Chapter 2

2046 Words
Archeina's POV Maaga akong nagising, eto na kasi ang unang araw na magsisimula akong magtarabaho bilang kasambahay sa mansyong ito. Mabilis akong tumayo mula sa pagkakahiga at nagtuloy sa banyo upang makaligo na. Pagkatapos kong maligo ay isinuot ko na ang unipormeng ibinigay sa akin ni Manang Edna kagabi at tinignan ko ang aking sarili sa full body mirror na nakasabit sa ding-ding ng aking silid. Napangiti ako sa aking sarili ng makita ko na bumagay sa katawan ko ang uniporme, para pa nga itong isinukat sa akin. Inayos ko ang aking buhok na pa messy bun upang maging komportable ako at makapag simula na akong maglinis. Lumabas na ako ng aking silid at nagtuloy sa kusina na para lamang sa aming mga katulong at isang malakas na sipol ang narinig ko kaya naman nahihiya tuloy akong lumapit sa kanila sa lamesa. "Wiiiit wiiiiit." Sipol sa akin ni Neil habang naglalakad ako palapit sana sa lamesa kung saan ay nakaupo na silang lahat at kumakain ng agahan ngunit napahinto ako at nag-aalangan na akong lumapit. Napapa-isip tuloy ako na baka bumabakat ang aking dib-dib, aaminin kong may kalakihan kasi ang aking dib-dib na minana ko pa sa aking namayapang ina. "Hoy Neil huwag mo ngang minamanyak-manyak 'yang si Chei ha at ako ang makakalaban mo unggoy ka." Asik ni Myrna kay Neil. Napakamot naman ng ulo si Neil lalo na ng sinita na din siya ng iba pa naming kasamahan dito sa loob kaya humingi na rin ito ng paumanhin sa akin. "Umayos ka diyan Neil at baka matakot si Chei eh umalis agad yan dito." Turan naman ni Manong Berto na seryosong nakatingin kay Neil. Hindi na kumibo pa si Neil at ipinagpatuloy na lamang nito ang kaniyang pagkain ng agahan, iginiya na rin ako ni Myrna upang makaupo sa tabi niya at ng makakain na kami bago pa kami magsimulang magtrabaho. "Ang akin lamang ay isang paalala, bago pa lamang sa atin si Chei at baka hindi siya sanay na sinisipulan ng mga lalake." Litanya pang muli ni Manong Berto. "Pasenya na po Manong Berto at hindi na mauulit." Turan nya at humingi na rin ng pasensya sa akin. Pagkatapos naming mag-agahan ay nagkanya-kanya na ng paglilinis ang bawat kasambahay sa labas at loob ng mansyon. Pagod akong napahiga sa aking kama matapos ang maghapong paglilinis sa napakalaking mansion na ito. Ilang sandali pa ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako, marahil ay sa sobrang pagod na naramdaman ng aking katawan. Nagising ako sa mga katok mula sa pintuan ng aking silid kaya't mabilis akong napatayo upang buksan ang pintuan ng aking silid. "Chei pinapasabi ni Manang na ilagay mo daw ang lahat ng naplantyang damit ni Sir Vaughn sa kaniyang silid bago pa makauwi si sir." Wika ni Olive na nakangiti sa akin. Nagmamadali akong tumungo sa silid ng aming amo at isa-isa kong inayos ang mga mamahaling damit sa closet nito. 'Ang bango talaga ng loob ng silid na ito, hindi amoy matanda pero pagkakaalam ko ay matandang binata na 'yata si Sir Vaughn.' Bulong ko sa aking sarili habang isinasabit sa hangeran ang mga mamahaling damit. Matapos kong gawin ang mga pinag-uutos sa akin ay nagmamadali na akong lumabas sa silid na iyon, mahirap na, ayokong abutan ng amo namin dito at baka mapagalitan pa ako o masigawan. Bumalik ako sa maids' quarter upang maligo dahil pakiramdam ko nanglalagkit na ako sa maghapong paglilinis ko sa mansion. "Chei, Chei." Sunod-sunod na katok ni Manang Edna sa pintuan ng aking silid. "Sandali lang po Manang at lalabas na po ako." Nagmamadali kong sagot sa kaniya. Pagkabukas ng pintuan ay nakangiti akong sinalubong ni Manang Edna. "Dumating na ang amo natin mag madali kayo at maghain na kayo ng hapunan at may kasamang bisita ang amo natin, nandirito ang kaniyang mga kaibigan." Masayang litanya ni Manang Edna kaya agad kong inayos ang aking sarili at pagkatapos ay sumunod na ako kay Manang Edna sa kusina. Nagmamadali kaming lahat sa pag-aayos ng lamesa, naririnig namin ang kanilang masasayang usapan. Puro lalake ang bisita ng amo namin pero hindi ko sila nakikita dahil nasa living area ang mga ito. Pagkatapos naming maghain ng hapunan ay bumalik na ako sa aking silid, mamaya na lamang ako lalabas kapag maghahapunan na kami, ayokong makita ang aming amo at baka magkamali ako at mapagalitan pa ako nito. Habang papunta ako sa aking silid ay may narinig akong tumawag kay Manang Edna. Napakaganda ng tinig nito kaya napahinto ako sa aking paglalakad. "Manang Edna kamusta naman po kayo dito?" Tanong ng isang baritonong boses, napasilip ako sa likod ng pader at tinignan ang lalakeng kausap ni Manang Edna. "Ay kabayong bundat." Gulat na sambit ni manang "Hahaha Manang hindi ka pa rin nagbabago magugulatin ka pa rin." Tumatawang wika ng napaka-gandang boses ng lalake. "Susmaryosep kang bata ka Jayvee, papatayin mo ba ako sa gulat ha?" Saad ni Manang Edna sa kaniyang kausap. Jayvee pala ang pangalan ng lalakeng yon, ang ganda ng boses pero hindi ko makita ang mukha dahil nakalikod, pero mukhang gwapo ha dahil kahit nakatalikod mukhang yummylicious. Pilit akong sumisilip upang makita ko sana ang mukha ng lalaking 'yon habang lihim na nagmamasid sa kanila kaya lang hindi ko talaga ito makita dahil nakatalikod ito sa akin. Biglang humarap ang tinawag ni manang na Jayvee sa may gawi ko at nagulat sya na nakita nya akong mukhang magnanakaw na nakasilip sa kanila. Nakatitig sya sa akin na natitigilan na tila ba parang manghang-mangha sa kanyang nakikita. Sa sobrang takot ko ay nagmamadali akong tumakbo papunta sa aming kusina at napaupo sa lamesa. "Mga hijo, halina kayo at maghapunan na kayo, nakahanda na ang lamesa." Nauulinigan kong wika ni manang sa kanila. Masayang nag-uusap ang limang magkakaibigan ng biglang sumabat si Jayvee. "Uhm Manang Edna kanina habang kausap kita dito ay may natanaw akong isang babae, ano ahh sino po sya?" Tanong ni Jayvee na ikinagulat ko kaya dahan-dahan akong lumapit sa nakaawang na pintuan at matamang nakikinig sa kanila. Napatingin ang lahat kay Jayvee habang si manang naman ay nagulat at nag isip-isip sa kung sino ba ang tinutukoy ni Jayvee na nakita nya kaya napatakip ako ng aking bibig upang hindi ako makagawa ng kahit na anong ingay. "Abay hijo sino bang babae ang sinasabi mo ha? Lahat ng kasambahay dito ay puro babae kaya hindi ko masasagot kung sino sa kanila ang nakita mo." Sagot ni Manang kay Jayvee na ngiting-ngiti habang may tila ba iniisip. Isang kutsara ang tumama sa balikat ni Jayvee. "Fùck Vaughn! What the fùck is your problem?!" Inis na tanong ni Jayvee kay Vaughn. Bigla aking napatingin sa gawi ng taong bumato ng kutsara ngunit hindi kayang abutin ng aking paningin ang kinauupuan nya. "Dude daig mo pa ang nakikipag sèx sa panaginip mo, ano bang iniisip mo?" Tumatawang tanong ng isang tinig ng lalake kay Jayvee. Hindi naman ito pinansin ng gwapong si Jayvee at nagtanong lamang ito sa aking amo kaya naman mas lalo kong nilakihan ang awang ng pintuan upang makita sana ang mukha ng aming amo ngunit hindi ko talaga ito makita. "Hey Vaughn, I saw a girl earlier, who is she?" Tanong nya kay Sir Vaughn. Pilit kong inaaninag ang kaniyang kinauupuan ngunit talagang hindi ko sila natatanaw mula sa aking pwesto at tanging si Jayvee lamang ang aking nakikita. "I don't know pre, maybe isa sa mga katulong ko, don't tell me papatusin mo ang mga katulong ko?" Natatawang saad ni Sir Vaughn sa kanya at kahit hindi ko ito nakikita at batid kong napapailing ito. Napakaganda naman ng tinig ng aming amo, akala ko ba ay matandang binata si Sir Vaughn pero base sa kaniyang tinig ay tila ba hindi naman kami nagkakalayo ng edad at syemas mas maganda ang boses niya kaysa duon sa Jayvee na 'yon. Hindi na kumibo pa si Jayvee at nagpatuloy na silang kumain ng hapunan. Masaya kaming naghahapunan ngayon, tapos na kasing kumain ang mga amo namin kaya kami naman ngayon ang maghahapunan. "Ang gagwapo talaga nila ano?" Litanya ni Myrna na kinikilig-kilig pa habang nakikinig lamang ako at iniisip ko pa rin kung ano ba talaga ang hitsura ng aming amo. "Oo nga at tila ba ang sasarap nilang yakapin." Sagot naman ni Olive sa kaniya. "Susmaryosep kayong mga bata kayo, magsitahimik nga kayo at baka mamaya marinig kayo ng amo natin mapagalitan pa kayo." Saway ni Manang kay Myrna at Olive na hanggang ngayon ay kinikilig pa. "Manang 'yun pong Jayvee na kausap nyo sa kusina kanina kaibigan po ba yon ng amo natin?" Tanong ko kay Manang Edna. "Ah oo, si Jayvee nga ang batang 'yon at sobrang makulit ang lalaking 'yon at maloko kaya iwasan n'yo ang taong 'yon ha." Paalala ni Manang Edna sa amin. "Barkada po ba sya ni sir Vaugh?" Tanong ko pang muli sa kaniya dahil curious na talaga ako sa kung ano ba talaga ang hitsura ng aming amo. "Oo hija, magkakababata ang limang 'yon at sabay-sabay na lumaki." Nagulat ako sa sagot ni manang, buong akala ko kasi ay isang matandang binata si Sir Vaughn pero nagkakamali pala ako. "Uhm eh kasi po Manang Edna, buong akala ko po kasi ay matandang binata si Sir Vaughn hehehe." Nakangisi kong sagot sa kaniya habang kakamot kamot ako ng ulo at sabay peace sign pa. Nasamid naman si Myrna ng kinakain nya at naibuga nya kay Olive na ngayon ay hindi pa rin tumitigil kakatawa kahit nagpuro kanin na ang mukha at dibdib nya dahil sa pagkakabuga ni Myrna sa kaniya. "Grabe ka Chei, ang sakit ng tyan ko sayo sa sobrang kakatawa, saan mo naman nakuha ang balitang 'yan ha?" Tawang-tawang tanong ni Myrna sa akin. Si Olive naman ay tawa pa rin ng tawa at hindi na halos makapag salita pa kaya hiyang-hiya na tuloy ako ng dahil sa aking katangahan. Ang mga kasama naming kasambahay at mga guard at hardinero ay nagtatawanan na rin dahil sa nasabi ko. Hiyang hiya na talaga ako kaya napayuko na lamang ako. "Oh, sya tama na nga 'yan at tapusin na 'yang pagkain at ng makapag-ligpit na tayong lahat." Utos naman ni Manang sa amin na napapailing na lamang. "Alam mo Chei 25 years old pa lang si sir Vaughn at sa kanilang magbabarkada sya ang pinaka gwapo, saan mo ba kasi nakuha ang balitang matandang binata na si sir ha?" Litanya ni olive na natatawa sa akin. Pinaka gwapo? Ibig sabihin may mas gagwapo pa pala kay Sir Jayvee? Hindi ako makapaniwala na may mas gagwapo pa pala kay Sir Jayvee at 'yun ay ang amo namin. Maya-maya ay narinig kong tumatawag ang isang lalake kay manang kaya napalingon kaming lahat sa lugar na pinanggagalingan ng boses. "Oh Zandro, sandali lamang at papunta na ako dyan." Mabilis na sagot ni Manang at nagmamadali na itong pinuntahan ang tinawag nyang Zandro. "Haaays si Papa Zandro pala 'yun." Ngingiti-ngiting ani ni Olive habang namumungay-mungay pa ang kaniyang mga mata. "Hoy babaita marinig ka ni Sir Zandro." Suway naman ni Myrna kay Olive. Sumilip ako kung saan nanduruon ang mga bisita ng amo namin pero hindi ko sila matanaw, naririnig ko lamang ang mga boses nila pero ayokong lumabas sa pwesto ko dahil paniguradong makikita nila ako kaya bumalik na lamang ako sa kusina ng mga katulong. "Olive ako na maghuhugas ng mga ito" Saad ko sa kaniya ng nakangiti. "Sige ikaw na dyan at ako na bahalang maglinis dito." Wika nya at mabilis din kaming natapos at nagkanya-kanya na kaming pasok ng aming mga silid. Pagkapasok ko sa aking silid ay dali-dali kong inilock ang pinto, kaylangan kong maligo pakiramdam ko ay pawis na pawis ako. Matapos akong maligo ay nahiga na ako sa aking kama at iniisip ang mukha ni Sir Jayvee. Hmm may mas gagwapo pa pala sa mukhang 'yon? Wika ng aking isipan. Ngayon ay parang naku-curious na akong makita si Sir Vaughn, ilang araw na din naman ako dito at hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita ang itsura nya, may mga larawan naman sila dito pero mga bata pa sila sa mga larawang nakasabit at nakadisplay sa loob ng mansyon. Hindi ko na napansin ang oras hanggang sa nakatulog na ako sa kakaisip kung ano ba talaga ang hitsura ng aming amo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD