Chapter 1-

3535 Words
Archeina's POV Ako si Archeina Chei Villamonte, 22 years old at ulilang lubos dahil kamamatay lamang ni mama, hindi ko nakilala ang aking ama at ni minsan ay hindi ko ito nakita. Gulong-gulo ang aking isipan at hindi ko malaman kung saan ako pupunta dahil kailangan kong makahanap ng trabaho at kahit ano basta marangal ay tatanggapin ko. Naglalakad ako ngayon sa kahabaan ng Makati, sobrang init at hindi ako makapag-isip. Gusto kong magalit sa mundo dahil pakiramdam ko ay aping-api ako dahil wala ng itinira sa akin. 'Wala na, tuluyan na akong iniwan ng aking ina, ang mas masakit pa ay wala man lamang akong nagawa para madugtungan pa ang kaniyang buhay.' lumuluhang bulong ko sa aking sarili habang naglalakad at hindi ko man lamang alam kung saan ako pupunta. Tanging ang aking ina na lamang ang aking nakagisnan sa mundo. Hindi ko kilala kung sino ba ang aking ama at kahit kaylan ay walang sinabi ang aking ina tungkol sa aking ama. Ayaw na ayaw kasi na mapag-uusapan ng aking ina ang tungkol sa aking ama kaya wala akong kaaalam-alam tungkol sa kung sino siya at kung buhay pa ba ito. Ngayon ay nag-iisa na lamang ako at kaylangan kong mabuhay kaya kinakailangan kong maghanap ng trabaho. High school lamang ang aking tinapos kaya wala din akong alam na trabaho kung hindi ang mamasukang tindera o katulong, basta marangal ay tatanggapin ko mabuhay ko lamang ang aking sarili. Habang naglalakad ako ay napadaan ako sa isang karinderya at agad akong pumasok sa loob at nagtanong kung nangangailangan ba sila ng katulong, at kamalas malasan pa ay wala man lamang tumatanggap pa sa akin. Kaylangan ko ng trabaho upang mabuhay at mabayaran ang barong-barong na inuupahan namin ng aking ina. Napaupo ako sa upuan sa loob ng karinderya at wala sa loob na dinampot ang dyaryo na nakalapag sa lamesang malapit lang sa akin. Nanlaki ang mata ko sa nabasa sa pahina apat ng dyaryong hawak-hawak ko. "Wanted stay in house maid." lumawak ang pagkakangiti ko at dali-daling kong kinuha ang aking lumang telepono at dinial ang numerong nakapaskil sa dyaryong aking hawak. "Uhm hello po, magandang tanghali po ako po si Archeina at nabasa ko po sa dyaryong hawak ko na naghahanap daw po kayo ng kasambahay?" wika ko sa kausap ko sa telepono. "Magandang tanghali din sayo ineng, ako naman si Edna at tawagin mo na lamang akong Manang Edna. Ilang taon ka na ba ineng at taga-saan ka naman?" ani ng nasa kabilang linya. "22 years old po, high-school graduate po ako at taga pasig lang po ako Manang Edna." sagot ko sa kausap ko ng may ngiti sa aking labi. "Ganoon ba? Okay ineng, ibigay mo sa akin ang address mo at ipasusundo kita sa driver ng amo ko, magdala ka na rin ng biodata mo at iba pang dokumento ng pagkakakilanlan mo ha." aniya pa sa akin kaya sa sobrang tuwa ko ay sunod-sunod na pag tugon ang isinagot ko sa kaniya. Sa sobrang katuwaan ko ay dali-dali kong ibinigay ang aking address sa kausap ko sa kabilang linya at pagkatapos ay nagmamadali na akong umuwi upang makapaghanda ng mga dapat kong dalhin. Sa wakas at mukhang may pagkukuhanan na ako ng pang-araw-araw kong gastusin upang masuportahan ko ang aking sarili. Mabilis akong nagtungo sa banyo upang maligo at pagkatapos kong maligo ay humarap ako sa salamin at tinitigan ang sarili ko at ngumiti. 'Mama sana po kayanin ko lahat ng magiging pagsubok sa aking buhay, gabayan nyo po sana ako mama.' wika ko sa aking sarili habang lumuluha na nakaharap sa salamin. Isang katok sa pintuan ang pumukaw sa aking pag-iisip kaya nagmamadaliali kong binuksan ang pintuan at isang hindi katandaang lalaki ang bumungad sa akin ng nakangiti. "Magandang hapon, kayo po ba si Miss. Archeina Villamonte?" tanong nya sa akin, kung hindi ako nagkakamali ay nasa edad 50 pa lamang ito. Agad kong tinugunan ang tanong niya sa akin dahil pakiramdam ko ay ito ang ipinadala ni Manang Edna na susundo daw sa akin upang dalhin ako sa lugar kung saan ako mamamasukan bilang isang katulong. "Ah eh ako nga pala si Berto pero tawagin mo na lamang akong Manong Berto. Pinadala ako dito ni Manang Edna mo para sunduin ka." sagot ni Manong Berto sa akin. Tama nga ang kutob ko na ito na nga ang taong susundo sa akin kaya naman sobrang galak ang aking nararamdaman at sana nga ay magustuhan ako ni Manang Edna dahil kailangan ko talaga ngayon ng trabaho upang mabuhay. "Hala kayo po pala yung susundo sa akin, ayy saglit lang po Manong Berto at kukuhanin ko po mga dadalhin kong dokumento." sagot ko at mabilis na akong tumakbo papuntang salas kung saan ko inilagay ang envelope na naglalaman ng aking mga impormasyon. "Ah ineng pinapasabi din sayo ni Manang Edna mo na magdala ka na rin ng mga damit mo." pahabol na sabi ni Manong Berto sa akin na ikinagulat ko. "P-Po? Tanggap na po ba agad ako?" gulat kong tanong kay Manong Berto. "Hindi ko alam ineng pero mas mainam na gawin mo na lang para malaman mo mamaya pag dating mo duon." pahabol na sagot ni Manong Berto sa akin. Habang sakay ako sa magarang sasakyan ng magiging amo ko ay hindi ko maiwasang mamangha sa nakikita ko sa loob ng sasakyan, ang bango-bango pa nito at tila ba nakakatakot hawakan ang mga bagay na nasa loob nito. Ngayon lang ako nakapasok sa ganitong klase ng sasakyan, jeepney at tricycle lang kasi ang nasasakyan ko, minsan nga hindi ko pa kayang bayaran ang tricycle dahil medyo mataas ang bayad kumpara sa jeepney. Napatingin ako sa bintana habang binabaybay namin ang lugar kung saan ako mamamasukan bilang kasambahay. Napanganga ako sa isang village na pinapasukan namin dahil napakaganda naman ng lugar na ito, ang mga bahay, mali hindi lang sila basta mga bahay, mansyon, dahil halos lahat ng nakatayo sa subdivision na 'to ay puro mansyon. Lalo akong namangha ng nakarating kami sa mismong bahay ng magiging amo ko, mali mansyon nga pala ito. Tunay na kamangha-mangha sa sobrang laki nito at may sariling guard sa loob ng napakalaki at napakataas na gate ng mansion. "Ah eh manong Berto dito po ba sa mansyong ito ako mamamasukan bilang isang kasambahay?" tanong ko sa driver ng magiging amo ko. "Naku ineng isa lang ito sa mga mansion ng magiging amo mo kaya hindi ko alam kung dito ka ba o sa ibang mansion pero sa tingin ko naman ay dito ka matatalaga dahil kulang ang kasambahay dito." sagot ni Manong Berto sa akin kaya tumango na lamang ako. Isa lang pala ito sa mansion ng magiging amo ko, gaano ba kayaman ang magiging amo ko? Pag-baba ko ng sasakyan ay napatingala ako at para akong isang inosente dahil sa aking mga nakikita. Ang akala ko ay sa tv ko lang makikita ang mga ganitong lugar o kaya sa novela lang mababasa pero heto at kaharap ko ngayon ang isang napakagandang mansion. "Archeina?!" napalingon ako sa isang may katandaan ng babae na sa tingin ko ay nasa edad 60 na. "Ako nga po, kayo po ba si Manang Edna?" magalang kong sagot sa kaniya sabay yuko ng aking ulo bilang pag-galang ko sa kaniya. "Ako nga ineng, halika at sumunod ka sa akin sa loob." napayuko ako dahil nahihiya ako, napansin ko ding maraming katulong ang mansion na ito at lahat sila ay mga naka uniporme. Pagpasok ko sa loob mas lalo akong namangha sa ganda nito, halos lahat ng nakikita ko ay tila ba nakakatakot hawakan at pakiramdam ko ay pag-nakasira ako ng isang bagay sa loob ng mansyon ay hindi ko kayang bayaran kahit na mamasukan pa ako sa kanila ng habang-buhay ay hindi ko matutumbasan ang halaga nito. "Umupo ka ineng at may pag-uusapan tayo." nakangiting wika sa akin ni Manang Edna. "Nasaan nga pala ang mga dokumento mo hija, kailangan ko ang mga 'yan para maiabot ko sa amo natin mamaya pag-uwi nya galing opisina." tanong nya sa akin kaya't mabilis kong iniabot ang envelope na naglalaman ng mga inpormasyon ko. "Halika at sumunod ka sa akin sa maìds quarter para maituro ko sayo ang magiging silid mo." wika ni Manang Edna sa akin na ikinagulat ko. Ibig bang sabihin nuon ay tanggap na ako sa trabaho? Mabilis akong tumayo at sinukbit ang aking bag na di naman kalakihan sa aking balikat at agad na sumunod sa naglalakad na si Manang Edna. Hindi naman kalakihan ang dala kong bag dahil wala naman kasi akong masyadong damit at kung ano lang ang meron ako ay 'yun lamang ang aking binitbit. "Heto ang magiging silid mo Archeina" wika ni Manang Edna sa akin habang binubuksan ang pintuan ng isang kwarto dito sa maid's quarter. "Chei na lang po manang Edna." sabay ngiti ko sa kaniya. "Okay Chei, iayos mo na ang mga gamit mo at magpahinga ka na, bukas ka na magsisimula ng mga dapat mong gawin dito sa mansion." nakangiti nyang turan sa akin at pagkatapos ay tumalikod na si Manang Edna habang ako naman ay pinagmamasdan ang kabuuan ng loob ng magiging silid ko. Ang ganda-ganda nito kumapara sa aming barong-barong at may sarili din akong banyo dito samantalang sa barong-barong namin ni nanay ay nakikiligo lamang ako sa bahay ng bestfriend ko. Humiga ako sa aking higaan, malambot sya at mukhang napaka sarap matulog ditom hindi na sasakit ang likod ko at wala ng papapak na mga lamok sa akin. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako at bigla na lamang akong napatayo at tumingin sa orasan ng maalimpungatan ako. 'Jusko po at nakatulog pala ako, baka sabihin nila ke bago-bago ko napakatamad ko.' bulong ko sa aking sarili. Lumabas ako ng aking silid at naglakad papasok sa loob ng kusina upang tumulong sa mga gawain. Nakita ko si Manang Edna na nagluluto habang ang ibang katulong naman ay naglilinis, may naghuhugas ng mga kasangkapan sa lababo at may nag-lilinis naman ng sahig. "Ah eh may maitutulong po ba ako sa inyo?" nahihiyang tanong ko sa kanila ng biglang ang lahat ay huminto sa kanilang mga ginagawa at napatingin sa gawi ko na natitigilan na nakatitig sa aking mukha. "Naku Chei magpahinga ka na lang muna, bukas ka pa naman magsisimula sa trabaho mo dito sa mansyon." wika ni Manang Edna sa akin. "Katulong Siya dito manang Edna?" gulat na gulat na ani ng isang kasambahay na sa tingin ko ay hindi naman naglalayo ang edad sa akin. "naku manang nakapag-pahinga na naman po ako at wala naman din po akong ginagawa kaya gusto ko po sanang makatulong." nahihiyang sambit ko sa kaniya. "Hi, ako nga pala si Myrna isang taon na akong namamasukang kasambahay sa mansion na to, napaka-ganda mo naman at ang kinis at ang puti ng balat mo parang di ka yata bagay maging katulong." nakangiting wika ni Myrna habang naghuhugas ng mga plato. Napangiti ako dito at yinukuan ko siya ng aking ulo na ikinatuwa naman niya. Nagpakilala na din ako sa kaniya at mukha yatang hindi mahirap pakisamahan ang mga taong makakasama ko dito sa pagtatrabaho. "Ako naman si Olive kasambahay din ako dito at anim na buwan na ako dito." sagot naman ng isang katulong habang nagpupunas ng mesa. Mukha ngang mababait ang mga tao dito dahil lahat sila ay magiliw na nakikipag-kilala sa akin. "Oh, sya kung gusto mo talagang tumulong ineng ay umakyat ka sa ikatlong palapag, may tatlong pinto duon, sa pinaka dulong pinto ka pumasok, master bedroom 'yun ng amo natin na si Vaughn, maglinis ka duon at bilisan mo baka abutan ka ng amo natin. Ayaw na ayaw nya sa lahat na inaabutan nya sa loob ng kanyang silid ang mga katulong na naglilinis. Naiintindihan mo ba ang sinabi ko ha Chei?" mahabang wika naman ni Manang Edna sa akin. "Ah sige po manang, naiintindihan ko po. Sige po at aakyat na agad ako upang maglinis sa silid ng ating amo." tugon ko naman habang nagmamadali ako sa paglalakad papunta sa napaka-gandang hagdanan. "Bukas ay kailangang naka uniporme ka na din. Ang lahat ng kasambahay dito ay kinakailangang nakasuot ng tamang uniporme." pahabol na sabi ni Manang Edna na sinang ayunan ko naman agad. Hmmn saan nga ba ang master bedroom ng amo namin, ano nga ba ulit ang pangalan nun, uhmm Vaug... Vaughn mukhang lalake ang amo namin at sa mga sinabi ni manang mukhang masungit ang amo namin. Napahawak ako sa aking dibdib dahil tila ba ay bigla na lamang akong nakaramdam ng takot, baka kaya isang matandang binata na masungit ang amo namin na mahilig manigaw ng mga katulong. Napapilig ako ng ulo, hindi naman ako dapat matakot, ang mabuti kong gawin ay lagi ko na kamang iiwasan ang aming amo upang hindi ako masigaw-sigawan nito. Pagpasok ko sa pangatlong pinto ay agad akong namangha sa sobrang laki at ganda ng silid na ito. Mabango at kulay puti at itim ang kulay nito. Puti ang kulay ng dingding. Puti at itim na kurtina naman, at itim na mga mamahaling dekorasyon at puting sapin ng isang napaka laking kama na kulay itim ang bedframe at headboard nito. Pumasok ako sa isang pintuan at namangha ako, isang napakalaking walk in closet pala ito at punong-puno ng ibat ibang uri ng mamahaling mga damit at sapatos. Sa pinaka gitna naman ay isang mamahaling sofa na may coffee table sa tabi nito. Carpeted din ang buong sahig ng silid na ito at humahalimuyak ang amoy nito dahil sa mamahaling panglalaking pabango. Lumabas ako mula sa closet upang buksan naman ang isang pintuan at nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita, jacuzzi ang unang bumungad sa akin sa pinaka gitna mismo ng banyong ito. Isang malaking glass shower na kahit yata apat kayong maligo ay pwedeng-pwede at maluwag pa rin sa loob. Nakakamangha ang silid na ito. Nagsimula na akong maglinis at bawat kilos ko ay nagmamadali dahil ayokong abutan ako ng may ari ng silid na ito. Makalipas ang kulang isang oras ay natapos na din ako. Sinigurado ko na walang mintis ang aking paglilinis. Kahit wala namang alikabok ay punas dito at punas duon ang ginawa ko, ganuon din ginawa ko sa balkonahe ng silid na ito. Bago ako tuluyang lumabas ay tinignan kong muli ang silid, talaga namang nakakamangha ang kagandahan ng kwartong ito at napapa sana all na lamang ang aking isipan. Ngumiti ako at pagkatapos ay tuluyan na akong lumabas ng silid. Bumalik na ako ng kusina at tapos na din sila sa mga ginagawa nila sa kusina. Pagkakita ko kay Manang Edna ay nag-paalam na agad ako sa kaniya, pakiramdam ko kasi ay nanlalagkit ako kaya ililigo ko na muna ito. "Natapos mo ba ang paglilinis sa silid ng amo natin Chei?" tanong nya bago ako tumalikod papuntang maid's quarter. "Opo manang at sigurado ko pong bawat sulok ng silid ay malinis." nakangiti kong wika sa kaniya. Natuwa naman ito sa akin at pinayagan na akong tumungo sa aking silid. kailangan kong magpakitang gilas upang hindi nila ako tanggalin sa trabaho dahil ang hirap pa naman maghanap ng mapapasukan at hidi lahat ay basta-basta na lamang nagtitiwala. Alas otso ng gabi ng may mahihinang katok sa pintuan ng aking silid ang gumising sa akin. "Chei, si Myrna ito, pinapatawag ka na ni Manang Edna at kakain na tayo." tawag ng nasa pintuan sa akin habang mahinang kumakatok. Bigla akong napatayo at nagmamadaling binuksan ang pintuan ng aking silid. "Halika na, palabas na din naman sana ako nauna ka lang kumatok" pabungisngis kong sabi kahit alam ko namang kagigising ko lamang. "Napaka ganda mo talaga Chei, hindi talaga bagay sayo ang maging katulong." sambit nya ng nakangiti sa akin. Kahit sino ang makaharap ko ay lagi ko na lamang naririnig ang pamumuri nila sa akin na ikatutuwa ko naman, sabi nila ay mukha daw akong may lahi dahil na rin sa kulay ng aking mga mata, hindi ko kasi alam dahil hindi ko naman nakilala ang aking ama. Sumunod na ako sa paglalakad kay Myrna patungong likod ng kabahayan, nakabukod kasi ang kusina na para sa mga katulong kaya naman nasa likuran ito ng mansyon. "Naku Chei humarap ka nga sa salamin at titigan mo ang iyong sarili noh, 'yang kutis mo parang pang mayaman. Ang tangos tangos pa ng ilong mo at napaka-ganda ng bilog na bilog mong mga mata at ang kulay shemas nakakainggit, haba din ng pilik mata mo, nakakainggit kaya ang ganda mo." dagdag na ani pa ni Myrna sa akin na nginitian ko lamang dahil nahihiya na ako at hindi ko alam ang isasagot ko. Pag pasok na pag pasok ko ng kusina ay nagulat ako, marami pala talaga kaming mga kasambahay dito. May hardinero, driver, guard at apat kaming kasambahay maliban kay Manang Edna. Ngumiti ako sa kanila at lahat sila ay nakatitig lamang sa akin na parang ngayon lamang nakakita ng bagong katulong. Nag-aalangan akong bumati sa kanila dahil sa mga titig nila sa akin kaya simpleng hi na lamang ang nasabi ko sa kanila. Halos sabay sabay din silang bumati sa akin na hindi pa rin inaalis ang mga tingin sa akin kaya nakakaramdam na ako ng matinding pagka-ilang, hindi kasi ako sanay na may mga matang nakatitig sa akin ng ganito katagal. Nilapitan ako ng isang lalaki na sa tingin ko ay nasa edad na 25. "Hi, ako nga pala si Neil, ako ang gwapong hardinero ng mansyon na ito." wika n'ya na naka ngiti at titig na titig sa aking mukha. Lalo tuloy akong namula sa hiya sa sobrang titig nya sa akin. Tinampal s'ya sa braso ni Myrna at hinila na ako papalapit sa lamesa kaya naman naupo na ako sa tabi nila. "Nag-seselos ka lang dahil alam kong matagal mo na akong gusto Myrna, maglaway ka lang sa akin dahil hindi mo ako matitikman." nakangusong saad ni Neil kay Myrna na ikinatawa ng lahat maliban kay Myrna na inirapan lamang ito. "Nakupo Neil, kahit ikaw na lang ang nag-iisang lalake sa mundo hindi pa rin kita papatulan kaya huwag kang mangarap ng gising noh." palatak na sabi ni Myrna. Nagkatawanan na ang lahat kaya nakitawa na rin ako at isa-isa na din silang nagpakilala sa akin. Naging masaya ang aming hapunan hanggang sa natapos na kaming lahat pati sa paglilinis at pagkatapos nuon ay isa-isa na kaming nagtungo sa aming mga silid. ❅───✧❅✦❅✧───❅ Vaughn's POV My name is Vaughn Vincent Lee Montreal 25 years old at nag-iisang anak at tagapagmana ng Montreal Corps. Ang aking ina at ama ay walang ginawa kung hindi ang ihanap ako ng babaeng maaari kong pakasalan, sumasakit na ang ulo ko dahil sa pagtulak nila sa akin na magpakasal na ako upang mabigyan ko na sila ng apo. Pagpasok ko pa lang sa pintuan ng aking mansion ay sinalubong na agad ako ni Manang Edna. "Hijo dumating na ang katulong na tinanggap ko." ani ni Manang sa akin at sabay-abot ng isang brown envelope na tinanggap ko naman. "Okay po Manang, I will check her information later after dinner." sagot ko sa kanya habang patuloy lamang akong naglalakad. "Oh, sya umakyat ka na at maligo, ipaghahain na kita at niluto ko lahat ng paborito mong ulam kaya sige na at maligo ka na." wika ni Manang sa akin. "Thanks, Manang, I'll go ahead." sabay talikod ko upang tumungo na sa aking silid. Pagpasok ko sa aking silid ay pabagsak akong umupo sa aking kama dahil na rin sa matinding pagod, binitawan ko ang brown envelope at kinuha ko ang aking phone at binasa ang mga text ng aking mga kaibigan. Pagkatapos ay nagtuloy na ako sa banyo upang maligo. Pagkatapos kong maligo ay nagtungo ako sa aking closet at nagbihis ng pajama at sandong puti, sinipat-sipat ko ang sarili ko sa isang napakalaking salamin sa dingding at ngumisi. 'Mag-aasawa? Hindi pa ako nahihibang para mag-asawa. Wala sa plano ko ang mag seryoso at hanggang kama lang ang mga babae para sa akin.' Wika ko sa aking sarili na napapailing. Lumabas na ako ng aking silid at nagtungo sa komedor upang maghapunan. Pababa pa lamang ako ng hagdan ay naaamoy ko na ang mga masasarap na pagkaing inihanda sa akin ni Manang Edna. Matapos akong kumain ay tinawagan ko ang isa sa aking mga kaibigan na si Jayvee. "Bro saan ka ngayon?" tanong ko sa kaibigan kong si Jayvee na nasa kabilang linya. "Kasama ko ang tatlo at nandito kami ngayon sa HC bar." aniya sa akin. "Okay wait for me guys, I'll be there in 15 minutes." at ibinaba ko na ang phone. Barkada at matatalik na kaibigan ko ang apat na tukmol, si Jayvee, Zandro, Michael at Gavin. Mabilis akong nakapagbihis at palabas na ako ng aking silid ng mapansin ko ang brown envelope sa aking kama, napakunot ang aking noo. Kinuha ko ito at balak ko sanang buksan, pero naisipan ko ring ibaba at bukas ko na lamang ito babasahin. Nakarating ako ng bar ay agad akong sinalubong ng aking mga kaibigan at inabutan ng iced cold beer. Ganito kaming magkakaibigan sa tuwing pagod kami sa aming mga trabaho, pamparelax namin ang mag-inuman sa isang bar at mambabae hanggang sa magsawa kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD