Chapter 9

2117 Words
Vaughn's POV Nasa bar ako ngayon at pinuntahan ko ang aking kaibigan, alam kong sa mga oras na ito ay nagpapakalango na naman si Gavin sa alak at babae, mga usual naming ginagawang magkakaibigan. "Vaughn Vincent Lee Montreal, anong masamang hangin ang nagdala sayo dito ha?" bati sa akin ng aking kaibigang si Gavin. Natawa na lamang ako sa kanya, ilang araw kasi akong hindi nakasama sa kanila dahil sa dami ng trabahong inuna kong tapusin kaysa sa magpakalango sa alak. "Hey bro, what's up! I miss the gang, are they here?" ani ko sa kaniya habang masaya ko siyang nilalapitan. "Nah it's too early, but if you want, I can call them." ani niya sa akin. Napangiti naman ako tumango na lamang ako dito. "Anyway, bro, I heard you're marrying the one and only heiress of Buenaventura Corps. Is that correct? How come you didn't even inform us about it?" ani nya. Pagkaupo ko pa lamang sa silya na nakatabi sa kanya ay ginulat na ako sa sinabi sa akin ni Gavin kaya halos magsalubong na ang kilay ko sa galit ng napatingin ako sa kanya. "What in the world are you talking about? Who the hell gave you that nonsense? That is incorrect! I won't be getting married to her. No! Not even in my wildest dreams!" galit kong sinagot ang aking kaibigan dahil sa kaniyang sinabi. "Hey, take it easy, man! It was only a little birdy who told me about it," he said as he chuckled. "Who was that little birdie who lied to you so I could strangle his neck?" galit kong sagot sa kaniya na tinawanan lamang niya. What the hell was he talking about. I am not going to marry that Katrina, kapag nalaman ko talaga kung sino ang nagkakalat ng balitang 'yan ay sisiguraduhin kong pipilipitin ko ang kaniyang leeg. "Jesus! Bro, easy, if it's not true, then relax ka lang, ang init agad ng ulo mo eh," he said, shaking his head. Tinungga ko ang alak na iniinom namin ng biglang sumagi sa isip ko ang imahe ni Chei at ang mga nangyari sa amin sa kanyang silid kagabi. I really want to be inside her, sakit nya sa puson pero ayoko syang pwersahin, kaya kong maghintay kung kailan handa na siyang ibigay sa akin ng buo ang kaniyang katawan maging ang kaniyang puso. Pero sa totoo lang ay hindi pa naman ako sigurado kung ano nga ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya, ang alam ko lang ay gusto ko syang nakikita araw-araw, ayokong may ibang lalaki na lumalapit sa kanya dahil gusto ko ako lang. Naguguluhan din ako kung bakit ganito ang nararamdaman ko at inaasta sa kaniya, ang mga babae sa akin ay pang one night stand lang at pag inatake ako ng init ng katawan ay nagpapalipas agad ako sa kanila at pagkatapos ko sa kanila ay hindi ko na uulitin pa sa iisang babae ang ginawa ko na. Pero bakit hindi ko magawa ang mga bagay na 'yon kay Chei? Bakit takot akong masaktan s'ya, bakit ayokong magalit o matakot s'ya sa akin? Ugh! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, ang alam ko lang masaya ako na nakikita ko s'ya araw-araw, duon lang kuntento na ako at nagiging masaya na ang buong maghapon ko kahit pagod pa ako sa trabaho. "Are you with me, bro?" Gavin asked as he flicked his finger on the tip of my nose. Dahil sa pagkagulat ko sa kaniyang ginawa ay para akong bumalik sa katinuan ko. Napatitig ako sa mukha niya at napakunot ang noo ko. May sinasabi ba sa akin si Gavin na hindi ko narinig? "Huh?" I asked surprisedly. "Ano 'yan bro babae? Walangya! Kaninang-kanina pa ako nagsasalita dito pero ikaw nasa langit yata ang isipan mo." tumatawa nyang ani sa akin. Hindi ko naman talaga narinig ang sinabi niya kaya napakamot na lamang ako ng ulo at inis ko siyang sininghalan para naman hindi ako magmukhang tanga. "Shut up, dude!" I replied angrily and punched him in the right chest. After an hour ay sa wakas at nagdatingan na rin ang buong tropa, si Jv, Zandro and Michael, ang mga kaibigan naming puro palikero, and of course idamay n'yo na ako. "Anong atin at pinapunta n'yo kami dito?" tanong agad ni Zandro na naguguluhang nakatingin sa amin. "Tanungin n'yo 'yang lalakeng 'yan kanina dahil pa 'yan pangiti-ngiti dyan na mukha ng timang." Litanya naman ni Gavin. Tinitigan nila ako na para bang nang-aasar lang sila at pagkatapos ay nginisihan nila ako at tinanong ako kung in-love na daw ba ako kaya pangiti-ngiti ako. Natawa ako ng pagak sa tanong nila kaya napapailing ako na nagsasalita sa kanila. "In love? Ako mai-in-love? Nagpapatawa ba kayo nyan ha? Hindi pa isinisilang ang babaeng pag-aalayan ko ng aking pangalan kaya burahin muna ninyo ang salitang in-love pwede ba." Napapailing kong ani sa kanila na tinawanan na naman nila. "Bro kamusta na nga pala si Chei?" ani ni Jv na ikinasalubong ng aking kilay at agad akong nakaramdam ng kung anong galit na hindi ko maipaliwanag. Nakatitig lamang ako sa kanya ng masama, natahimik naman ang mga kaibigan namin at pinakikiramdaman kaming dalawa. Hindi ko maintindihan sa kaibigan kong ito kung bakit parang nakikipag sukatan siya sa akin kaya naglabanan kami ng titig hanggang sa ako na ang bumasag ng katamikan namin. "Bro stay away from her please, if you like her, I am asking you now to forget that feelings." naiinis kong ani sa kaniya habang matalim pa rin akong nakatitig sa kaniya. "Woah! May naaamoy akong hindi maganda dito ah, sino yang Chei na 'yan ha?" pang-aasar ni Gavin sa amin ni Jv. Hindi ko pa nababanggit sa kanila si Chei at hindi ko rin naman alam na hindi rin pala nababanggit ni Jv sa kanila ang tungkol kay Chei. Hindi ko alam kung interesado ang kaibigan kong ito kay Chei pero hindi ako papayag. "Sino nga ba 'yang Chei na 'yan ha?" pang-uusisa ni Michael ngunit hindi ko naman ito sinagot at tumungga lamang ako sa hawak kong bote ng beer. Pero natigilan akong bigla ng muli na namang magsalita si Jv na hindi ko nagustuhan. "I like her bro, anong masama kung gustuhin ko si Chei, bakit kayo na ba? Kung kayo ng dalawa, saka pa lang ako didistansya." Seryosong sagot ni Jv na ikinagalit ko at tila ba ako isang apoy na handang magliyab sa harapan nila. "I said stay away from her!" sigaw ko sa kanya na ikinagulat nila, hindi nila akalain na masisigawan ko si Jv ng dahil lamang sa isang babae, halos sabay-sabay na kaming lumaki at parang magkakarugtong na ang aming mga bituka pero heto ako ngayon at galit na galit ako kay Jv ng dahil lang sa isang babae na hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang tunay kong nararamdaman para sa kanya. "Teka lang mga pare sino ba 'yang babaeng 'yan na pinag-aawayan ninyo? Magkakaibigan tayo dito at walang dapat makasira nyan kahit sinong babae pa 'yan." ani ni Gavin habang inaawat na kami ni Jv. "Paano kung ayoko, may magagawa ka ba?" panghahamon na ani ni Jv sa akin kaya't agad akong napatayo at hinaklit ko ang kanyang kuhelyo sa sobrang galit na aking nararamdaman. "Yes, may magagawa ako Jv at huwag na huwag mo akong susubukan pare, alam mo kung ano ang kaya kong gawin." pagbabanta ko sa kaniya habang masamang nakatitig sa kaniyang mukha. Tumaas ang mga kamay ni Jv sa ere senyales ng kanyang pagsuko habang umiiling-iling lamang ito. Biglang nagtayuan ang barkada at gulat na gulat sa kanilang mga nasaksihan. Nakatawag pansin na rin kami ng ilang mga customers na nandirito na nakatingin na sa amin. "Hey, tama na 'yan! Mapag-uusapan natin 'yan ng maayos at huwag nyong sisirain ang pagkakaibigan natin ng dahil lamang sa iisang babae." galit na ani ni Michael sa amin. Hindi na ako kumibo pa, ayoko ng palawigin pa ang usapan na ito kaya mas ninais kong manahimik na lamang. Kahit anong pangungulit at tanong nila about kay Chei ay hindi na namin sinagot ni Jv, hinayaan na lang namin na kalimutan ang nangyari kanina. Marami na kaming naiinom at medyo lasing na ako ng may biglang umupo sa aking tabi at humalik sa aking labi. "Hey babe nandito ka pala?" Nabigla ako sa paghalik nya sa aking labi pero binale wala ko lamang ito. "Woah babe? Kayo na ba?" Gulat na tanong ng barkada ko sa amin habang pinapagmasdan nila ang pagpulupot ng mga kamay ni Katrina sa aking leeg na pilit ko namang tinatanggal. "Hey guys meet Katrina Joy Buenaventura." Pagpapakilala ko sa kanila habang inaalis ko ang mga kamay niyang nakapalupot sa aking leeg. "Yeah, we know her, sino ang hindi makakakilala sa nag-iisang tagapag mana ng Buenaventura Corp?" Nakangiting ani naman ni Gavin. Tinanong nila akong muli kung kami na raw ba ni Katrina pero mabilis akong sumagot ng hindi dahil iyon naman ang totoo. Sabay-sabay silang nagtawanan matapos marinig ang halos sabay naming tugon sa kanila. Marami na rin kaming naiinom, si Katrina naman ay umiinom na rin ng tequila shots. Medyo hilo na rin ako sa dami na rin ng naiinom ko kaya binitawan ko ang hawak kong kopita. "Vaughn lasing ka na, go home tama na 'yang pag-inom." pag-aawat ni Zandro sa akin dahil nakita niya kung paano ko hinaklit ang mga kamay ni Katrina na pilit pumupulupot sa aking leeg. Muli kong kinuha ang kopita na may lamang alak pero kinuha lamang ito ni Gavin at ayaw na nila akong painumin pa. Umalingawngaw ang sweet music at mabilis akong hinila ni Katrina papuntang dance floor, at dahil lasing na rin naman talaga ako ay nakipag-sayaw naman ako sa kanya kahit nahihilo na ako. Ipinatong ko ang kanyang mga kamay sa aking balikat at pinagsalikop nya ito sa aking batok. Ipinulupot ko naman ang aking kamay sa kanyang maliit na baywang at sinimulang igiya ang kaniyang katawan sa saliw ng tugtugin. Naaamoy ko ang mabango nyang hininga, ang mabango nyang amoy kaya idinikit ko ang aking labi sa kanyang noo. "I like you, Vaughn." bulong niya sa akin, hindi ako kumibo hinayaan ko lang s'ya. Hinalikan nya ako sa labi, gumanti ako ng halik at ginalugad ko ang kaloob-looban ng kanyang bibig, nag-espadahan ang aming mga dila kaya napapaungol s'ya sa ginagawa ko. Bumitaw ako, alam kong lasing ako at ayokong makagawa ng isang bagay na pagsisisihan ko sa huli. Iniwan ko s'ya sa gitna ng dance floor na tila ba napapahiya kaya't sumunod na lamang s'ya sa akin na hindi tumitingin sa mga taong nagsasayaw ngunit nakatingin sa kaniya. Ako na ang iiwas habang wala ako sa katinuan dahil ayokong pagsisihan ang isang bagay na hindi dapat mangyari ng dahil lamang sa nakainom ako o dahil sa sobrang kalasingan ko. "Bro lasing ka na, hindi mo na kaya mag drive pauwi, ipapahatid na lang kita." ani ni Gavin sa akin kaya naman napatango ako, mas mabuti na nga sigurong umuwi na lamang ako dahil nararamdaman ko na sa sistema ko ang matinding tama ng alcohol. "I can drive him home, ipapakuha ko na lang sa driver ko ang car ko dito." ani ni Katrina. Napatingin ako kay Katrina at napailing ako. Hindi niya ako kailangang ihatid dahil kaya ko pa ang magmaneho. Hindi pa naman ako ganuon kalasing. "I c-can drive guys." ani ko sa kanila habang dinudukot ko ang susi sa aking bulsa. "I don't think so, man. Go home, and Katrina will take you home." Gavin said at sinimulan na nila akong inalalayan palabas ng bar. Wala na akong nagawa pa, si Katrina na ang naghatid sa akin, anyway tama naman sila na hindi na nga ako masyadong makalakad, magmaneho pa kaya. Nakarating kami sa mansyon ko ng halos ala una na yata ng madaling araw kaya sigurado akong tulog na ang lahat ng kasambahay ko. "Kuya guard tulungan mo naman po akong iakyat si Vaughn sa kanyang silid." wika niya. Agad na tumalima ang guard at inalalayan nila ako hanggang sa makarating kami ng aking silid. "Wait lang Vaughn kukuha lang ako ng basang bimpo ng mapunasan kita, papalitan ko na din ang damit mo amoy alak ka." ani nya habang naghahanap ng kung ano sa paligid. "G-Go home, I c-can manage." pagtataboy ko sa kaniya dahil ayokong makita siya ni Chei dito. Ayokong mag-isip ng kung ano si Chei sa akin kaya mas makabubuti kung umuwi na lamang siya. "No. Let me take care of you." wika niya. Hindi na rin ako nakipag talo pa dahil lasing ako at walang lakas na kontrahin ang kaniyang mga sinasabi hanggang sa tuluyan na nga akong nawalan ng malay dahil sa sobrang kalasingan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD