabihin na pinagpapantasyahan mo na ang Winston na 'yon ha?" ani sa akin ni kuya kaya sa inis ko ay iniwanan ko talaga siya sa table at nagtatakbo ako sa itaas. "Bahala ka diyan!" inis kong ani habang siya naman ay malakas lamang na tumatawa. Nakakainis siya, halos ilang taon na niya akong niloloko sa Winston na 'yon. Pagpasok ko ng aking silid ay nahiga agad ako sa kama. Alam kong pinagpaplanuhan ni papa na pauwiin kami ni kuya ng Pilipinas upang kami ang umasikaso ng negosyo namin duon. Hindi pa naman niya nasasabi sa akin pero nararamdaman ko na, ganuon ang plano nila. Kaya ko na ba kung sakaling magkaharap kaming muli ni Vaughn? Siguro dahil limang taon na rin naman ang lumipas at tuluyan na namang nakalimot ang aking puso. Siguro ay kaya ko na ngang makaharap siya. Sa larangan ng pamumuhay namin, alam kong isang araw ay magkakaharap kami, maaaring sa isang event, party or sa mismong usapang negosyo. Ipinikit ko ang aking mga mata at inalala ko ang huling gabi na pinagsaluhan naming dalawa ang buong magdamag. Hindi ako makapaniwala na kaya niyang hindi matulog at s*x lang ang gagawin. Napapailing na lamang ako sa tuwing maaalala ko ang mga panahong takot ako sa kanya, ang mga panahong hinihintay niya ako sa gabi o kaya naman ay pinapasok niya ako sa aking silid. Sobrang minahal ko si Vaughn at hanggang ngayon ay masasabi kong hindi ko pa naman siya nakakalimutan pero handa na akong magmahal ng iba. Ang hindi lang ako handa ay ang makaharap ko siya na kasama niya ang kaniyang pamilya. Ang sakit siguro nuon pero alam ko namang balewala na lang sa akin. Masaya na ako kung saan siya masaya. Alam ko namang sa mga panahong ito ay may mga anak na rin sila ni Ma'am Katrina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD