Chapter 5

2688 Words
Tatlong linggo na ang lumipas mula ng mangyari ang ginawa sa akin ng aming amo sa kanyang silid. Simula ng araw na 'yon ay ginawa ko ang lahat ng paraan upang maiwasan ko ang mapalapit na muli sa aking amo, ginawa ko lahat kahit ang magsinungaling at magpanggap akong may sakit huwag lamang akong mapalapit na muli sa kanya. Araw ngayon ng Linggo at day off ko. Tamang-tama at may gusto akong bilhin sa bayan kaya't maaga pa lang ay aalis na ako. Kakagising ko pa lamang dahil medyo tinanghali na ako ng gising at sinadya ko 'yun dahil off ko naman today at pag-linggo wala din naman dito si Sir Vaughn, duon sya sa condo nya namamalagi kapag araw ng Linggo, siguro dahil may babae syang dinadala duon o kaya ay kasintahan. Masaya akong bumangon upang maligo at diretso na akong pumunta sa aking banyo. Kumakanta kanta pa ako habang naliligo kasi kahit nuon pa ang pagkanta ang nakakagawian kong pampatanggal ng stress. Nang matapos akong maligo ay nagtuyo agad ako ng katawan, ibinalot ko ang aking sarili ng tuwalya at dali-daling lumabas ng banyo. Ganoon na lamang ang pagkagulat ko dahil nakaupo si Sir Vaughn sa gilid ng aking kama at nakatitig sa kanyang phone. Hindi ko malaman ang aking gagawin kung babalik ba ako sa loob ng aking banyo at magkukulong duon hanggang sa makaalis ang aking amo o kaya naman ay palalayasin ko itong amo ko sa loob ng aking silid. "Si-Sir ano po ang ginagawa nyo dito sa silid ko?" Gulat kong tanong sa aking amo. Nag-angat sya ng paningin at napamaang ang kanyang labi at sunod-sunod na paglunok ang kanyang ginawa habang hinahagod ako ng tingin sa aking katawan. Napayakap ako sa aking sarili at nanginginig ang aking tuhod sa kaba na aking nararamdaman. Tumayo si Sir Vaughn mula sa pagkakaupo at unti-unting lumapit sa akin. Ang t***k ng puso ko ay hindi ko na maintindihan, hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin. Halos magkadikit na ang aming katawan sa sobrang lapit nya at batid kong naririnig na niya ang pagtibok ng aking puso. "Sir k-kung may ipag-uutos po kayo ay pupuntahan ko na lamang po kayo sa labas pagkabihis ko." Nauutal kong ani sa amo ko at hindi ko rin malaman kung saang banda ako titingin dahil naiilang na ako. "Iniiwasan mo ba ako ha?" Tanong nya sa akin sa malumanay na tinig at syemay amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga. "Na-Naku sir hindi po! Na-Nagkataon lang po na marami kaming ginagawa sa mansyon nyo." nauutal ko pa ring sagot sa kanya. Nagulat ako ng biglang hapitin ng amo ko ang aking baywang para idikit sa kanyang katawan, halos manlambot ang aking mga tuhod dahil sa kanyang ginawa, pilit ko itong itinutulak ngunit napakalakas nito at hindi man lamang ito matinag-tinag. "Sir a-ano po ang g-ginagawa mo?" Kinakabahan kong ani sa kaniya. "Natatakot ka ba sa akin Chei?" Tanong nya habang unti-unting lumalapit ang kaniyang mukha sa aking mukha. Dali-dali kong iniiwas ang aking mukha at pilit syang itinutulak palayo sa aking katawan. "Si-sir m magbibihis po muna ako." Pakiusap ko sa aking amo na animo sawa na pilit nililingkis ang aking katawan. Tinignan nya ako sa aking mga mata at pagkatapos ay binitawan nya ako. "Sige na magbihis ka na." Utos nya at tuluyan ng lumabas ng aking silid. Nagmamadali kong tinungo ang pintuan upang ikandado ito at napasandal ako habang nanginginig ang aking katawan sa sobrang takot na aking nararamdaman. Ano ba ang ginagawa ng aking amo, bakit sya umaakto ng ganoon sa akin? Nagmamadali akong nagbihis, naka skinny jeans lang ako ng kulay puti at crop top na kulay peach. tinernuhan ko ito ng isang white na rubber shoes. Binuksan ko ang aking pintuan at dahan-dahang sumilip kung nanduon ba ang aking amo, kailangan ko ng makaalis kaagad bago pa nya ako makita. Naweweirduhan na talaga ako sa amo kong 'yon, kung hindi ko lang kailangan ng pera at bahay na matitirhan eh di sana matagal na sana akong umalis dito. Pero wala naman akong ibang mapupuntahan kaya magtitiis na lamang ako at iiwas sa kanya hangga't maaari. Dahan-dahan akong lumabas ng aking silid at sa likod na ako dumaan upang hindi ako makita ng aking amo. Nakalabas ako ng gate na hindi ko nakita ang aking amo kayat nakahinga ako ng maluwag. Naglakad ako palabas ng village upang makasakay ng tricycle papuntang bayan, marami rami din akong mabibili duon na murang mga personal kong gamit. Pagkatapos kong mamili ng mga gamit na kailangan ko ay nakaramdam ako ng gutom kaya nagpunta ako sa isang fastfood na nakita ko upang duon na lamang mananghalian. Pagkatapos kong kumain ay naisipan kong pumunta naman sa park dahil ayoko munang umuwi at ayoko rin munang makita ang amo kong may saltik yata sa utak. Maglakad-lakad na lamang muna ako sa parket upang magpalipas ng oras bago ako umuwi. Habang nakaupo ako sa bench at kumakain ng ice cream ay tumunog ang aking phone. "Luh si Myrna, ano kaya kailangan nito?" Bulong ko sa sarili ko, pag ganito naman kasing day-off ko ay hindi naman niya ako tinatawagan maliban na lang kung emergency. Pagkasagot ko ng telepono ay bigla kong nailayo sa tenga ko ang phone sa sobrang lakas ng boses nya. "Naku bes nasaan ka ba? Jusko umuwi ka na nga at nag aalburuto ang tigre dito sa bahay, ano ba ginawa mo at galit na galit ang amo natin at hinahanap ka ha?" Pasigaw na tanong ni Myrna sa akin na ikinalaki naman ng aking mga mata. "Ha? Teka naman, wala naman akong ginagawang mali, saka day off ko kaya ngayon hindi ba? So bakit ako hahanapin ng amo natin eh sya naman ang nagbigay sa akin ng araw ng Linggo na day off ko." Kinakabahan kong sagot kay Myrna. Aaminin kong nakakaramdam ako ng takot dahil sa mga sinabi niya pero day off ko naman kasi ngayon. "Aba malay ko bes! Basta umuwi ka na ngayon din dahil halos magwala dito ang ating amo at lahat kami ay sinisigawan na, may ginawa ka bang bagay na ikakagalit ng amo natin?" Wika nito sa kabilang linya. Maging ako ay nagtataka kung bakit nagagalit ang amo namin gayong alam naman nila na araw ng pahinga ko ngayon. "Naku wala noh! Pagkagising ko naligo lang ako at umalis na." Turan ko naman sa kaniya habang naiiyak na ako, mukhang mawawalan na yata ako ngayon ng trabaho. "Jusko umuwi ka muna kaya dito para malaman natin ano ba ang kailangan nya sayo!" Utos nya sa kabilang linya sa akin. "Teka lang naman bes, day off ko to maaga pa, 1pm pa lang at gusto ko pang magliwaliw noh." Sagot ko sa kabilang linya pero nagitla ako sa aking narinig dahil hindi na si Myrna ang kausap ko. "Get back here now or you are fùcking fired woman." Nanginig ako sa aking narinig kaya't bigla kong napatay ang aking phone. Nag-ring ulit ito pero hindi ko na nasagot dahil sa matinding takot na aking nararamdaman. Nagmamadali akong lumabas ng parket at naghanap ako ng tricycle na masasakyan upang makauwi na agad-agad. Jusko ano ba ang nangyayari sa amo ko na 'yon eh wala naman akong ginagawang mali o kaya naman ay kasalanan sa kaniya. Makalipas ang dalawampong minuto ay nakarating na agad ako sa mansyon ng aking amo kaya't nagmamadali akong pumasok sa gate at tumakbo papunta sa aking silid upang ilagay ang aking mga pinamili. Pagkalapag ko sa mga dala kong bag ay lumabas na agad ako at tumungo sa salas ng aking amo, inabutan ko duon si Manang na nakatayo at si Myrna na nakayuko, napalingon sila sa akin at nilapitan ako ni Myrna. "Bes ano ba ang ginawa mo at nagwawala sa galit 'yang amo natin?" Pabulong na tanong ni Myrna sa akin. Nagkibit balikat lamang ako dahil wala naman talaga akong alam kung ano ang nangyayari at bakit nagwawala ang aming amo na mukhang pinaglihi sa gutom na gutom na tigre, ngunit ang kabog ng dibdib ko ay hindi pa rin humuhupa. Nakakaramdam ako ng takot na baka nga tanggalin na ako nito sa aking trabaho kaya mangiyak-ngiyak na ako. Tumikhim ako dahilan upang mapalingon sa akin ang aming amo na busy sa kakadutdot sa kanyang phone habang kunot na kunot ang kaniyang noo. Tumayo ito at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. "Where the fùck have you been huh?" Galit na tanong nya sa akin kaya nakaramdam ako ng matinding takot at hindi malaman kung ano ang isasagot ko. Nakatitig lamang ito sa akin na tila ba nagbabaga ang kaniyang mga mata sa matinding galit. "Po?" Tanong ko na tila ba maiiyak na ako. "Are you fùcking deaf huh?" Asik nya sa akin habang halos lumuwa na ang kaniyang mga mata. Takot na takot ako, ang dibdib ko pakiramdam ko anytime it will explode dahil sa sobrang lakas na pagtibok nito. "Answer me woman!" Napapitlag ako sa sobrang lakas ng kanyang Sigaw. Nangingilid agad ang aking mga luha at tuluyan na itong tumulo dahil na rin sa matinding takot na aking nararamdaman, pilit kong binubuka ang aking bibig ngunit walang salita ang lumalabas dito. "And what kind of clothes are you fùcking wearing huh?" Habol n'yang sigaw sa akin kaya kahit tumutulo na ang aking mga luha ay nagawa ko pa ring tignan ang aking kabuuan. "Hijo ano ba talaga ang nangyayari at galit na galit ka ha? Day off ngayon ni Chei kaya malaya syang makakapunta sa kahit saan nya gustuhin sa tuwing araw ng Linggo." Wika naman ni Manang Edna kay Sir Vaughn ngunit isang masamang tingin lamang ang isinagot ng aming amo kay Manang. "I don't give a dàmn!" Sa sobrang takot ko ay napatakbo na ako pabalik sa aking silid at tuluyan ng bumagsak ang aking mga luha. Hindi ko na pinansin pa ang tawag nila ang mahalaga sa akin ngayon ay makaalis ako sa harapan nila. Pagkapasok ko ng aking silid ay nagmamadali ko itong ni lock at iniharang ko ang silya upang hindi mabuksan ang pintuan ng aking silid. Nahiga ako sa aking kama at duon ko ibinuhos ang lahat ng luha na kanina ko pa pinipigilang tumulo. Sunod-sunod na malalakas na katok ang narinig ko sa aking silid pero binale-wala ko lamang ito. Ayoko munang makipag-usap sa kahit na kanino dahil natatakot ako na baka sa sobrang galit at init ng ulo ng aking amo ay bigla na lamang nya akong palayasin. Wala na akong ibang mapupuntahan kaya mas mabuti pang hayaan kong lumamig ang ulo ng aking amo, sa totoo lang kahit ako ay walang ideya kung bakit galit na galit siya sa akin. "Open this fùcking god dàmn door woman!" Sigaw ng amo ko habang malakas na kumakatok sa aking silid na kulang na lamang ay gibain nya ito. "Manang give me the key." Sigaw nya na ikinagulat ko at napatingin ako sa aking pintuan. Pumihit ang seradura pero dahil nakaharang ang silya ay hindi pa rin nya ito mabuksan, nagtakip ako ng unan sa aking ulo habang nakadapa sa aking kama. Ayokong marinig ang mga sigaw nya natatakot akong mapalayas dito at natatakot din ako na baka saktan niya ako. Nagulantang ako ng biglang pabalyang bumukas ang pinto, sinipa ng herodes ang aking pintuan kaya nagiba ito. Gulat na gulat akong napaupo sa aking kama at nanginginig na ako sa takot na nakatitig sa galit na galit na mukha ng aming amo. "How dare you!" Galit na asik ng aming amo sa akin kaya mas lalo na akong umiyak ng umiyak at niyakap ang aking mga binti, hindi ko na alam ang sasabihin ko natatakot na ako sa maaaring mangyari. Palalayasin na ba ako? Bakit ba nagkakaganito ang amo kong ito at ano ba talaga ang nagawa kong kasalanan sa kanya? Unti-unti syang lumalapit habang ako naman ay sumisiksik sa sulok ng aking kama. "Manang leave us!" Utos nya sa kay Manang Edna kaya napatingin ako dito. "manang huwag nyo po akong iiwan dito, natatakot po ako manang." Nagmamakaawa kong ani kay Manang Edna. "Pero hijo natatak.." Hindi na natapos ang sasabihin ni manang ng biglang malakas na sumigaw muli si Sir Vaughn. "I said leave us Manang." Pasigaw na utos nya kay Manang kaya't walang nagawa si Manang at iba pang katulong kung hindi ang umalis at iwanan kami ni sir sa loob ng aking silid. Nakita ko syang kinuha ang nagibang pinto at pilit na isinasara upang walang makapasok dito. Humagulgol na ako ng humagulgol dahil sa takot na aking nararamdaman, ano ba ang problema sa akin ng amo ko? Wala naman akong ginagawang masama para tratuhin niya ng ganito. Lalo akong nagsumiksik sa sulok ng aking kama ng lumapit sya at umupo sa gilid ng aking kama, nanginginig na ang katawan ko sa matinding takot na aking nararamdaman. "Come here." Ani nya sa akin at itinuro nya ang pwesto sa tabi nya ngunit hindi ako kumilos at yumuko lang ako at mas lalong umiyak. Bigla akong napatili ng hilahin nya ang aking paa upang mapalapit sa kanya kaya umislide ang katawan ko ng pahiga ng nakatihaya at hindi agad ako nakabangon sa sobrang pagkagulat ko sa kanyang ginawa. Tumayo sya at tinitigan ako, wala ng galit sa kanyang mga mata pero wala ding emosyong makikita. Nabigla ako ng bigla na lamang syang pumaibabaw sa akin at hinalikan ako sa aking labi. Halik na banayad at mahinahon, nakatikom ang aking labi at nanlalaki ang aking mga mata sa kanyang ginawa. "Chei." Bulong nya sa aking pangalan. "What have you done to me?" Tanong nya at pumikit habang nilalayo ang kanyang labi sa aking labi. Napaupo ako sa takot ko, tinignan nya akong muli sa aking mga mata at umiwas naman ako ng tingin dito. "Si-Sir ano po ba ang nagawa ko para ma-magalit kayo sa akin? Day off ko po kasi ngayon kaya akala ko okay lang po na lumabas ako upang makapag relax at mamili ng ilan kong mga gamit." Humihikbi kong tanong sa kaniya na halos hindi na nga maintindihan dahil sa sunod-sunod na paghikbi ko. "I came home to see you because you have been avoiding me for three weeks and that's slowly killing me." Mahinahon niyang ani sa akin na hindi ko naman maintindihan kung ano ang ibig nyang ipahiwatig. "P-Po?" Patanong kong tugon sa kaniya dahil naguguluhan na ako. "Nothing, forget what I have said to you. J-Just don't go anywhere today, stay home please." Ani nya at sabay tayo palabas ng aking silid habang ako naman ay nagtataka lamang na sinundan siya ng tanaw habang papalabas na ng aking silid. Makalipas ng ilang minuto ay isa-isa ng naglapitan sa akin sila Manang na punong-puno ng pag aalala sa kanilang mukha. "Susmaryosep hija ano ba nangyayari at nagkakaganuon ang taong yon ha? Magsabi ka nga sa akin ng totoo." Tanong sa akin ni Manang Edna. "Manang maniwala po kayo sa akin wala po talaga akong alam, umalis lang po ako ng maaga dahil day off ko naman po at namili lang ako sa bayan ng ibang personal ko pong gamit." Sabay turo ko sa mga bag na nakakalat sa aking sahig. Yumuko ako at muling umiyak. "Sa tingin ko Chei may malaking gusto sa 'yo ang amo natin." Ani ni Myrna at nagtanguan na din ang ibang mga kasambahay. "Ha? Paanong mangyayari 'yun hindi naman namin kilala ang isat-isa at hindi naman kami lagi nagkikita ni sir. Baka nagkakamali ka lang bes." Sagot ko habang umiiyak ako. "Hay naku! Basta sa ikinilos kanina ni Sir Vaughn, bes alam ko at nararamdam ko na may pagtingin sya sayo at nagalit pa dahil ang sexy ng suot mo noh." Nakanguso pa nyang wika sa akin. Pero hindi. Imposible ang sinasabi ni Myrna, sigurado akong may kasintahan na ang aming amo o kaya maraming babaeng nakapaligid sa kanya na higit na nag-gagandahan at nag seseksihan pa. Nagkibit-balikat na lamang si Myrna at ngumuso. Inayos ni Neil ang pintuan ng aking silid ng araw ding 'yon at tahimik lamang din sya habang ginagawa ito. Nakakapanibago samantalang dati ang ingay-ingay nito at sobrang kulit pero ngayon ni hindi nya ako sinusulyapan man lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD