Chapter 3: Breaking the Golden Rule
“RETURN everything” nabitawan naman ni Dorothy ang hawak-hawak niyang gown na kakatapos lang isukat ni Noelle.
“A-Alin po sa mga ito?” tanong naman ni Cristy.
“From the first gown to the last that I just tried. Wala akong nagustohan,” naghalukipkip naman si Noelle at umupo sa kanyang royal chair.
Bagsak ang balikat ni Dorothy, Cristy at Pearly na nagbalik ng lahat ng mga gown sa rack. It’s been 4 hours since they started. Twelve gowns na ang naisukat ni Noelle at mula pa ito sa mga kilalang brand na tumatanggap ng project sa ibang customer na gustong magpagawa ng special gown.
Ngayong gabi na ang Party ni Ciarra kung saan imbitado si Noelle. Nang malaman niya na kasama si Harlet sa mga dadalo ay nainis ito. She always wanted to look better than Harlet.
“Ms. Noelle ano ba ang gusto niyo talaga?” halos mangiyak-iyak ang boses ni Saber na lumapit siya kay Noelle.
“Hindi ko rin alam” napairap naman si Noelle.“Find me something that a man would like. “ nagtinginan sina Dorothy, Cristy, Pearly at Saber. Dahil sa tingin nila ay lahat ng damit na naisukat na niya ay maaring magustohan pa rin ng lalaki.
“Paano… ko iyon gagawin” mahinang bulong naman ni Saber nang makatalikod ito. Maski siya ay problemado. Mukhang sinusumpong na naan si Noelle kaya mahihirapan na naman silang kausapin ito.
“Eh ‘di magtanong ka sa lalaki, Gosh, Saber? Seriously!” nagulat naman si Saber nang biglang tumayo si Noelle.
***
“EWAN ko na lang talaga kung wala ka pang magustohan dito, Noelle.”
Saber’s last resorts are the boutique at RosaKing. Kasama niya si Pearly na namili ng mga gown doon. Of course, sinigurado niya na limited edition ang mga ito kundi mapapagalitan na naman siya ng kanyang amo.
“We’re down to the last” sumunod naman si Pearly kay Saber nang makarating silasa 6th floor kung nasaan ang exclusive boutique ng Rosaking. Mismong ang RosaKing ang mga produkto ng lahat ng mga damit, accessories, sapatos, bag, cosmetics, at iba pa.
“Para po ba sa girlfriend ninyo? May isang sales lady ang sumalubong kay Saber nang makapasok siya d’on. The whole place is huge. Puro damit. Nasa ibang section ang mga sapatos at iba pa.
“I’d be happier if it is, dahil divisoria lang, okay na.” napailing-iling naman si Saber.
“We have limited edition for elites here, medyo may kamahalan nga but, it’s made by RosaKing. You’ll never regret it”
Nagtungo naman sina Saber at Pearly sa section ng gownes na tinutukoy ng saleslady.
“Wow!” Napanganga si Pearly nang makita niya ang mga damit. Hindi nga biro ang RosaKing. Magkakaiba ang mga damit at agaw-pansin talaga ang mga ito.
“Some of the gowns may contain real diamonds, pearls, and golds. Kaya mahal dahil binibili mo rin ang mga nakatahi rito,” napakindat naman ang sales lady sa kanilang dalawa.
“Ang problema saan dito? Hindi ko puwedeng bilihin lahat nito. Ang mahal!” problemadong saad naman ni Saber.
“Hmmm?” tila napatigil naman sila nang may isang lalaki ang dumaan sa harapan nila na parang naghahanap din ng damit.
“Para sa girlfriend din po ba ninyo?” nilapitan naman siya ng sales lady na kausap nina Saber kanina.
“Wala akong girlfriend eh.” Napatikom ang bibig ng sales lady sa sinabi ng lalaki. “Nagtitingin lang ako ng magagandang damit. ‘yong tipong nakaka-agaw sa pansin”
Napatingin si Saber sa lalaki na mukhang seryoso nga sa sinabi niya dahil isa-isa niyang sinusuri ang bawat gown.
“S-Sir” nang makita ni Pearly na lumapit nga si Saber sa kanya ay nalaman niya kaagad ang balak ni Saber.
Napatingin naman ang lalaki sa kanya.
“Can you choose one gown that you would like?” napakunot naman ang noo ng lalaking iyon dahil bigla-bigla siyang kinakausap ng isang taong hindi niya kilala.
“One gown that would stand out for you…” saber pleaded. Napatango naman ang lalaki at nagsimulang tinignan ang lahat ng mga gown na nasa rack sa harapan niya.
“First let me know what kind of woman—“
“She’s a narcissist” maagad na sumagot si Saber kahit hindi pa naitutuloy ng lalaki ang dapat sanang sasabihin niya. Medyo nagugulat naman ang lalaki sa tension na nararamdaman ni Saber.
“Here” he chose a royal blue gown.
“Hindi ba masyadong simple ito?” komento naman ni Saber habang nakatingin sa bestida. Wala masyadong burloloy ito.
“Oh..” Napatigil si Saber nang makita niya ang likod ng gown hanggang sa laylayan nito. Unti-unting nakita nito ang mga rose gawa sa mamahaling tela na nakatahi sa gown.
“You’ll see the beauty once you pay attention to it.”
***
NOELLE shouldn’t feel surprised if other people are staring at her. But tonight is different. Nang mag-lakad siya papasok sa malaking pintoan ng venue ay napatingin ang ilang guest sa bungad.
She ended up wearing the royal blue gown that Saber bought. Naka-tirintas naman ang buhok nito hanggang sa baywang niya at may suot na maliit na silver crown sa kanyang ulo. She looked like a real princess from a fairytale.
“Noelle Tan!” may tatlong babaing naghiyawan habang naglalakad siya sa carpet.
May dalawang body guard si Noelle na nagkaroon ng guest pass ngayong gabi, in case may lumapit sa kanya. Ayaw naman ni Noelle na mag-eskandalo at lalong-lalong ayaw naman niyang tumanggi sa invitation ni Ciarra. But Noelle doesn’t like it when strangers approach her, she may entertain them a bit but they should be one meter apart from her. Iyon ang purpose ng body guard ni Noelle. Of course, Saber is always behind her.
Nang namatay ang magulang ni Noelle ay nagpakuha ang kanyang lolo ng makakasama niya sa bahay. Si Saber ang pinakamatagal na niyang kasama doon. If there is a person that Noelle trusts other than her grandfather that would Saber.
May isang high table ang nakareserve para kay Noelle. Nang makapunta siya doon ay may lalaking lalapit sana sa kanya ngunit umiling kaagad siya kaya hinarang ito ng dalawang body guard niya.
Hindi lang isa ang nag-tangka kundi marami. Most of them are business man. Habang kinakausap ng maayos ng dalwang body guard ang ilang kalalakihan at kababaihan na gustong lumapit sa kanya at napatitig si Saber kay Noelle na umiinom lang sa kanyang wine naka-serve doon nang makarating sila.
She’s so lonely because she is so cold.
She’s alone because she always caged herself, and that’s how she protects herself from people who wants to bring her down.
“Sandali lang ‘to, Miss Noelle—“ Nagulat naman si Saber nang maitulak ng isang lalake ang isnag body guard na humarang sa kanya.
But Noelle was fast enough to fish out her retractable measuring tape. Nag-hatak ito ng isang metro at itnutok sa isang lalaki kaya naman napaatras siya.
Noelle was able to draw some attentions because of what she did. She wasn’t comfortable being seen this way by a lot of people.
They will think she is crazy..
Because who carries a retractable measuring tape on parties like this?
“Your sweat with a strawberry cologne is disgusting” Napatikom ang bibig ng lalaking iyon nang tinapunan siya ni Noelle ng napakalamig na tingin.
“The scent of strawberry is almost fading leaving the sweet scent alone which doesn’t go along with your sweat. Ah, your cigarette was fortune green.”
Nagsitawanan naman ang ilang mga guest na nakatuon ang atensyon sa kanila. Dahil napahiya ang lalaki, umalis siya sa harapan ni Noelle.
“She’s an expert in terms of smell. She can smell everything perfectly” bulong naman ni Saber sa kanyang sarili.
Nang makita ni Saber si Harlet na iniinterview ng ilang guest ay doon niya napagtanto kung bakit gan’on na lang kainit ang dugo ni Noelle.
“Saber, can I get a stronger wine than this” utos naman ni Noelle sa kanya.
Nag-request si Saber ng drink para kay Noelle, ngunit nang makabalik siya sa puwesto ni Noelle ay wala na siya d’on.
“That wine is Chivary 1890. So strong…” Napasinghap naman si Noelle habang naglalakad ito sa may garden ng venue. May ilang guest siyang nakaksalubong. Dahil medyo pagewang-gewang na ito ay nilalayuan siya ng mga nakaksalubong niya.
She made a mistake in drinking the wine that a certain waiter offered to her. Dahil na rin sa inis niya kaya nawalan siya ng control sa pagiinom.
“Bida bida na naman ‘yang retokadang Harlet na ‘yan!” inis na saad nito at napatigil sa paglalakad.
“You Harlet!” Nangigil si Noelle sa mga halaman na nasa harapan niya.
“Mas maganda ako d’on ‘di ba? Tell me!” she proudly says.
***
I’TS just so impossible for him not to notice such beauty. Itong kagandahan na ito ang nagpapaantig sa kanyang puso sa kasalukuyan. But he chose to leave her alone tonight. Instead he just stood there at watch her from a distance.
“Maybe, I am just a second leading man all along” ani naman nito at tuluyang nilagok ang baso ng champagne na hawak niya
“Naka-lima kana.” Sita naman sa kanya ni Eugene.
“Nagbibilang ka talaga” He laughed as he drink one glass of champagne again in one shot.
“Dapat sa kanto tayo tapos bumili na lang tayo ng ng Gin at C2. Pag-usapan natin ‘yan” Napahawak pa si Eugene sa kanyang balikat.
“Napaka-gago mong kaibigan” ani naman ni Ian at napatingin kay Eugene.
“Ang point ko lang huwag kang mag-lasing dito. Nakakahiya. Saka umayos ka ang daming girls na nakatingin sa’yo” Napalingon naman silang dalawa sa likod nila. Mayroong tatlong babaeng nakatingin lamang sa kanya.
Dahil hindi matiis ni Ian ang pagtalak ni Eugene sa kanya ay napilitan siyang lumabas ng venue. There was a huge garden outside, walang masyadong tao sa part kung saan siya nag-punta. This time he took a glass of whisky.
“Mirror Mirror! Tell me I am beautiful!” Naagaw ng atensyon niya ang isang boses ng babaeng sumisigaw. Nang makita niya ang babaeng nakaupo habang kausap ang mga halaman ay walang dudadng lasing ang isang ito.
“Mirror!” Pinagpipitas pa niya ang mga halaman dahil sa inis. As he walked towards that girl who is wearing a royal blue gown, she stands up.
“That’s not a mirror.”
“This is a mirror!” pagmamatigas naman nito. Namumula na ang kanyang pisngi at para bang tuluyan na niyang naiwala ang kanyang katinuan.
“Tell me, I’m beautiful right? Because I’m a royalty…”
Natahimik na lamang si Ian dahil sa pagkayabang ng babaeng kausap niya.
“I’m drunk..” Linakasan naman ni Ian ang kanyang tawa. Masyado siyang nalibang sa kakatitig ng labi ng babaeng kausap niya.
“But that dress looks so familiar,” Napatitig naman si Ian sa damit ng babaeng iyon.
“Stay one meter away from me!” Napaatras naman ito nang tangkahin ni Ian na lapitan siya.
“Your body is full of germs” turo pa niya dito.
“Who cares about that?” tuloyan namang lumapit si Ian sa babae
Ngunit nagulat na lamang ito nang may nilabas ang babaeng retractable measuring tape. Napakunot noo siya nang itinutok niya ang nahatak niyang tape. It was indeed one meter.
“Karpintero ka ba? Bakit may dala kang ganyan?” Hindi naman napigilan ni Ian ang mapatawa.
“I’m protecting myself” napawi ang ngiti ni Ian nang mapansin niyang namumuo ang luha sa mga mata niya. She seems scared. Bakit siya gan’on matakot?
“You will be nice at first and then you will betray me,” tinutok pa nito sa dibdib ni Ian ang retractable measuring tape nito.
“Why are you so scared?” tulirong tanong ni Ian habang nakatingin sa kamay ng babae na nanginginig.
“I’m protecting myself because no one will ever do that to me.” Nagulat naman si Ian nang biglang sumigaw ito.
“Pero hindi ibig sabihin ay ikukulong mo dapat ang sarili mo.”
“If I don’t build a guard between me and other people, they’ll just come over and hurt me till nothing will be left of me. I’ll save my heart, even if that means being alone forever.”
Maybe it’s because the alcohol or is his sole will to do what he is about to do.
Walang pasabing tinabig ni Ian ang retractable measuring tape ng babae at nahulog ito sa sahig. Mabilis na humakbang si Ian palapit sa kanya.
Hindi na nagawang umatras ng babae nang hinapit ni Ian ang kanyang baywang palapit sa kanyang katawan. Naramdaman niya ang panghihina ng tuhod nito, dahil na rin siguro sa panginginig niya kanina. Is she scared of him?
Pero papaano nagagawa ng babaeng makipagtitigan sa kanya.
“S-Stay… one meter… away from me,” pahina naman ng pahina ang boses ng babae at napipikit na ang mga mata nila.
“I said… who cares about that?”
Siguro nga nababaliw na siya.
Dahil nang dumapo ang mga mata niya sa labi ng babae ay kaagad niya itong hinalikan. He could taste the bitterness of the alcohol she just drank. Gumalay ng kaunti ang labi ni Ian at hindi niya kaagad nilubayan ang babae.
Parang hindi pa nakuntento si Ian at nilaliman niya ang kanyang paghalik sa babae habang hinawakan ng kanyang isang kamay ang pisngi nito.
***