Archeina's POV
Maaga akong nagising, anong oras na kaya nakauwi si sir? Katunayan nga ay palihim ko siyang hinintay hanggang alas diyes kagabi kaya lang hindi ko na kinaya at inaantok na talaga ako kaya bumalik na ako sa aking silid at nakatulog na ako.
I think I'm falling for him na talaga o baka nga in-love na talaga ako sa kaniya ng tuluyan, at habang tumatagal ay palalim ng palalim pa ang damdaming aking nararamdaman para sa kaniya.
Sana pareho kami ng nararamdaman, natatakot ako na baka ako lang ang nagmamahal at umaasa lamang ako sa wala, baka mamaya ay sinasamantala lamang niya ang pagiging inosente ko kaya nya ginagawa ang mga bagay na 'yon sa akin.
Bumangon na ako dahil 6:30 am na, maliligo na muna ako para makapagbihis at makapag-agahan na ako.
Naeexcite akong makita si sir bago sya pumasok sa kaniyang opisina kaya kailangan kong magmadali sa aking mga kilos.
Pagkatapos kong maligo ay nagmamadali naman akong nagbihis at nagtungo na sa kusina ng may malaking ngiti sa aking labi.
"Good morning, everyone." masaya kong bati sa kanilang lahat. Agad akong umupo sa hapag kainan at nagsandok ng pagkain habang ngiting-ngiti pa rin ako.
"Aba Chei ang ganda-ganda naman yata ng gising mo ngayon ah!" nakangiting ani ni Myrna sa akin na tila ba may kasamang panunukso.
"Baka in-love." makahulugang ani naman ni Neil na matamang nakatitig sa akin at tila ba may lungkot sa kaniyang mga mata.
"Huh, in-love ka Chei? Kanino naman?" gulat na tanong ni Olive sa akin na nakataas pa ang isang kilay.
"Masaya lang at maganda ang gising in-love na agad? Hindi ba pwedeng masaya lang ako dahil may mga bago akong kaibigan dito." nakaismid kong sagot sa kanila.
Hindi na sila kumibo pa lalo na ng pinatigil na sila ng ibang kasambahay.
Sabay-sabay na naming pinagsaluhan ang masarap na agahang nakalatag sa ibabaw ng mahabang lamesa ng bigla na lamang nagsalita si Olive na ikinagulat ko.
"Naku! alam n'yo ba na nag uwi ng babae si Sir Vaughn kagabi?" ani ni Olive habang sa akin nakatingin na tila ba pinagmamasdan kung ano ang aking magiging reaksyon.
"Weeh di nga!" hindi makapaniwalang ani ni Myrna.
Napayuko ako ng aking ulo at nakaramdam ako ng kirot sa aking puso, yumuko ako upang hindi nila mapansin ang sakit na aking nararamdaman lalong-lalo na si Olive na tila ba pinapakiramdaman ang aking mga ikinikilos. Ayokong magpakita na naaapektuhan ako pero paano ko ba maitatago ang nararamdaman ko kung totoo namang nasasaktan ako ngayon.
Napatingin ako kay Neil at nakita ko ang galit sa kanyang mga mata at pag-tikom ng kanyang mga kamao. Umiwas ako ng tingin dahil ayoko ng nararamdaman ko, ang sakit-sakit, para akong sinasaksak ng paulit-ulit sa aking dibdib.
Gusto kong sumigaw at umiyak ng umiyak ngunit ayoko namang magtaka sila sa akin at paghinalaan ako ng kung ano-ano kaya't nananatili lamang akong walang kibo habang dinarama ang matinding sakit na dulot ng sinabi ni Olive sa amin.
Kaya ba masyado ng ginabi sa pag-uwi si Sir Vaughn ay dahil nag-uwi siya ng babae dito sa kaniyang mansion? Akala ko ay may nararamdaman din siya para sa akin dahil sa mga ipinapakita niya ngunit ang lahat pala ay isang malaking kalokohan lamang.
"Totoo ang sinasabi ko noh! Kanina nga ay bumaba pa siya duon sa kusina na tanging suot lamang ay t-shirt at boxer ni Sir Vaughn at ang pakilala pa n'ya ay fiancée s'ya ni sir." dagdag na ani ni Olive kaya pakiramdam ko ay unti-unti na akong namamatay dahil sa mga nalalaman ko.
Ang sakit, akala ko may pagtingin din s'ya sa akin pero pinaglalaruan nya lamang pala ako, akala ko ay may pag-mamahal din siya sa akin ngunit ang lahat naman pala ay laro lamang sa kaniya at ako naman si tanga ay naniniwala na maaaring magkaroon siya ng pagtingin sa akin.
"Excuse me, may kukunin lamang ako sa aking silid bago tayo magsimulang maglinis." ani ko na pinipigilang mapiyok dahil sa matindi kong pagpipigil na maiyak kaya't mabilis na akong umalis at tumakbo patungo sa aking silid upang hindi na nila makita pa ang pagbagsak ng aking mga luha.
Pagkapasok ko sa aking silid ay isinara ko agad ang pintuan at tuluyan ng naglaglagan ang mga luhang pilit kong pinipigilan kanina pa. Ang sakit sobrang sakit ng nararamdaman ko dahil sa mga sinabi sa amin ni Olive.
Pakiramdam ko hindi ko kaya ang sakit, pinaglalaruan lang pala ako ni Sir Vaughn at sobrang tanga ko naman dahil nahulog ako sa kanya, hindi ko man lamang naisip na sa isang katulad n'ya ay imposibleng walang nag-mamay-ari ng kaniyang puso. Ikakasal na pala s'ya, pinaglaruan n'ya lang ako. Dahil ba katulong lang ako at madaling utuin ang isang katulad ko? Ang sakit-sakit malaman na ang taong mahal mo ay may iba palang mahal, sana ay hindi ko na lamang siya nakilala pa, sana nuon pa lamang ay umalis na ako sa lugar na ito upang hindi na ako nahulog sa kaniya ng ganito kalalim. Inayos ko ang aking sarili at humarap ako sa salamin, pinahid ko ang aking mga luha at tinatagan ang aking sarili.
"Tama na Chei, kalimutan mo na si Sir Vaughn, hindi ka nya seseryosohin dahil isang hamak na katulong ka lamang." bulong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ko ang aking sarili sa malaking salamin.
Binuksan ko ang pintuan ng aking silid at nagtungo na ako sa loob ng mansyon na tila ba walang nangyari at pagkatapos ay dumiretso ako sa kusina pero laking gulat ko ng makita ko si Sir Vaughn at ang babae n'yang kasama na magkatabi sa hapag-kainan at sabay na kumakain.
Natulos ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa akin si sir at agad akong nag-iwas ng tingin.
"Manang Edna ano pa po ba ang gagawin dito, kung wala na po ay maglilinis muna po ako ng bakuran." wika ko kay Manang Edna na matamang nakatingin lamang sa akin.
"O sige hija, okay na kami dito at duon ka na lang muna magsimula sa garden at pagkatapos duon ay magpapalit naman tayo mamaya ng mga kurtina." ani nya habang tumuturo-turo pa ang kamay nya sa labas ng mansion.
"S-Sige po Manang Edna at lalabas na po ako." wika ko na nauutal at hindi pa rin tumitingin sa dalawang magkatabi sa hapag kainan. Sobrang sakit ng nararamdamn ng puso ko habang napapatingin ako sa dalawang magkatabi na kumakain ng agahan.
"Babe kumain ka pa pampabawi ng lakas, napuyat ka kagabi ikaw kasi eh." malanding ani ng babae, hindi ko na inantay pang sumagot si Sir Vaughn at nagmamadali na akong tumakbo papalabas ng mansyon dahil pakiramdam ko ay bibigay na ako, pakiramdam ko ay mamamatay na ako sa sobrang sakit na dulot nito sa aking puso.
Paglabas ko ng mansyon halos nanlalambot ang aking mga tuhod sa aking narinig.
Babe? Napuyat sila? Dyosko po bakit ang sakit-sakit? Bakit kaylangan kong maramdaman ang ganitong sakit?
"Huy bes! Ano nangyayari sayo, bakit parang namumutla ka, may sakit ka ba?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Myrna habang sinasalat-salat pa ang aking noo kung mainit ba ako.
"W-Wala 'to bes, siguro medyo mainit lang ngayon kahit maaga pa kaya ganito ang pakiramdam ko." nakayuko kong ani sa kanya at hindi ipinapakita ang aking mga mata na punong-puno ng matinding kirot at kalungkutan.
"Sigurado ka ba bes? Para kasing may sakit ka at namumula pa mga mata mo." pangungulit pa n'ya sa akin kaya agad ko siyang ginawaran ng isang ngiti upang ipabatid sa kaniya na okay lang talaga ako at gumawa na lamang ako ng dahilan upang hindi na rin siya mangulit pa.
"Naku napuwing lang ako, maalikabok kasi dito!" pagsisinungaling ko na sinamahan ng ngiti.
"O sige maiwan muna kita dyan ha, pag lumala 'yang nararamdaman mo magsabi ka lang at agad kong ipapaalam kay Manang Edna." pahabol nya pang ani at ngiti lamang ang aking itinugon.
Matapos kong linisin ang bakuran ay isinunod ko ang mga silid sa itaas. Habang nasa salas sila ay inuna ko ng linisin ang silid ng aking amo upang hindi na niya ako abutan pa, papalabas na ako ng kanyang silid ng bigla itong bumukas at pumasok sa loob si sir at mabilis na ini lock ang pintuan.
"S-Sir lalabas na po a-ako." nauutal kong ani ng hindi tumitingin sa kaniya.
"Let's talk Chei." wika nya sabay hawak sa braso ko.
"W-Wala naman po k-kayong dapat ipaliwanag sa akin sir at wala din po tayong dapat pag-usapan, katulong lang po ako dito at alam ko po kung saan a-ako dapat lumugar." nakayuko kong wika sa kaniya ngunit naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak ng isa nyang kamay sa aking braso.
Nagkuyom ang kanyang kamao at nagtagis ang kanyang mga bagang, nakaramdam ako ng takot at kaba na baka saktan niya ako. Hinaklit nya ang aking baywang at siniil nya ako ng mapag parusang halik. Dinakma nya ang aking dibdib at walang habas na nilamukos ang aking dibdib. Nakakaramdam ako ng sakit at hapdi sa labi at sa aking dibdib sa paraan na kanyang ginagawa. Napapikit ako at ubod lakas ko syang tinulak at sinampal. Nagkaroon ako ng pagkakataon upang makalabas ng kanyang silid at patakbong nagtungo sa aking kwarto.
Pagkasarado ko ng aking pintuan ay napahagulgol ako sa sobrang sakit na aking nararamdaman. Ayoko na kailangan ko ng makaalis sa lugar na ito, hindi ko hahayaang paglaruan lamang ako ng aking amo.
Ayoko ng magtagal sa lugar na ito, may naipon na naman ako, siguro naman ay sapat na 'yon para makapag simula ako sa malayong lugar, ako na mismo ang iiwas sa kanya upang hindi na tuluyan pang lumalim ang aking nararamdaman para sa kaniya.
Alam kong ikakasal na s'ya at ayokong ako ang maging dahilan ng problema nila.
Hindi ko na hihintayin pa na lalong lumalim ang aking pagtingin sa kanya, sobrang sakit na, para na akong mamamatay dahil sa kirot na nararamdaman ng aking puso.
Akala ko ay pwedeng mahalin ng isang mayaman ang isang katulad ko na mahirap lamang pero nagkakamali pala ako, niloko lamang ako at pinaglaruan niya sa kaniyang mga kamay. Kailangan ko ng lumayo upang makalimutan na siya ng puso ko.
Napapikit ako, I think it's already too late for that dahil nararamdaman ko na kung gaano kalalim ang pagmamahal ko sa kanya. Pero alam kong mali ito kaya ako na mismo ang gagawa ng paraan upang maputol ito, at ayoko rin namang maging laruan ng aming amo kaya iiwas na ako, lalayo na ako, sa isang lugar kung saan hinding-hindi na nya ako mahahanap pa.
Maya-maya ay tunog ng telepono ko ang nagpa angat ng aking mukha.
Napatingin ako sa telepono kong luma at nakita ko na si Donna ang tumatawag kaya mabilis ko naman itong sinagot.
"Hello Donna?" sagot ko.
"BFF, Jusko bff alam mo bang may matandang mayaman na lalake ang naghahanap sayo dito. Nang malaman nyang patay na ang mama mo sobrang lungkot nya at lumuha pa." malakas nyang ani mula sa kabilang linya na ikinagulat ko.
"Huh? Sino naman 'yung matandang 'yon?" wika ko sa kanya, wala naman kasi akong kilalang mayamang tao na kaibigan ni nanay kaya nakapag tataka na may naghahanap sa yumao kong ina.
"Nag-iwan ng kulay gold na calling card bff at ang sabi ibigay ko daw agad ito sayo dahil may importante syang sasabihin sayo." wika nya pang muli sa akin mula sa kabilang linya.
"Itabi mo muna 'yan bes, day off ko sa linggo at pangako darating ako d'yan." sagot ko naman sa kaniya.
"Ay sige sige, I miss you bff muah!" wika nya na tinugunan ko naman.
"I miss you too bff, itabi mo muna 'yan ha, o sige na may trabaho pa ako dito at magkita na lang tayo sa ha." ani ko at pinatay ko na ang aking phone.
Si Donna ang nag-iisa kong kaibigan at tagapag-tanggol sa lahat ng taong umaapi sa akin, ulila na din syang lubos at namamasukan lamang na isang kasambahay malapit sa barong-barong na tinutuluyan namin nuon ni mama.
Sino kaya ang matandang lalaki na tinutukoy ni Donna? Wala naman akong kilalang taong mayaman na maaaring maghanap sa akin o kaya kay mama. Nakapagtataka pero nahihiwagaan ako sa taong tinutukoy ng aking kaibigan, sino ito at ano ang kaugnayan niya sa amin ni mama upang malungkot siya ng ganoon at lumuha? Kaylangan kong malaman kung sino ang taong tinutukoy ng aking kaibigan kaya sa Linggo ay sisiguraduhin kong makakarating ako sa bahay ng aking kaibigan upang tignan ang sinasabi niyang gold na calling card.
Napabuntong hininga ako ng malalim at napahawak ako sa aking dibdib ng bigla na lamang itong tumibok ng mabilis.
Mahal na mahal na kita Vaughn at aaminin ko na mahihirapan akong kalimutan ka dahil isinisigaw ka ng aking puso.