Chapter 4

2290 Words
Chapter Four: Blackmail               “NILAPLAP ko si Miss Tan”               Nanatiling tahimik si Eugene nang marinig n’ya ang sinabi ni Ian.  Napapikit si Ian dahil nakaramdam ito ng kaba sa anumang gagawin ni Eugene sa kanya. Ngunit nakarinig siya nang pag-hikbi, kaya binuksan siya ang mga mata n’ya.               “Eugene…” tawag n’ya sa kaibigan n’ya pero tumalikod lang ito. Nang sinundadn ni Ian ng tingin ang kanyang kaibigan ay nagulat siya.               Napatakip si Eugene sa kanyang bibig at tuloy-tuloy ang kanyang pag-iyak . Napasandal siya sa kanyang kotse at napaupo na lang sa sahig na para bang nabagsakan na siay ng buong langit.               “Uy, Eugene tumayo ka nga d’yan!” Tinangka naman ni Ian na itayo si Eugene pero tumanggi naman ang kaibigan n’ya.               “Sa lahat ng puwede mong laplapin bakit si Miss Tan pa? Bakit!? Saan ba ako nagkulang sa pagpapaalala sa ‘yo? Na huwag kang maglalasing do’n…” Napaawang ang bibig ni Ian nang makita n’ya ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng luha mula sa mga mata ni Eugene.               “P’re, mas tanggap ko pa na ako na lang nilaplap mo… sana ako na lang…” turo pa ni Eugene sa kanyang dibdib.               “Lasing nga ako, hindi ko naman mapipili ‘yong puwede kong laplapin…”               Napaatras naman si Ian nang biglang tumayo si Eugene. His stares are scary. Para bang anumang oras ngayon ay sasapakin na siya nito.               “Akin nga ‘yang bibig mo, buburahin ko ‘yang lintik na malanding bibig na ‘yan!” Napatakbo si Ian nang bigla siyang lapitan ni Eugene at target nito ang kanyang bibig.               “Hoy, wala namang ganyanan!”   ***             “ITO na lahat.” Napatayo naman si Saber nang pumasok si Kim sa silid n’ya. Dahil nga inutusan siya ni Noelle na kuhanin lahat ng guestlist sa party ni Ciarra ay pinakiusapan n’ya si Kim dito.               “Para saan ba ito? Kung puwede ko lang naman malaman? Last time kasi mga listahan ng wine naman ang pinakuha n’ya.” Napakunot-noo naman si Kim nang maiabot n’ya ang foler kay Saber.               “Pasensya ka na Kim, alam mo naman kung gaano kamaldita ang amo ko, kahit hindi naman dapat halungkatin ay papahalungkat pa rin n’ya.” Saber’s sigh just showed how much stress he was dealing with.               “Nilagay ko rin ang mag larawan nila d’yan baka mas madali n’yang mahanap ‘yung pinapahanap n’ya sa ‘yo.“               “Oo nga pala, kumusta ang bidding? May napili na ba kayo?”               Sinarado naman si Saber ang folder at nilapag sa kanyang mesa. Bigla n’yang naalala ang nakatenggang project na ‘yon.               “We only have two option. Royal and Cambridge.” Parang nababaliw na si Saber sa tono ng boses niya. Natawa naman si Kim dahil problemado talaga ang hitsura nito.               “Royal is the best option. H’wag n’yo na pahirapan ang mga sarili nin’yo. Just sign the contract with Royal Builders.”               “Alam mo, Kim… kung makikinig lang si Miss Noelle sa akin may kontrata na eh.”               “Pero, wala ba talaga kayong sinerve na peppermint wine?”               Kim almost lost it when Saber asked him. Buti na lang napigilan n’ya ang kanyang tawa.               “Walang gano’n Saber. It’s either pabango or mouth freshener ‘yan” tugo naman ni Kim.               “Noelle is doomed. May nakahalikan nga yata talaga s’ya sa party…” Napapikit naman si Saber.               “Bakit? What’s the big deal? ‘Yung amo ko nga, halik nang halik. Kahit saan nanghahalik.” Napailing-iling naman si Kim.               “If you’re done then, Let’s go. Binabackstab mo pa ako d’yan.” Napapitlang naman si Kim nang biglang bumukas ang pintuan ni Saber at narinig n’ya ang boses ni Chase.   ***             “SABER, mabuti nand’yan ka na. Ipapatawag sana kita.” Nadatnan naman ni Saber si Noelle sa study room nito nang umuwi s’ya sa mansion.               “Lolo wants to pursue the project. Mukhang nakarating din sa kanya ang dalawang option ng company na gagawa ng project. He seems in favor to Royal Builders.”               Ikinatuwa naman ni Saber ang bungad ni Noelle sa kanya. “Then ihahanda ko na po ang kontrata at makikipag-meeting na po ako—“               “But that is still subject to what you have for me on that folder,” bumusangot naman kaagad ang mukha ni Saber at bagsak ang balikat nitong lumapit sa table ni Noelle.               “Kim managed to get me even their pictures. Baka maalala mo na kung sino ‘yong nagnakaw ng halik n’yo,” Inirapan naman ni Noelle si Saber sa kanyang sinabi.               “No. Not this… not this one… Yuck! No way! Nope…” Halosng maging singkita na ang mata ni Saber habang tinatapon ni Noelle ang mga papel na may picture ng mga guest sa party noong gabing ‘yon. Napupunta na kasi sa mukha n’ya ang karamihan.               Napansin ni Saber na naging tahimik si Noelle. Maybe she found what she is searching for.               “Isn’t this the one who presented noong bidding?” Pinakita ni Noelle ang larawan ng isang lalaking pamilyar din sa kanya.               “Yes po…” mahinang sagot ni Saber.               “Set me up a meeting with them. I’ll decide on the spot if we are going to work with them…” Tumayo naman si Noelle at nagtungo sa pintuan. Napapikit na lamang si Saber at napahawak sa kanyang batok.               “I want it today or else… we’ll remove them from the option,” hirit pa nito bago siya tuluyang lumabas ng silid.   ***               “NAGMAMAKAAWA ako sa ‘yo, Ian… Huwag na huwag kang magpahuli. Just deny that you kissed her okay? Nakasalalay sa ‘yo ang future ng Royal Builders, pati na rin ang buhay ko. Papatayin ako ng asawa ko ‘pag hindi natin nakuha ‘yong project!”               Kanina pa nababagabag si Ian sa mga sinabi ni Eugene sa kanya. It is indeed his unlucky day because today, Eugene is on a business trip with her wife. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Ian na hawak siya sa leeg ng kanyang asawa. May investment din ang kanyang asawa sa Royal Builders kaya naman… Eugene is betting everything on this project.               Gusto niyang suntokin ang sarili niya dahil napaka-careless n’ya nang gabing ‘yon. Of all the people in that party, bakit si Noelle pa?               “Good Evening, Mr. Albayalde” Nang sinalubong siya ni Saber habang papalapit siya sa isang malaking pintoan ay niyakap s’ya ng katotohanang sa kanya nga nakasalalay ang kontrata ngayon.               Nagpatawag kasi ang grupo ni Noelle na meeting for the project. Mukhang dito na rin paguusapan kung accept or reject ng aba sila. But since, Eugene is not here, naiwan sa kanya ang gawaing ito. Mina is currently at abroad last month pa. Kaya wala nang ibang puwedeng sumipot kay Noelle kundi s’ya.               “I want you to know, that I am really praying for you…” Pipihitan na sana ni Ian ang doorknob pero biglang nagsalita si Saber.               “Salamat. Maraming Salamat” Ian was emotional as he entered the room.               Ang Venue ng meeting ay sa isang Grand Hotel sa Serina. Sikat because it is considered as the ‘Triplets Tower’. Sa mga Tan ang Hotel na ito.               “Hindi ko naman masisisi ang sarili ko kung bakit kita nilaplap. Shet, ang ganda…” Ian tapped his chest to ease that heavy feeling inside him.               Tinignan ni Ian mula paa hanggang ulo si Noelle. She is currently wearing a white stiletto and pastel pink lace dress. The dress is like made for Noelle only.  Ian can’t deny it, she’s a fashionista. Nakalugay lang ang buhok nito hanggang sa kanyang baywang. Medyo curly sa baba. Wala ka ring masabi sa perlas na suot nitong alahas dahil bagay na bagay sa kulay ng kanyang dress. Makikita moa ng body shape nito dahil fit sa kanya ang kasuotan n’ya.               Nang umupo si Ian sa kanyang harapan ay hindi s’ya nilingon nito. Nanatili lang s’yang nakatingin sa bintana. Eksaktong one meter pa ang sukat ng lamesa kaya napangiti s’ya rito.               “Ehem. Goodevening, Miss Tan” tumikhim naman si Ian sa pagaakalang makukuha n’ya ang atensyon nito.               “Isusummarize ko na lang po ang presentation and if you have any questions you can ask me,”               “Bakit mo ‘ko nilapitan sa party? What do you need?” Napakagat labi si Ian nang bumaling si Noelle sa kanya. Talaga naman, nakakapaso ang mga tingin n’ya. If Noelle’s eyes are fire, Ian has already turned to ashes.               “Hindi kita nilapitan,” Nagkibit-balikat naman si Ian. He has to follow Eugene’s words otherwise, It’s over.               “Talaga ba?”               When Noelle leaned her hands to the table so she could stare Ian thoroughly, that scared him. Dahil parang ayaw siyang pakawalan ng mga mata ni Noelle.               “You’re lying. Stop it.”               Napahinga nang malalim si Ian nang hinampas ni Noelle ng malakas ang lamesa. Sobrang nagulat s’ya do’n.               “Hindi ko nga kasi maalala, saka bakit ka ba nagtatanong ng off-topic. Pagusapan na lang natin itong project.” Inayos naman ni Ian ang kanyang pagkakaupo. Para s’yang nasa hotseat. Nakakasindak pala talaga si Noelle.               “We’ll do the contract signing if you tell me the truth,” mahinahon na nag boses ni Noelle ngayon.               Well, no matter how Ian thinks about it, being drunk doesn’t remove everything. Hindi rin naman n’ya ugaling magsinungaling. Maybe he was wrong in Noelle’s eyes pero hindi nakukumbinsi si Ian na mali ang ginawa n’yang paghalik kay Noelle.                 “Gusto mo talagang malaman ang nangyari? You really don’t remember?” sumingkit naman ang mga mata ni Ian na napatingin kay Noelle. Hindi naman umimik ang dalaga at umiling-iling lang.               “Naglalakad-lakad lang ako noon tapos kausap mo ‘yung mga dahon—“napatigil si Ian nang bigla n’yang makita ang full attention ni Noelle sa sinasabi n’ya.               “Tapos nag-usap tayo ng kaunti…” He stopped. Noelle became furious because of that.                         “Ano? H’wag mon gang putulin ang mga sinasabi mo!”               “Tapos nilaplap kita…” Napatikom ang bibig ni Ian nang natahimik si Noelle. She frowned because it seems like she didn’t understand what he just said.               Bigla namang kinuha ni Noelle ang kanyang cellphone sa kanyang bag at tinext si Saber.               Saber, what is ‘nilaplap’?               Hindi inalis ni Noelle ang titig n’ya sa kanyang cellphone at naghintay ng ilang segundo sa reply ni Saber.               It means French kiss, Miss Noelle…               Nagiwas ng tiitg si Ian nang maramdaman n’yang sumasama na lalo ang tingin ni Noelle sa kanya. Parang may madilim na usok ang umuusbong sa likod ni Noelle.             “I remember a kiss, but did you really had to do that?” medyo mahina ang tono ng boses ni Noelle ngunit alam ni Ian na nagpipigil lang ito.               “Bakit? First time mo bang makipaglaplapan?” Napaatras naman nang tuluyan si Ian nang hinampas ni Noelle ang upuan nang mas malakad.               “Stop saying laplapan! I hate it! Napakasagwa mo!” Napasigaw nang malakas si Noelle kaya naman napilitang tumayo si Ian.               “Eh ‘yon naman ang tagalog no’n ano’ng magagawa ko…” napataas din ang tono ng boses ni Ian.               “Secret lang… naman bakit ba galit na galit ka… hindi naman kita ni-r**e eh!” depensa pa nito. Tumay naman si Noelle nang padabog at nakatuon pa rin sa kanya ang masamang titig nito.               “Alam mo bang ayaw na ayaw kong nakakaamoy ng baho ng ibang tao at sa tingin mo okay lang sa akin makipaghalikan?               “Malay ko ba kung ayaw mo. Namumula ka naman noon tapos parang gustong-gusto mo naman. Pumikit ka nga eh, ‘di nilaliman ko,”               That was a bad move               Napapikit na lang si Ian dahil hindi na niya nagawang i-preno ang bibig n’ya. That wasn’t a defense! That was just making the situation bad!               “Nilaliman!?”               Inurong ni Ian ang upuan nang makita n’yang namumula na ang mukha ni Noelle dahil sa galit. Just in case na habulin s’ya ni Noelle para saktan ay atleast prepared s’yang tumakbo.               “Kalimutan mo na ang kontrata,”               Kinuha naman ni Noelle ang kanyang bag at tinalikuran na lang si Ian.               Lagot s’ya kay Eugene.               They just lost their chance for this project because of him.               “Sure ka?”               Bago pa man makalapit si Noelle sa pintuan ay narinig n’ya ulit na nagsalita si Ian. But who cares? He’s just an idiot who stole her first kiss and who broke her golden rule.               “If you feel like your dignity has been damaged by my kiss then you should also be careful about me…”               Aalis na dapat si Noelle ngunit humirit pa si Ian. Unti-unting pumihit si Noelle upang tignan si Ian.               Now he is sitting again. Binuksan pa nga nito ang wine sa table at nagsalin sa kanyang baso.               “Baka lang naman maisipan kong ipagkalat ‘yung kuwento ng unang halik ni Miss Noelle,” Ngumisi pa ito. He sipped in to his glass of wine as if he was celebrating.               “Are you blackmailing me?” Nakipagtagisan naman si Noelle ng titigan kay Ian.               “Hindi ah.” He laughed. “It’s just an unforgettable experience to me. I kept remembering how I tasted your saliva…”               “Parang lollipop ang labi mo, pagkatapos kong sipsipin parang gusto ko naman kagatin...” Napapikit si Ian habang nilalarawan ang nangyari no’ng gabing iyon.               Noelle opened the door and Saber was there.               “Prepare the contract” utos naman nito sa kanya. Lumawak ang ngisi ni Ian. Nilagok nito ang natitirang wine sa kanyang baso. *** Ayon lang naman, atleast napag-usapan na nila ‘yung tungkol sa laplapan nila. Pasintabi ulet! Hahaha
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD