Chapter 20 -Ang tunay na damdamin-

1505 Words
Archeina's POV Nang makita ko syang nakatitig sa akin pakiramdam ko nanghina ang aking mga tuhod, buti na lang at nilapitan ako ni Kuya Harold at iginiya na sa upuan na katabi nya. Nangangatog talaga ang mga tuhod ko at pakiramdam ko ay babagsak ako lalo na ng tinitigan niya ako. Nagtapang-tapangan lang talaga ako pero ang totoo ay nabibingi ako sa lakas ng t***k ng puso ko. "Are you okay, munchkin?" he whispered. Okay nga lang ba ako? Hindi. Dahil hanggang ngayon apektado pa rin ako sa lalaking kaharap namin, hanggang ngayon ginugulo pa rin niya ang isipan ko. "Y-yeah." tugon ko naman sa kaniya na hindi ko man lamang matignan ang mga mata niya. Nagsimula na ang meeting namin, nararamdaman ko ang matatalim niyang titig na tila ba nagbabaga at handa akong lamunin ng buo. Nararamdaman ko ang matinding galit mula sa kanyang mga titig. Hindi ko maunawaan kung bakit nagpapakita siya sa akin ng galit samantalang wala naman akong ginawang masama sa kanya. Kung tutuusin siya ang may kasalanan ng lahat. Kung tutuusin siya ang mapaglaro dahil kahit ikakasal na siya nagawa pa rin niyang pagtaksilan si Katrina. Hindi ko na lamang siya pinapansin, ayokong makagawa ng kahit na anong eksena dito kaya nananatili na lamang akong tahimik at naka focus sa kung ano ang pinag-uusapan namin dito tungkol sa ilang proyekto. Pagkaraan ng tatlong oras ay natapos din ang meeting ng hindi ko namamalayan. Ramdam ko pa rin ang kanyang mga titig kahit na nung nakalabas na kami ng conference room. "Grabe mga titig niya sa iyo, tumatagos." ani ni kuya pero hindi ko siya pinansin. "Nakikiramdam lang ako kanina, kung may gagawin siyang hindi tama talagang Paglabas namin ng elevator at naglalakad na kami papuntang parking lot ng makasalubong namin si Katrina. Hindi ako nagpahalata na nagulat ako pero may kung anong kirot akong nararamdaman sa aking puso. Napaka sexy pa rin nya at napaka ganda, no wonder s'ya ang piniling pakasalan ni Vaughn. "Is my babe done with his meeting?" she asked the girl at the front desk; kaya napatingin din ako. "Yes ma'am! Hinihintay ka lang po niya sa opisina niya." nakangiting tugon naman ng babae sa kaniya. Napatingin sa gawi namin si Katrina at napahinto sa kanyang paglalakad. Tinitigan nya akong mabuti at pilit niya akong kinikilala, hanggang sa bigla na lamang napaawang ang kanyang labi ngunit wala kahit isang salita ang lumabas sa kanya. "Let's go, munchkin. Our car is waiting for us." Kuya Harold said. Ngumiti ako kay Katrina at bigla syang nagulat na animo'y nakakita ng multo. Dumiretso na kami sa paglalakad papalabas ng building na pag-aari ng mga Montreal. Nilingon ko si Katrina bago kami lumabas ng pinto ng building at laking gulat ko dahil nakatayo pa rin sya at nakatitig sa akin na parang may mga takot sa kanyang mga mata. 'Ano problema nya? Hindi naman kami magkakilala pero bakit ganuon na lang niya ako titigan?' bulong ko sa sarili ko. Nang makalabas na kami ng building ay dali dali kaming sumakay sa aming sasakyan. Habang binabagtas namin ang daang pauwi ay hindi ko maialis sa aking isipan ang imahe ni Vaughn. Aaminin kong may kung anong saya sa aking puso ng makita ko siyang muli. Sa loob ng limang taon, hindi ko inakala na muling titibok ng ganuon kabilis ang aking puso. Ngunit ng makita ko si Katrina ay napalitan ng kirot ang sayang naramdaman ng aking puso. Para akong sinampal ng katotohanan na may iba ng nagmamay-ari ng kanyang puso. Mali ito, I have moved on at kinalimutan ko na ang damdamin ko para sa kanya. Dapat hindi ko na s'ya iniisip at sa tingin ko naman ay masaya na siya sa piling ni Katrina. Nakarating kami sa mansion na walang ibang laman ang aking isipan kung hindi si Vaughn lamang. "Mommy, I miss you!" masayang wika ng aking anak sa akin. Napangiti naman akong bigla dahil sa masayang bati ng aking anak. "Oh sweetheart, I miss you so much too," wika ko naman at pinupog ko na s'ya ng mga halik sa iba't ibang parte ng kaniyang mukha. "Hey buddy! How about me? Don't you miss me?" nagtatampong wika ng aking kapatid kaya natawa naman ako sa kaartehan ni Kuya Harold. Mabilis naman siyang nilapitan ng anak ko kaya tuwang-tuwa na naman si kuya. "Hi Papa Harold, of course I miss you too," ani naman ng aking anak sabay yakap niya sa tiyuhin niya at nagpakarga pa ito. "Ang drama mo Harold hindi bagay sa iyo!" mapang asar na ani naman ni Donna sa kanya. Si kuya at ang kaibigan ko, mula yata ng tumuntong kami dito at nakasama sila, hindi na sila nagkasundo. Lagi na lamang silang nag-aaway ng walang dahilan. Hindi na ako magtataka kung isang araw ay magkatuluyan ang dalawang ito. "Inggit ka lang dahil walang sumasalubong sayong pamangkin na kasing gwapo ng pamangkin ko." inis na sagot ng kapatid ko sa aking kaibigan. Napapailing na lamang ako dahil tila alam ko na kung saan hahantong ang asaran nila. "Buti pa nga yang pamangkin mo gwapo, ikaw mukhang timang!" sagot naman agad ni Donna, at nakikita ko na ang pasalubong ng kilay ng kapatid ko. "Tumigil nga kayong dalawa baka mamaya magkapikunan pa kayo nyan ha," saway ko sa kanilang dalawa. "Yan ang pagsabihan mo munchkin, masyadong obvious na nagpapapansin sa akin. Chaka naman!" inis na ani ng aking kapatid. "Wow ha! Ako talaga ang Chaka? Kung chaka ako ano ka pa kaya?" galit na wika ni Donna na halatang pikon na pikon na sa aking kapatid. "Tama na yan sabi eh!" ani ko sa kanilang dalawa dahil pati ako ay naiinis na sa kanila. "Aakyat na ako sa itaas dahil ang pangit-pangit ng atmosphere dito." inis na turan ng aking kapatid at tuluyan ng tumalikod at umakyat na sa itaas. "Bff ano na? Kamusta naman ang pagkikita ninyong muli? Anong naramdaman mo ha, may sparks bang muli? May tugudog-tugudog ka pa bang naramdaman sa ama ng anak mo ng muli siyang makita ha?" tanong agad ni Donna sa akin ng tuluyan ng nawala sa paningin namin si kuya. "Huh? Anong tugudog-tugudog? Gusto mo 'yang mukha mo ang itugudo- tugudog ko ha?" natatawa kong ani sa kaniya. Pilit kong itinatago sa kanya ang kirot na nararamdaman ko ng marinig ko kung ano ang itinawag ni Katrina kay Vaughn kanina. Hanggang ngayon talaga ay apektado ako at kailangan kong tatagan ang kalooban ko upang isa man sa kanila ay hindi mapansin kung gaano ako kaapektado. "Ay mapanakit ka na bff! Nagtatanong lang naman ako dahil after five years ay nagkita kayong muli, after five years ay malalaman mo kung maaapektuhan ka pa rin ba kay Vaughn." ani niya sabay ingos ng nguso nya at padabog na umalis sa aking harapan at naupo sa sofa. Naiiling na lamang ako sa aking kaibigan. Tama naman siya, dahil ng makita kong muli si Vaughn kanina ay tila ba may kung anong puwang sa puso at pagkatao ko ang muling nabuo at nabuhay makalipas ng limang taong pangungulila sa taong isinisigaw ng aking puso. Muli kong naramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko kanina na tanging kay Vaughn ko lamang nararamdaman. Hindi ko maunawaan ang sarili ko. Alam kong mali dahil may Katrina na siya. May babaeng nagmamay-ari na ng kaniyang puso pero heto ay nararamdaman ko pa rin siya sa aking puso. "Ay ayan na nga ba ang sinasabi ko! Tumibok ngang muli ang puso mo noh?" ani ng aking kaibigan kaya napatingin ako sa kanya. "H-Hindi noh!" ani ko at tinalikuran ko na siya at mabilis akong umakyat sa aking silid. "Hindi mo ako maloloko bff!" malakas niyang ani na hindi ko na pinansin pa at tuloy-tuloy lamang ako sa pag-akyat ko sa itaas. Agad kong isinara ang pintuan ng aking silid ng tuluyan na akong makapasok. Nahiga ako sa aking kama at napahawak ako sa aking dibdib at tuluyan ng tumulo ang aking mga luha. Ipinikit ko ang aking mga mata at muli kong inalala ang huling gabi na kasama ko si Vaughn, ang huling gabi kung paano ko nagparaya sa lalaking minamahal ko kahit alam ko na may iba na siyang mahal. Akala ko pagkatapos kong lumayo ay tuluyan na akong nakalimot pero nagkamali ako, dahil ang totoo heto at nasasaktan pa rin ako. "Oh god please, kahit ngayon lang po, please po tulungan ninyo akong kalimutan ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya. Kahit ano pong pagkakaila ang gawin ko sa kanila, kahit ilang ulit kong sabihin na hindi ko na siya mahal, alam kong nagsisinungaling lamang po ako sa aking sarili. Please po kahit ngayon lang, tulungan po ninyo akong kalimutan ang pag ibig ko para sa kanya." Ang sakit na makitang may ibang babae ang nagbibigay ng kaligayahan sa taong mahal ko. Hindi na lang sana ako nagbalik pa dito kung muli ko lang pala mararamdaman ang sakit ng isang pagkabigo. Okay naman na ako sa Italy, masaya na naman ako duon kahit hindi ko siya nakikita. Bakit kailangan kong masaktan ngayon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD