Chapter 14 -Ang paghahanap-

1575 Words
Vaughn's POV Ilang araw na naming hinahanap si Chei ngunit walang makapag sabi kung saan sila nagpunta ng kaniyang kaibigan, wala ding makapag sabi sa amin kung sino ang kaibigan na kasama niya dahil tanging pangalang Donna lamang ang naibigay sa amin. Sobra na akong nag-aalala na baka kung napapaano na ang aking mahal. "Pare wala kaming makuha pang impormasyon tungkol kay Chei, pero huwag kang mag-aalala dahil hindi kami titigil hangga't hindi namin nahahanap si Chei." wika ni Gavin habang papasok sa aking opisina. "Pare hindi ako makapag focus sa trabaho ko, kinakailangan ko munang pansamantalang ipaubaya ang negosyo ko sa aking mga magulang upang makatulong ako sa paghahanap sa kanya. Huwag ninyong susukuan ang paghahanap sa kanya dahil siya ang buhay ko, siya ang tanging nagbibigay ng kaligayahan sa buhay ko. Nagpatulong na din ako sa pinsan kong si Aiden pero hanggang ngayon ay wala din siyang magawa. Sabi niya ay tila may humaharang sa ginagawa nilang pag-iimbestiga. Kung sino man ang may hawak kay Chei, hindi ito simpleng tao lang." wika ko at muli akong lumagok ng alak. "Wala ba talagang nakakaalam kung ano ang pangalan ng kaibigan ni Chei na kasama niyang umalis? Maraming Donna sa mundo at lahat ng napagtanungan ko ay Donna lang din ang ibinibigay na tila ba may itinatago sila. Sa oras na malaman natin kung sino ang Donna na 'yon ay maaaring ito ang makapag bibigay sa atin ng daan upang mahanap natin si Chei." ani naman ni Jayvee na nag aalala na din kay Chei. "Wala talaga akong alam, pati 'yung matandang babae na nakausap ko ay tila ba naglaho na parang bula. Ang sabi ng mga kapit bahay nila ay lumipat na ito ng tirahan kaya talagang wala kaming mahanap na impormasyon tungkol sa kasama ni Chei." ani naman ni Gavin. Para akong binagsakan ng langit at lupa sa isiping maaaring hindi ko na makikita pa ang babaeng pinakamamahal ko. Muli na namang nagtuluan ang mga luha sa aking mga mata at napayukyok na ako sa table at napahagulgol na din ako. Masyado na akong nasasaktan, ngayon lamang ako nakaramdam ng ganito kasakit sa puso ko sa isiping tuluyan na akong iniwanan ng babaeng minamahal ko. Naramdaman ko ang paghagod ng isang kamay sa aking likuran kaya napa-angat ako ng aking ulo. "Pare tama na 'yan, huwag kang mag-alala dahil tutulungan ka naming mahanap ang babaeng mahal mo. Akalain mo na ang dating walang pakialam sa mga babae at ang tingin sa kanila ay pang isahang gabi lamang sa kama, ngayon ay umiiyak ng dahil sa babae." napapailing na ani sa akin ni Gavin. Para talaga akong mababaliw ngayon sa isiping mawawala na sa akin si Chei. Hindi ko kaya dahil unang pagtatagpo pa lang namin ay alam ko ng nabighani na niya ang bato kong puso. "Mahal ko si Chei pare, mahal na mahal. Nuong una ko pa lamang siyang makita ay pinukaw na niya ang natutulog kong damdamin. Ngayon ay nasasaktan ako at baka ikabaliw ko pa ito kapag hindi ko nahanap si Chei." umiiyak kong ani sa kanila. "Ganyan daw talaga ang tunay na pag ibig, kapag nakilala mo na ang babaeng nakatadhana mong mahalin talagang may kaakibat itong sakit sa damdamin. Masarap at masakit, nasa sa iyo na 'yan kung paano mo ito dadalhin sa puso mo." ani naman ni Michael na pumapasok sa aking opisina kaya napatingin kami sa kaniya. "Any information Michael?" tanong sa kaniya ni Gavin ngunit umiling-iling lamang ito kaya laglag na naman ang balikat kong napayuko. Bakit ba kasi naniwala siya sa Katrina na 'yon. Bakit hindi nya ako tinanong para malaman nya ang katotohanan? Bakit kailangan niyang umalis at takasan ako kahit wala naman siyang alam kung ano ba talaga ang katotohanan? Hindi ko talaga kayang magtrabaho sa ngayon kaya agad kong tinawagan ang aking ama upang ihabilin na lamang muna ang aking posisyon sa kaniya pansamantala. Matapos naming mag-usap ng aking ama ay agad ko ding inasikaso ang mga gamit ko at sabay sabay na kaming lumabas ng aking opisina. Halos mag gagabi na at nandito ako ngayon sa aking condo kasama ko ang mga kaibigan ko na nag-iinuman. Dito ko ibinubuhos ngayon ang lahat ng sakit ng kalooban ko, baka sakaling pag nalasing ako ay makalimutan ko panandalian ang kirot na nararamdaman ng aking puso. Mahal na mahal kita Chei, bakit mo naman ako iniwan? Ano ba ang kasalanan ko para bigla ka na lang umalis at hayaan akong masaktan ng ganito? Muli kong dinampot ang baso na may lamang alak at iniisang tungga ko lamang ito. Gusto kong malasing, 'yung magiging manhid ang puso ko at hindi ko mararamdaman ang sakit na dulot sa akin ni Chei. "Pare hinay-hinay lang at baka naman hindi ka na makalakad n'yan." ani sa akin ni Gavin at napapailing na lamang ito ng kanyang ulo dahil sa nakikita nila sa akin. "Pare bukas ay sisimulan muli namin ang paghahanap kay Chei kaya huwag kang magpaka lugmok sa alak diyan. Huwag kang mag-alala dahil hindi rin magtatagal ay mayayakap mo na siyang muli." ani naman ni Ellizandro sa akin habang tinatapik-tapik pa nga ako sa aking balikat. ────⊱⁜⊰──── Lumipas ang linggo at mga buwan ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring resulta sa paghahanap namin kay Chei. Sobra na akong apektado sa kaniyang pagkawala. Ayokong isipin na may nangyari ng masama sa kaniya dahil hindi ko kakayanin. "Nagtataka talaga ako kung bakit tila ba naglahong parang bula na lamang ang pangalan ni Chei. Mula ng umalis siya sa iyo ay ni wala na kahit na anong makapag-tuturo sa kinaroroonan nya o kung maayos ba siya. Wala kahit na ano kaming mahanap na impormasyon tungkol sa kaniya." ani sa akin ni Gavin, at tila ba hindi man lamang ako nasorpresa sa kaniyang sinabi dahil mula ng hanapin namin si Chei ilang buwan na ang nakalilipas ay ni wala pa kaming nakukuha kahit na isang impormasyon. "Narinig mo ba ako pare?" wika pang muli sa akin ni Gavin pero hindi ko siya pinansin. Kung kani-kanino na ako lumapit pero maging sila ay walang nagawa upang mahanap si Chei. "Pare lasing ka na naman ba?" tanong n'ya ng hindi ako sumasagot sa kaniyang sinabi. "May magbabago ba sa impormasyong ibinigay mo sa akin kung sasabihin ko sa iyong lasing nga ako?" sagot ko at agad na namang tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Wala na yatang katapusan ang pagluha ko dahil sa sobrang kalungkutan ko. "Pare kung hindi ka lasing, ay nagmumukmok ka naman dito sa iyong condo. Bakit hindi mo subukang kalimutan muna si Chei kung siya ang nagpapabigat diyan sa dibdib mo?" napaangat ako ng aking ulo sa kaniyang tinuran kaya sa sobrang galit ko ay muntik ko na siyang masuntok sa mukha. "Ano ba ang problema mo ha?" galit na asik nya sa akin matapos ko siyang itulak. "Iwanan mo muna ako pare. Gusto kong mapag-isa. Masyado na akong nalulugmok sa kalungkutan kaya nakikiusap ako pare, hayaan mo na muna akong mag-isa kahit ngayon lang." wika ko sa kaniya. "Hindi kita iiwan dito ng ganiyan ang kalagayan mo. Kung may nasabi man ako, okay I'm sorry. Masyado lang talaga kaming nag-aalala sa iyo." wika sa akin ni Gavin at bumalik siya sa couch at naupo dito habang nakatitig lamang sa akin. Muli akong kumuha ng alak sa aking refrigerator at tinungga ko agad ito mula sa boteng hawak-hawak ko. "Tang-na pare magpapakamatay ka ba?" galit na asik sa akin ni Gavin at pilit na inaagaw ang alak na hawak-hawak ko. "Mabuti pa nga yatang mamatay na lamang ako. Sobrang sakit ng nararamdaman ko, ngayon lamang ako nagmahal ng ganito pero bakit kailangan ko pang masaktan ng ganito? Ito na ba ang karma ko sa lahat ng katarantaduhan ko sa mga babae ha? Karma ko na ba 'to ha? Kung ito man ang karma ko, oo na! Humihingi na ako ng kapatawaran basta ibalik lang sa buhay ko si Chei. Mahal na mahal ko si Chei at siya lang ang nagbibigay ng kakaibang ligaya sa puso ko. Ibalik na ninyo sa akin si Chei, parang awa na ninyo." umiiyak kong ani sa aking kaibigan at napaupo ako sa silyang nakatapat sa lamesa. Napayukyok ang aking ulo at nagsimula na naman akong mag-iiyak. "Walang karma pare, wala kang ginawang masama kahit kanino, ang mga babaeng lumapit sa iyo noon ay ginusto nila 'yon at hindi mo sila pinilit. Huwag kang mawawalan ng pag asa dahil naniniwala ako na darating din ang araw na magkikita kayong muli ni Chei." ani sa akin ng kaibigan ko. "Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko, ginawa ko na ang lahat para mahanap ko si Chei ngunit bigo ako. Ang sabi nya sa akin sa sulat ay mahal na mahal niya ako pero bakit niya ako iniwang nagdurusa ng ganito? Bakit kailangan kong maranasan ang ganitong kabiguan ha Gavin? Bakit kung kaylan ko napagtanto na kaya ko pa lang magmahal ng totoo ay duon ko pa naranasan ang masaktan ng ganito? Parusa ba ito ng tadhana sa akin ha?" umiiyak kong wika sa kaniya at pakiramdam ko ay bibigay na ang katinuan ko sa sobrang pag-iisip. Isang tapik sa aking balikat ang muli na namang binigay sa akin ng aking kaibigan dahil batid ko ding pati sila ay nahihirapang hanapin ang kinaroroonan ni Chei at nahihirapan silang makita na nagkakaganito ako dahil sa isang babae. Dahil kay Chei na hindi ko yata kayang kalimutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD