Chapter 3 - The Key

1566 Words
Dia's POV Nagising ako na pauwi na kami sa Bulacan. Halos alas dos na ng hapon ng magising ako. Nakatulog ako ng sobrang tagal. Ang huling natatandaan ko lang ay sumama ang pakiramdam ko, matapos akong mamili kanina sa La trinidad, benguet. Hindi na raw ako inistorbo ni aling Bebe dahil mukhang mahimbing ang tulog ko. Binili nalang niya ako ng makakain kanina ng huminto sila sa isang restaurant. Ang bait niya talaga. Nakakalungkot lang dahil hindi na kami nakapamasyal. Napagod rin kasi si aling Bebe sa pamimili kaya hindi na rin siya namasyal.   Binuklat ko ang pagkain ng binili ni aling Bebe para sa 'kin. May dalawang fried chicken, isang saging, dalawang rice at juice. Nakakatuwa. Nalibre pa ako ng lunch ko ni aling Bebe. Sa totoo lang ay para ko na siyang lola. Wala kasing tumayo na lola sa buhay ko.  Habang kinakain ko ang late lunch ko ay nakatingin ako sa paligid ng dinadaanan namin. "Sa wakas, handa ka na," nagulat ako sa boses na bigla kong nadinig. Para siyang boses ng isang maliit na taong babae. Nilingap ko tuloy ang loob ng van. Wala naman kaming batang kasama.  "Nadinig niyo po ba 'yun?" tanong ko bigla kay aling Bebe. "Ang alin, Dia?" tanong niya rin. Nakakunot ang noo niya na tila nagulat sa tinanong ko. "May nadinig po akong maliit na boses ng babae e," sagot ko. Nadinig kong tumawa ng mahina si aling Bebe. Ganun din ang dalawang tauhan niya na kasama namin sa loob ng van. "Wala naman kaming nadidinig. Baka naman galing sa labas ang nadinig mong 'yun," aniya. Baka nga. Nakakahiya tuloy sa kanila. Tinuloy ko nalang ang pagkain ko. Simula nun ay wala na akong nadinig pang nagsalita pa, kaya mukhang galing nga sa labas ng sasakyan namin ang nadinig kong boses ng tila maliit na taong babae. Nag aagaw na ang liwanag at dilim nang makauwi kami sa Norzagaray, bulacan. Gabi na at nakapagtataka lang ng madatnan kong madilim ang loob ng bahay namin. Mukhang nasa labas pa si Mama at hindi pa umuuwi. Patay na patay ang mga ilaw ng bahay namin.  Nagpatulong ako sa tauhan ni aling Bebe na buhatin ang mga succulent plants na pinamili ko.  Nagpasalamat naman ako sa kanila matapos nilang buhatin ang mga gamit at box ko. "Maraming salamat po ulit, aling Bebe," saad ko sa kanya bago ako bumaba sa van niya. "Your welcome, Dia. Next time ulit," aniya pa at sinang-ayunan ko naman agad. Dapat lang na may next time dahil isasama ko na sa susunod si Mama.  Umalis na rin sila. Binuksan ko na ang gate namin. Pumasok muna ako sa loob ng bahay namin para sindihan ang ilaw sa loob ng bahay namin at pati na rin ang sa garden. Nang maliwanag na ang buong paligid ay binalikan ko na sa labas ang mga karton na may lamang succulent plants na pinamili ko sa baguio. "May panganib," dinig ko ulit na sabi ng isang maliit na boses. Nang oras na 'yun ay natakot na ako. Hindi na ako pwedeng magkamali. Malinaw ang pagkakadinig ko sa kanya. "Sino ka? Magpakita ka saakin." nagulat ako ng biglang lumiwanag ang puno ng atis sa garden ko. "Tigilan niyo ako!" nadinig ko ang boses ni Mama. Alam kong siya 'yun kaya mabilis akong tumakbo papunta sa garden ko. Nanlaki ang mata ko. Doon ko nakita si Mama habang hawak hawak ng dalawang naka-itim na lalaki. Hila-hila siya nito papasok sa loob ng puno ng atis. "Mama!" sumigaw ako habang nagtatakbo palapit sa kanila ngunit huli na ako. Tuluyan na silang nilamon ng liwanag sa loob ng puno ng atis. I just sadly sat on the grass because I know I can't do anything to help, Mama. Nawala na ang liwanag sa puno. Tumayo ako at lumapit pa ulit sa puno. Sinubukan ko kung makakapasok ako sa loob ng puno ng atis ngunit bigo ako. Nakakaiyak. Where did they take my Mom? Bigla ko tuloy naalala ang nangyari sa 'kin kahapon sa garden shop ni aling Bebe. That means it is not a dream. Totoo ngang nakapasok ako no'n sa isang puno at nakapunta ako sa kakaibang mundo. Ibig sabihin ay totoo rin ang lalaking mukhang prinsipe na nakita at nakausap ko doon. "Madita?" 