Chapter 15 -Tanggap na nga ba?-

1535 Words
Vaughn's POV "Anong ibig mong sabihin na hindi mo mahanap? Napaka imposible naman na hindi natin mahanap si Chei. Paanong may humaharang sa atin upang hindi natin siya mahanap ha? Anong ibig mong sabihin ha Gavin? Mag-iisang taon na pero hanggang ngayon wala pa rin kayong alam kung ano ang nangyari sa kanya at kung nasaan siya?" galit kong ani kay Gavin na kausap ko sa telepono. "Yun na nga ang sinasabi ko sayo bro. Kahit anong gawin namin walang lumalabas na information tungkol kay Chei. Pakiramdam namin ay may malaking tao talaga na humaharang sa ginagawa naming pag iimbestiga. Nuong una ay hula lang namin ngunit ngayon ay sigurado na nga kami na ganoon nga ang nangyayari. Isipin mo bro, halos isang taon na. Sa tuwing hahanapin namin si Chei, pati ang records ng paghahanap namin ay naglalaho. Kung walang humaharang hindi dapat mabura ang history ng paghahanap namin pero bro, wala isa mang trace tungkol sa ginagawa naming paghahanap." sagot niya na ipinagtataka ko na rin. "Paanong mangyayari 'yun bro? Simpleng tao lamang ang pinapahanap ko hindi anak ng Presidente o ng hari. Sa barong-barong lamang sya ipinanganak at lumaki kaya paanong mangyayari na hindi natin s'ya mahanap? Bro naguguluhan na ako, mukhang tama nga yata kayo na hindi na simpleng taguan ito. May malaking tao nga sa likuran ni Chei na tumutulong sa kaniya upang hindi natin siya mahanap. Mag-iisang taon na mula ng umalis s'ya at hanggang ngayon hindi pa rin natin s'ya nahahanap." ani ko sa kanya. "Huwag kang mag-alala dahil ginagawa pa rin namin ang lahat ng aming makakaya upang mahanap lamang s'ya." sagot nya sa kabilang linya at pagkatapos ay tinapos na namin ang aming pag uusap. "Chei nasaan ka ba? Parang awa mo na bumalik ka na, mababaliw na ako kakaisip sayo nakikiusap ako kung nasaan ka man magpakita ka na sa akin." humahagulgol kong ani. Wala na akong pakialam kung ano pang sabihin nila, iiyak ako hanggat gusto ko, hindi kabaklaan ang pag iyak lalo na kung ang sangkot dito ay taong minamahal ko. "Myrna, nakontak mo na ba ulit ang numero ni Chei?" tanong ko sa aking kasambahay ng makita ko siyang napadaan sa salas na may hawak na mga tikluping damit. "Sir, mukhang hindi na po nya talaga ginagamit ang kanyang numero, sorry po pero mula ng umalis po siya dito ay hindi na po kami muling nagkausap pa." sagot nya sa akin kaya sa sobrang frustration na aking nararamdaman ay napasigaw ako ng napakalakas. "Ahhhhh! Chei naman! Nasaan ka na?" malakas kong sigaw sabay hagis ng basong may lamang alak sa dingding ng aking kabahayan. Para na akong nawawalan ng pag asa na makikita ko pa si Chei. Hindi ko na alam pa ang aking gagawin at para na talaga akong mababaliw sa kakaisip kung saan ko pa ba siya maaaring hanapin. ────⊱⁜⊰──── Lumipas ang mahigit tatlong taon na walang nakakaalam kung nasaan si Chei. Marami din akong binayarang Private Investigators pero katulad nga ng sabi ni Gavin wala silang makuhang information kung nasaan man s'ya. Pero hindi ako susuko, mahal na mahal kita Chei at hihintayin ko ang iyong pagbabalik. "Good morning, sir!" bati sa akin ng aking mga empleyado habang naglalakad ako papasok sa pag aari kong VVLM Tower. Dire diretso lamang ako at hindi ko sila pinansin. Wala akong panahong makipag bolahan sa kanila. Huminto ako sa harapan ng private elevator at pinindot and 30th floor. Bumukas ang elevator at sinalubong ako ng bati ng aking sekretarya. "Good morning po Sir Montreal!" pagbati nya sa akin ng may ngiti sa kaniyang labi. Tinignan ko lamang siya sa mukha at pagkatapos ay tinalikuran ko siya bago ako nagsalita. "Bring me a black coffee in my office." utos ko sa kanya ng hindi ko na siya nilingon pa. "Yes sir." tugon nya at agad umalis sa aking harapan. Pagpasok ko sa aking opisina ay umupo agad ako sa aking swivel chair at inopen ang laptop na nasa ibabaw ng aking table. Ganito na lamang ang ginagawa ko, nagpapakalunod ako sa trabaho upang kahit papaano ay makalimutan ko ang sakit na idinudulot sa akin ni Chei. Tatlong katok ang narinig ko sa pintuan ng aking opisina kaya napatingin ako dito. "Come in," malamig kong tugon sa kung sino man ang nasa labas ng aking opisina. "Sir, here's your coffee." wika ng aking sekretarya pagkapasok nya sa aking silid opisina, at pagkatapos ay agad na ibinaba nya sa ibabaw ng aking table ang mainit na kape. "Anything else sir?" tanong nya sa akin pagkalapag ng kape. "You can go now, huwag kang magpapasok ng kahit sino dahil ayokong magpaistorbo." wika ko sa kanya at kinuha ko ang kape at sinimsim ito. Biglang tumunog ang aking telepono na nakapatong sa aking table malapit sa aking laptop kaya agad kong tinignan kung sino ang caller. Napangisi ako ng makita kong si Gavin ang tumatawag sa akin. "Hello bro may balita na ba?" wika ko sa kabilang linya. "Yun na nga bro, nakakapagtaka na hanggang ngayon wala talaga kaming makuhang information tungkol sa kanya. Pakiramdam ko hindi basta-basta ang taong may hawak sa kanya ngayon. maimpluwensya." mahaba nyang litanya sa akin kaya napabuntong hininga ako pagkatapos ay hinilot hilot ko ang aking sintido kahit hindi naman ito sumasakit. " I know bro, kahit ako nagtataka na rin ako. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko." sagot ko sa kabilang linya. "Mahahanap din natin si Chei, huwag kang mag-alala." wika nya ngunit parang nawawalan na rin ako ng pag-asa na mangyayari pa na magkita kaming muli. Mahigit tatlong taon na ang lumipas, baka kung magkita man kami ay may pamilya na siya. "Hindi na ako naniniwalang mahahanap pa natin siya. Huwag kayong mag-alala tanggap ko ng nawala na siya ng tuluyan sa buhay ko." ani ko at narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Sige na bro, binalita ko lang sayo ang mga nangyayari." ani nya sa akin at pagkatapos ay pinatay ko na ang aking telepono matapos kong magpasalamat sa kaniya. Napabuntong hininga ako at sumandal sa aking swivel chair habang hinihimas ang aking noo. LUMIPAS pa ang mga linggo... buwan subalit wala pa ring makakapag-turo kung saan na napunta si Chei. Gusto ko ng sumuko subalit nananaig ang pagmamahal ko sa kanya. Tatlong taon ko na siyang hinahanap ngunit wala akong makuha na kahit na anong information na makakapag-turo kung nasaan na s'ya o kung ano na ang nangyari sa kanya o kung buhay pa ba siya. Wala akong alam, ang alam ko lang, kahit papaano ay umaasa ako na magkikita kaming muli. Kung hindi man kami ang magkapalad ay tatanggapin ko ng maluwag sa puso ko basta makita ko lang na nasa maayos siyang kalagayan at ligtas sa kapahamakan. Muli kong hinarap ang aking laptop. Ngunit tila ba hindi ko maintindihan ang aking mga ginagawa kaya sa sobrang inis ko ay isinara ko ito at kinuha ko ang coat ko. Nagmamadali akong lumabas ng aking opisina ng matigilan ako ng makita kong paparating ang aking ina. "Mom?" gulat kong ani sa kaniya. "Son, pwede ba tayong mag-usap sa opisina mo?" ani nya sa akin kaya agad ko siyang iginiya papasok sa loob ng aking opisina. Pagkaupo ng aking ina sa sofa ay agad niyang hinawakan ang aking mga kamay. "Anak sabihin mo sa akin kung ano ba ang bumabagabag sa iyong kalooban. Nuon pa namin gustong malaman ng iyong ama kung ano ba ang nangyayari sa nag-iisa naming anak ngunit ayaw mo kaming papasukin sa buhay mo. Nandito kami upang tulungan ka. Please son kausapin mo ako, kausapin mo kami ng iyong ama." wika sa akin ng aking ina. "Wala kayong dapat ipag-alala sa akin mom, wala akong problema." tugon ko sa kaniya at malalim na buntong hininga lamang ang binitawan nya sa akin. "Kung handa ka ng magsabi ng problema mo anak ay nakahanda kami ng ama mo na makinig sa iyo." wika nya na tinanguan ko naman at pagkatapos ay sabay na kaming lumabas ng building. Naghiwalay na lamang kami sa parking lot matapos ko siyang ihatid sa kaniyang sasakyan. Alam kong maraming tao ngayon sa paligid ko ang nag-aalala sa akin at kasama na nga duon ang mga magulang ko, pero wala naman silang dapat na alalahanin dahil maayos ang kalagayan ko. Oo nalugmok ako sa kalungkutan pero nakaka move on na ako ngayon. Bumalik din sa akin ang pagiging babaero ko dahil sa kanila ko ibinubuhos ang init ng katawan ko sa tuwing naaalala ko ang gabing pinagsaluhan namin ni Chei. Kung nasaan man siya ngayon, siguro naman ay sapat na ang mahigit tatlong taon kong pagdurusa upang isipin ko naman ang sarili ko. Sa tagal ng paghahanap ko sa kanya ay hindi naman niya nagawang hanapin din ako, kaya alam kong masaya na siya kung nasaan man siya ngayon pero sana nga, isang araw ay muli kaming magkita upang kahit papaano ay mapanatag naman ang puso at kalooban ko kung makikita ko siyang nasa maayos na kalagayan. Pinaandar ko na ang aking sasakyan, wala ako sa mood magtrabaho ngayon kaya uuwi muna ako sa condo ko, kailangan ko ng babae na magpapawi ng kalungkutan na nararamdaman ko. Kailangan ko ng babae upang makalimot ang nasasaktan kong puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD