Chapter 2 - Variegated Ghost Plant

1727 Words
Dia's POV Tapik ni aling Bebe ang gumising sa 'kin. Tinulungan niya akong tumayo nang magising na ako. "A-ano pong nangyari?" inabutan ako ng isang tauhan niya sa garden shop ng tubig na maiinom ko. Tinanggap ko 'yun at saka ako lumagok ng kaunti. "Ewan ko ba sa'yo. Nadatnan ka na lang namin na riyan ng walang malay sa tabi ng puno ko. Tinakot mo ako, Dia, " ani aling Bebe. Bigla kong naalala ang poging lalaki na mukhang Prinsipe. Tinignan ko rin ang puno na kumikinang kanina. Hindi na ito kumikinang ngayon. Bumalik na sa normal ang punong 'yon. "Ayos naman na po ako. Wala na po kayong dapat ipag-alala. Malakas na malakas ako oh," saad ko sa kanya at saka ako nagtatalon para magpakitang-gilas. Baka kasi hindi pa niya ako isama sa baguio at isipin pa niya na may sakit ako. Mauudlot lang ang kasiyahan ko kapag nagkataon na 'di niya ako isama. "Mabuti naman. Sige na, umuwi ka na at mag-ready ka na para sa lakad natin bukas," sagot ni aling Bebe. Nag-alisan na rin ang ibang mamimili na nakatingin sa 'min. Nakakatawa tuloy at pinagkaguluhan pa ako ng mga tao. Natigil ako sa paglalakad ng madaanan ko ang ghost plant na nag iisa nalang kanina. Nagulat ako ng makita kong tuyot at bulok na ito ngayon. Nakakapagtaka. Kanina lang ay healthy at ang ganda ganda niya. "Ayun, doon ko nakita 'yung bulok na ghost plant. Tanggalin mo na 'yun at ang pangit tignan," dinig kong utos ni aling Bebe sa isa niyang tauhan. Tulala akong lumabas sa garden shop ni aling Bebe. Hindi ko alam kung totoo ba nangyari 'yung lumusot ako sa puno kanina at nakita ko ang isang prinsipe o panaginip lang ang lahat? Hindi ko rin lubos maisip na agad na nabulok ang ghost plant. Ang weird ng araw na ito. Pag-uwi ko sa bahay namin ay nagtaka pa si Mama dahil wala akong bitbit na bagong halaman. Nagdilig nalang ako ng mga succulent plant ko. Ngayon kasi ang araw ng dilig nila. "Anak?" sumulpot sa likod ko si Mama. May dala itong strawberry cake na inilagay niya sa lamesa na nandito sa garden ko. "Bakit po?" hininto ko muna ang pagdidilig ko dahil mukhang may mahalagang sasabihin si Mama. Umupo na rin ako. Inumpisahan ko na rin kainin ang cake na dala niya. "Dalaga ka na, bakit wala ka pang boyfriend?" muntik ko nang maibuga ang kinakain kong cake. Nabigla ako sa sinabi niya. Well, hindi ko naman masisi si Mama. Nag-aalala lang siguro siya sa 'kin dahil noon pa man ay wala pa akong lalaki na pinapakilala sa kanya. Hindi naman ako pangit. May nanliligaw naman din sa 'kin. Ang problema kasi ay pangit akong pumorma. Jologs nga raw ako sabi ng iba. Ang totoo ay maganda naman ako. May hubog ang katawan ko, maputi, singkit at may natural na blonde na buhok, kaya masasabi mong maganda talaga ako. Kaya lang, sa porma talaga ako bumabagsak. Sa ganito kasing porma ako nasanay. Mas bet ko ang ganito. 'Yung naka t-shirt ako na sobrang laki at palaging naka-jogging pants. Hindi ako nagso-short ng maikli. Ewan ko ba, naalibadbaran ako kapag gano'n. Feeling ko, babastusin ako ng mga kalalakihan. Umiiwas lang din ako sa ganoong eksena. Pero ang tanong dito ay bakit nga ba ako hindi nagbo-boyfriend? Ang totoo ay ayokong mag-isa si Mama. Basta, happy sya ay happy na rin ako. Siya lang ang iniisip ko. Kapag nag-asawa kasi ako ay maiiwan na siyang mag isa sa bahay na ito. Ayokong mangyari 'yun. Nag iisa niya lang akong anak at wala na siyang iba pang kamag-anak. Malalayo na raw ang mga ito at hindi niya alam kung nasaan na sila ng lupalop ng daigdig. Ayokong tumanda si Mama na nag-iisa at nalulungkot. Sa ngayon, habang wala pa akong iniibig ay kami nalang muna. Bibigyan ko ng magandang kinabukasan si Mama. Susuklian ko ang lahat ng paghihirap niya sa 'kin. "E, ayoko po ng sakit sa ulo," sagot ko sa kanya. "Bakit naman. Ayaw mo bang magkapamilya ng sarili?" tanong pa niya. "Gusto naman po. Pero sa ngayon, mga halaman na muna ang aatupagin ko. Sila muna ang jowa ko. Ayoko muna po talaga ng boyfriend." "Ayaw mo kasing ibahin ang porma mo. Totoo nga ang sinasabi ng ibang tao. Jologs ka pumorma. Ang ganda ganda mo pa man din," aniya pa na tila tinawanan pa ako. "Ouch! Pati ba naman ikaw? Mama, mahal mo ba ako? Bakit mo ako ginaganito?" natatawa si Mama dahil nagpaawa effect pa ako. "Tumigil ka! Mahal kita, pero nasusuka ako sa pormahan mo," sagot niya at saka ako nilayasan habang tumatawa pa siya ng malakas. Pagkatapos kong magdilig ng mga succulent plant ko ay naghanda na ako ng mga gamit na dadalhin ko sa baguio. One day lang naman kami at uuwi rin, ayon kay aling Bebe. Nakakatawa lang na matanda ang ka-jamming ko. Basta sa mga succulent plant, kahit sino kasama ko, lalaban ako, bata man o matanda, wala akong pakelam. Alas tres ng madaling araw tumunog ang alarm clock ko. Gising na rin si Mama nang oras na 'yun dahil pinagluto niya ako ng almusal ko. Ready na ang bag ko, jacket, snacks, earphone at pocket money. Napakadaming bilin sa 'kin si Mama. Huwag na huwag daw akong lalayo kay aling Bebe at syempre, hindi mawawala ang paalala na huwag na huwag akong bibili ng ghost plant. Pagdating ng van ni aling Bebe sa harap ng bahay namin ay hinatid na ako ni Mama. Nagtanguan sina aling Bebe at si Mama bago kami umalis.  "Ikaw na ang bahala sa Anak ko," ani Mama. "Noted!" sagot ni aling Bebe kaya natawa ako. At dahil madilim palang ay minabuti kong matulog na lang muna ulit para may lakas ako pag namili na kami mamaya sa baguio. Sinag ng araw ang gumising sa 'kin. Nalula ako bigla ng makita kong malalalim na bangin ang dinadaanan na namin. Malapit na raw kami sa baguio sabi ni aling Bebe. Kinilig ako. Ang ganda ng tanawin. Puro green ang nakikita ko. Ang sarap sa mata. "Buksan mo ang bintana, Dia," utos ni aling Bebe. Ginawa ko naman ang sinabi niya. Pumalo sa mukha ko ang sariwa at malamig na hangin. Nagulat ako. Parang naka-aircon. Ang lamig. "Malamig nga pala ang klima rito. Nakakaita po," saad ko kaya natawa si aling Bebe. Nakita kong nadaanan namin ang malaking ulo ng lion. Nakakatuwa dahil madaming nagpi-picture doon. Hindi na kami huminto dahil nagmamadali kami ni aling Bebe. Ayaw niya kasing maubusan kami ng magagandang succulent plants. Kapag maaga pa raw ay maraming bagong stock. Kapag tanghali na kasi ay pinagpilian nalang ang makikita namin. Bumaba kami sa botanical garden. Hinatak ako ni aling Bebe. Nakipagsiksikan kami sa dami ng tao. Kumikinang ang mata ko ng makita ko ang iba't ibang uri ng succulent. Hindi ako nagsayang ng oras. Kumuha agad ako ng mga succulent plant na natitipuhan ko. Sa isang iglap ay nakapuno agad ako ng isang box. May dala kasi kami ni aling Bebe ng mga box.  Nadinig kong naka limang libo si aling Bebe. Halos nakalimang kahon kasi ang nabili niya. Habang ako naman ay nakaisang libo lang. Tinalasan ko kasi ang mata ko. Puro kakaiba ang nakuha ko. May iilan pa nga na korean succulents kaya natuwa talaga ako.  Umalis na rin kami kaagad do'n dahil may iba pa kaming pupuntahan. Nabasa kong sa burham park naman kami bumaba. Gano'n din kakapal ang mga tao rito. Sadyang marami rin umakyat na mga tao ngayon sa baguio. Sana pala ay sinama ko si Mama, para nakapaglibang man lang siya. 'Di sana may taga buhat din ako sa mga box ko.  Hinatak ulit ako ni aling Bebe papunta sa bilihan ng mga succulents. Kumikinang na naman ang mata ko nang makita kong marami ulit na tinda doon ng mga succulent plants. Gaya nang una, nakapuno na naman ako ng isang box. Si aling Bebe, naka anim na box naman ngayon. Kailangan niyang galingan para sa mga tinda niya. Bumalik ulit kami sa van. Pupuntahan naman daw namin ang huling tindahan na palaging pinupuntahan ni aling Bebe. Sa La Trinidad, Benguet naman kami tutungo. Sa mismong strawberry farm daw. Kinilig ako lalo.  Mas maraming box ang bitbit ng mga tauhan ni aling Bebe pagdating namin doon. Mukhang dito na itotodo ni aling Bebe ang pamimili niya. "Maghiwalay muna tayo. Mamili ka muna ng mga gusto mong bilhin. Magkita nalang tayo sa van mamaya," aniya at ganun na nga ang nangyari. Mag-isa akong namili. Pero bago ulit ako namili ng mga succulent plants ay tumuloy muna ako sa strawberry farm. May entrance pala roon. Kung mamimitas ka ay maari kang magbayad ng 300 to 500 pesos. Depende sa laki ng basket na ibibigay sa 'yo. Kumuha na ako ng 500 pesos para may mapasalubong ako kay Mama. Favorite niya kasi ang strawberry. Ako mismo ang pumitas ng strawberry ko. Nakakatuwa. Maganda experience ito. Nang mapuno ko ang basket ko ay lumabas na ako. Dinala ko muna sa Van ni aling Bebe ang strawberry ko at saka na ako namili ng mga succulent plants ko. Mas madaming tinda dito ng succulent. Halos lahat ay kakaiba. May korean succulent at may mga variegated pa. Pinili kong mabuti ang mga nilalagay ko sa box ko. Nilibot kong mabuti ang mga tindahan dito hanggang sa mapadpad ako sa isang matanda na iilan lang ang bumibili. Hindi siya masyadong pinagkakaguluhan. Nakita kong puro lanta na kasi ang mga succulent plant na tinda niya. Bigla akong naawa. Nilapitan ko siya. "Magkano po mga succulent plant niyo?" tanong ko sa kanya. Agad niya akong nginitian. Natuwa siya ata na may customer na ulit siya at ako 'yun. "Mura lang, Ija," sagot niya agad. "Sige po, bibili po ako," sagot ko. "Ito oh, ipipili kita ng medyo kakaiba at hindi pa masyadong lanta." inabutan niya ako ng isang succulent na parang ghost plant. Hindi ko sure, parang variegated kasi siya na ghost plant. Tinanggap ko na rin dahil naawa talaga ako sa kanya. "200 pesos nalang 'yan, Ija," aniya pa. "Ito na po ang five hundred pesos. Sainyo na po ang sukli, ibili niyo ng makakain niyo." nilagay ko na sa box ko ang binili ko sa kanya. "Maraming salamat, Ija. Hindi bale, susuklian ko naman ang pagiging mabuti mong bata. Malapit na malapit na. Malalaman mo na ang tunay na ikaw," aniya pa na kinalito ko. Hindi ko na lang masyadong initindi ang sinabi niya at baka nag-uulyanin na siya. Bumalik na ako sa van dahil bigla akong nahilo at parang nauuhaw. Pakiramdam ko ay tila magkakasakit ako. Ang weird. Bakit ako biglang nagkaganito? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD