Dia's POV
Ginising ako ng malakas na tunog ng cellphone ko ng umagang iyon. Agad ko itong kinuha sa tabi ko at pagkatapos ay sinagot ko ang tawag ni Aling Bebe. Siya ang tindera ng mga halaman na palagi kong binibilhan.
"Hello po?" sagot ko agad sa kabilang linya.
As usual, malakas na boses agad ang binungad niya sa 'kin. "Be ready, Dia, isasama kita sa baguio," sagot niya kaya lalong nagising ang diwa ko.
Kinilig ako bigla. Finally, I can buy more succulent plants. Pangarap ko talagang pumunta do'n para makabili ng mga bagong halaman. "Talaga po? Salamat po! Excited na tuloy ako," sagot ko sa kanya.
Hindi pa ako nakakarating sa baguio kaya't natutuwa talaga ako. Lalo akong naging excited na pumunta do'n dahil nabalitaan kong mas maraming succulent plant ang binebenta doon.
"Your welcome, Dia. Suki naman kita kaya dapat lang na pasayahin kita."
She immediately hung up the phone. Mukhang marami kasi siyang customer ngayon. Dinig ko kasi sa background niya ang maya't-maya na mga boses na nagtatanong ng mga presyo ng mga tinda niyang halaman.
Sembreak naman na ngayon kaya't saktong sakto itong lakad namin. Sigurado akong maraming din mga tao ang aakyat sa baguio dahil bakasyon. Bumangon na ako para mag-almusal. Nagmadali ako dahil pupuntahan ko ang garden shop ni aling Bebe. Kailangan ko siyang tanungin ng buong detalye sa paglakad namin. Para din makapaghanda na ako.
Palabas na ako ng bahay namin nang makasalubong ko si Mama. May hawak siyang gunting. It looks like she has arranged my roses in my garden again.
"Saan ka pupunta ng ganito kaaga?" she asked.
"Puntahan ko lang po saglit si aling Bebe," sagot ko. Alam ko na agad ang sasabihin niya. Tiyak na pagbabawalan na naman niya akong bumili ng ghost plant. Ayaw na ayaw niya na nag-aalaga ako nito. Hindi ko alam kung bakit pero sinusunod ko nalang siya. Kung hindi ko kasi siya susundin ay papatayin niya lang ang bibilhin kong ghost plant, gaya ng ginawa niya dati. Masasayang lang ang pera ko.
"Ayoko ng ghost plant. Malas 'yun kaya huwag na huwag kang bibili nun," sagot niya. Mabait naman si Mama. She gives me everything I want. Tanging ghost plant nga lang talaga ang hindi niya maibigay sa 'kin dahil ayaw niya talaga nito. Simula noon ay ilag na siya sa ghost plant kapag nasa garden shop kami. Hinahatak niya agad ako palayo sa mga ghost plant na makikita namin. Minsan nga ang over acting na niya e.
Siya nalang ang kasama ko sa buhay ko. Wala na kasi ang Papa ko. Sanggol palang ako ay namatay na agad siya dahil sa isang aksidente, ayon kay Mama.
Kaya naman akong buhayin ni Mama. May trabaho naman siya kahit pa paano. Hindi ko lang alam kung bakit hindi pinapaalam ni Mama saakin ang trabaho niya. Secret daw. Pero ang pinagtataka ko lang ay malaki ang pera niyang dala tuwing uuwi na siya. Minsan nga, nag aalala na ako sa kanya. Baka kasi masamang trabaho na ang pinapasok niya. Nakapagtataka talaga. Pero dahil mukhang okay naman siya at hindi naman napapahamak ay hinahayaan ko na lang at malaking tulong naman din 'yun dahil nakakain namin ang gusto namin kainin at nabibili namin ang gusto naming bilhin. Salamat na rin sa kung anuman ang trabaho niya.
"Opo," maikli kong sagot.
"Baka naman sa susunod na araw ay maging gubat na ang bahay natin," saad pa niya. Natawa ako. Napatingin tuloy ako sa paligid ng garden ko. Sobrang dami ko na talagang halaman. Lalo na ang mga succulent plant. Noon pa man ay nangongolekta na ako ng mga succulent plants. Mga halaman DAW na hindi mahirap alagaan. Ang sabi nga nila ay para sa mga tamad na tao ang pag aalaga ng succulent plant. Pero mali ang sinasabi nilang 'yun dahil minsan, may mga iilan sa kanila na mahirap alagaan.
Ang succulent plants kasi ay mga halaman na matutubig. Ang loob nila ay puro tubig ang laman. Kaya naman ang mga halaman na ito ay madalang sa isang linggo kung diligan. Kapag nasobrahan kasi sila sa dilig ay maaring mamatay sila. Nabubulok ang mga ugat nila at doon sila nag uumpisang mamatay. Kaya naman, mali ang sinasabi nila na madali itong alagaan. Actually, mahirap silang alagaan dahil ang totoo ay alagain sila.
Lalo na kapag tag-ulan. Kailangan mo silang isulong sa hindi mababasa ng ulan para hindi sila malunod. Sa dami ng halaman ko ay halos pagod ang dinadanas ko kapag isinisilong ko sila sa hindi mababasa ng ulan. Ganoon ko sila ka-mahal. Isa pa, pinag-gagastusan ko talaga sila ng lupa. Hindi basta-bastang lupa lang kasi ang pwedeng gamitin sa mga succulent plant. Huwag na huwag mong gagamitin ang lupa na putik. Ang mga ganitong putik ay matagal matuyo ang tubig kapag diniligan. Maari silang mamatay kapag palaging basa ang putik na lupa. Kaya naman, may formula ako sa mga lupa na ginagamit ko sa kanila. Seventy percent na pyumis at thirty percent na carbonized rice hull o 'yung sinunog na ipa. Yan ang perfect na lupa para sa mga succulent plant ko. Kapag ganyan ang lupa ay madali itong matuyo. Mas hahaba ang buhay nila.
Sa sobrang humaling ko sa mga succulent plant ay dadayo pa ako sa baguio para bumili ng mga ito. Excited na talaga ako sa magiging lakad namin ni aling Bebe.
"Ang saya naman po tignan 'di ba kapag puro green ang nakikita natin sa buong paligid, kaya hayaan niyo nalang po ako." Nginitian ako ni Mama. Naiiling na lang siya habang papasok sa loob ng bahay namin.
Lumabas na ako ng gate namin at saka ako nag-abang ng tricycle. Pagdaan ng isang tricycle ay agad ko itong pinara at saka ako sumakay.
"Sa garden shop po ni aling Bebe," saad ko sa kanya kaya agad na kaming umalis. Sikat ang garden shop ni aling Bebe kaya alam na agad ng mga tricycle driver dito kung saan ito matatagpuan. Malapit lang naman ito, kaya after ng ilang minuto ay nakarating na rin ako sa garden shop niya. Binigay ko na ang bayad sa tricycle driver at saka ako bumaba doon.
Sakto na wala nang customer si aling Bebe kaya makakausap ko na agad siya.
"Hello po ulit," bati ko sa kanya ng magkasalubong ang mga mata namin.
"Mabuti at pumunta ka. Tamang tama at sasabihin ko na sa'yo ang oras ng lakad natin," sagot niya.
Nag-usap kami para sa lakad namin bukas. Napahaba ang usapan namin dahil madami daw kaming pupuntahan bukas na may magagandang mga succulent plants na binibenta. Pagkatapos namin maghunta ay tumingin-tingin muna ako ng mga tinda niyang halaman. Dumami na rin kasi ulit ang mga mamimimili kaya't tumigil na kami sa pag-uusap.
Halos lahat ng mga halaman niya rito ay mayro'n na ako. Habang patuloy kong minamasid ang mga halaman niyang tinda ay nadako ang tingin ko sa nag iisang ghost plant na nakita ko roon. Bigla kong naalala si Mama. Bakit kaya ayaw na ayaw niya sa halamang ito e, napakaganda naman. Sa totoo lang ay gustong gusto kong mag-alaga nito. Gandang-ganda ako sa kanya, pero bawal talaga e. Magagalit lang siya sa 'kin.
Wala naman si Mama, kaya nilapitan ko saglit ang ghost plant. Naupo ako sa harap niya at saka ko siya hinawakan. Ang healthy niya. Wala akong nakikitang mali sa halamang ito, kaya kung pwede lang bilhin ay binili ko na.
Pagkahawak ko sa ghost plant na ito ay nakita kong biglang kuminang ang malaking puno na nasa tabi ng garden shop ni aling Bebe. Nadidinig ko rin ang mga kinang nito na tila tinatawag ako. Hindi ko alam kung ako lang ang nakakakita sa kumikinang na puno pero, nabighani ako kaya't nilapitan ko 'yun.
Tinignan ko ang mga tao. Hindi sila nakatingin sa puno. Palagay ko ay ako nga lang ang nakakakita sa pagkinang nito.
"Anong mayroon sa punong it—" natigil ako sa pagsasalita nang bigla akong lumusot sa loob ng puno. Napasigaw ako habang nalalaglag ako sa kung saan na hindi ko alam kung ano ang pagbabagsakan ko.
I thought I was going to die. Lumusot ako sa isang bilog na liwanag at bumagsak ako sa isang damuhan na mayroon lalaking gwapo na nakaupo sa ilalim ng malaking puno. Nanlaki ang mata ko.
Napatayo ang lalaking gwapo na para bang prinsipe. Nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa 'kin. Parang masungit siya, malakas ang kutob ko. Gulat na gulat din siya sa bigla kong pagsulpot.
"Who are you?" tanong niya agad habang naka-ready na tila aawayin ako. Napaatras ako dahil sa eksena niya. Hindi ko alam kung nasaan lupalop ako ng daigdig ngayon. I also don't know if this is just a dream.
"I said, who are you?"ulit pa niya sa nakasigaw na boses. Naalarma na ako dahil mukhang anumang oras ay aatakihin na niya ako ng hawak niyang gintong kutsilyo.
"Calm down. I don't know how I got here," sagot ko sa kanya.
"Where are you from?" tanong pa niya. Hindi nawawala ang pagtutok ng kutsilyo niya sa 'kin. Sayang ang kagwapuhan niya kung mamamatay tao lang siya. Saka, natatakot na talaga ako. Hindi ko alam kung bakit ako nakarating dito.
"I am from Norzagaray, Bulacan," sagot ko. Napapasabak tuloy ako sa english dahil sa kanya. Mabuti nalang at kahit papaano ay nakakasagot ako sa kanya.
"Norzagaray, Bulacan? Where is that place? I don't think I've heard of that place yet." natawa ako ng palihim. Paano nga niya malalaman kung wala naman dito sa mundong ito ang lugar namin.
"What world is this? How can I return to my world?" tinititigan niya akong mabuti. Parang sinusuri niya ako.
"Galing ka ata sa mundo ng mga normal," aniya na kinanganga ko. Sanay naman pala siyang magtagalog. Kaloka.
"Sanay ka naman palang magtagalog, pinahirapan mo pa ako," saad ko. "Help me, hindi ko alam kung bakit ako nakarating dito. Ang natatandaan ko lang kanina ay lumusot ako sa isang puno na kumikinang. Tapos, ayun, nakarating na ako rito," kwento ko sa kanya.
Doon na nawala ang pagtutok niya ng kutsilyo sa 'kin. Sumiryoso na siya ng mukha at saka itinago ang kutsilyo niya.
"Huwag kang mag-alala at anumang oras ay makakabalik ka rin sainyo. Pero, sigurado akong balang araw ay babalik ka rin dito. I have a feeling that you are just like us." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko na lang masyadong pinansin ang sinabi niya dahil mukhang pinagti-tripan niya lang ako dahil alam niyang hindi ako taga rito.
"Pero anong mundo ba ito?" tanong ko pa sa kanya.
"Mundo ito ng mga taong may mga special ability," aniya. "Andito ka sa bayan ng Madita." Dahil sa sinabi niya ay napalingap ako sa buong paligid. May isang palasyo akong nakita. Mukhang nasa likod kami nito. Sa totoo lang ay walang pinagkaiba ang mundong ito sa mundo namin. Pero isa lang ang masasabi ko. Iba ang simoy ng hangin dito. Mas fresh at kaaya-aya sa pang-amoy ko.
"Masuwerte ka, because I am talking to you," pagmamayabang niya na kinangisi ko.
"Bakit naman? Ano ka ba rito?" tanong ko pa.
"If you can get back here again, you will know who and what I am."
Pagkatapos kong madinig ang sinabi niya ay nakaramdam ako na parang may humihigop sa 'kin. Doon, unti-unti nang lumitaw ang isang puting portal sa harap ko at saka ako nilamon nito. Bago ako tuluyang makapasok sa loob ng portal ay nakita ko pang seryoso siyang nakatingin sa 'kin. Impyernes, gwapo siya. Kaya lang, masungit at mayabang nga lang.
Sino kaya siya? Magkikita pa kaya kami?