SABAY KAMING NAG out ni Jenica at halos mag makaawa ako sakanya na ihatid ako sa bahay. Hindi ako kinakabahang umuwi ng bahay at makita ang dalawang baboy do'n. Kinakabahan ako at baka nasa labas ang lalaki at baka inaabangan ako.
Pagkatapos ko mangahlian kanina ay hindi na talaga ako nakapag concentrate sa trabaho. Paanong hindi kung ang lalaking 'yun ay bumalik din sa coffee shop. Wala na ang kasama niyang lalaki kanina kaya nagtataka ako kung bakit bumalik pa siya.
Nakahinga lang ako ng maluwag kanina ng umalis na 'to sa shop. Naka pitong order 'to ng kape kaya maging si Jenica at Henry ay nagtataka. Hindi na nga lang ako nagpapahalata, kahit anong mangyari hinding-hindi ako aamin na ako ang babaeng umano sa ano niya.
"Sige na, Jen. Hatid mo ko sa bahay please.." nakikiusap kong sabi sa kaibigan kong paika-ika maglakad. Nag mukhang penguin tuloy.
"Gaga! Ang sakit na nga ng p********e ko tapos magpapahatid ka pa sa 'kin. Do'n ka nalang matulog sa bahay namin." Naka ngiwing sabi niya.
"Sino ba kasing nagsabi sa'yo magpasagasa ka sa ano.." saad ko habang nagkakamot sa likod ng ulo ko.
Hindi naman kasi ako pwedeng umuwi sakanila, nakakahiya naman sa mga magulang niya kung do'n ako uuwi.
"Natatakot ka ba sa dalawang butakal sa bahay mo? Sabi ko sa'yo, palayasin mo na eh," saad ni Jenica. Hindi nalang ako sumagot dahil hindi naman sila ang kinakatakutan ko. Paano nalang kung ang lalaking 'yun sundan ako pauwi. Hindi talaga maganda ang kutob ko.
Wala na akong nagawa dahil naawa ako sa kaibigan ko na parang penguin maglakad. Natakot tuloy ako, baka kasi ganyan din maging hitsura ko. Sabi kasi sa 'kin ni Jenica ang laki daw. Punyemas na babae 'to, habang kwenekwento niya sa 'kin 'yun kanina ay iniimagine ko din si kuyang may alagang anaconda. Paano nalang kung 'yun ang pumasok sa ano ko eh di nahimatay ako.
Naghiwalay na kami ni Jenica ng makarating kami sa sakayan ng jeep. Pinasakay ko nga muna siya dahil naawa ako sakanya. Kung sino man ang lalaking tumuklaw sa kaibigan ko, sana lumiit ang alaga no'n.
Sumakay ako ng jeep at parang tangang hindi mapakali sa upuan. Silip din ako ng silip sa likod ng jeep at baka nakasunod na pala ang lalaki sa 'kin.
Pagkadating ko sa kanto namin ay agad akong bumaba ng jeep at palinga-linga sa paligid bago ako tumawid ng kalsada.
Pumasok ako sa kanto at tahimik na naglalakad papunta sa bahay ko. Malamang, bunganga na naman ni Teresita ang bubungad sa 'kin.
Nang makarating ako sa tapat ng bahay namin ay agad kumunot ang nuo ko ng makita kong may apat na lalaking nakatayo do'n at nilock ang pinto ng bahay namin.
Agad akong lumapit ng makita kong nilalagyan nila ng kadena ang maliit naming gate. "Hoy! Sino kayo! Anong ginagawa niyo sa harap ng bahay ko?" Tanong ko sa apat na lalaki.
Kumunot naman ang nuo ng isang lalaki saka tinulak ako ng mahina ng makalapit ako sakanila. "Ikaw sino ka naman? Anak ka ba ni Teresita?" Maangas niyang tanong sa 'kin.
"Hindi." Tipid kong sagot. "Pero bahay ko 'yang kinakadena ninyo!" Dagdag kong sabi.
"Anong bahay mo. Bahay na 'to ng boss namin." Sagot ng lalaki kaya mas lalong kumunot ang nuo ko.
"Anong boss pinagsasabi mo? Sapatusin ko nguso mo eh," inis kong sabi dahil naiinis na ako.
"Hoy babae! Para sa kaalaman mo, ibinayad ni Teresita ang bahay na 'to. Ang laki ng utang ng babaeng 'yun sa boss namin at binigyan siya ng palugit na bayaran mga utang niya pero wala siyang pangbayad." Saad ng lalaki kaya nanlaki ang mga mata ko at hindi ako nakasagot.
"Ano? Ibinayad niya??" Gulat na gulat kong tanong.
Ngumisi lang ang lalaki saka niya inakbayan ang mga kasamahan niya. "Oo. Binayad niya sa boss ko. Kaya pag mamay-ari na ng boss ko ang bahay na 'to. Bawal na kayong pumasok dito at pati mga gamit ay kay boss na din." Saad niya saka sila umalis sa harap ko.
"Teka lang mga kuya!!" Sigaw ko habang hinahabol sila. Sumakay naman ang mga 'to sa nakaparadang sasakyan na nasa unahan ng bahay namin. Sinundan ko ang mga 'to at agad na pinaghahampas ang dalawang palad ko sa bintana ng kotse para palabasin sila. "Hoy! Si Teresita ang may utang sa boss niyo kaya wag niyong idamay ang bahay ko. Akin na susi ng bahay ko!" Inis kong sigaw sa mga 'to. Ngunit, imbis na bumaba sila sa kotse ay pinaharurot pa nila 'to kaya tumakbo din ako habang hinahampas parin ang bintana ng kotse.
"Ano ba!! Saglit lang mga kuya!!" Sigaw ko hanggang sa binilisan nila ang takbo ng sasakyan kaya hindi na ko na sila nahabol. Nasa gitna ako ng kalsada habang sapo-sapo ang nuo ko. "Bwesit ka talaga, Teresita!" Galit kong sabi.
Naglakad ako papunta sa maliit ng gate namin para subukang sirain ang inilagay na kadena ng mga lalaki. Ngunit, sa kasamaang palad ay hindi ko mabuksan.
Napaupo nalang ako sa kalsada habang nakatingin sa harap ng gate. Bumalik sa alaala ko kung paano ginawa ang bahay namin n'ong bata pa ako. Kung paano naghirap sila mama at papa para ipundar ang bahay namin. Naiiyak ako habang naka kuyom ang kamao ko sa galit. Kailangan kong mabawi ang bahay namin dahil 'to nalang ang alaala ng mga magulang ko. Hindi ko alam kung saan kumukuha ng kakapalan ng mukha 'to si Teresita at pati ang bahay ko ay binayad niya. Humanda talaga siya sa 'kin.
Nakatitig lang ako sa bahay namin hanggang sa may kumalabit sa balikat ko. Lumingon ako para makita ang taong kumalabit sa 'kin. Halos umakyat ang dugo ko sa utak ng makita ko ang dalawang bwesit sa buhay ko.
"Hoy, Sapphire, tumayo ka na dyan at maghanap ng apartment na tutuluyan natin." Saad ni Teresita na naka pameywang pa sa harap ko.
"Oo nga. Kanina pa kaya ako nilalamok. Sayang naman ang kutis ko kung puro pantal na dahil sa kagat ng lamok," sabat ng demonyetang anak niyang si Karen.
"Bilisan mo na! Nagugutom na din ako. Hindi ka man lang umuwi kagabi kaya hindi tuloy kami nakakain. Kung binigay mo nalang kasi ang sahod mo sa 'kin eh di sana hindi ko binayad ang bahay natin." Sabi ni Teresita at akmang hahampasin ako gamit ang kamay niya.
"Swapang kasi 'yan, mama. Akala mo naman ang laki-laki ng sahod." Sabat ulit ng anak niya.
Tumayo ako sa pagkakasalampak ko sa kalsada saka hinarap ang mga demonyong 'to. "Mamatay na sana kayong dalawa!" Galit kong sabi. "Para mabawasan na ang mga walang kwentang tao dito sa mundo. Alam niyo.. kaya ka siguro iniwan ng asawa mo dahil lulong ka sa sugal. Alam siguro ng dati mong asawa na wala kang silbi sa mundo kaya kayo iniwan ng mister mo." Naka ngisi kong sabi.
"At anong sabi mo.. maghanap ako ng apartment? Sino ba kayo? Eh mga putangina lang naman kayo dito sa mundo. Sobra-sobra na ang ginawa niyo sa 'kin. Hindi ako pwedeng tumahimik lang at walang gawin sa ginawa niyo. Ang kapal ng mukha mong ipangbayad ang bahay ng mga magulang ko dahil lang sa utang mo. Piste kayong dalawa!" Galit kong sigaw sakanila at halos sumakit ang lalamonan ko.
"Aba't, wala ka talagang respeto
sa 'kin ha!" Inis na sabi ni Teresita at akmang sasampalin ako ng mabilis ko 'tong naunahan. Malakas ko siyang sinampal na halos tumabingi pa ang mukha niya na agad naman nahawakan ni Karen para hindi 'to matumba sa kalsada.
"Humanda talaga kayo sa 'kin. Ipakukulong ko kayong dalawa." Seryoso kong sabi saka umalis sa harap nila.
Tinatawag pa nila ang pangalan ko pero hindi ko sila nilingon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Wala din akong damit dahil hindi ko naman mabuksan ang gate ng bahay.
Umiiyak akong naglalakad sa madilim na kalsada habang nag-iisip kung paano ko makukuha ang bahay ng mga magulang ko. Mas lalo pa akong umiyak dahil hindi ko alam kung saan ako matutulog ngayong gabi.
Naisip kong tawagan si Jenica at maki-usap muna na sakanila muna ako tutuloy kahit tatlong gabi. Ngunit, sakamalas-malasan ay lowbat ang cellphone ko. Napaka malas ko nga ngayong gabi, may balat yata ako sa pwet.
Naglalakad parin ako hanggang sa malapit na akong makalabas ng kanto. Bigla akong kinabahan ng may nakita akong nakatayong tao sa isang poste, medyo madilim do'n kaya kinakabahan ako baka kasi holdaper 'to. Nakasuot din 'to ng hoodie jacket kaya hinala ko talaga nag aabang 'to ng mabibiktima.
Mahal ko ang buhay ko at mahal ko ang 2k na sinahod ko pati narin ang lowbat kong cellphone kaya tumakbo ako pabalik sa nilakaran ko kanina. Wala na nga akong pera tapos hoholdapin pa niya ako, ano siya sineswerte.
Tumatakbo lang ako para makalayo sa taong 'yun, ngunit, agad akong napahinto sa pagtakbo at napatili ng may humawak sa beywang ko at bigla akong binuhat. "Ano ba kuyang holdaper.. bitawan mo ko. Wala kang mapapala sa 'kin, mas mahirap pa ako sa daga kaya iba nalang holdapin mo." Sigaw ko habang nagpupumiglas sa lalaking 'to.
Ang lakas pa niya dahil isinampay niya ako sa balikat niya at agad naglakad sa hindi ko alam kung saan ako dadlhin. "Kuya.. maawa ka sa 'kin. Kung may balak kang rape-in ako please lang.. may espada din po ako sa baba kaya pareho lang po tayo. Baka mag espadahan lang po tayo kuya." Pagsisinungaling ko dahil baka dalhin ako nito sa madilim na lugar at do'n ako pagsamantalahan.
"Hindi nga?" Tanong niya na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Huminto pa talaga siya sa paglalakad.
"Oo kuya. Beks po ako eh he-he." Pagsisinungaling ko bahala na talaga 'to. Sana maniwala siya.
Ngunit, napasigaw ako dahil bigla niyang hinawakan ang private part ko. "Bastos!" Galit kong sigaw sa lalaking 'to habang pinaghahampas ang likod niya.
"Sinungaling. Bibingka ang nakapa ko hindi hotdog." Saad niya kaya mas lalo akong nagpumiglas para makawala ako sakanya. Nagtagumpay naman ako at nabitawan niya ako kaya nakawala ako sakanya. Muntik pa akong matumba sa kalsada dahil sa ginawa ko.
Tatakbo na sana ako palayo sa manyakis na lalaking 'to ng mabilis niyang tinanggal ang hoodie niya. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang mukha ng lalaki. Naniniwala na talaga ako na malas ako ngayong gabi dahil nandito sa harapan ko si kuyang anaconda s***h manyakis. Nararamdaman ko pa tuloy ang ginawa niya sa p********e ko.
"Ikaw! A-Anong.. ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya. Pumasok sa isipan ko na kailangan ko palang magpanggap na hindi siya kilala.
"Ikaw.. saan ka pupunta?" Balik tanong niya sa 'kin.
"Ahm.. call center po ako sa gabi sir kaya ba-boosh." Saad ko saka nagmamadaling umalis sa harap niya at tinahak ang way papunta sa bahay namin.
"Pabalik ka yata sa bahay niyo!" Saad ng lalaki kaya napahinto ako sa paglalakad. Ang tanga ko! Dapat pala sa kabilang way.
"Dito po pala. Sige po sir. Una na po ako." Saad ko saka nilagpasan siya.
Mabilis ang ginagawa kong hakbang para makalayo ako sakanya. Nadaanan ko pa ang isang kotse na halatang mamahalin. Nilagpasan ko nalang 'to dahil hindi naman sa 'kin.
Napatili ulit ako ng may humawak ulit sa beywang ko. "Ano ba! Bitiwan mo nga ako sir!" Inis ko ng sabi sakanya. Hindi na talaga ako natutuwa sa lalaking 'to.
Lumapit siya sa mamahaling sasakyan na nadaanan ko at agad na binuksan ang pituan ng passenger seat. Mabilis niya akong itinulak sa loob saka isinara ang pinto ng kotse.
Bubuksan ko sana ang pinto ng kotse ngunit hindi ko 'to mabuksan. Tinignan ko lang ang lalaking naglalakad papunta sa driver seat habang nakangiti. Bwesit, ang sarap tanggalin ng hikaw niya sa ilong. Ano ba kailangan ng taong 'to at ginugulo ako. Ang dami ko na ngang problema, dumagdag pa 'tong anacondang 'to.
Binuksan niya ang pintuan ng driver seat saka 'to pumasok sa loob ng sasakyan.
"Ano po ba kailangan mo sa 'kin?" Tanong ko sakanya ng makapasok siya sa loob ng sasakyan.
Hindi naman niya pina-andar ang kotse, nakatitig lang siya sa 'kin kaya kinakabahan ako.
"Call center ka talaga? Hindi ba masyadong nakakapagod 'yun kung may trabaho ka sa umaga at sa gabi?" Tanong niya sa 'kin ngunit hindi ako sumagot.
Inilagay niya ang isang kamay niya sa baba na parang may iniisip. "Pero sa pagkakaalam ko ay sa coffee shop ka lang nag tratrabaho. Wala ka ng mga magulang at ang kasama mo sa bahay ay ang step mother at ang anak nito," saad niya kaya nanlaki ang mata ko.
"P-Paano mo nalaman 'yun?" Nauutal kong tanong.
Tumaas ang isang sulok ng labi niya habang nakatitig parin sa 'kin. "Sikretong malupet." Sagot niya saka binuhay ang makina ng kotse.
"Teka! Saan mo ko dadalhin?" Natataranta kong sabi dahil pina-usad niya ang sasakyan.
"Ibabahay kita. Bakit, papalag ka?" Maangas niyang tanong sa 'kin kaya masama ko siyang tinignan saka hinampas siya sa braso. Baliw na yata 'tong lalaking 'to.