Vaughn's POV
Katok sa pintuan ng aking opisina ang pumukaw sa aking ginagawa sa harapan ng aking laptop.
"Come in" Malamig kong tugon. Sa totoo lang ay wala akong planong magtrabaho ngayon dahil tinatamad ako kaya lang ay mahalaga akong meeting sa isang napaka importanteng tao.
"Sir, I just wanted to give you a quick reminder about your meeting with Oamil Corp. in an hour." ani nya sa akin habang nakangiti na tila ba nagpapa cute. Napailing na lamang ako sa kanya at mabilis kong inalis ang tingin ko sa kanya.
"Okay. You may leave now!" pagtataboy ko sa aking sekretarya at ibinalik ko na ang aking atensyon sa aking ginagawa.
Mataman kong pinag aaralan ang mga irerepresent ko mamaya sa meeting namin with Oamil Corps, ng bigla namang tumunog ang aking intercom.
"What is it, Daisy?" asik ko dahil hindi ako makapag concentrate dahil sa kakatawag niya. Naiirita na ako na maya't maya ay naiistorbo ako sa aking ginagawa.
"Miss Katrina is here, I'm sorry, sir." Sagot nya sa kabilang linya. Bumuntong hininga muna ako bago ko s'ya sinagot. Pilit kong pinaglalabanan ang nararamdaman kong inis dahil ayokong maapektuhan ng galit ko ang meeting ko mamaya.
"Let her in," utos ko at pinatay ko na ang intercom. Hindi ko na siya hinintay pang sumagot dahil baka mas lalo lamang akong mainis sa kanya.
Mayamaya pa ay bumukas na ang pinto ng aking opisina. Hindi ko tinignan si Katrina dahil mas importante ang ginagawa ko sa kung ano man ang sadya niya sa akin.
"Hey babe, tara at sabay na tayo mag lunch," ani nya sa akin kaya naman napatingin ako sa kanya.
"What time is it?" ani ko sabay tingin ko sa aking orasang pambisig. Napamura akong bigla ng mapagtanto ko na tanghalian na pala at kailangan ko pang kumain dahil mahaba-haba ang meeting na magaganap mamaya.
"Let's go, mag lunch muna tayo?" ani niya sa akin pero umiling ako. Wala na akong oras kung aalis pa ako dahil in one hour ay darating na ang ka meeting ko.
"No, ikaw na lang ang kumaing mag-isa dahil marami pa akong trabaho. May food ako dito na pwede kong kainin. Sige na Katrina dahil marami pa akong trabaho na dapat tapusin. Ayoko sa lahat ng naiistorbo ako ng walang mahalagang dahilan." ani ko ng hindi ko siya tinitignan. Narinig ko ang pagdadabog niya at ang mga hakbang niya palabas ng aking opisina. Hindi ko siya tinapunan ng tingin at hinayaan ko na lamang siyang umalis.
Mayamaya ay tumunog na naman ang intercom ko at inis ko itong sinagot. Kanina pa talaga ako naiirita sa kakatunog ng intercom ko. Mas lalo tuloy akong naiinis. Mabilis ko namang sinagot ang tawag niya at galit ko siyang tinanong.
"What is it again Daisy?" asik ko sa nasa kabilang linya.
"Sir, Mr. Oamil is already waiting for you in the conference room." ani niya kaya bigla akong umayos sa aking pagkakaupo at sinave ko ang file sa laptop ko.
"OK, Daisy. I will be there in two minutes if I have all of my documents ready." sagot ko naman at pinatay ko na muli ang intercom.
Nang maiayos lahat ni Daisy ang gamit na kailangan ko ay tumungo na rin agad ako sa conference room, ayoko naman silang paghintayin ng matagal kaya tinungo ko rin agad ang conference room.
"Good afternoon, Mr. Harold Oamil," bati ko sa kaniya ng may isang respetadong ngiti sa aking labi.
"Good afternoon, din sa iyo Mr. Vaughn Montreal," nakangiti nya ring bati sa akin.
"Shall we start?" tanong ko at agad kong binuhay ang laptop na nakaharap sa akin.
Napatingin ako kay Mister Oamil ng hindi ito kumibo kaya napataas ang mga kilay ko at hinihintay ko ang go signal niya.
"Could we kindly wait a few minutes? My munchkin is on her way, and she'll be here in two minutes if that's fine with you. I want to talk to you about a few important matters na nakaharap din ang aking munchkin." ani nya sa akin ng nakangiti.
Hmmm munchkins huh? Baka girlfriend or wife nya. Bulong ng isip ko kaya napangiti na rin ako sa kaniya at napatango akong bigla. Marami pa namang oras at two minutes lang naman ang hinihingi niya.
"Yeah sure, marami pa naman tayong oras," ani ko sa kaniya at pagkatapos ay halos sabay-sabay na kaming naupo sa tapat ng mahabang lamesa.
Hindi naman naging matagal ang paghihintay namin at bigla ding bumukas ang pintuan ng conference room kaya agad akong napatingin dito. Ganoon na lamang ang pagkagulat ko ng makita ko ang babaeng kay tagal-tagal ko ng gustong masilayan. Ang babaeng kay tagal kong hinanap at ang babaeng dahilan kung bakit halos mabaliw ako ng ilang taon. Ang babaeng dumurog ng aking puso ay nasa harapan ko ngayon.
"Buon pomeriggio, scusa se sono in ritardo." wika nya sa salitang italyano na ang ibig sabihin ay good afternoon and sorry dahil late siya.
Parang binundol ang puso ko sa lakas ng kabog nito habang nakatitig ako sa babaeng nakatayo sa may pintuan ng room na ito.
Napatayo akong bigla, parang gusto ko syang takbuhin at yakapin, ngunit para akong tinulos na kandila ng nilapitan siya ni Harold at niyakap at hinalikan sa pisngi.
"Siete qui munchkins, pensavo che non ce l'avreste fatta." wika ni Harold sa salitang italyano na ang ibig sabihin ay sa wakas ay nandirito na rin ang munchkin niya at inakala niyang hindi na ito makakarating. Damn ang sakit sa puso.
Nakakaintindi ako ng italyano dahil matagal din akong nanirahan sa Italy dahil may dugo akong italyano.
"Scusa tanto la torta di zucca se sono in ritardo, Traffic come sempre." wika nya naman kay Harold sa salitang italyano pa rin na ang ibig sabihin naman ay 'Sorry Pumpkin pie, I'm late. Traffic as always.' Para akong sinaksak sa puso habang pinagmamasdan kung gaano sila ka sweet sa isa't isa. Unti-unting nadudurog ang puso ko dahil sa dalawang taong nakaharap sa akin.
'Pumpkin pie? Munchkins? Fùck, sila na ba?' sigaw ng isipan ko at pilit kong pinaglalabanan na huwag akong maiyak dahil ayokong makita nila ang aking kahinaan.
Napakuyom ang aking mga kamao at nagngangalit ang aking mga panga sa galit na aking nararamdaman.
"Mr. Vaughn Montreal, I would like you to meet Archeina Oamil. My munchkin!" pagpapakilala nya sa babaeng kaharap ko ngayon na matamang nakatitig naman sa akin. Hindi ako makakilos ng marinig ko ang pangalang binanggit ni Harold kay Chei.
'Oamil?' f**k Archeina Oamil? Ibig bang sabihin nito ay asawa n'ya si Harold? Napakuyom muli ang aking mga kamao at nakaramdam ako ng matinding kirot at panibugho sa aking puso.
Napatingin muli sa akin si Chei at nagpaligsahan kami ng mga titig sa isa't isa. Mayamaya ay s'ya na ang kusang yumuko at hindi kinaya ang nag-aalab kong mga mata dahil sa matinding galit na nararamdaman ko.
Ang laki ng pinagbago nya at mas lalo syang gumanda. Napaka ganda nya na halos lahat ng lalake dito sa conference room ay nakatitig at namamangha sa kanyang kagandahan.
"Shall we start?" pukaw ni Harold kaya napatingin ako sa kaniya.
"Yeah," malamig kong tugon sa kanya habang titig na titig ako kay Chei. Hindi ako maka focus sa ginagawa ko dahil panaka-naka kong pinagmamasdan si Chei. Gustong-gusto ko siyang itakas at itago sa malayong lugar pero napakaraming tauhan ang nagbabantay sa kanila. Gusto kong manuntok hanggang sa magdugo ang aking kamao pero hindi ko magawa dahil alam ko namang wala akong karapatan upang magalit dahil wala namang kami.
Parang kay bilis ng mga oras at hindi ko man lamang namalayan na tapos na pala kami.
Lahat naman ay masaya sa naging outcome ng pag-uusap maliban lamang sa akin na nadudurog ang puso ngayon dahil sa mga nakikita ko.
Tumayo na si Chei at inalalayan naman siya ni Harold. Gustong gusto kong lapitan si Harold at bugbugin sa harapan ni Chei ngunit hindi ko naman magawa. Matinding galit ang nararamdaman ko ngayon, si Harold ba ang dahilan kung bakit iniwan nya ako?
Nasaan na ang sinasabi nyang pagmamahal sa akin? Ang sabi nya hinding-hindi n'ya ako kakalimutan pero bakit ganito?
Hinintay ko s'ya ng limang taon para lang sa wala? Buong akala ko ay minahal nya rin ako pero base sa aking nakikita ay hindi nya ako totoong minahal.
Nagpaalam na sila Harold at sabay na silang lumabas ni Chei habang nakamasid lamang ako.
Kumapit si Chei sa braso ni Harold habang naglalakad palabas ng aking building at naghuhumiyaw ang puso ko dahil sa matinding selos na aking nararamdaman. Wala akong nagawa kung hindi ang pagmasdan na lamang ang papalayo nilang bulto. Wala akong magawa dahil pag-aari na siya ng iba. Ang sakit, napakasakit ng nararamdaman ko sa mga oras na ito, para akong unti unting pinapatay.
Pagkalabas ng lahat ng tao sa loob ng conference room ay napayukyok ang aking mukha sa lamaesa at tuluyan ko ng ibinuhos ang mga luhang kanina ko pa nais isambulat.
"Bakit Chei? Bakit mo ako sinaktan ng ganito? Bakit kailangan mong ipakita sa akin ang ganito? Ano ba ang ginawa ko para saktan mo ako ng ganito?" malakas kong ani at wala na akong pakialam kung sakali man na may papasok dito sa loob at makikita nila akong nagkakaganito.