'yun ang natatandaan kong lugar na sinabi nung lalaking gwapo na nakausap ko. Ang tanong ay paano ako makakapunta doon? Maari na doon nila dinala si Mama. Kinabukasan ay tulala ako habang nagluluto ng sarili kong pagkain. Maya't-maya ay tinitignan ko ang puno ng atis. Nagbabaka sakali akong bumalik o ibalik nila si Mama. Anong klase kayang mga nilalang ang kumuha sa kanya? Bakit si Mama pa? Ano ang kailangan nila sa Mama ko? Dahil hindi ako masyadong marunong magluto, nagpirito nalang ako ng itlog at saka ako bumili ng pandesal sa may kanto ng street namin. Hanggang sa pagkain ko ng almusal ay tulala ako. Halos hindi ko nga naubos yung itlog na maliit. Wala talaga akong gana. Pagkatapos kong mag almusal ay inatupag ko na ang pag-aayos sa mga binili kong succulent plant. Nagtimpla muna ako ng mga soil mix na gagamitin ko sa kanila. Marami din akong stock na pots kaya hindi problema ang paso sa 'kin. Habang nagrere-pot ako ng nga halaman ay napansin ko ang huling halaman na nabili ko sa La trinidad, benguet. Hindi na siya lanta. Ang healthy niya at ang ganda ganda ng kulay niya. Sigurado akong ghost plant ang isang ito. Sinuwerte pa ako dahil variegated siya dahil may halong puti ang ilang mga dahon niya. "Hi?"nanlaki ang mata ko ng muli ko na naman madinig ang maliit na boses ng isang babae. Napatayo ako. "S-sino ka? Magpakita ka!" "Huwag kang matakot. Kaibigan ako," dinig kong sagot niya. Nakakataas ng balihibo kapag nadidinig ko ang boses niya. Parang boses kasi ng duwende sa mga palabas sa telebisyon ang katunog ng boses niya. I am terrified. "Kung kaibigan ka ay magpakita ka," sagot ko. Hindi pa rin ako lumalapit sa karton. I have a strong feeling that she is there. "Ito ako oh," sagot niya at saka ko nakitang gumagalaw ang mga dahon ng variegated na ghost plant na 'yun. Hindi ako makapaniwala. Totoo ba ito? "Nagsasalita ka?" tanong ko pa. "Yes," maikli niyang sagot.  I slowly approached her and then I removed her inside the box.  Sa huli ay hindi na ako natakot. Kinilig pa ako dahil hindi ko inaasahan na sobrang special ng halaman na nabili ko kay lola, sa La Trinidad, benguet. "Ngunit paano? I mean, paano mo nagagawang magsalita? Kaylan pa nagsasalita ang isang halaman?" "Hindi ko rin alam. Basta nung binili mo ako ay nagulat nalang ako nang bigla nalang ako makapagsalita. Kumbaga sa natutulog na tao ay ikaw ang gumising sa kung anuman ang kakayahan ko," mahaba niyang saad. "Isa ka nga bang variegated na ghost plant?" "Yes," maikli niyang sagot. "Okay. Pero ang gaya mo ba ay may pangalan din?" dinala ko siya sa lamesa sa may garden ko. Naanlig kasi akong makipag-usap sa kanya. Nakakatuwa. "Actually, wala nga e. Ngunit dahil ikaw naman ang gumising sa 'kin ay maari mo akong bigyan ng pangalan ko," sagot niya. Nakakatuwa talaga. Kahit wala siyang mukha o bibig ay may boses na lumalabas sa kanya. "Teka, sisiguraduhin ko muna ang gender mo bago kita pangalanan. Babae ka ba?" Humalakhak ang ghost plant. "Oo naman po. Hindi po ba halata sa boses ko?" aniya na kinatawa ko rin. "Pasensya na, sinisigurado ko lang. Anyway, simula ngayon ay papangalan na kitang Venuss." "Venuss? Wow! Ang ganda! Sige po, 'yan na ang magiging pangalan ko," sagot niya at saka siya nagkakanta. Ang cute lang. Kahit papaano ay nawala ang lungkot ko. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Kung nandito lang si Mama ay matutuwa rin siya. Sigurado akong magugustuhan na niya ang ghost plant kapag nadinig niyang nagsasalita ito. "Kung nandito lang si Mama ay matutuwa siya sa 'yo," saad ko. Sandali kaming natahimik. Hindi ko alam kung hinihintay niya lang ako magsalita. Napatulala na naman kasi ako sa puno ng atis. "Pamilyar sa 'kin ang mga nilalang na kumuha sa Mama mo. Parang matagal ko na silang kasama. Hindi ko lang alam kung bakit pakiramdam ko ay may alam ako sa kanila," biglang sabi ni Venuss na kinagulat ko. Sana tama ang nasa-isip ko. "Kung gano'n, kaya mo ba akong dalhin sa ibang mundo?" tanong ko sa kanya. Kabado akong naghihintay sa sagot niya. Malakas ang pakiramdam ko na si Venuss ang susi para makasunod ako kay Mama. "Kaya ko nga," sagot niya kaya natuwa ako lalo. Nagkaroon ako ng lakas ng loob. "Ikaw nga ang sagot sa problema ko," masaya kong sabi. Nagtatalon pa talaga ako. Masaya na ako sa sinabi niya ngunit may problema pa pala sa kanya. "Pero 'di ko alam kung paano. Hindi ko kasi matandaan. Alam mo kasi, parang dati na akong may buhay. Kulang kulang ang nasa memorya ko. May mga natatandaan ako, pero karamihan ay nawala talaga sa isip ko. Parang may nagbura sa mga alala-ala ko. Feeling ko talaga ay ikaw ang susi kung bakit ako muling nabuhay. Pero huwag kang mag-alaala. Sigurado akong kaya kitang dalhin sa ibang mundo na tinutukoy mo. Kapag naalala ko na kung paano gawin 'yun ay sasabihin ko agad sa'yo." Nawala bigla ang saya ko. Sana sa lalong madaling panahon ay maalala niya agad. Okay narin 'yun. Ang mahalaga ay alam kong makakasunod pa rin ako kay Mama. Sana lang ay ligtas at maayos si Mama sa kinalalagyan niya ngayon. Hindi bale at alam ko naman na anumang oras ay makakasunod na ako sa kanya. Hawak ko na ang susi para masundan ko siya. At si Venuss ang tinutukoy ko na susi. See you soon, Mama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD