Chapter 13 -Nasaan ka?-

2126 Words
Vaughn's POV Tinanghali na ako ng gising. Napabangon akong bigla ng hindi ko nakita si Chei sa aking tabi. Alam kong napagod ko siya kagabi at hindi ko pinagsisisihan ang mga nangyari sa amin. Gusto ko siyang panagutan lalo pa at ako ang nakauna sa kanya. Gusto kong bumuo kaming dalawa ng masayang pamilya at mamahalin ko siya hanggang sa huling hininga ng aking buhay. "Baby?" tawag ko ngunit walang sumagot. Baka bumalik na s'ya sa kanyang silid kaya't napatingin ako sa kama at nangiti ako ng makita ko ang ebidensya na ako talaga ang nakauna sa babaeng mahal ko. Yes, mahal ko, dahil mahal na mahal ko na si Chei at gagawin ko ang lahat maging akin lamang s'ya. Bumangon ako at dumiretso na sa banyo upang maligo. Pagkatapos kong maligo ay nag toothbrush na din ako at nag body spray. Pagkabihis ko ay bumaba na ako upang mag-agahan, sumisipol-sipol pa ako sa sobrang saya na aking nararamdaman. Ngayong araw na ito ay kakausapin ko si Chei at aaminin ko sa kanya na mahal na mahal ko s'ya at handa akong panagutan ang mga nangyari sa amin. "Good morning, ladies!" bati ko sa aking mga kasambahay na may ngiti sa aking labi. Alam kong ikinagulat nila ang ginawa ko pero good mood talaga ako ngayon dahil sa babaeng minamahal ko. "Hala sir! Mukhang maganda po yata ang gising n'yo ngayon? In love din po kayo?" nakabungisngis na ani ni Myrna na ikinatawa ko ng malakas. Totoo naman ang sinabi niya, in love talaga ako. "Hahaha. Yes, yes, I'm in love! Tama ka dyan in love nga ako," wika ko sa kanya na habang tumatawa ako pero ang mga mata ko ay panay ang tingin sa paligid at pilit hinahanap ng aking paningin ang babaeng mahal ko, ang babaeng biglang nagpabago ng katauhan ko. Ang babaeng nagpapangiti ngayon sa akin. "Napaka swerte naman po ni Ma'am. Katrina mahal na mahal n'yo po siya, mapapa sana all na lang po kami dito. Totoo nga po ang sinabi niya sa amin nila Chei na mahal na mahal ninyo ang isa't isa," nakangiting ani nya na ikinagulat ko naman. Anong mahal na mahal namin ang isa't isa? Sinabi niya 'yon kaharap si Chei? "What? I'm not in love with Katrina, we are not in any romantic relationship, magkaibigan lang kami. Sinabi talaga niya 'yon sa harapan ninyo ni Chei?" gulat na gulat kong tugon sa sinabi ni Myrna. Nakaramdam tuloy ako ng matinding pag-aalala dahil baka kung ano ang isipin ni Chei tungkol sa amin ni Katrina. Masasakal ko talaga si Katrina kapag nagalit sa akin si Chei dahil sa ginawa niya. "Ayyy hala! sabi nya po kasi fiancée n'yo daw po s'ya at malapit na kayong ikasal. Sorry po sir kung inakala ko po na totoo ang mga sinabi nya sa amin, napaka sinungaling naman ng babaeng 'yun. Hindi naman po sa harapan ni Chei sinabi kasi nasa likuran ko po si Chei nakasilip." wika nya na may halong pagbibiro. Nakaramdam ako ng galit at sana ay hindi magalit sa akin si Chei tungkol dito. "Bakit wala yata si Chei? Kanina ko pa napapansin na iilan lang kayo dito? Hindi ba dapat lahat ay kumikilos na upang matapos agad kayo sa mga trabaho ninyo?" pasimple kong tanong sa kanila upang hindi nila mahalata na hinahanap ko si Chei at interesado ako kay Chei. Oh well okay lang namang malaman nila dahil malapit na nilang maging amo si Chei. "Naku hijo linggo ngayon at day off ng batang 'yun! Sigurado akong nagliwaliw na naman ang batang 'yon." wika naman ni Manang sa akin. Nakaramdam naman ako ng kalungkutan kaya bigla akong natahimik. Buti at nagagawa pa niyang maglakad eh halos lumpuhin ko siya magdamag. Napatango-tango na lamang ako, sa isang sulok ng aking puso ay may lungkot akong nararamdaman, mamimiss ko kasi s'ya dahil siguradong hapon na naman ang balik nya, pero okay lang naman sa akin dahil makapag-hihintay ako sa kaniyang pagbabalik at sisiguraduhin ko na sa pagkakataong ito ay magiging masaya kaming dalawa. Sisiguraduhin ko na magiging masaya siya sa piling ko. Maghapon kong hindi nakikita si Chei. Pabalik-balik ako sa labas ng pintuan ng mansyon. Matyaga akong naghihintay sa kaniyang pagbabalik, pero mag-gagabi na ay hindi pa din s'ya nakakauwi kaya nakakaramdam na ako ng matinding pag aalala sa kaniya, na baka kung ano na ang nangyari sa kaniya. 'Fuuuck! Chei where are you?' bulong na utak ko habang tila ba ako lagari na pabalik-balik sa paglalakad. Maya't maya ay napapalingon ako sa pintuan na baka bigla itong bumukas at iluwa nito ang mahal ko pero wala, anong oras na pero wala pa rin siya. Inabot na ng alas otso ay hindi pa rin nakakauwi si Chei, pati mga kasambahay ko ay mababakasan na rin ng pag-aalala sa kanilang mukha dahil hindi naman umuuwi ng late si Chei. Nagdesisyon akong hanapin si Chei kaya palabas na lamang ako ng pintuan ng marinig ko ang malakas na tinig ng isa kong kasambahay. "Manang! Manang! Si Chei po!" sigaw ni Myrna na nagpagulat sa amin lalo na at binanggit niya ang pangalan ni Chei kaya napalingon ako sa kaniya na humahangos papalapit kay manang. "Ano ka ba naman Myrna! Bakit ka ba sumisigaw na bata ka ha?" sita sa kanya ni Manang pero ako ang puso ko ay nakakaramdam ng takot. Nanginginig ang katawan ko sa takot na baka tuluyan na akong nilisan ng aking mahal dahil sa sinabi ni Katrina. "Kasi po manang pumunta po ako sa silid ni Chei. Manang, wala na po duon ang lahat ng kanyang gamit, sa tingin ko po ay umalis na sy..." Hindi ko na pinatapos ang sinasabi ni Myrna ng marinig ko ang kaniyang sinabi dahil malakas akong sumigaw na ikinagulat nilang lahat. "WHAT?!" malakas kong sigaw na nagpapitlag sa kanilang lahat at dali-dali akong tumakbo sa silid ni Chei, na nag-iwan ng pagtataka sa mukha ng mga kasambahay ko, pero wala akong pakialam kahit na ano pa ang isipin nila dahil kaligayahan ko ang nakasalalay dito. "Fuuuuck! Where did she go? Bakit s'ya umalis?" sigaw ko na halos dumagundong na sa loob ng buong kabahayan at pinag bababasag ko ang bawat madampot ko sa loob ng kaniyang silid. "Hijo, tama na 'yan! Ano ba ang nangyayari sayo ha?" tanong ni Manang sa akin na may matinding pag-aalala dahil sa aking inaakto. "Ano ba ang nangyayari, may dapat ba akong malaman tungkol sa inyo ni Chei? Parang anak ko na ang batang 'yon, may ginawa ka ba sa kanya kaya siya umalis ha?" ani pa nyang muli ngunit tila ba hindi ko siya naririnig dahil gulong-gulo ang aking utak kung bakit ako iniwan ng babaeng pinakamamahal ko. Pinaramdam ko sa kanya kagabi ang pagmamahal ko, hindi ko mang tahasang nasabi sa kanya na mahal ko siya pero pinaramdam ko 'yon sa bawat halik na iginagawad ko sa kanya. Lasing ako kagabi kaya hindi ko sinasabi sa kanya na mahal ko siya dahil gusto kong marinig niya na mahal ko siya ng walang impluwensya ng alak ang sistema ko. Napaupo na ako sa sahig at duon na nagsimulang umagos ang aking mga luha. Ang mga luhang kanina pa nagnanais kumawala ng marinig ko pa lamang na wala na ang mga gamit ni Chei. "Chei mahal na mahal kita, bakit mo ako iniwan? Ano ba ang kasalanang nagawa ko para iwanan mo ako? Saan kita hahanapin? Parang awa mo na Chei, bumalik ka na sa piling ko dahil hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko," humahagulgol kong ani na nagpasinghap sa kanilang lahat. "Ah sir, may sulat po akong nakuha sa loob ng silid nya na nakapatong sa kama nya, nakapangalan po sa inyo, eto po oh." ani ni Myrna sabay abot ng sulat sa akin. Napatayo naman akong bigla at kinuha ang sulat sa kanyang kamay. Nakakaramdam ako ngayon ng pag-asa na baka hindi naman talaga siya umalis at iniwanan ako, baka may pinuntahan lang at bukas din ay babalik. Pinahid ko ang aking mga luha at nagmamadali akong lumabas ng silid ni Chei. Pagkarating ko ng living area ay naupo agad ako sa sofa at nakangiti kong binuksan ang sulat ngunit huminga muna ako ng malalim bago ko basahin ang kanyang sulat. Sir Vaughn. Salamat po sa pagtanggap n'yo at pagkupkop sa akin sa mga panahong kinakailangan ko ng trabaho at matutuluyan. Alam ko po na mali ang basta na lamang umalis sa poder n'yo ng walang paalam, pero baka pag nagpaalam ako ay hindi na ako makaalis pa. Aaminin ko po sa inyo na nahulog na po ako sa inyo, mahal na mahal kita at 'yon ang isang bagay na hindi pwede dahil may Katrina ka na po, at alam ko na siya ang mahal mo at hindi ako. Nangarap akong mahalin ka pero alam ko naman po na malaki itong pangarap na kaylanman ay hindi mangyayari. Sobrang sakit ng malaman ko na ikakasal ka na, gustuhin ko mang mag stay ay baka ikabaliw ko naman kapag dumating na ang araw na mag-asawa na kayo ni Miss Katrina. Patawarin n'yo po ako kung minahal ko man kayo ng hindi ko sinasadya, alam kong may ibang nagmamay-ari na ng puso mo at hindi ako 'yon. Masaya ako at hindi ko pinag sisisihan na ipinagkaloob ko sayo ang pagkababàe ko dahil mahal na mahal kita. Mahal na mahal kita sir at dadalhin ko ang pagmamahal na ito hanggang sa dulo ng walang hanggan kong buhay. Salamat sa masaya at mapait na gabi na ipinagkaloob mo sa akin bago ako umalis. Masaya dahil hindi ko pinagsisisihan na ipinagkaloob ko sa iyo ang kainosentihan ko. Mapait dahil alam ko naman na katawan ko lang ang kailangan mo sa simula pa lamang. Pero huwag kang mag-alala sir dahil okay lang po. Alagaan po sana ninyo ang inyong sarili at hangad ko ang kaligayahan ninyo ni Ma'am Katrina. Hinding-hindi kita makakalimutan Sir, Vaughn Vincent Lee Montreal. Mahal na mahal kita.♡ Nagmamahal; Archeina. "Aaaaaaah!" malakas na sigaw ko sabay lamukos ng sulat at ibinalibag ko ito sa sahig. "Kung hinayaan mo lang akong magpaliwanag sayo, sana nalaman mong mahal na mahal din kita Archeina! Oh god Archeina! Nasaan ka? Panginoon ko nasaan ang babaeng mahal ko?" sigaw kong muli na nagpagulantang sa aking mga kasambahay. Nanghihina akong napaupo, saan ko s'ya hahanapin? 'Tama sa dati nyang tinitirhan sa Pasig. Alam ni Manong Berto kung saan s'ya nakatira dahil s'ya ang sumundo dito.' bulong ko sa aking sarili at agad kong inutusan ang isa sa aking kasambahay na sabihan si Manong Berto na maghanda dahil may pupuntahan kami. Malakas at mabilis ang pagtibok ng aking puso habang hindi nawawala sa isip ko si Chei. Mahal na mahal ko si Chei hindi ako papayag na magkalayo kaming dalawa ng dahil lang sa mga sinabi ni Katrina sa kanila. Mabilis akong umakyat sa aking silid upang makapag palit ng damit. Nagmamadali akong lumabas ng pintuan ng mansyon at hinanap ko agad si Mang Berto. "Manong Berto dalhin mo ako sa bahay ni Chei kung saan mo s'ya sinundo, ngayon din at bilisan mo!" maawtoridad kong utos kay Manong Berto. WALA pang trenta minutos ay nakarating na kami sa isang squater area kung saan ay dating naninirahan si Chei at ang kaniyang yumaong ina. "Sir dyan po sa barong-barong na 'yan nakatira si Chei, pero mukha naman pong wala ng tao sa loob." wika ni Manong Berto sa akin. Nagmamadali naman akong bumaba at kumatok sa pintuan ng barong-barong na itinuro ni Manong Berto sa akin ngunit walang sumasagot o nagbubukas ng pintuan kaya mas lalo akong nangangamba na baka hindi dito umuwi si Chei. "Chei buksan mo ang pinto, mag usap tayo parang awa mo na, nakikiusap ako sayo buksan mo ang pinto o gigibain ko ito." sigaw ko habang sunod-sunod akong kumakatok ng malakas. "Wala na pong tao dyan, kaninang alas sais ng umaga ay dumating si Chei, pero umalis din ho pagdating ng kaibigan nyang si Donna at may bitbit na silang mga bag." wika ng isang ginang na nakatira sa katabing barong-barong. "Alam n'yo po ba kung saan sila pupunta ng kasama nya?" tanong ko sa kaniya na hoping ay may maisagot siya sa akin. "Ay naku sir wala po akong alam! Basta na lang po silang umalis kanina, pasensya na ho," wika nya at tinalikuran na nya ako. Bagsak ang balikat ko na bumalik sa aking sasakyan. Durog na durog ang puso ko at hindi ko alam kung saan ako magsisimulang hanapin si Chei. "Manong diretso muna tayo sa bar ni Gavin." Kailangan kong makausap si Gavin. Alam kong s'ya lang makakatulong sa akin upang mahanap namin si Chei. Isa siyang CIA kaya alam kong makakatulong siya sa akin upang mahanap ko si Chei, ang babaeng pakakasalan ko. Ang babaeng itinitibok ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD