Chapter 21 -Aagawin daw-

1204 Words
Vaughn's POV Mula ng magkita kaming muli ni Chei kanina ay hindi na siya nawala sa isipan ko. Pakiramdam ko ay muling nanumbalik ang lahat ng sakit ng pag-iwan niya sa akin at mas lalong sumakit ng sa pagbabalik niya ay mayroon na siyang Harold samantalang ako, nandirito pa rin ako at umaasa. Pinahid ko ang aking luha at bumalik ako sa aking opisina. Kinausap ko ang sekretarya ko na ayokong may iistorbo sa akin dahil gusto kong mapag-isa. Hindi pa ako nagtatagal sa pagkakaupo ko sa aking swivel chair ng biglang bumukas ang pintuan ng aking opisina kaya may galit akong naramdaman dahil malinaw naman ang bilin ko sa aking sekretarya. "Didn't I say I didn't want to be bothered? Why don't you f*****g get that?" sigaw ko ng hindi tumitingin sa pintuan. "Sorry po sir ayaw po kasing paawat ni Miss Katrina, nagpupumilit po siyang makapasok dito." may takot sa boses na ani ng aking sekretarya. "So nagkita na pala kayo at nakabalik na ang babaeng 'yon ha? Bakit s'ya nagpunta dito ha? Para agawin ka sa akin? Hindi ako papayag Vaughn!" sigaw sa akin ni Katrina. "Close the door Daisy, and leave," utos ko naman sa aking sekretarya ng hindi ko pinapansin ang sinabi sa akin ni Katrina. "Lower your voice Katrina, I don't like your tone." asik ko na masamang nakatingin sa kaniya. "Kaya ba ayaw mong magpa istorbo ha dahil mainit ang ulo mo? Nagseselos ka dahil may iba na sya? Oh well for your information narinig ko lang namang tinawag ng lalaking 'yon na munchkin ang babaeng kinababaliwan mo. You are too late my dear!" litanya nya sa akin na may kasamang pang uuyam kaya sa sobrang galit ko ay agad akong napatayo sa kinauupuan ako at dinuro ko siya sa kaniyang mukha. "Katrina, get the f**k out of my office. I don't want to hear any of your bullshit. GET THE HELL OUT!" sigaw ko. Nanggigigil ako sa galit na ipinapangalandakan niya sa pagmumukha ko ang tungkol kay Harold. "No Vaughn. Isaksak mo diyan sa utak mo na ang babaeng inaantay mo ay pag-aari na ng iba. Huwag kang hangal! Nandito ako, bakit hindi mo makita na nandito lang ako at naghihintay sa iyo? Wala na ang babaeng 'yon, pag aari na siya ng iba. Gumising ka na sa katotohanan na wala na siya sa iyo!" singhal nya sa akin na lalo kong ikinagalit. "Fùck you Katrina! Bawiin mo 'yang pinagsasabi mo!" sigaw ko habang nanggagalaiti na ako sa galit sa kanya. Para akong bulkan na anumang oras ay handang sumabog dahil sa galit na akong nararamdaman. "GET OU!" I yelled at her. "Don't be a fool Vaughn, after five years you think na babalik siyang single dito upang ipag patuloy n'yo ang naudlot ninyong pagmamahalan ha? Ang tanga mo kung 'yan ang iniisip mo. Ang tanga-tanga mo!" sigaw nya din sa akin kaya napapailing na lamang ako sa kanya. Kung hindi dahil sa mga magulang ko ay baka kanina ko pa siya sinakal. " I don't care, Katrina! Gagawin ko ang lahat mabawi ko lang siya sa lalaking 'yon tandaan mo yan. NOW, GET THE FÙCK OUT OF MY OFFICE!" malakas kong sigaw sa kaniya na ikinapitlag niya. "You are crazy Vaughn. Nabaliw ka na dahil dyan sa katangahan mo." ani n'ya na nangingilid ang luha. "GET OUT!" sigaw ko at ibinato ko ang vase malapit sa kinatatayuan nya kaya napapitlag siyang muli at nagmamadaling lumabas ng aking opisina sa sobrang takot. Inayos ko ang lahat ng gamit ko at nagmamadali akong tumungo sa bar ng kaibigan ko. Hindi ko na kaya na masarili ang problema ko, kailangang may makausap ako bago pa ako mabaliw. Pagkarating ko ng bar ay nagpakalango ako sa alak. Kahit anong pigil gawin sa akin ng mga kaibigan ko ay hindi ko sila pinapansin. "Bro tama na 'yan, lasing ka na," wika ni Michael sa akin. Hindi ko siya pinapansin dahil ang gusto ko lang ay magpakalunod sa alak dahil bigla na lamang naguho ang mundo ko ng dahil sa Harold na 'yon. "Shìt man, it's f*****g hurt like hell! Hindi ako makapaniwala na nagpakatanga ako sa loob ng limang taon at inisip na maaari pa siyang bumalik na ako pa rin ang mahal niya. Ang tanga ko! Ang tanga-tanga ko!" wika ko sa kanila habang tinutungga ang bote ng alak. Parang dinudurog ang puso ko sa tuwing maaalala ko kung gaano sila ka sweet ng lalaking 'yon. Bakit kailangan nilang gawin sa harapan ko 'yon? "Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit hindi natin s'ya mahanap-hanap mula pa man nuon, dahil protektado sila ng mga Hendrickson. Kilalang magkaibigan ang tanyag na Oamil na ama ng Harold na 'yon at ang ama ni Dazzle Hendrickson. Malakas at maimpluwensya ang mga taong nasa likod niya bro. Hinaharang nila ang lahat ng taong gustong mahanap ang babaeng 'yon kaya nahihirapan kaming matunton ang kinaroroonan niya. Dapat pala si Owen ang kinaibigan ko, kaya lang inis ako sa mayabang na 'yon." wika ni Gavin sa amin. "Ano na ang gagawin mo ngayon? Ang sabi mo ay asawa na s'ya ng Harold Oamil na 'yon, hindi mo kayang banggain ang mga taong 'yon bro. Para kang kumalaban sa buong mundo." ani ni Jayvee sa akin. Alam ko naman 'yon kaya nga nandito ako at nagpapakalasing pero kahit gaano pa sila ka-impluwensya, ipaglalaban ko si Chei. Ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sa kanya. "Kahit ubusin ko ang lahat ng kayamanan ko mabawi ko lamang siya ay gagawin ko." wika ko sa kanila na ikinagulat naman nila. Napatingin sila sa akin. Inaarok nila ang katotohanan sa mga sinabi ko. "Ang tanong ay kung sasama siya sayo, sa loob ng limang taon baka nga may anak na ang dalawang yon." Saad naman ni Zandro na nagpataas ng aking ulo at tumingin ng matalim sa kaniya. "Wala akong pakialam. Babawiin ko siya sa ayaw at sa gusto nya, kung kinakailangang kidnapin ko s'ya ay gagawin ko." Galit kong ani sa kanila. "Tama nga si Katrina bro nababaliw ka na nga dahil sa pagmamahal mong 'yan sa babaeng 'yon. Paano mo aagawin ang isang babaeng pag-aari na ng iba? Paano mo ipaglalaban ang isang babaeng asawa na ng iba? Nababaliw ka na nga bro kung inaakala mo na mababawi po pa siya." napapailing na ani ni Gavin sa akin habang nakatitig siya sa akin. "Oo baliw na kung baliw. Nababaliw na ako dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya. Limang taon ko siyang hinintay Tang-na! Limang taon pagkatapos malalaman ko na lang na isa na siyang Oamil? Ang sakit bro! Tang-na ang sakit-sakit!" sigaw ko sabay bato ng basong hawak-hawak ko kaya sumabog sa sahig ang mga basag na bubog ng humalik ito sa flooring. "Hey man, relax lang! Kung gusto mo ay susubukan ulit namin alamin ang relasyon nilang dalawa kung makakapasok kami. Limang taon nating sinubukan pero wala tayong nagawa. Kasi nga protektado silang masyado ng mga taong nasa likuran nila pero susubukan ulit namin since nandito na naman sila sa Pilipinas." ani naman ni Michael sa akin. Hindi naman ako kumibo. Hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang gagawin ko, masyado akong nasaktan sa mga nakita ko. Masyado akong sinasaktan ni Chei.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD