Chapter 11 -Vaughn-

1609 Words
Vaughn's POV Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko, Napaupo ako sa aking kama at sumandal sa headboard. Ugh naparami ang nainom ko kagabi, tinignan ko ang maliit na alarm clock ko sa side table. Alas sais na pala ng umaga, napatingin ako sa aking sarili na ikinagulat ko. What the fùck! Bakit naka boxer na lang ako, sino naghubad ng suot ko kagabi? Pinilig ko ang aking ulo at pilit na inaalala ang nangyari, nanlaki ang aking mga mata ng maalala ko na hinatid nga pala akong pauwi dito ni Katrina. Tatayo na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan ng aking banyo, at halos lumuwa ang mga mata ko ng makita ko si Katrina na lumabas ng pinto at suot-suot ang aking white V-neck na t-shirt at black na boxer. What the hell! May nangyari ba sa amin kagabi? "Katrina." Galit na tawag ko sa kanya. "Oh... Hi babe! Buti naman at gising ka na." ani n'ya at lumapit sa akin upang halikan sana ako sa labi, ngunit mabilis akong nakaiwas. "Ano ang ginagawa mo dito sa aking silid at bakit suot-suot mo ang aking damit?" asik kong ani sa kanya habang nanglilisik ang aking mga mata at nagtatagis ang aking mga bagang dahil sa sobrang galit na aking nararamdaman. Paano kung makita siya ni Chei at isipin na may relasyon kami ng babaeng ito? Ayokong masaktan si Chei ng dahil sa kanya, ng dahil sa maling paniniwala. "Ano ka ba Vaughn, ako kaya ang naghatid sayo kagabi dito sa bahay mo hindi mo ba naaalala? Sasakyan mo ang dala ko alangan namang maglakad ako pauwi kaya dito na ako sa tabi mo natulog. Wala din naman akong damit na dala kaya nanghiram na lang muna ako ng damit mo. Sus huwag mong sabihin na di mo naaalala kung paano mo ako halikan at pati duon sinimsim mo. Halos mabaliw ka nga sa kaka-dila ng pagkababàe ko tapos ngayon para kang timang na nagagalit dahil dito ako natulog sa kama mo." ani niya sa akin na ikinagulat ko. "Liar!" sigaw ko sa kanya habang pinanglilisikan ko s'ya ng aking mga mata. "What? You think nagsisinungaling lang ako sayo ha?" wika nya habang nanunulis ang nguso. "Pwede ba babe nagugutom na ako, halika na sa ibaba kumain na tayo. Nakita ko kanina na nagluluto na sila ng agahan, nagulat pa nga sila sa akin ng bigla akong nagsalita sa likuran nila kaya nagpakilala na ako kung sino ba ako sa buhay mo." wika nya pang muli sa akin na ikinagulat ko. "WHAT? Ano ang sinabi mo sa kanila? As far as I know, we don't have any relationship, Katrina!" sigaw ko sa kanya habang galit na galit ako na nakatitig sa kaniya. Kung pwede ko lang sakalin ang babaeng ito ay kanina ko pa sana ginawa. Pero alam kong ikagagalit ito ng aking ama kapag ginawa ko 'yon. "Yes, we do! Kaya tara na at kumain na tayo." ani nya at binuksan na ang pintuan at diretso ng lumabas ng aking silid. Fùck! Napasabunot ako sa aking sarili. Paano kung nalaman na ni Chei na may katabi akong natulog dito kagabi? Kahit hindi magsabi sa akin si Chei ng kaniyang nararamdaman ay batid kong mahal niya ako kaya hindi siya pwedeng masaktan. Kaylangang ipaliwanag ko sa kanya ang nangyari at kaylangan nyang malaman na wala kaming relasyon ni Katrina. Dumiretso na ako sa banyo at naligo, pagkatapos kong maligo ay mabilis akong nagbihis. Black shirt at blue shorts lang muna maaga pa naman at alas nueve pa ako papasok sa opisina at mag-aalas siete pa lang naman. Nagmamadali akong bumaba, inabutan ko si Katrina na nakaupo na sa hapag kainan. "Babe tara dito sa tabi ko umupo ka na at ng makakain na tayo, nagugutom na kaya ako kanina pa." ani nya sa akin. Wala na akong nagawa kaya tumabi na lamang ako sa kanya dahil nakararamdam na rin ako ng gutom. Habang kumakain kami ay dumating si Chei, napahinto s'ya at nakita ko ang pagkabigla n'ya ng makita n'ya kaming magkatabi. Nagpaalam s'ya kay Manang Edna na maglilinis na s'ya ng bakuran at hinayaan naman s'ya ni Manang, mas mabuti na 'yun kaysa maging awkward ang pakiramdam namin dito. Kitang-kita ko ang sakit na nananalaytay sa kanyang mga mata. Napayuko ako, ayokong makitang nasasaktan s'ya dahil mas higit akong nasasaktan. Aaminin ko na may pagtingin na ako sa kanya kaya ayokong makita na nasasaktan siya dahil mas higit akong nasasaktan. Nasa salas na kami ng mapansin kong umakyat si Chei sa itaas. Alam kong maglilinis na s'ya ng mga silid. Kaylangan kong kumuha ng tyempo na hindi ako susundan ni Katrina. Nang makatyempo naman ako ay umakyat agad ako sa itaas, pagpasok ko sa aking silid ay s'ya namang palabas na sana si Chei. Agad kong isinara ang pinto ng aking silid at hinawakan s'ya sa kanyang palapulsuhan. Gusto ko lang naman sana syang makausap pero ramdam ko ang galit at sakit na nararamdaman nya para sa akin. Nagpanting ang aking tenga ng sinabi nyang wala kaming dapat pag-usapan pa at wala akong dapat ipaliwanag. Ayaw man lamang n'ya akong bigyan ng pagkakataon na makapag paliwanag sa kanya, oo alam ko wala kaming pormal na relasyon pero alam kong gusto nya ako at gusto ko rin s'ya. Sa galit ko ay siniil ko s'ya ng mapagparusang halik, hindi ko na inintindi kung masasaktan ba s'ya, hinablot ko ang dibdib nya at pinisil ko ng walang pag iingat, nakita kong nasasaktan s'ya pero tila ba wala akong pakialam sa nararamdaman niya. Buong lakas nya akong tinulak at sinampal na nagpagising sa aking katarantaduhang nagawa sa kanya. Tumakbo s'ya palabas ng aking silid na umiiyak at may matinding galit sa akin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig, gustohin ko mang sundan sya ay hindi ko na ginawa. Napaupo na lamang ako sa gilid ng aking kama at sinabunutan ko ang aking sarili sa sobrang inis ko dahil sa ginawa ko sa kanya. Mahal ko na si Chei at siguradong sigurado na ako sa aking nararamdaman. Mula pa lamang nuong una ko siyang makita na nagwawalis sa hardin ay tila ba may kung ano siyang ginising sa natutulog kong damdamin. Mayamaya ay naramdaman kong bumukas ang pintuan ng aking silid. "Babe kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala," ani ni Katrina at hindi ko nagustuhan na tinatawag nya akong babe. "Stop calling me babe, Katrina!" galit kong ani sa kanya at wala akong pakialam kahit magsumbong man siya sa aking mga magulang. "Magiging tayo din nam..." I cut her off dahil baka hindi ko na mapigilan ang galit na aking nararamdaman at kung ano pa ang magawa ko sa kaniya na pag sisisihan ko. "Leave!" sigaw ko sa kanya habang nagpipigil ako ng galit. "What?" ani nya na nilalakihan ako ng kaniyang dalawang mata. "I SAID, FÙCKING LEAVE NOW!" malakas kong bulyaw sa kaniya na ikinapitlag niya sabay turo ko ng pintuan ng aking silid. "Fine, tatawagan ko muna ang driver ko para masundo nya ako àsshole!" sigaw nyang sagot sa akin at agad na hinablot ang kaniyang bag na nakapatong sa drawer at agad na lumabas ng aking silid. Sinipa ko ang pintuan ng aking silid upang sumara ito. Ibinalibag ko ang vase na nahagilap ko sa sobrang frustration na nararamdaman ko. 'Fùck you self bakit mo s'ya sinaktan!' sigaw ko sa aking sarili habang walang habas akong nagwawala sa loob ng aking silid. Para akong nanghihina na napaupo sa sahig habang inaalala ko ang galit ni Chei sa akin, ang mga namumuhi niyang tingin na ipinukol niya sa akin ang bumabagabag ngayon sa aking isipan. Tumayo ako at napabuntong hininga pa ako, naglakad ako papasok ng aking walk-in closet at nagbihis na ako upang makapasok sa aking opisina, duon ko na lamang igugugol ang lahat ng oras ko upang makalimutan ko ang nagawa ko sa babaeng mahal ko. NAKATITIG ako sa sa aking laptop habang nakasandal sa aking swivel chair, ayaw gumana ng aking utak, hindi mawala sa isip ko ang ginawa ko kay Chei. Fùck ginugulo n'ya ang utak ko! Wala ng ibang laman ang aking isip kung hindi puro si Chei na lamang. Tumunog ang aking intercom at agad kong sinagot ang tawag ng aking sekretarya. "What is it Daisy?" tanong ko sa aking secretary at alam kong nararamdaman niya sa aking tono ang pagkairita. "Sir ipapaalala ko lang po sayo na may meeting po kayo kay Mr. Oamil ng 1:00 Pm." ani nya sa kabilang linya. "Okay remind me again before 1:00 Pm." 'yun lamang at agad ko ng pinatay ang intercom. Paano ako makakapag concentrate kung okupado ng babaeng 'yon ang isip ko? Tumunog naman ang aking telepono kaya agad kung tinignan kung sino ang tumatawag sa akin. Naiinis ako ng makita kong si Gavin ang tumatawag sa akin. "What do you want?" asik ko sa kabilang linya. "Whoa! Mukhang mainit yata ang ulo natin ngayon ha, hindi ka ba naka score kay Katrina kagabi?" pang aasar nya sa akin. "Fùck you! I am busy what do you want àsshole?" galit kong sagot sa kabilang linya. "Relax bro! Aayain lang sana kita mamaya sa bar, nag-aaya ang tropa mukhang may love problem si Michael" ani nya habang malakas na tumatawa. "I will try may meeting ako ng 1 pm at 4 pm. susubukan kong makarating mamaya." ani ko at hindi ko na hinintay pa ang isasagot niya sa akin at pinatayan ko na agad siya ng telepono. Napabuntong hininga ako, kailangan kong makaisip ng paraan kung paano ko kakausapin si Chei. Alam kong galit siya sa akin ngayon at kailangang gumawa ako ng paraan upang mawala ang galit niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD