Chapter 5

2679 Words
Chapter Five: The Contractor               “Huwag kang mag-alala, Harlet. Ikaw ang magmamay-ari ng mansion ni Noelle. Bilang na ang mga araw n’ya sa kanyang trono,” Hinawakan ni Robin ang balikat ni Harlet habang nag-aayos ng kanyang sarili sa harapan ng salamin. Mayroon kasi itong performance ngayon dahil sa Charity Project ng Tan Brothers. Si Harlett ang gustong maging modelo ng Tan Brothers ngunit si Noelle ang model sa kasalukuyan. Batid ni Robin na paboriti talaga ng ama n’yang si Henry ang anak ng kanilang kuya na namatay na.               “Albert is Dad’s favorite. Now that he is dead, I will be his successor and you, my darling… You will take Noelle’s place,”               Hindi naman napigilan ni Harlet ang mapangiti sa ideya ng kanyang ama. Bata pa lang sila ay nakakatanggap na si Noelle ng special treatment. Lumaki s’yang nainggit sa atensyon na nakukuha ni Noelle.               “Just focus on your dream. Si Daddy ang bahala okay?” Robin kissed Harlet’s hair before leaving the room.   ***               “Ah!” Nagulat na lamang si Ian nang bigla s’yang hinalikan sa buhok ni Eugene. Nananahimik lang naman ito pero bigla s’yang umakbay at nagnakaw ng halik.               “Bastos mo p’re! ano ba naman ‘yan” Napalayo si Ian at pinunasan ang kanyang pisngi.               “Puwede ba, kung gusto n’yo maglandian doon nga kayo.” Inis naman na napatiuna si Mina na lumabas ng sasakyan at pumasok sa gate.               Nakuha ng Royal Builders ang project with Ian’s tactic. Ikinagalak ito ng buong kumpanya. Isang linggo makalipas ang contract signing ay sisimulan ang project. Ngayon ang unang araw ng kanilang trabaho.               “Utang ko sa ‘yo ang lahat” ngiting-ngiti pa rin si Eugene habang papasok sila sa malaking gate.               Well that is Eugene, madalas nagiging clingy ito kapang tuwang-tuwa. He did the same thing when they got the project of RosaKing. Sanay na dapat si Ian dito pero nakakatakot din para sa kanya.               “Goodmorning Sir! Ma’am. Royal Builders po ano?” bati sa kanilang isang guard. May isang guard ding kasama ito at may hawak na tab. Ito yata ang ginagamit n’ya upang makompirma ang identity ng papaosk.               “Okay po. Proceed po muna tayo sa sanitation area dahil ngayon lang po kayo papasok,”               Mula sa guardhouse ay may isang babaeng nakasuot ng uniform ng maid at nakamask ang naghatid sa kanilang tatlo sa isang maliit na silid malapit din sa guard house.               “Pasok po muna tayo” Binuksan naman nito ang pintoan. Parang sing lawak lang ng isang tipikal na elevator ang sukat ng maliit na silid na pinasukan nila Ian.               “Ano ba ito? elevator—“ naputol ang sasabihin sana ni Eugene nang bigla silang binasa sila ng mga sprinklers sa loob.               “Alcohol…” Halos sumingkit na ang mata ni Mina nang maamoy n’ya ang likidong bumabasa sa kanila.               Nang matapos dumaan sa disinfection room sina Ian at pinagpalit sila ng damit na ibinigay ng maid. Kanina pa kinakalikot ni Eugene ang kaniyang cellphone. Mabuti na lang at waterproof ito.               “It’s good to see you, Mr. Albayalde,” Nang makapasok sa mansion sina Ian ay sinalubong kaagad sila ni Saber. Nakipagkamayan pa ito sa kanila.               “Darating na ‘yung ilang mga tao naming mamaya at ‘yung truck na lalagyan ng lupang bubungkalin, Dadaan din sila sa pinagdaanan namin?” tanong naman ni Eugene.               “Lahat po ng papasok ay dumadaan sa disinfection area,” Napahawak sa batok si Eugene dahil sa sagot ni Saber.               Ian just laughed softly. Hindi nga biro ang pagiging Germaphobia ni Noelle.               “Bago po natin simulan ang project may ilang rules lang po si Miss Noelle na gustong ipaalala sa inyo. I hope you can also discuss this to your workers. So shall we go to my office?”               Malawak ang mansion ni Noelle. Baka sang expansions na nagawa rito dahil hindi lahat ng parte ng mansion ay pareparehas ng materyales, Ian and her friends could tell that at first glance.  But the motif of the mansion overall is like a Modern Castle.               Parang isang grand suite naman ang office ni Saber. It makes sense dahil s’ya lang naman ang kanang kamay ni Noelle.             Nang makaupo sina Ian sa couch ni Saber ay may sumunod na maid sa kanila at nagdala ng cake at coffee. Umupo naman si Saber sa couch na tapat nila. May hawak-hawak pa itong folder.               “Itong mga sasabihin ko ay ilan lang sa mga pinakaayaw ni Miss Noelle na naamoy. Unang-una sa lahat ang mabahong laway, pawis, body odor, alikabok at halo-halong pabango. Alam naman natin na ang pabango ang last resort natin kung gusto nating takpan ang ating amoy. But Noelle doesn’t like cheap colognes. Nandito iyong listahan ng mga pabangong ayaw n’ya”               Napanganga na lang si Eugene nang inilapag ni Saber ang isang folder. Medyo makapal ang papel.               “Pero syempre ayaw naman nating magkahalo-halo ang pabango rito… Noelle will give you perfumes na pasok sa panlasa n’ya,” Napatingin sina Ian sa kanilang gilid nang ituro ni Saber ang malalaking box doon na naglalaman ng pabango.               “I-check n’yo na lang ang listahan kung may pabango kayong gano’n ay idispose na lang. Next” Bumagsak ang balikat ni Eugene nang sinabi pa ni Saber ang slaitang ‘Next’.               “Everytime na bibisita si Miss Noelle sa site ay dapat titigil ang pagtratrabaho. Dahil nga ayaw ni Miss Noelle ang maalikabok.”               “Pangatlo naman, may pagkain kaming ihahanda sainyo, para na rin maiwasan ang pagkain ng mga maamoy na ulam kung sakali man. Dahil ayaw ni Miss Noelle ang mga tuyo, sardinas, papaitan at marami pa. Marami ang nandito kaya i-check na lang ninyo.” Naglapag ulit si Saber ng panibagong folder sa mesa.               “Pang-apat. Huwag lalapit kay Miss Noelle. Sa akin idadaan lahat ng sasabihin… Except kung si Miss Noelle ang magpapatawag sa isa sainyo. Alam naman na natin ang golden rule ni Miss Noelle diba?”                 “Stay one meter away.” Saad naman ni Ian na mukhang kanina pa bagot na bagot.               “Pero nilabag mo ‘yon at hinalikan mo ang amo ko,” Napatitig naman si Saber kay Ian. “Mabuti na lang at LIGTAS ka.” Dagdag pa nito.               “Iyon lang naman. Let’s follow these rules para pare-parehas tayong magtagal sa trabaho, are we clear?”               Tumango naman si Mina at Ian. Napatitig si Saber kay Eugene nakanganga pa rin hanggang ngayon.               Sinarado naman ni Mina ang bunganga ni Eugene at sinapak ang braso nito upang bumalik sa ulirat.               “Lahat ng ayaw ni Miss Noelle mukhang magagawa naming. Construction workers ang gagawa ng palasyo n’ya,” nababagabag naman si Mina.               “But that’s how we do it. Hindi naman ito ang unang beses na nagpaexpand si Miss Noelle,”               “Nalusotan naman nila, kayang-kaya natin ito.” Tumayo naman si Ian at naging palaban ang boses nito.   ***               “Darating na rin ‘yung mga materyales para sa Museum ni Noelle. Ikaw na ang magsupervise no’n” sabi naman ni Eugene habang pinapanood nila ang mga construction workers nila na  nagbubungkal ng lupa para sa pagpoposte nila.               “Oo nga pala, nagpaalam ka kay Lyan?” Napangiti naman si Ian habang nakatitig sa mga trabahador nila.               “Maayos akong nagpaalam sa kanya.”               Eugene nodded as he stared at Ian. “But you look fine now. Kumpara noon.”               “May lovestory si Chase at Lyan. Sakanila ‘yon. Mayro’n din sa akin…”               “Parating na po si Miss Noelle…” Napalingon sina Ian at Eugene nang tumakbo ang isang trabahador nila papunta sa kanila. Nagsitigil naman sila sa pagbubungkal. Eugene fished out his perfume from his pocket. Kinuha nito ang perfume na galing kay Noelle. Gano’n din ang ginawa ng kanilang mga trabahador. It turns out hindi lang sina Eugene ang may alam sa ugali ni Noelle, some of them are already aware of it.               “At malay mo ‘yan na ‘yung bidang babae…” Napatingin naman si Ian sa babaeng nakasuot ng brown na boots. Style ng isang cowgirl ang pormahan ni Noelle. May suot itong sombrero ngunit may hawak paring payong si Saber para sa kanya. Nasa likod din  n’ya ang tatlong maids nito.               “Napaka-joker mo talaga” Napailing-iling na saad ni Eugene.               Lumapit nang kaunti si Eugene at Ian sa kanya. But they observed such distance.               “Good Morning Miss Noelle. Nagbubungkal pa lang po kami. Nakaalis na po ‘yong isang truck na naglalaman ng mganabungkal na lupa. Itatambak po naming sa bakanteng lote,” pahayag naman ni Eugene.               “What?”               Nagtinginan naman si Ian at Eugene. Marahil ay hindi masyadong narinig ni Noelle ang sinabi ni Eugene dahil may distansya sila mula sa kanya lalo na’t nasa open area sila.               “Nagbubungkal… kami lupa…” sinubukan naman in-action ni Eugene ang sasabihin n’ya ngunit hindi pa rin yata naiintindihan ito ni Noelle.               Ian was brave enough to walk closer to her kaya naman nanlaki ang mga titig ni Eugene at ni Noelle.               “Ano’ng almusal mo kanina?” Nakapamaywang na tanong naman ni Ian nang makalapit siya sa kanya. Ian is just half meter away from her now. Ngunit kanina ay sinobrahan nila ang isang metrong layo na rule nito dahil nga ay paniguradong maamoy n’ya ang dalawang ito since they worked under the sun at maaliakbok ang ginagawa nila.               “One meter,” Nilabas ni Noelle ang retractable measuring tape nito at itinusok n’ya ang nahatak na isang metro kay Ian kaya napaatras ito               “Bakit ka ba may ganyan?” Napangiti naman si Ian nang makita n’ya ang hawak nitong metro.               “Why do you care?” Pinagtaasan naman s’ya ng kilay nito.               “Marami akong metro, may foldable rin ako na kahoy baka gusto mo ‘yon? Puwede na ring self defense,” Parang napansin ni Ian na lalong nainis si Noelle nang kinindatan n’ya ito.               “You’re not using my perfume,” Nagdilim naman ang paningin ni Noelle pagkatapos nitong pumikit sandal upang maamoy si Ian.               “Hindi ako sanay sa ibang amoy,” sagot naman ni Ian.               “Okay fine. Tabi… gusto ko makita ang buong lupa ko,” dumirederetso naman si Noelle na nilagpasan si Ian, sumunod naman ang mga alipores nito.               “Wait—“ ngunit huli na ang babala ni Eugene dahil naglakad si Noelle sa mga parte ng lupa na hindi pantay. She was caught off guard at napatapilok ito na sanhi nang pagkaupo n’ya sa sahig.               Itinayo naman agad s’ya ni Saber. Noelle seems pissed off so Eugene tried to avoid her glares when she craned her back to see him. Pinagpag ni Dorothy ang legs ni Noelle na mayroong kaunting lupa na dumikit.               “Sandali…” akmang maglalakad sana ulit si Noelle ngunit humarang sa kanyang dinadaanan si Ian na may hawak nap ala.               “Atras ka ng isang metro,” ngiting saad ni Ian.  Nang sinimulan ni Ian na magpala ng lupa ay napaatras s’ya. At first Noelle doesn’t understand why he was doing that. Pero nang umatras pa si Ian ay unti-unti n’yang narealize na ginagawang patag ni Ian ang lalakaran n’ya.               Noelle doesn’t understand why she felt heat from her cheeks. Nag-iwas na lang ito ng tingin kay Ian.               “Lakad na, Kamahalan,” Lumipat naman sa gilid si Ian, habang hawak-hawak ang pala n’ya.               Nang maiapak ni Noelle ang paka n’ya ay medyo stable na ang lupa.   ***             “Walang kanin?” bakas ang pagkadismaya sa mga mukha ng mga trabahador na nakatingin sa mahabang mesa kung saan nakalagay ang mga pagkain. Mayroong Pantry na hinanda ang grupo ni Noelle para sa mga trabahador nila. Malawak ang pang mayaman ang style pati ang mga pagkain.               But a typical Filipino construction worker would prefer a rice meal kahit simpleng ulam lang.               Ang naserver na pagkain ay more on Italian dishers today.               “Papaitan sana saka kanin…” napahagod si Ian sa kanyang tyan.               “Kahit isang pirasong itlog lang tapos maraming kanin” sabi naman ng foreman n’yang si Ace.               “Kung palaging ganito ang pananghalian ng mga trabahador natin baka hindi nila kayanin magtrabaho…” nag-aalala naman si Eugene na bumulong kay Ian.               “Kumain muna kayo, susubukan kong ipakausap na magdadagdag ng kanin bukas” ang sabi naman ni Ian sa kanila.               “Pero ang sarap… kaso mas masarap kapag may kanin” narinig naman nina an ang usapan ng kanilang mga trabahador.               “Bakit may mga katulong do’n?” Napalingon naman si Ian sa direksyon kung saan  nakatingin si Eugene. Nakita n’ya ang ilang katulong na nagtutulakang pumasok sa Pantry.               “Puwede kayong makikain, marami ito!” Lalo pang nagkagulo ang ilang babaeng maids na nasa bungad nang magsalita si Ian.               Pumasok naman ang mga maids. Umatras naman si Ian para paunahin silang pumili ng mga pagkain. Nakangiti silang lahat sa kanya kaya gumaganti rin ng ngiti si Ian. Eugene just smirked upon realizing their motives... That should be Ian.               Eugene, Ian and Mina are friends ever since college. Si Eugene ang pinakaunang nakapag-asawa sa kanila, si Mina naman ay mayroong fiancé. Ian is the only one left single. Eugene always commends Ian’s handsomeness. Natural na Pilipino ang kaguwapuhan ni Ian, wala kang makiktang burloloy sa katawan kundi ang relo nito. He always wears simple and neat. Ngunit nagkakamali nga lang ng minamahal madalas ang kaibigan n’yang ito…               “Sinong nagsabing puwede kayong kumain?” Mistulang napatigil silang lahat nang marinig nila ang boses na ‘yon. May ilang trabahador pa na isusubo n asana ang pagkain kaso itinigil nila ito pansamantala.               Ang tunog ng heels ni Noelle ay ang tanging ingay na naririnig nila dito sa pantry. Noelle changed her clothes at mukhang may lakad ito. Naka heels ito at naka off-shoulder na floral dress. May ribbon sa gilid ng buhok nito at nakalugay ang kanyang buhok hanggang sa kanyang baywang. Kahit hindi pa ito nakakalapit ay amoy na amoy na ang pabango n’ya.               “Para sa mga trabahador ‘yan. You have your own food.” Parang nasisindak ang mga maids na napatingin sa kanya. Bago pa man s’ya makalapit kina Ian ay dali-daling nagsialis ang mag maids n’ya.               “Ganda mo naman kamahalan, saan ba ang lakad?” abot tenga na naman ang ngiti ni Ian. Sinenyasan naman s’ya ni Eugene na itigil ang pang-aasar n’ya.               “Don’t talk to me dahil umiinit na naman ang ulo ko sa ‘yo!” Napakalukipkip naman si Noelle at inirapan pa si Ian.               “Naku, patay kang bata ka…” tinignan naman ni Ian si Noelle mula ulo hanggang paa. Hindi naman mawari ni Noelle kung bakit parang nag-aalala ang ekpresyon sa mukha ni Ian.               "Nag-iinit na ulo mo n'yan? May damit pa ako. Paano na lang kung wala na? May makakapigil pa ba sa 'yo?" pinasadaan naman ni Ian ng tingin ang kanyang katawan. Nahagip ni Ian sa gilid ng mga mata n’ya ang mariing pag-pikit ni Eugene sa sinabi n’ya.               “You, dirty kisser!” Noelle seemed like a bomb that just exploded. Without prior thinking he grabbed Ian’s collar to pull him closer to her. Napataas naman ang kamay ni Ian nang magkalapit na sila.               Wala nang isang metro ang layo nila sa isa’t-isa.               “Oops,” Tila nagpipigil naman ng tawa si Ian nang magtitigan silang dalawa ni Noelle.               “Laplap ulit?” he grinned.  It was just then that Noelle realized what she was doing. Agad n’yang binitawan si Ian at napaatras.               “Stay two meters away from now on! That’s an order!” turo naman ni Noelle kay Ian na ngiting-ngiti pa rin hanggang ngayon.               Galit namang napa-walk out si Noelle. Nagtpatuloy naman ang mga trabahador sa kanilang pinagkakabalahang pagkain kanina.               “Tigilan mo na nga ‘yang laplap na sinasabi mo,” Nang makaalis si Noelle ay lumapit si Eugene kay Ian.               “Eh ano ba ang tagalog no’n? Malaway na halikan? Hindi ba mas masagwa?” reklamo naman ni Ian habang kumukuha ng pinggan at kutsara n’ya.   ***   Single pala si Ian, eh ‘di puwede pang masulot?   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD