HINDI KO ALAM kung paano kami nakauwi ni Jenica kagabi. Basta ang alam ko lang ay hiyang-hiya ako sa ginawa ko kagabi. Hindi ako mapaniwala na nagawa ko yun sa lalaki. Halos magmumog ako ng tubig na may asin kaninang umaga pag gising ko. Kulang nalang ay pati alcohol ay laklakin ko dahil sa katangahan ko kagabi.
Nakitulog ako sa bahay nila Jenica kagabi at hindi ko maalala kong paano kami nakauwi. Tinanong ko ang kaibigan ko ay hila-hila daw niya ako palabas ng bar at panay daw ako tawa at wala daw akong bukang bibig kundi anaconda.
Kaya nagising ako kanina na sobrang saki ng ulo ko na parang pinipiga. Nasabi ko nalang talaga na hinding-hindi na ako iinom ng alak ulit. Ayaw ko na talaga, kundi lang sana ako naglasing eh, di sana virgin pa bibig ko.
Napapasabunot nalang ako sa buhok ko sa t'wing naalala ko ang ungol ng lalaki. Pinagdarasal ko nalang talaga na hindi na kami magkitang muli dahil baka mahimatay ako sa hiya. Mas lalo pa akong nahiya dahil ako pa talaga ang unang humawak sa ano ng lalaki.
Naramdaman kong siniko ako ni Jenica na napansin yata ang mukha ko na naka busangot. Lumingon ako sakanya saka ngumuso. Kanina pa niya ako kinukulit kung bakit ko daw sinasabunutan ang sarili ko. Hindi ko kasi magawang magkwento. Ayaw kong may makaalam no'n, kaya nga pinagdarasal ko na sana hindi na kami magkita ng lalaking 'yon.
"Ano ba talaga nangyari sa'yo kagabi? Halos ikutin ko ang buong bar kakahanap sa'yong babae ka. Akala ko may humila na sa'yong fafa eh," saad niya kaya napakagat ako sa ibabang labi ko.
Tahimik lang ako habang hinuhugasan ang mga mug. Si Henry naman ang taga kuha ng order habang si Jenica ang nasa counter. Wala ngayon si Yuri dahil masama daw ang pakiramdam. Mabuti narin 'yun dahil wala ako sa mood makita ang mukha niya.
Ipinikit ko ang mga mata ko at agad na iniling ang ulo ko ng pumasok sa isipan ko ang anacondang 'yon. First time kong makakita tapos ganun ka haba at kataba agad ang bubungad sa 'kin. Hindi ko nga alam kung paano nagkasya 'yon sa bibig ko. Kaya pala paggising ko kaninang umaga ay masakit ang panga ko, may sinubo na pala akong malaking anaconda.
Naiiyak talaga ako sa t'wing naalala ko 'yon. Hindi na talaga ako maglalasing.
Medyo dumadami na ang customer namin dahil tanghali na din naman. Tinulongan ko na si Henry kumuha maglinis ng mga table dahil baka may dumating na customer ulit.
Problema ko mamaya pag-uwi ko. Malamang, aawayin na naman ako ni Teresita at Karen dahil sa ginawa ko kahapon. Plano ko sana sa susunod na araw ay palayasin na sila sa bahay ko. Kapag hindi sila umalis ay tatawag na ako ng tanod para mapalo sila ng batuta.
"Mag lunch break ka na muna, Henry. Kami na muna bahala dito ni Jenica." Saad ko kay Henry.
"Sigurado kayo? Baka nagugutom ka na?" Tanong niya sa 'kin. Umiling ako dahil hindi pa ako nagugutom. Panay kasi ang inom ko ng tubig kanina pa. "Oo. Sigurado ako. Ikaw na muna mag breaktime." Saad ko saka pinagpatuloy ang pagpupunas ng table.
"Sige. Kain na muna ako." Sagot niya saka 'to naglakad papunta sa counter at kinausap si Jenica.
Lumabas na ng shop si Henry at pakunti-kunti pa lang din ang customer namin. Naglakad ako papunta sa counter dahil nakita ko si Jenica na nakatulala.
Humarang ako sa tinitignan niya kaya napakurap-kurap 'to. "Bakit ka nakatulala dyan?" Tanong ko.
Napangiwi siya saka tumingin sa 'kin. "May masakit lang sa 'kin." Saad niya kaya kumunot ang nuo ko saka ko itinaas ang isang kamay ko at inilapat ang palad ko sa nuo niya.
"Gaga, wala akong lagnat!" Saad niya sabay tabig sa kamay ko.
"Eh, anong masakit sa'yo?" Tanong ko.
Sinenyasan naman niya ako na lumapit sakanya at parang may ibubulong siya sa teynga ko. Inilapit ko naman ang teynga ko at naghihintay sa sasabihin niya.
"Nasagasaan ako kagabi, te!" Bulong niya kaya tumingin ako sakanya. "Nasagasaan?" Kunot nuo kong tanong.
Tumango naman siya. "Nasagasaan ako ng malaking hotdog kagabi te! Bakit mo kasi ako iniwan kagabi, ayan tuloy. Nakita ko ang crush ko dumaan sa harap ko kaya ayon.. hinarot ko." Saad niya kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Shuta. Ang laki ba naman kasi kaya napapangiwi ako kapag naglalakad ako. Hindi ko na nga lang pinapahalata eh," mahina niyang sabi sa 'kin.
"Yung may-ari ng bar? Siya ba?" Gulat na gulat kong tanong.
Dahan-dahan siyang tumango sa 'kin saka 'to nagsalita. "Oo. Si Kier Silvestre. Ang sarap pero masakit." Naluluha niyang sabi kaya napatampal ako sa nuo ko.
Kung may ikakatanga pa pala ang ginawa ko kagabi, mas tanga pa pala 'tong kaibigan ko. Diosmiyo!
"Masakit?" Tanong ko.
"Masherep uwu." Sabi niya saka nagpacute sa 'kin.
"Ay ewan ko sa'yo!" Sabi ko nalang.
Narinig kong bumukas ang pintuan ng coffee shop kaya lumingon ako para batiin sana ang customer na may ngiti sa labi. Pero, shuta.. halos manlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang pumasok sa coffee shop.
Agad akong tumalikod sa gawi nila saka tinakpan ang mukha ko gamit ang dalawang palad ko. Talaga lang, Sapphire ha! Anong silbi ng takipa-takip mo sa mukha eh halos sipsipin mo ang katas niya kagabi. Napa-pikit nalang ako ng marinig ko ang maliit na boses na nasa isip ko.
Anong gagawin ko. Piste! Bakit kasi nandito ang lalaking 'to. May kasama pa 'tong lalaki na kasing tangkad niya lang din habang sumisipol pa. Dinig na dinig ko ang sipol ng lalaking kasama niya kaya mas lalo akong kinabahan.
"Ayos ka lang?" Tanong sa 'kin ni Jenica, nahalata yata niya na hindi ako komportable. Sasabihin ko sana na gutom ako at gusto ko ng mag lunch break kaso naisip ko naka lunch break si Henry. Ang gaga ko talaga!
"Kunin mo na ang order ng dalawang papa oh, baka mainip sila." Utos
sa 'kin ni Jenica. Gusto ko nalang magdrama na masama pakiramdam ko para hindi ako makalapit sa table niya. Sigurado akong naalala ako ng lalaki dahil hindi naman siya lasing kagabi.
Kinakabahan ako sa buhay ko, maging ang dalawang palad ko ay pawis na pawis sa sobrang kaba ko.
Bahala na talaga 'to. Kailangan ko silang lapitan at baka makita ako sa cctv na hindi kumikilos at tanggalin ako sa trabaho.
Humugot ako ng malalim na hininga saka ako humarap sa gawi nila. Ngunit, nanginig ang mga tuhod ko ng magtagpo ang tingin naming dalawa. Naalala ko pa naman na tinawag ko siyang kuyang anaconda kagabi.
Okay. Magkukunwari nalang ako na hindi ko siya kilala at ngayon ko lang siya nakita. Bahala na si tweety bird nito.
Kahit nanginginig ang mga tuhod ko ay nagawa ko paring maglakad papunta sa table nila. Bakit kasi siya nakatitig sa 'kin. Parang hinuhubaran niya ako sa uri ng titig niya.
"Welcome to Serendipity coffee shop." Naka ngiti kong bati sakanilang dalawa.
Mahinang tumawa ang lalaking kasama niya habang nakatitig kay kuya anaconda na titig na titig din
sa 'kin.
"Hoy! umorder ka na ng kape. Titig na titig ka eh," saad ng lalaking kulay brown ang buhok at may mga piercing ang teynga. May dimples din 'to sa magkabilaang pisngi niya at ang lalim. Ang ganda tuloy tignan ng dimples niya.
"Wag kang tumitig sa 'kin, Ms. Avellino. Ayaw kong bumulagta sa sahig." Natatawa niyang sabi. Agad kumunot ang nuo ko dahil tinawag niya ako sa apelyido ko.
"Papanong.." Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng ituro niya ang bulletin namin do'n sa gilid ng pintuan. Nakadikit kasi do'n ang mga mukha namin.
"Ahm.. oo nga pala." Sagot ko nalang habang nakatitig sa lalaking may dimples. Ayaw kong lumingon sa lalaking nakatitig parin sa 'kin dahil natatakot ako.
"Ano pong order niyo sir?" Nakangiti kong tanong sa lalaking may dimples.
"Kape ang gusto ko eh. Pero sa kasama ko baka hindi kape ang o-orderin niyan." Natatawang sabi niya.
Lumingon ako sa lalaking nakatitig parin sa 'kin at halos magkabuhol ang hininga ko ng kinindatan niya ako.
"Just give us the best seller coffee, Ms. Avellino." Seryosong sabi ni kuyang anaconda kaya agad akong tumango. Hindi ko na nga nagawang sumagot dahil hindi ako kompartable sa titig niya. Nagmamadali akong naglakad pabalik sa counter at sinabi kay Jenica ang order ng dalawa. Kanina pa ako nagdarasal na sana bumalik na si Henry para makapag breaktime ako. Hindi ko talaga kayang humarap sa lalaki. Kasalanan talaga 'to ng alak eh, kung hindi ako nalasing eh di sana wala ako sa sitwasyon na 'to.
Mukhang pinakinggan ako ni papa God dahil bumalik na si Henry. Agad akong nag lunch break at sinabi ko nalang na mahapdi na ang tyan ko sa gutom.
Lumabas agad ako sa coffee shop at pumunta sa lagi naming kinakainan ni Jenica na karinderya.
Nakahinga na ako ng maluwag habang umoorder ako ng pagkain. Umorder lang ako ng gulay at isang kanin saka ako naghanap ng bakanteng pwesto. Nakita kong bakante ang dulo kaya naglakad ako papunta do'n saka ako umupo.
Hinihintay ko lang ang order ko na agad namang hinatid ni ate Linda sa table ko. "Salamat po!" Naka ngiti kong sabi kay ate.
"Hindi yata kayo nagsabay kumain ni Jenica." Saad ni ate Linda sa 'kin.
"Opo. Palitan po kami ngayon kaya nauna po akong kumain para maka-kain din po siya pagkatapos ko," sagot ko saka sumubo ng pagkain gamit ang kutsara.
"Ay, ganun ba. Oh siya.. kumain ka lang dyan ha!" Saad sa 'kin ni ate Linda saka 'to umalis sa harap ko. Nakilala na kasi niya kami dahil lagi kami ditong kumakain ni Jenica at Yuri. Kapag nandyan si Henry ay hindi kami nagsasabay kumain dahil baka magsumbong 'to sa boss namin. Minsan kasi ang ginagawa namin ay bumibili kami ng ulam at do'n kumakain sa shop. Sa gabi naman kapag pareho kaming closing ni Jenica ay dito na kami kumakain sa karinderya ni ate Linda.
Tahimik lang akong kumakain habang nakatitig sa pagkain ko.
"Masarap ba 'yang kinakain mo?" Biglang may nagsalita sa likod ko.
"Oo naman," sagot ko dahil baka customer 'to nila ate Linda at gustong bumili ng ulam din.
Lumingon ako sa likuran ko para makita ang lalaking nagtanong at halos mabilaukan ako ng makita ko si kuyang anaconda. Napa-ubo ako dahil sa gulat ko kaya agad niya akong inabotan ng isang basong tubig.
Tinanggap ko naman agad 'yon at baka mamatay ako dahil lang sa nabilaukan lang ako.
Umupo siya sa bakanteng upuan na katabi ko kaya halos manginig na naman ang tuhod ko. Bakit nandito siya?
"Ahm, hindi ba't.. ikaw po 'yung umorder ng coffee sa serendipity shop?" Kunwari kong tanong para hindi ako mahalata. Kailangan lang talaga magkunwari ako na hindi ko siya kilala.
"Nagugutom ako." Saad niya na hindi pinansin ang tanong ko.
"Ahm.. pwede ka pong umorder do'n, sir." Saad ko saka tinuro ang naka display na mga pagkain ni ate Linda.
Tumingin siya sa 'kin kaya nagkasalubong ang tingin naming dalawa. "Ahm.. bakit po?" Naiilang kong tanong sakanya, hindi ko talaga kayang salubungin ang titig niya.
"Are you pretending you don't know me?" Tanong niya natigilan ako sa pagsubo ng pagkain ko.
Lumingon ako sakanya saka tumawa ng pilit. "Hindi po kita kilala sir." Saad ko habang parang baliw na tumatawa pero sa loob-loob ko ay halos maiyak na ako. Bakit ba ako napunta sa sitwasyon na 'to.
"Talaga lang ha!" Saad niya habang naka angat ang isang sulok ng labi niya habang nakatitig sa 'kin.
"Talaga po sir. Baka po kamukha ko ang kilala niyo. Hehe sabi kasi ng kaibigan ko may nakita daw siyang kamukha ko din. Pangkaraniwan lang kasi talaga ang hitsura ko sir kaya hindi malabo na may kamukha ako," tatawa-tawa kong sabi. Piste! Para akong baliw sa mga pinagsasabi ko. Bahala na! Ang mahalaga ay hindi ako aamin na ako ang babaeng kumain sa anaconda niya.
"Tsk! Sige lang, magpanggap ka lang. Magkunwari ka lang na hindi mo sinubo ang anaconda ko." Saad niya kaya nanlaki ang mga mata ko. Piste! Bakit kailangan niyang sabihin 'yon sa 'kin.
Nagmamadali akong uminom ng tubig saka tumayo sa kinauupuan ko. "Sige po sir, mauna na po ako. Tapos na po breaktime ko." Magalang kong sabi.
"Tapos ka na? Hindi pa nga nangangalahati ang pagkain mo." Saad niya saka tinuro ang plato ko na may lamang pagkain.
"Ahm.. busog na po kasi ako. Sige po!" Sagot ko saka nagmamadaling naglakad palabas ng karinderya. Ano ba 'tong napasok kong problema.