Chapter 4

2249 Words
Vaughn's POV Nasa veranda ako ng aking silid ng may mapansin akong isang babae na nagwawalis sa garden, pilit kong inaaninag ang kanyang mukha subalit hindi ko makita ang kanyang mukha, nakayuko sya habang nagwawalis pero ang kanyang tindig, ang heights nya ang kulay ng balat nya ang nagtutulak sa akin upang naising makita ang kanyang mukha. Inaantay kong iangat nya ang kanyang ulo upang masilayan ko ang kanyang hitsura. Hindi rin naman nagtagal ay nag-angat ito ng mukha at luminga-linga sa paligid na animoy nararamdaman nya ang aking mga titig, sa sobrang gulat ko ay napatago ako sa may gilid ng wall upang hindi nya ako mapansin, sinilip ko syang muli at sa malas ay nakatalikod na ito. Sa sobrang curious ko ay mabilis akong lumabas ng aking silid, sa hindi ko maintindihang dahilan ay gusto kong makita ang kanyang mukha. Dahan-dahan akong lumakad palapit sa kinaroroonan nya subalit ng malapit na ako sa kinatatayuan nya ay bigla na lamang itong pumihit paharap sa akin at patakbo itong lumakad na tila ba natatakot kaya't sa dibdib ko sya bumangga. Napamaang ako ng bigla nyang iangat ang kanyang mukha at tumitig sa aking mukha, napakaganda ng babaeng kaharap ko, akala ko ibang mukha ang makikita ko kumpara sa larawang kasama ng kanyang dokumento pero mali ako, mas maganda pa sya sa larawang iyon. Hindi ako makapaniwalang ang babae sa aking harapan ay isa lamang kasambahay. Napaka-ganda ng maamo nyang mukha, ang matangos at maliit nyang ilong na nababagay sa bilog na bilog nyang mata na kulay light brown, yes light brown kaya iisipin mong hindi sya purong pinay. Ang mapipilantik at mahahaba nyang pilikmata at ang hugis puso nyang labi na parang kay sarap halikan. Naka-awang ang kanyang labi habang nakatitig sa aking mukha na para bang hinahalina ako na halikan sya. Ang messy bun na bumagay lalo sa kanyang maliit na mukha, makinis at maputi nyang kutis, ang height nya na hindi naglalayo sa mga modelo, at fùck ang hubog ng katawan nya ay perpektong-perpekto kahit na naka uniporme lamang sya ng pangkatulong ay makikita mo ang hubog ng katawan nito. "Are you done eye raping me huh?" Biglaan kong tanong sa kanya upang hindi nya mapansin ang pagkamangha ko sa kanya na kung tutuusin ay ako ang nagpapantasya sa kanya habang nakatitig sa kaniyang mukha. Sa sobrang pagkagulat nya ay napaatras sya at nawalan ng balanse kung kaya't bumagsak sya sa sahig at napaupo. Hindi ko maintindihan pero sinadya kong hindi sya tulungan ng makita kong nawalan sya ng balanse, ang cute nya kasi. "Get up woman!" Utos ko sa kanya, at pilit kong itinatago ang aking ngiti. Matapos syang magpakilala ay tinalikuran ko na lamang sya. Naglalakad ako ng mapansin kong tumungo si Chei sa likurang bahagi ng mansyon dala-dala pa rin ang walis at dustpan. Palihim ko syang sinundan at nabigla ako ng bigla syang kumanta, napaka ganda ng boses nya at dapat yata ako ang kumakanta ng kantang "ngiti" na 'yon para sa kanya dahil napaka ganda ng kanyang ngiti. Bigla akong nainis ng makita kong nilapitan sya ng aking hardinero. That bastard! Pilit nyang kinukuha ang walis sa kamay ni Chei kahit ayaw nya itong ibigay. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay nagpupuyos ako sa inis na makitang nilalandi sya ng aking hardinero. Unti unti ko silang nilapitan sa kinaroroonan nila. "Hindi ko kayo binabayaran dito upang maglandian sa pamamahay ko." Inis kong pahayag sa kanila. Nakita ko ang gulat sa mukha nilang pareho. Nakatitig lamang ako sa magandang mukha ni Chei na naka awang ang labi at di malaman kung ano ang sasabihin. Sa inis ko ay kung ano ano ang nasabi ko, pinabalik ko sila sa trabaho at iniwan na sila. ❅───✧❅✦❅✧───❅ Archeina's POV Mag-tatanghalian na pala, pupuntahan ko muna si Manang Edna at tutulungan ko syang magluto ng pananghalian. Baka magutom ang tigre naming amo at lunukin na lang kami ng buo, nakakatakot pa naman ang ugali nya, gwapo nga pero sobrang sungit at suplado daig pa ang may regla. Pagpasok ko ng kusina ay inabutan ko si Manang Edna at si Myrna na naghihiwa ng mga rekadong lulutuin. "Manang tutulong po ako sa pagluluto ha." Sambit ko sa kaniya. "Hay naku hija, okay na kami dito ni Myrna, pakilinis na lamang ang kwarto ng sir mo at baka magalit 'yon kapag nakitang hindi pa nalilinis ang kanyang silid." Utos ni Manang sa akin. Nabigla ako at napailing, naalala ko kung paano sya nagalit sa akin kanina kaya ayokong pumunta sa silid ng aming amo. "Uhm manang pwede po bang ako na lang tutulong sa inyo dyan sa pagluluto at si Myrna na lang po ang maglilinis sa silid ni Sir Vaughn, namimiss ko na po kasi ang pagluluto." Pagsisinungaling ko sa mga ito. "Naku hindi na Chei, naumpisahan na naman namin ito at mabilis na lang itong matatapos, sige na umakyat ka na duon at maglinis at baka mamaya mo abutan ka pa ni Vaughn sa silid nya na naglilinis, ayaw na ayaw pa naman nyang inaabutan ang mga katulong na naglilinis sa kanyang silid. Sige na bilisan mo na at umakyat ka na duon habang may ginagawa pa amo natin sa library." Mahabang litanya ni Manang sa akin. Napanguso ako at walang nagawa kung hindi ang sumunod sa pinag-uutos sa akin ni Manang. Pag-akyat ko sa ikatlong palapag ay hindi ko maintindihan kung bakit tila ba palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko, oo takot ako sa amo namin, sino bang hindi eh para syang tigre na handang sumakmal ng inosente ano mang oras. Pinilig ko ang aking ulo upang iwaksi ang takot. Nasa tapat na ako ng silid ng amo namin at kumatok ng tatlong beses bago ko ito binuksan at pumasok sa loob, nagpalinga-linga ako at mukha namang walang tao kaya't lumapit na ako sa pintuan ng kanyang banyo at kumatok muli ng tatlong beses ngunit walang sumagot kaya't dahan-dahan kong binuksan ang seradura ng pintuan ng banyo at walang tao dito. Nakahinga ako ng maluwag kaya sinimulan ko ng linisin ang kabuuan ng silid ng aming amo, ng natapos ako sa silid ay isinunod ko ang banyo. Habang sinasabon ko ang lababo ay biglang bumukas ang pintuan ng banyo at tumambad ang bulto ni Sir Vaughn na naka boxer lang, napasigaw ako at nagtakip ng kamay sa aking mukha at tumalikod, hindi ko na inalintana na puno ng bula at sabon ang aking mga kamay, maya-maya nakaramdam ako ng hapdi sa aking mga mata at mabilis akong nag hysterical at humarap muli upang buksan ang gripo sa lababo. Naghilamos ako ng mukha, mabilis ang bawat kilos ko at hindi ko na napansin na nabasa na pala ng tubig ang aking uniporme sa bahagi ng aking dibdib. Nang mahimasmasan ako ay napaharap ako sa aking amo na ngayon ay sobrang lapit na sa akin kaya napaatras ako. "S-Sir pasensya na po, lalabas na po ako." Wika ko sa aking amo. Hindi nagsalita ang amo ko sa halip ay iniharang nya ang kanyang braso sa dadaanan ko. Nagulat ako sa ginawa nya pero mas nagulat ako ng mapansing nakatitig sya sa aking dibdib na ngayon ay bakat na bakat ang suot kong itim na bra. Sa sobrang hiya ay niyakap ko ang aking sarili upang itago ang aking dibdib. Tumikhim si Sir Vaughn at napa-angat ako muli ng tingin sa kanyang gwapong mukha. "Si-Sir lalabas na po ako, makikiraan po". Usal ko. Nabigla na lamang ako ng biglang hawakan ng amo ko ang aking baba at iniangat ang mukha ko habang papalapit naman ang kanyang mukha. 'Anong gagawin ni sir sa akin, jusko po tulungan nyo po ako natatakot ako'. Nanginginig ang katawan ko at halos umiyak na ako dahil sa takot na aking nararamdaman. Nabigla na lamang ako ng maramdaman ko ang malambot na labi ng aking amo sa aking labi. Napapikit ako at natuod sa kinatatayuan ko. Pilit ko syang tinutulak pero hinapit nya ang aking batok upang mas mahalikan nya ako ng maayos, sa sobrang bigla ko ay buong lakas ko syang itinulak palayo sa akin at nagmamadaling tumakbo palabas ng kanyang silid. Nagmamadali ako sa pagbaba ng hagdan ng makasalubong ko si Manang. "Chei hija, tapos ka na ba sa pinapagawa ko sayo?" Tanong ni Manang sa akin. "O-Opo Manang, sige po pupunta muna ako sa aking silid." Sagot ko na hindi makatingin kay manang dahil naiiyak na talaga ako dahil sa ginawa sa akin ng aming amo. "O sige pero bilisan mo at malapit na tayong kumain." Sagot nya naman sa akin. Pagpasok na pag pasok ko sa aking silid ay mabilis kong ikinandado ang pintuan at napasandal ako sa pintuan habang hawak-hawak ang aking labi. Ramdam na ramdam ko pa rin hanggang ngayon ang t***k ng aking puso, hanggang ngayon ay para pa ring may nagtatakbuhang libo-libong kabayo sa aking dibdib. Hindi ko alam bakit ginawa iyon sa akin ng aming amo, pero sa isang banda ay nagustuhan ko rin ang mga halik nya pero may takot pa rin akong nararamdaman. Hindi na dapat maulit pa ang nangyaring iyon, hinding-hindi na ako papayag na mahahalikan akong muli ng aming amo. Ninakaw ng amo ko ang aking first kiss na dapat ay sa taong mahal ko lamang ipagkakaloob. Mabilis akong nagpalit ng uniporme at pagkatapos ay lumabas na. Tinawag ako ni manang upang tumulong maghanda ng tanghalian para sa aming amo. Ayoko sanang pumunta sa kusina sa loob ng mansyon pero wala naman akong magagawa dahil katulong ako sa mansyong ito. "Chei hija paki tawag na ang amo natin para makapag tanghalian na 'yon." Utos ni manang sa akin. Para akong itinulos sa kinatatayuan ko pagkarinig ko ng sinabi ni Manang sa akin. "Ang sabi ko ay tawagin mo na ang amo natin dahil oras na nag kanyang pananghalian." Pag uulit na utos ni Manang sa akin. "Uhm Olive baka pwedeng ikaw na tumawag kay sir kasi may nakalimutan lang ako sa silid ko." Pakiusap ko kay olive. "Hay naku Chei mamaya mo na kuhanin kung ano man ang nakalimutan mo, umakyat ka na sa itaas at tawagin mo na si sir." Ani ni olive sa akin. Wala na akong nagawa kung hindi ang tumungo sa itaas. Pagtapat ko sa pintuan ng silid ng aming amo ay huminga muna ako ng malalim bago ko ito kinatok. Walang sumagot kaya inulit kong muli ang pagkatok ko. "S-Sir, nakahanda na po ang pananghalian ninyo at pinapatawag na po kayo ni Manang." Ani ko habang kumakatok sa kanyang silid. Walang sumasagot at walang nagbubukas ng pintuan, baka kaya nakatulog bulong ko sa isipan ko. Pinihit ko ang seradura at bumukas ito. Pumasok ako ng ilang hakbang at laking gulat ko ng biglang may humablot sa aking braso at idinikit ang likod ko sa wall. Napasigaw ako sa pagkabigla at pilit na nagpupumiglas. Nakapikit ang aking mga mata at ayokong dumilat, naramdaman ko na lamang ang pagluwag ng pagkakahawak sa aking mga braso kayat nagmulat ako ng aking mga mata, wala na sya sa harapan ko pero narinig ko ang pag click ng lock ng silid ng amo ko kaya mabilis akong napalingon sa pintuan. Nagulat ako dahil nakatayo duon ang amo ko at nakatitig sa akin. "Si-Sir kakain n-na po, pinapatawag po k-kayo ni Manang." Nagkakandautal kong wika sa aking amo. Nakatitig lamang sya sa aking mukha at unti-unting lumapit sa kinaroroonan ko kaya nakaramdam ako ng matinding takot. "Si- Sir lalabas na po ako." Takot na takot kong turan sa kaniya dahil hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak ngayon ng aking amo. "Why? Are you afraid of me?" Tanong sa akin ng aking amo. "Opo." Mabilis kong sagot sa kaniya. "Don't be afraid of me, I won't hurt you, I promise." Seryoso nyang ani sa akin habang nakatitig pa rin sa aking mukha. "Lalabas na po ako sir." Sagot ko na hindi makatingin sa kanya. "What if I won't let you out of my room? What if I want you in my bed, what would you do?" Litanya ng aking amo na ikinagulat ko. Nakaramdam ako ng takot sa tinuran ng aking amo at kinabahan sa sinabi nya. "Si-Sir lal-abas na po ako, " sabi ko na medyo naiiyak na. Ngumisi lamang sa akin ang aking amo at hinaplos ang aking pisngi, napapitlag ako kaya't bigla ko syang naitulak dahil na rin sa labis na takot ko. Bigla akong tumakbo sa pintuan upang buksan ngunit napatda ako ng hindi ko ito mabuksan. Walang kaabog-abog akong binuhat ng aking amo at pabalibag na inihiga sa kanyang malambot na kama kaya napatili ako. "Sir hu-huwag po, lalabas na po ako parang awa nyo na." Pagmamakaawa kong sabi sa aming amo. Bigla syang dumagan sa akin at hinalikan ako sa aking leeg, sumigaw ako ng malakas upang humingi ng tulong sa aking mga kasamahan. "Tulong.. tulongan nyo ako!" Malakas kong sigaw na maiyak-iyak na. Biglang tumayo si Sir Vaughn at tumawa ng malakas at binuksan ang pintuan at tuloy-tuloy ng lumabas papuntang kusina at iniwan akong hindi malaman ang aking gagawin kaya agad akong tumayo at tumakbo palabas ng silid. Nakalabas na ako ng silid ngunit ramdam na ramdam ko pa rin ang kabog sa aking dibdib. Nang mahimasmasan ako ay nagmamadali akong tumakbo papunta ng silid ko. Pagkapasok ko ay inilock ko agad ang pinto at duon na nagsimulang tumulo ang aking mga luha. Ayoko na yata dito, uuwi na lang yata ako sa amin at maghahanap na lang ako ng ibang trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD