Chapter 6

1698 Words
Vaughn's POV Maaga akong gumising ngayong araw na ito upang umuwi sa aking mansyon, hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit hinahanap-hanap ko ang presensya ng aking bagong katulong. Aaminin ko na naiinis ako dahil nararamdaman ko ang bawat pag-iwas nya sa akin, halos lahat ng babae ay nagkakandarapa sa akin pero bakit napaka hirap yatang hulihin ang atensyon ng aking bagong katulong. Aminado ako na hindi lang simpleng ganda ang mayroon si Chei, Napakaganda ng mukha nya, mas maganda pa sya sa mga modelong naikama ko na. Napaka amo ng mukha nya at talagang tatatak sa isip mo ang kanyang angking kagandahan. Fùck bakit ako nagkakaganito sa isang katulong lamang. Kahit nasa opisina ako ay hindi ko maiwasang isipin ang maganda nyang mukha. I really don't know what the hell is happening to me but one thing I know for sure is, I want to see her again, so I decided to come home today kahit alam ko namang day off nya. Nakarating ako sa mansyon at lahat sila ay busy sa kani-kanilang mga trabaho kaya hindi na nila namalayan na nakauwi na ako, maliban na lamang sa guard na nakabantay sa gate. Mabilis akong tumungo sa maids' quarter upang silipin kung gising na si Chei pero nagulat ako dahil bukas ang kanyang silid kaya kusa na akong pumasok sa loob at inilock ang pinto. Narinig ko ang kanyang pag awit habang naliligo, kahit ang kanyang boses ay napaka ganda rin. Kinuha ko ang aking phone at nag check ako ng mga emails ng biglang nagsalita si Chei. Napatingin agad ako sa kanya at naka tapis lamang ito ng tuwalya, nakaramdam ako ng init ng katawan habang hinahagod ko sya ng tingin. Fùck napaka sexy nya at ang dibdib nya na kitang-kita ang hubog sa nakatakip na tuwalya ay tila ba nagliliyab na apoy na nagpapainit ng aking katawan. Napansin kong hinigpitan nya ang yakap nya sa kanyang tuwalya at niyakap ang kanyang sarili. Hindi ako nakatiis ng mga oras na yon kaya napatayo ako at unti unting lumapit sa kanya, amoy na amoy ko ang bango ng shampoo at body wash na ginamit nya sa kaniyang paliligo, nakaka adik na amoy kaya hinapit ko sya sa kanyang baywang upang mas mapalapit na lalo sa aking nag-iinit na katawan ang kaniyang katawan. Nakita ko ang takot at pangamba sa kanyang mukha kaya binitawan ko sya at tuluyan ng lumabas ng kanyang silid. Pagkalabas ko ng kanyang silid ay narinig ko ang pag click ng lock ng kanyang pintuan. Napangiti ako at umiling na lamang habang papasok sa loob ng mansyon. Umupo ako sa couch sa salas at nagbukas ng tv, pero wala sa tv ang isip at atensyon ko kung hindi na kay Chei lamang. Ang isip ko ay ginugulo ng imahe ni Chei. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nagkakaganito ako sa isang babae. Napaka ganda nya, napakasarap halikan ng kanyang labi. Dito ko na lamang sya hihintayin sa salas at kakausapin tungkol sa iba pang detalye tungkol sa kanyang pagkatao. Gusto ko syang mas makilala pa. Makalipas ang ilang oras ay nagtataka na ako kung bakit wala akong nakikitang Chei na lumalabas ng kaniyang silid o kaya naman ay naglalakad-lakad sa paligid ng kabahayan kaya agad kong tinawag si Manang upang tanungin. "Manang, can you please call Chei, I have some important questions na kailangan kong itanong sa kanya." Utos ko kay Manang Edna. "Naku hijo kanina pa umalis ang batang 'yon, day off nya kasi ngayon kaya hinayaan ko ng magliwaliw ngayong araw na to ay may mga importanteng gamit din siya na kailangan niyang bilhin." Sagot sa akin ni Manang na ikinagulat ko. Napatayo ako at napasigaw sa galit ng marinig ko ang tinuran sa akin ni Manang. "WHAT??? Who said she can leave the house today, who gave her permission?" Malakas kong bulyaw sa lahat ng nakatayong kasambahay sa aking harapan at lahat sila ay nagulat sa aking inasal. "Hijo ikaw mismo ang nagbigay sa kanya ng araw ng Linggo na pahinga nya." Gulat na turan sa akin ni Manang. "I don't fùcking care Manang! She better be here within an hour, or I will throw away all of her fùcking clothes outside of my mansion." Galit na galit kong asik sa kanila. Hindi ko alam kung bakit ganon na lamang ang galit na aking nararamdaman ng malaman ko na umalis si Chei ng hindi man lamang nagsasabi sa akin, kung tutuusin nga ay wala na dapat akong pakialam pa duon dahil totoo naman ang sinabi ni Manang na ako ang nagbigay kay Chei ng day off evey sunday. "Susmaryosep hijo ano ba nangyayari sayo ha? Dati ka namang walang pakialam sa mga day off ng katulong ah, bakit ngayon ay nagwawala ka?" Gulat na gulat na turan sa akin ni Manang Edna. "Where the hell is she? Is she with someone Manang?" Sigaw ko sa kanila na bakas na bakas sa kanilang mukha ang matinding takot. "Hindi hijo, mag-isa lamang syang umalis kanina." Ani nya sa akin. Galit na galit akong pumunta ng kusina at habang papalapit ako ay narinig ko si Myrna, ang isa sa kasambahay ko na may kausap sa phone. "Jusko umuwi ka muna kaya dito para malaman natin ano ba ang kailangan nya sayo." Sa narinig ko ay sigurado na akong si Chei ang kausap nya sa kabilang linya kaya walang ka abog-abog kong hinablot ang kanyang phone at tinapat ito sa aking tenga. Magsasalita na lamang sana ako ng marinig ko ang kaniyang boses. "Teka lang bes, day off ko to maaga pa, 1pm pa lang at gusto ko pang magliwaliw noh." Sa narinig ko ay nagpanting ang aking tenga, aba at sinusubukan ako ng babaeng ito ha kaya hindi na ako nakapag-pigil pa at sumagot na agad ako. "Get back here now or you are fùcking fired woman." Pagkasabi ko ay bigla akong pinatayan ng phone. Fùck! Aba at pinatayan nya ako ng phone. Nanlilisik ang aking mata na binalingan si Myrna at halos ihagis ko na sa kanya pabalik ang kaniyang phone. Bumalik ako sa salas at umupo sa couch at ipinikit ang aking mata. Wala pang tatlumpong minuto ay nakauwi na si Chei, lingid sa kaalaman ng lahat ay nagdiriwang ang aking kalooban na makita ko syang nakatayo na sa aking harapan, kahit galit ang pinakita ko sa kanya sa loob-loob ko naman ay may mumunting kaligayahan. Fùck! ano ba talaga ang nangyayari sa akin at para akong nababaliw? Nagpakita ako ng galit at sinigawan ko sya kahit nasasaktan ako na nakikita siyang natatakot sa akin. Hindi ko rin nagustuhan ang kanyang suot, simple lang ito pero fùck naman talaga oh, bakit naman kasi napaka seksi nyang tignan at kitang-kita pa ang kaniyang pusod at ang balingkinitang baywang kaya lalo akong nagalit. Sa sobrang takot nya ay tumakbo sya at nagkulong sa kanyang silid. Dahil ayaw niya kaming pagbuksan ay giniba ko talaga ang kanyang pintuan upang makapasok ako at inutusan ko ang mayordoma kong iwanan kami. Sobrang takot ang nakikita ko sa kanyang mga kilos at sa kanyang mga mata na nakatingin sa akin kaya tila ba ay natauhan akong bigla. Ayokong matakot sya sa akin kaya lumambot ang aking puso at pagkatapos kong magsalita at pakiusapan syang huwag na munang lumabas ng bahay ay umalis na din agad ako ng kaniyang silid. Papasok ako ng mansyon ng makita kong palapit si Neil, ang hardinero ng mansion patungo sa maid's quarter. Tinawag ko sya bago pa man tuluyang marating ang maid's quarter at napatingin ito sa akin. "Neil stay away from Chei, don't dare to try me! Do you understand?" Asik ko sa kanya. Nagulat man ay sumagot agad sya sa akin "O-Opo sir." Ani nito at tuloy-tuloy ng lumakad palayo ng nakayuko. "And one more thing Neil, fix her bedroom door." Dagdag ko pang ani sa kaniya na tinugunan din naman agad niya. Dumiretso ako sa loob ng aking silid at tumungo sa veranda.Nagsalin ako ng alak sa baso at ini-isang lagok ko lamang ito. Fùck! Ano ba talaga ang nangyayari sa akin at nagkakaganito ako sa isang katulong? Bakit na ba ako nagkakaganito ng dahil lamang sa isang katulong? Fùck! Fùck! why am I acting like this? Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko na ito maintindihan, kahit nasa opisina ako ay iniisip ko ang aking katulong. Katulong lamang sya Vaughn for fùck sake, sigaw ng utak ko at pagkatapos ay sunod sunod na tungga ang ginawa ko sa hawak kong alak. Napatingin ako sa aking telepono ng mag ring ito. Mom is calling.... "Hello mom!" Bati ko sa kabilang linya. "Hello my son, how are you?" Tugon naman agad ng aking ina. "I am doing good, what is it mom?" Wika ko dahil alam kong mangungulit na naman ito sa akin. "Well honey, your dad and I are having a dinner in our house tonight, we have visitors that we want you to meet. Please come sweetheart." Malambing nyang turan sa akin kaya napabuntong hininga naman ako. "I don't know mom, maybe I will try but I can't promise." Tugon ko naman sa kaniya. "Please honey, we want you here tonight, this dinner is very very important." Pag susumamo pa niya sa akin. I heaved a deep sigh at wala na akong nagawa kung hindi ang umoo dito. "Okay mom I will see you tonight." Pagpayag ko sa aking ina. Dinner lang naman kaya't pagbibigyan ko na. "Wonderful son! I will see you tonight at 6pm then." Tuwang-tuwa nyang turan sa kabilang linya. Agad ko ding tinapos ang aming pag-uusap at pinatay ang aking telepono. Tss sino na naman kaya ang importanteng bisita ng parents ko. Napapailing na lamang ako. Tumingin ako ng oras sa aking bisig at alas singko na pala, kailangan ko ng mag ready pero maliligo na muna ako. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy ng aking ina na mahalagang bisita na kailangan kong makilala, pero kung panibagong babae na naman ito ay pasensyahan na lamang pero wala talaga akong balak na magpakasal sa kahit na kaninong babae, well... pwede naman kung si Chei ang pag-uusapan dito. Napapailing na lamang ako sa aking sarili dahil sa mga pumapasok sa aking isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD