Chapter 22 -Archeina-

1434 Words
Archeina's POV Kanina pa ako kinukulit ng kaibigan ko na mag-bar. Sa totoo lang ay gusto ko naman talaga kaya lang iniisip ko din ang anak ko dahil baka hanapin ako at umiyak kapag hindi niya ako nakita. "Sige na bff kahit ngayon lang. Sa Italy nga halos gabi-gabi tayo nag ba-bar hindi ba? Sabi nila maganda daw ang G.A.V bar sa Makati. Puro pang sosyalin lang daw ang pumupunta duon at hindi basta-basta nagpapapasok duon ng kung sino-sino lang. Sige na bff kahit ngayon lang tapos hindi na kita kukulitin bukas, next day na lang." ani sa akin ni Donna sabay tawa niya kaya natatawa din ako sa kanya. "Si Vince gising pa, baka umiyak lang 'yan." wika ko sa kaniya. "Nandyan naman ang yaya nya at ang daming bodyguards sa labas ng mansion. Sige na bff pagbigyan mo na ako kahit ngayon lang." pangungulit pa nyang muli sa akin. Napabuntong hininga naman ako at napatingin ako sa kanya. Muli akong humugot ng malalim na paghinga at kinuha ko ang telepono ko na nasa aking bulsa. "Wait lang at tatawagan ko si Kuya Harold para at least alam nyang aalis tayo." wika ng ikinatuwa naman ni Donna habang pumapalakpak pa siya. "Yes, yes, yes! Wooohooo! Sa wakas makakapag hanap na naman ako ng gwapong Fafa." tumitili nyang wika habang nagtatatalon na sa sobrang katuwaan. Nakakaloka talaga itong kaibigan kong ito. Hindi ako makapaniwala na kaibigan ko ang lukaret na ito. Agad kong tinawagan ang aking kapatid at ilang ring lamang ay agad nya din itong sinagot. "Hey munchkin, may problema ba?" tanong nya mula sa kabilang linya. "Uhmm, wala naman kuya, gusto ko lang sanang magpaalam. Kinukulit kasi ako ni Donna na mag bar ngayong gabi, kaya pinagbigyan ko na. Sabi ko tawagan muna kita para at least alam mong lalabas kami ngayon." wika ko sa kaniya. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya kaya natawa ako ng mahina. Alam kong naiinis talaga siya sa kaibigan ko at hindi ko maunawaan kung bakit. "Yan talagang babaeng 'yan kung saan-saan ka na naman kinakaladkad. Alam ko namang nakapag desisyon ka na kaya sige pumapayag ako pero magsama kayo ng bodyguards kahit dalawa lang. Alam mo naman na kung nandito lang si Papa ay hindi 'yun papayag na umalis ka ng walang kasamang bodyguards." sagot niya sa akin kaya napangiti na ako. "May magagawa pa ba ako? Sige magsasama kami ng bodyguards para mapalagay ang loob mo." wika ko sa kaniya habang umiikot ang aking mata. "Saang bar ba kayo pupunta? tanong nya. Napaisip pa ako saglit at pilit kong inaalala ang sinabi sa akin ni Donna. " Uhmm, G.A.V bar daw sabi ni Donna." wika ko sa kanya. "Okay I know that place. Baka daanan ko kayo mamaya duon pagkatapos ko dito." wika ng kapatid ko kaya napangiti na ako. Well mas okay nga kung pupuntahan niya kami para naman may kasama kaming lalake. Hindi ko pa kasi kabisado ang mga bar dito. "Sounds good. Maliligo na ako at ng makapag ready na din ako, bye pumpkin." wika ko na ikinatawa niya ng marinig niyang tinawag ko siyang pumpkin at pagkatapos ay agad ko ng pinatay ang aking telepono. PAGKATAPOS kong maligo ay humarap ako sa salamin at tinuyo ko ang buhok ko, pagkatapos ay kinulot ko ang bandang dulo ng aking mahabang buhok na kulay ash brown. Naglagay na din ako ng make up pero mild lang, mas okay pa din ang natural beauty kaysa naman sa tambakan ko ng make up ang aking mukha. Tumayo ako at pumasok sa aking walk-in closet at isa-isa kong tinignan ang mga dress na nakasabit sa hangeran. Gusto ko sana ay simpleng dress lang, 'yung hindi makakaagaw ng pansin para naman hindi kami bastusin. Pero sabi naman ni Donna ay disenteng bar ang pupuntahan namin kaya siguro naman ay walang lalapit sa amin. Sinukat ko ang black dress na hanggang ibabaw ng tuhod ko na hapit sa aking baywang na kita ang aking likod. Pagkatapos kong maisukat ang dress ay napangiti ako habang nakatitig ako sa salamin at pagkatapos ay umikot ikot ako sa harapan ng salamin habang pinagmamasdan ko ang aking sarili. "Perfect!" bulong ko sa aking sarili na hindi nawawala ang aking ngiti. Pinarehasan ko ito ng brown stiletto na may taas na four inches at tinernuhan ng isang simpleng itim na clutch bag. Hindi naman nagtagal ay natapos na rin kaming magkaibigan at tuluyan na kaming umalis kasunod ang dalawang bodyguards namin. Habang binabagtas namin ang G.A.V bar ay kumakabog ang dibdib ko ng hindi ko alam kung bakit. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang aking nararamdaman pero kakaiba talaga. Pakiramdam ko nga ay tila ba gusto pang tumalon ng aking puso palabas ng aking dibdib sa sobrang lakas ng t***k nito. "Okay ka lang ba bff? Bakit parang hindi ka yata mapakali dyan sa kinauupuan mo ha?" wika ni Donna sa akin. "Okay lang ako, pagod lang siguro ako kaya ganito ang nararamdaman ko." wika ko at ngumiti ako sa kanya. "Don't worry bff siguradong mag eenjoy ka duon pagdating natin. Marami daw gwapo sa lugar na 'yon, nabasa ko sa social media kanina." ani nya pa sa akin kaya muli ko siyang nginitian. Hindi naman ako pupunta ng bar para lang maghanap ng gwapo. Kuntento na ako sa anak ko at hindi na ako naghahanap pa ng makakasama sa buhay. Nakarating kami sa bar na tinutukoy ni Donna at tama nga s'ya dahil napaka ganda nga ng lugar na ito. Hindi s'ya pangkaraniwang bar o basta bastang bar lang na makikita mo. Sa tingin ko ay puro mayayaman lamang ang kayang pumunta sa lugar na ito dahil sa sobrang pagka elegante nito. Pumasok na kami sa loob at pumuwesto sa bakanteng table. Ang kasama naming bodyguards ay sa kabilang table naman pumuwesto at hindi kami nilalapitan. Maingay at puno ng tao sa dance floor na nagkakasayahan kaya napapaindak din tuloy ako dahil sa ganda ng beat ng tugtugin. Napatingin ako sa itaas, puno na rin ng tao ang VIP area kaya dito na lamang kami sa 1st floor nakaupo. Ayoko namang makipagsiksikan sa kanila duon kaya mas okay na dito na lamang kami. "Bff d'yan ka lang at kukuha ako ng maiinom natin. Ano ba ang gusto mo?" ani nya. "Just get one bottle of their exorbitant tequila and two shot glasses. We'll have a good time and get wasted tonight." wika ko sa kanya na mas lalo niyang ikinatuwa. Nuon ay hindi ako umiinom pero natuto na rin ako dahil sa mga gatherings na pinupuntahan namin nila kuya lalo na kapag tungkol ito sa mga negosyo. "Alright!" malakas nyang tili habang papalayo papunta sa bar area. Natatawa na lamang ako sa kaibigan ko dahil kung umakto siya tila ba ngayon lamang siya nakapasok ng bar samantalang sa Italy ay madalas kaming mag-bar. Maraming nagtangkang makipag kilala sa amin at gustong mag join sa table namin pero lahat sila hindi pumasa sa bodyguards namin na lagi silang pinaaalis dahil bilin ni kuya sa kanila. Bawat kilos nga namin ay nakabantay ang bodyguards at hindi kami iniiwanan ng tingin. "Bff tara sayaw tayo." aya sa akin ni Donna habang hinihila niya ang kamay ko kaya tumayo ako at sinenyasan ko ang bodyguards na bantayan ang gamit namin sa table. Tumango lamang sila at pagkatapos ay tinungo na namin ni Donna ang dance floor na punong-puno ng tao na sumasayaw sa saliw ng tugtugin. Masaya kaming nagtungo sa gitna ng dance floor at nakipag sabayan kami sa saliw ng tugtugin. Marami-rami na rin ang nainom ko kaya ramdam ko na ang pamamanhid ng aking mukha. Isang lalake ang tumapat sa akin at nakipag sayaw, nararamdaman ko ang paghimas nya sa aking braso at ang panaka-nakang pag hawak niya sa aking balakang. Dahil sa kalasingan ay hindi ko na s'ya pinapansin sa kanyang mga ginagawa patuloy lamang ako sa aking pag indak at binabale wala ang mga ginagawa nyang paghimas sa aking balikat at braso. Sige lang ako sa pagsayaw, sayaw lang ng sayaw ng bigla na lamang bumagsak sa sahig ang lalakeng humahawak sa akin at isang sipa ang tumama sa kanya na ikinagulat ko at napasigaw pa ako. Para akong itinulos sa kinatatayuan ko ng makilala ko ang lalakeng walang habas na nanakit sa lalaking kasayaw ko at hindi na ako makapagsalita pa. Napatingin ako sa kaibigan ko at maging siya ay hindi na rin makapagsalita pa. Ang t***k ng puso ko ay tila ba may libo libong kabayong nag-uunahan sa pagtakbo, na maging ang ingay sa paligid ay hindi ko na naririnig pa dahil sa lakas ng pagtibok ng puso ko.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD