Chapter 3

2159 Words
Vaughn's POV Inaya kong maghapunan ang aking mga kaibigan sa aking mansyon, matapos ang masayang hapunan ay nagtungo kami sa aking mini bar at duon ay nag inuman kami. Si Jayvee ay walang ginawa kung hindi ang magtanong kung sino ang magandang babae na nakita nya kanina. Hindi ko alam kung sino ang kanyang tinutukoy pero sa pagkaka-alam ko ay hindi naman kagandahan ang aking mga katulong, oh well may kasabihan nga tayo na 'beauty is in the eye of the beholder' tsk walang taste talaga tong kaibigan ko na to, basta nakapalda okay na sa kanya. Natatawang wika ng aking isip. "Pare I swear to you, she is not just an ordinary girl, she looks so innocent with angelic face. GORGEOUS." Litanya ni Jayvee sa akin. Naiiling na lamang ako sa kaibigan kong ito, I know he is a playboy, but I never thought na gorgeous ang tingin nya sa isa sa aking mga katulong. Tsk... tsk lahat na lang talaga pinapatos ng lalaking 'yon. Hindi nagtagal ay umuwi na rin ang mga barkada ko, hindi naman ako lasing hindi naman kasi ako masyadong uminom. Umakyat na ako sa aking silid upang makapaligo na ako. Diretso na akong pumasok sa aking bathroom at duon ay nagbabad ako sa masarap at maligamgam na tubig na lumalabas sa dutsa ng shower head ko. Matapos akong makapaligo ay dumiretso na ako sa walk in closet ko at nagbihis ng pajama at sando. Umupo ako sa gilid ng aking kama at kinuha ang aking phone. Napakunot ang aking noo ng makita kong may text si Jayvee sa akin. "Pare I can't take her out off my mind." What the fùck? Sino ba ang tinutukoy ng lalakeng ito? Napailing na lamang ako sa mga pinag-sasasabi ng aking kaibigan. Pinatay ko ang aking phone at nahiga na ako sa aking kama. Maya-maya ay napabangon ako. "Shìt may bago nga pala akong katulong, sya kaya ang tinutukoy ni Jayvee sa akin?" Bulong ko sa aking sarili. Dali-dali kong hinanap ang envelope kung nasaan ang nilalaman ng information ng bago kong kasambahay. Nahagip ng mata ko ang envelope sa ibabaw ng aking side table at agad na kinuha ito at inilabas ko ang mga dokumentong laman nito at isa-isang binasa ang mga nakasulat dito. "Archeina Villamonte? What a beautiful name " Bulong ko sa aking sarili habang isa-isa kong binabasa ang mga dokumento ng biglang may nahulog na larawan sa aking sahig. Pataob itong bumagsak sa sahig at tinignan ko ito, tumaas ang isang kilay ko at dinampot ang larawang nahulog. Napatitig ako sa larawan. Dàmn ito ba ang Archeina na bago naming katulong? Napakaganda naman nya at hindi sya mukhang katulong lamang, well actually hindi sya bagay na maging isang katulong. Ipinilig ko ang aking ulo. Ano ba 'tong naiisip ko, larawan lamang ito ang dami ng pwedeng gawin ngayon sa larawan. Maaaring napakaganda nya sa larawang ito pero hello usong-uso na ngayon ang filter at kung ano-ano pang kababalaghan sa camera para magmukha kang isang dyosa. 'Yan ang mga pumasok sa aking isipan kaya ibinalik ko na lahat ng papel sa loob ng folder at ibinalik sa side table at nahiga na akong muli. Bukas ko na lamang ito kakausapin ng personal dahil late na din naman at pagod na ako. Kinaumagahan ay maaga akong nagising, pagbukas ko pa lamang ng pintuan ay naaamoy ko na ang niluluto sa kusina, bumaba ako upang tignan kung tapos ng magluto si Manang Edna. "Good morning Manang." Bati ko sa aking mayordoma. "Good morning din hijo, napaka-aga mo namang gumising, alas sais pa lamang hindi ba? Wala ka namang pasok ngayon kaya nagtataka ako bakit napaka-aga mong gumising." Nagtatakang ani ni Manang sa akin. "Sanay na ho ako gumising ng ganito kaaga Manang, madalas ganito ako kaaga nagigising kahit pag sa condo ko ako natutulog." Sagot ko kay Manang na tatango-tango lamang. "Oh, sya at maupo ka na diyan at tapos na akong magluto, ipaghahain na kita at igagawa na din kita ng kape mo." Turan ni Manang sa akin kaya naupo na ako at pinanuod si Manang na naghahain ng makakain ko sa hapag-kainan. Iniabot ni Manang Edna sa akin ang mainit na kape at nagpasalamat naman ako dito. "Manang Edna, kamusta naman po ang bagong kasambahay, hanggang ngayon po kasi ay hindi ko pa sya nakikita man lamang dito sa loob ng mansyon, baka naman tatamad-tamad ang baguhang 'yon dito, hindi ho ako kumuha ng bagong makakasama nyo dito para lang magbuhay prinsesa sa pamamahay ko." Wika ko sa aking mayordoma. "Ay naku hijo huwag kang mag alala dahil masipag na bata si Chei!" Mabilis na sagot ni manang sa akin habang nakangiti. "Chei?" Naguguluhan kong tanong. "Ay oo hijo, palayaw ni Archeina ay Chei, kaya Chei na lang namin syang tinatawag. Alam mo bang napakasipag ng batang 'yon, kahit hindi nya trabaho ay gusto niyang gawin." Saad ni Manang Edna kaya tumango na lamang ako at ipinagpatuloy na ang pagkain ko. ❅───✧❅✦❅✧───❅ Archeina's POV 'Oh my god! anong oras na ba?' Biglang tayo ko sa higaan, pagtingin ko sa aking phone ay nakahinga ako ng maluwag ng makita ko 6:30 am pa lang naman pala. Mabilis akong tumayo at dumiretso na sa loob ng aking banyo upang maligo at makapag simula na sa mga gawaing bahay na naka toka sa akin sa araw na ito. Mabilis akong nakaligo at itinali lamang ang aking buhok na pa messy bun upang mas maging komportable ako, masyado kasing mahaba ang aking buhok na wavy at wala din akong planong pabawasan ito. Nagbihis na ako ng uniporme namin at nagmamadali na akong lumabas upang makapag agahan muna bago magsimula sa mga gawaing bahay. "Hi." Bati sa akin ni Neil. Ngumiti lamang ako sa kanya at umupo na sa hapag kainan. "Good morning po sa inyong lahat " Bati ko sa kanila ng may ngiti sa aking labi. "Hay naku mas maganda ka pa sa umaga," bati naman ni Myrna sa akin na ikinatawa ko. "Tara kain na muna tayo at marami pa tayong trabaho ngayong araw." Aya naman ni Olive sa amin. Habang kumakain kami ng agahan ay masyado akong naiilang sa mga titig ni Neil sa akin. "Ehem.. Baka naman matunaw na nyan si Chei ha Neil?" Panunukso ni Myrna kay Neil. Napakamot ng batok si Neil at sabay yuko na tila ba nahihiya sa kaniyang inakto. "Naku Neil! 'yung hardin ang titigan mo at baka mamaya may makitang patay na bulaklak duon ang amo natin eh ikaw ang patay sa masungit nating amo." Saad naman ni Olive habang natatawa. Nagtawanan lahat maliban lang sa akin, hindi ko pa kasi nakikilala ang amo namin at base sa usapan mukhang masungit talaga ang aming amo, takot pa naman ako sa masusungit na amo, naaalala ko kasi nuon na sinusungitan ako lagi ng amo ko dahil yung anak niya ay nililigawan ako pero hindi ko naman sinagot dahil hindi ko naman gusto kaya umalis na lamang ako sa kanila. Matapos ang masayang agahan ay kanya-kanya na naman kami ng gawaing bahay. Nakasalubong ko si Manong Danilo ang driver ni Sir Vaughn. "Hija nakita mo ba si Manang Edna mo? Iyan talagang matandang 'yan mamamalengke daw kami abay hanggang ngayon wala pa. Nagpapaganda na naman yan para sa akin." Tumatawang litanya ni Mang Danilo sa akin na tinawanan ko din. "Palabas na po si Manang Edna Manong Dani, nakita ko po syang gumawa ng listahan kanina lang." Sagot ko naman sa kaniya. "Ay ganoon ba, o sya at sa sasakyan ko na lamang sya aantayin, salamat hija." Paalam ni Manong Dani sa akin at pumasok na sa loob ng sasakyan. Ipinagpatuloy ko na ang aking ginagawa ng makaalis na si Manong Dani. Habang nagwawalis ako sa may hardin ay pakiramdam ko ay may mga matang nakatitig sa akin, nagpalinga-linga ako pero wala naman ako makitang tao. Kinilabutan akong bigla sa naiisip ko na baka may maligno o multo dito kaya nagmamadali kong tinapos ang aking pagwawalis dahil sa mga bagay na naiisip ko. Pagkatapos kong magwalis ay bigla akong tumakbo dahil kanina pa ako nakakaramdam ng takot dahil pakiramdam ko ay may mga matang nagmamasid sa akin, pero laking gulat ko ng bigla akong tumama sa isang pader. Ay mali pala hindi ito pader. Panginoon ko isang matipunong dibdib pala ito kaya't napaangat ako ng tingin sa taong nabundol ko. Bigla akong natuod sa kinatatayuan ko, ang kabog ng dibdib ko bakit ganito? Panginoon ko sino ang napaka gwapong lalakeng nasa harapan ko, ang matangos nyang ilong, kulay abong mga mata, brown na buhok na medyo may kahabaan ng kaunti na nililipad ng hangin na nakatabon sa kanyang mukha, ang labi nya na namumula at napaka nipis na tila ba kay sarap halikan. Eto na ba ang tinatawag nilang Greek God na bumaba ng lupa mula sa kalangitan? Napanganga ako at hindi kumukurap sa taong kaharap ko. Napaka gwapo nya at hindi man lamang ako makakurap habang pinagmamasdan ko ang pagalaw ng kaniyang panga na tila kay sarap himasin. "Jusko nalaglag na yata ang panty ko." Bulong ko at agad akong napatakip sa aking bibig dahil natakot akong baka narinig nya ang sinabi ko. "Are you done eye raping me huh?" Malamig at walang emosyon nyang tanong sa akin. Napaatras akong bigla at nahimasmasan at sa kasamaang palad sa aking pag-atras ay na out of balance ako kaya paupo akong bumagsak sa sahig. "Get up woman!" Utos ng supladong lalaking ito sa akin kaya't nagmamadali akong tumayo at pinagpagan ang aking uniporme. "Who are you? Tell me your name." Tanong ng Greek God na ito sa aking harapan. "A-Ako po si Archeina sir at a-ako po ang bagong katulong sa mansyong ito." Nauutal at nakayuko kong sagot sa lalaking aking kaharap. "Eyes on me woman!" Maawtoridad niyang utos sa akin kaya agad akong nag-angat ng aking mukha at tumingin sa kanyang mukha, nailang ako sa paghagod nya ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa. "Go back to work!" Utos nya at tuluyan na akong iniwan sa hardin. Napahawak ako sa aking dibdib, ang kabog ng puso ko kanina pa ay hindi ko maintindihan kung bakit ganito, nilingon ko ang bulto ng gwapong 'yun habang papalayo at pagkatapos ay dinampot ko ang walis at lumakad na ako papunta sa likuran ng bahay upang duon naman magwalis-walis at maglinis. Sino kaya ang lalaking 'yon? Napaka-gwapo niya, isa kaya 'yon sa mga kaibigan ng aking amo? Habang nagwawalis ako dito sa likurang bahagi ng mansyon at napapakanta ako dahil pakiramdam ko ba ay bigla akong nagkaroon ng inspirasyon. "Wow Chei ang ganda-ganda naman ng boses mo, napakaganda mo na napakaganda din pala ng boses mo." Manghang ani ni Neil sa akin. "Ay itlog na maalat." Napatakip ako ng bibig habang nahihiya akong nakatingin kay Neil. "Neil papatayin mo ba ako sa gulat ha?" Inis kong sabi kay Neil. Tumawa lamang si Neil sa akin at pagkatapos ay tumabi sa akin. Pilit niyang kinukuha sa akin ang walis upang siya na daw ang gagawa ng aking trabaho ngunit hindi ko naman ito ibinibigay sa kaniya. "Hindi ko kayo binabayaran dito upang maglandian sa pamamahay ko." Isang malakas na sigaw ang gumulat sa amin kaya napalingon ako sa aming likuran. "Si-Sir Vaughn, kayo po pala, pasensya na po sir gusto ko lang po sanang tulungan si Chei sa trabaho nya." Nakayukong litanya ni Neil sa lalakeng kaharap namin ngayon na nagbabaga ang mga mata na nakatingin sa amin. Sir Vaughn? Jusko eto pala ang amo namin? Napatingin ako sa lalaking amo pala namin at totoo nga ang sinabi nila sa akin na napaka-gwapo nito at syemas makalag-lag panty talaga. "At bakit, tapos ka na ba sa trabaho mo dito ha?" Asik sa kanya ng aming amo. Magsasalita pa sanang muli si Neil ngunit hindi na ito binigyan pa ng amo namin na makapag-salita. Jusmiyo nakakatakot naman pala ang kasungitan ng amo naming ito. "Go back to your work or you are fired!" Sigaw ng aming amo. Nakakatakot ang mga titig ng aming amo, hindi ko maintindihan pero parang galit sya sa aming dalawa ni Neil ng mahuli nya kaming nag-uusap. Tatalikod na sana ako ng biglang magsalitang muli ang aming amo. "And you woman, you are not here to flirt with them, you are here to work and do your fùcking job." Galit na asik sa akin ng aking amo. Halos maiyak na ako sa takot na aking nararamdaman, hindi naman ako nakikipaglandian, jusko naiiyak na ako. Sobrang sungit nga pala talaga ng amo naming ito at nakakatakot talaga siya. "Y-Yes sir." Takot kong tugon sa kaniya. Pagkaalis na pagkaalis ni Sir Vaughn ay bigla akong napahawak sa aking dibdib. Kumakabog ito na para ba akong aatakihin sa puso. Tuluyan ng nalaglag ang aking mga luha, ito ang ayoko talaga sa lahat, ang nasisigawan at napagsasalitaan ng amo ng hindi maganda, para tuloy gusto ko ng mag quit at maghanap na lang ako ng ibang mapapasukan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD